Inis na hinampas ko ang lamesa habang nag-aalmusal. Hanggang ngayon ay hindi pa rin naaalis sa isip ko ang sinabi ni Mr. Ashton na kasali ako sa pagpaplano ng kasal kuno naming dalawa.
Like duh? Excuse me?! Ako?! Magpaplano na ikasal sa kanya? No way! I do like him. I admire him from afar but not to the extent na pakakasalan ko sya 'no! At sa ugali nya? Patayin nyo na lang ako bago ko pakasalan ang lalaking 'yon!
'Are you really waiting for me to kiss you?' Iyon ang huling tanong nya kagabi bago ako tuluyang iniwan.
"Damn you." Mahina, puno ng gigil na saad ko saka marahas na inilapag ang tasa na hawak ko. Ilang ulit ko na syang pinatay sa isip ko pero hindi pa rin gumagaan ang kalooban ko.
"Cassandra, are you okay?" Tanong ni Mommy. Nang lingunin ko sya ay puno na ng pagtataka ang mga tingin nya sa akin.
"Ayos lang po ako, mom. Sorry po."
"Did something happen between you and Luke kagabi?" Muling tanong nya. Pakiramdam ko ay muling uminit ang ulo ko nang marinig ang pangalan nya.
Ang lalaking iyon! Kung hindi lang sya anak ni Ninang ay baka nasapak ko na talaga sya kagabi dahil sa kayabangan nya!
He's really the opposite! Yung hinahangaan ng lahat ay ibang-iba sa Luke na nakasama ko kagabi. As in iba! Para syang nag-evolve. Mabait sya sa school, strikto at mamahalin mo ang presenya nya pero kagabi, parang gusto ko na lang na bumangga ang kotse nya habang nagmamaneho sya nang matigil sya sa kakadaldal ng walang kakwenta-kwentang bagay.
"He is really sweet, anak, isn't he? Biruin mo, ginamot nya ang sugat mo at—"
Hinayaan ko syang dumaldal lang ng dumaldal patungkol kay Mr. Ashton. Isinandal ko na lang ang sarili sa silya at muling pinaglayag ang isipan sa dagat ng ideya kung paano ko magagantihan ang taong iyon.
"Cassandra!" Naibalik ako sa reyalidad nang mahinang hampasin ni Mom ang lamesa. "Eat." Dagdag nya pa na isinenyas sa akin ang pagkain.
Nagtuloy ako sa pagkain bagaman ramdam ko pa rin ang inis. Kung nakakapagsalita nga lang siguro ang hotdog na nasa plato ko, baka minura na ako nito.
"Oh, maybe he's here," saad ni Mom nang marinig ang pagbusina mula sa labas.
I gave my mom a questioning look pero imbis na sagutin ako ay binigyan nya lamang ako ng malapad na ngiti. Sino nanaman ang nandito?
"Wait lang, anak. Let me go get him." Sinundan ko sya ng tingin nang tumayo ito saka nagmamadaling nagtungo sa sala ng bahay.
"Late na ako!" Bulalas ko nang makita ang orasan. Mas binilisan ko ang pagkain at nang matapos ay kinuha ko ang bag at mabilis na tumakbo palabas ng kusina pero ganoon na lang ako kabilis natigilan nang makita si Mr. Ashton na nakaupo sa sofa namin habang masayang nakikipagkwentuhan kay Mommy.
Ano nanaman bang kailangan ng lalaking ito?!
"Good morning." Pagbati nya saka ngumiti. Iyong ngiti na hindi makalaglag panty kundi nakakainit ng ulo. I rolled my eyes saka marahas na hinawakan ang bag na dala.
"Mom, I'm going." Paalam ko kay Mommy pero mukhang mahina na ang pandinig nya dahil nakangiti syang lumapit sa akin saka ako inakay palapit sa kinaroroonan ni Mr. Ashton.
