Paulit-ulit akong napamura sa isip. Sa dinami-rami ng may pangalang Luke sa mundo, bakit sya pa ang anak ni Ninang ha?
"G-good evening, sir." Pagbati ko saka nag-iwas ng tingin. Ramdam ko ang pagkailang dahil hindi nya iniaalis sa akin ang kanyang atensyon.
"Let me take a look," aniya. Gustuhin ko man na tumanggi ay hindi ko na nagawa nang agawin nya ang kamay ko saka tinignan ang sugat sa aking daliri.
Nanatili akong nakatitig sa mukha nya habang paulit-ulit nyang hinihipan ang sugat ko.
"Aray!" Pag-angal ko nang maramdaman ang hapdi nang may kung ano syang ilagay. Binawi ko ang aking kamay pero mabilis nya iyong muling kinuha.
"Stay still. I'll be extra careful from now on," saad nya saka nilalagyan ng band aid ang aking sugat. Fvck! Why do I feel hot?!
Mabilis kong iniwas ang paningin. Paniguradong ako na ang may pinakamapulang pisngi sa mga oras na ito!
So, this is his other side. The strict Luke Ashton is a caring one?
"Oh, you two know each other?! That's great!" Parang bata na pumalakpak si Ninang. Ang inis na nahihimigan ko sa kanyang tinig kanina ay napalitan ng saya.
I stayed silent. Hindi ko alam kung magpapasalamat nga ba ako sa kanya o ano.
"She's my student. Business law," tugon ni Sir Luke saka binitawan ang aking kamay. Pormal na pormal ang pagsasalita nang muling mag-angat sa akin ng paningin.
It feels like he is teasing me by his smile. Kvll me now, please!
Namilog ang mga mata ni ninang habang nagpapalit-palit ang tingin sa aming dalawa. I once told her I like my professor, kahit hindi ko sabihin sa kanya ang pangalan, alam kong may ideya na sya sa kung sino ang tinutukoy ko. Actually, pwede na ngang maging fortune teller si ninang, e.
Palihim kong sinipa ang paa ni Sir Luke dahilan para kumunot ang noo nya habang nakatingin sa akin.
"What?" Tanong nya. Umiling naman ako bilang tugon saka muling ibinalik ang tingin kay Ninang at binigyan sya ng naiilang na ngiti.
Nang hindi alisin ni Sir Luke ang tingin sa akin ay bahagya kong kinurot ang tagiliran nya dahilan para mapadaing ito sa sakit.
Bukas ko na siguro poproblemahin ang pinaggagagawa ko ngayon.
"What is your problem, Ms. Hernandez?" May inis na tanong nya. "Is that how you say thank you?"
Halos maiyak na ako nang ilingan sya. Bakit ba hindi na lang sya manahimik kahit ngayon lang?
"Is he—"
"I'm done!" Mabilis na pagtatapos ko sa sasabihin ni Ninang. At base sa pagkakangiti ni ninang, alam kong nakumpirma na nya ang kung ano mang tanong na nasa isip nya.
"Am I what?" Tanong ni Sir. Nagpapalit-palit ang tingin niya sa amin ng kanyang ina habang nagsusuntukan ang mga kilay sa pagkakasalubong.
I can feel my hand shaking under the table. Iniyuko ko ang aking ulo para hindi tuluyang magtama ang mga mata namin ng aking propesor.
Fvck! Gusto ko na lang kainin ng lupa ngayon!
"Nothing." Masiglang tugon ni Ninang. "You didn't told me it was him, inaanak ha?" Tudyo pa ni Ninang dahilan para mas lalo akong makaramdaman ng hiya.
"Mom!" Mr. Ashton raised his voice. I was dumbfounded. Inangat ko ang aking mukha para makita sila. What happened to his childish side nang kausap nya si ninang sa phone kanina? Is he not in the mood?
He's frowning. Look how handsome— shut it, Cass!
"It's nothing, okay? Stop raising your voice at me. I am your mom." Nakangiwing baling nya sa anak na hindi na maipinta ang mukha.
"Do you have a boyfriend?" Ninang asked while secretly looking at her son. Matipid akong ngumiti pero nawala iyon nang ibaling nya sa akin ang paningin saka muling tinanong ang kaninang tanong nya. "Do you have a boyfriend?"
Fvck it! Why did I assume na si Mr. Ashton ang tinatanong nya? Boyfriend, Cass! Boyfriend. So technically, ikaw ang tinatanong!
"N-none," tugon ko at muling nag-iwas ng tingin. Why am I stuttering? Anong nakakahiya sa pagiging single ha, Cassandra?
"We'll, Luke here is also single. Why don't you—"
"Don't cross the line, mom." Awat ni Mr. Ashton.
Wala nang nagtangka pang magsalita sa amin matapos iyon. Namayani ang mahihinang hagikhikan nila mommy lalo na nang muling magtama ang paningin naming dalawa ni Mr. Ashton.
"What is it, Ms. Hernandez?"
Halos mapatalon ako sa gulat nang maramdaman ang hininga ni Mr. Ashton sa aking tainga.
Nang lingunin ko sya ay nagtatanong na ang mga mata nito sa akin.
"A-ano yon?" Utal na tanong ko.
"Are you having secrets with my mom?"
"Ha? Wala naman, Sir."
"Then why do I feel like there's something you two know na hindi nyo sinasabi sa akin?" Naniningkit ang mga matang tanong nya. Ipinatong nya ang pisngi sa kanyang palad saka ako pinakatitigan.
Pakiramdam ko ay may kung anong bumara sa lalamunan ko habang tinititigan sya. This is the first time na natitigan ko sya ng malapitan and all I can say is wow. Mukhang mas makinis pa sa akin ang balat nya. Walang pores at napakapula ng mga labi—
"Stop drolling, Ms. Hernandez. Tinatanong kita."
Mabilis akong umayos ng upo nang marinig ang sinabi nya. Palihim kong pinunasan ang labi ko at nang marinig ang mahinang pagtawa nya ay salubong ang kilay na nilingon ko sya.
"Baka feeling mo lang yon? Assuming ka?"
"What?"
"You two look good together." Sabay kaming napalingon ni Mr. Ashton nang marinig ang boses ni Mommy.
And now this is awkward. Rinig ko ang pagsinghal mi Mr. Ashton pero hinayaan nya lang ang mga nakatatanda sa mga sinasabi nito. Palihim ko syang nilingon pero agad akong nag-iwas ng tingin nang muli nya akong lingunin.
Bakit ba kailangang sya pa ang anak ni ninang?! Pasimple kong sinabunutan ang sarili. Sabagay, ano naman, 'di ba? Hindi naman ako makakasal sa lalaking ito kaya pwede ko naman na sigurong pagtyagaan na makita sya maski ngayong gabi.
"Are you okay, hija?" Rinig kong tanong ni mommy, naroon ang panunudyo sa kanyang mga ngiti.
Mabilis akong umayos ng upo, "I-I'm fine."
Hinayaan ko silang magkwentuhan. Panay ang pagtango ko sa tuwing tatanungin nila ako kahit wala naman talaga akong maintindihan sa mga pinagsasabi nila.
"Magkakaraoke kami. Gusto mo bang sumama?" Pagkakuwan ay tanong ni mommy. Agad akong tumayo at isinukbit ang aking bag nang mapansing hawak na ni Mr