"Anak, mabuti naman at tapos ka na," ani Mommy na halos mapunit ang mga labi sa pagkakangiti. "Look, Luke is here to pick you up." Pagmamalaki nya na animo'y kailangan kong ipagpasalamat ang bagay na iyon.
At talagang planong sirain ng lalaking ito ang buong araw ko ha?!
Inis na tinignan ko sya. Is this hell? Parang nakikita ko si Satanas sa kanya or maybe he is Satan himself at nagdidisguise lang sya bilang si Mr. Ashton to pissed the hell out of me!
"And why in the world would you pick me up, SIR?" Pinagdiinan ko ang huling salita. Hindi ko maiwasang magtunog bastos dahilan para mahinang kurutin ni Mommy ang braso ko.
"Because I wanted to," salita nya. Pakiramdam ko sa mga oras na ito ay ako na ang pinakabobong tao na nabuhay sa mundo sa paraan ng pagsabi nya non.
Sinabi nya bang dahil gusto nya ha? O baka gusto ng Mommy nya?!
Halos magsuntukan na sa pagsasalubong ang mga kilay ko ng lingunin sya. "What?"
"Bingi ka ba?"
Fvck! Kung ito ang lalaking magsusundo sa akin araw-araw, mas gugustuhin ko na lang magcommute! Hindi pa ako patay pero pakiramdam ko ay nasa impyerno ako kapag sya ang kaharap ko! Argh!
"At bakit mo naman ako susunduin ha?" Mataray na tanong ko na nakataas pa ang isang kilay at nakapameywang na nakatitig sa kanya.
Mr. Ashton smirked na tila ba hindi nya mapaniwalaan ang inaakto ko ngayon. Hindi sya nagsalita pero rinig ko ang matunog na pagbuga nya ng hininga.
Ayan. Tama yan. He should know his place. I am Cassandra Hernandez for a reason. I may look good pero I can be a bvtch at times.
"Cassandra!" Mom shouted and pinched me. Malakas akong napadaing. Pakiramdam ko ay talagang natanggal ang balat ko kung saan nya ako kinurot but gladly when I look at it, tanging pamumula lamang ang nakita ko.
I gave her my what-look to ask her kung ano nanaman ang maling nagawa ko.
"Ganyan ba ang pagtrato sa bisita?" May inis na tanong nya. I rolled my eyes nang ibaling nya ang atensyon kay Mr. Ashton. Bisita ba ang isang ito? Para sa akin ay isa syang bwisita!
Susko. Kung alam nya lang kung paano ako napahiya kagabi dahil sa kagagawan nila ni Ninang, how this man accused me of being an avid fan and a stalker to the point of asking for an arrange marriage, ewan ko lang kung magiging bastos pa nga ba ang tingin sa akin ni Mommy.
"I'm sorry." May sama ng loob na saad ko.
Iniwas ko ang paningin saka ilang ulit na pinatay si Mr. Ashton sa aking isip.
"Go. Sumabay ka na kay Luke. He made an effort para sunduin ka." Tila nangongonsensya na salita ni Mommy.
As if naman sinabi ko na sunduin nya ako, hindi ba?!
"I can drive, mom."
"Your ninang is right. Hindi safe para sa babaeng tulad mo ang magdrive," tugon nya. Nanlalaki ang mga matang pinakatitigan ko sya, umaasa na bawiin nya ang binitawang salita pero nabigo ako nang nakapikit syang tumango sa akin na tila ba pinapaintindi ang sitwasyon.
"Equality, hello?"
Mom believes in equality, na lahat ng kaya ng lalaki ay nagagawa rin naming mga babae, so ano ang nangyari doon? All of a sudden, why is she treating me like a child? At saka really? Hindi safe? E, ilang taon na akong nagdadrive at ang huling regalo nya sa akin ay iyong kotse na ginagamit ko tapos ngayon na biglang nakilala nya si Mr. Ashton ay hindi na kaagad safe? Ha.ha. Mom's making me laugh!
"Isa!"
"I can drive myself, mom! Ilang taon na akong nagdadrive pero wala ka namang—"
"Dalawa."
"Fine! Pero ngayon lang!" Pagsuko ko. Paniguradong mas lalo akong mapapahiya sa harap ng lalaking ito kapag umabot ng tatlo ang bilang ni Mommy.
Malaki ang ngiting isinukbit nya ang braso sa akin saka pilit akong iniharap kay Mr. Ashton.
"Just this one!" Dagdag ko pa na iminuwestra pa ang kamay ng isa.
Tatango-tango nya akong itinulak patungo kay Mr. Ashton and all I can do is to heave a sign dahil wala na akong magagawa sa kakulitan ni Mommy.
"Yes, anak. Mag-ingat kayo ha? You can hold hands but kissing while driving is a big—"
"Mom!" I stopped her. Nang marinig ang mahinang pagtawa ni Mr. Ashton ay mabilis ko syang nilingon saka sinamaan ng tingin. Uubo-ubo kunwari naman itong nag-iwas sa akin saka binalingan ng atensyon si Mommy upang magpaalam.
"Kidding. Go. Take care of her, Luke." Habilin ni Mommy na hindi nawawala ang ngiti sa mga labi. She looks so proud while bullying her only daughter.
"I will, Tita." Nakangiting tugon nya dahilan para mapatitig ako sa kanyang mukha. His genuine smile is really something. Para ako nung hinahatak papunta sa kung saan and—
"You're drooling again, Ms. Hernandez."
Aligaga akong umayos ng tayo saka iniwasan ang tingin nya matapos syang marinig na magsalita. I can hear my mom giggling pero hindi na ako lumingon pa. Baka mamaya ay namumula na ang mga pisngi ko at lalo nya pa akong asarin ano!
"Mauna na po kami, Tita."
"Tita mo mukha mo." Mahinang bulong ko saka magkakrus ang braso na inismiran sya at nagpatiuna nang lumabas.
"Are you saying something, Ms. Hernandez?"
Pakiramdam ko ay tumigil ang aking paghinga nang iharang nya ang isang kamay sa nakabukas na pinto ng kotse dahilan para makulong ako roon. Ilang ulit akong nagbuga ng malalim na hininga habang nakatitig sa mapupula nyang mga labi at bago pa man ako makagawa ng kasalanan ay nag-iwas na ako ng tingin.
Umiling ako saka peke syang nginitian. "Wala po, Sir,” tugon ko saka pabagsak na isinara ang pinto ng kanyang kotse.
Pagkaminamalas ka naman talaga, o! Akala ko tapos na ang problema ko sa kanya kagabi, hindi naman sinabi sa akin na nagsisimula pa lang pala! Edi sana naman nakapagprepare ako kahit papaano, hindi ba?! Bwisit.
“Ano ba?!” Inis na tanong ko nang maramdaman ang hininga nya sa aking tainga. “Pwede bang lumayo ka sa akin. Ayokong halikan–“
“Stop imagining things, Sandra. Inaayos ko lang ang seatbelt mo.” Nakangising putol nya sa aking sasabihin dahilan para makaramdam ako ng matinding hiya.
Pakshit na malagkit! Bakit nga ba iba ang naisip ko don?!
Inis na ibinaling ko ang paningin sa labas matapos nyang umayos ng upo at kailan pa naging Sandra ang pangalan ko? Nasaan na rin ang formalities na sinasabi nya sa akin kagabi?!
"Your mom likes me," aniya saka inistart ang sasakyan. Hindi ko alam kung masaya nga ba talaga sya o talagang nang iinis lang.
Walang buhay na tumango ako, "me too." Ipinatong ko ang siko sa may bintana ng kotse at inis na tumingin sa labas.
"I know." May pagmamalaking saad nya saka nagsimulang magmaneho. Hindi ko alam na ganito sya ka-assuming. Sa sobrang gwapo nya, umabot din sa langit ang pagiging bilib sa sarili ng taong ito.
Nagbuga ako ng marahas na hininga. "I'd like to watch you bath on your blood."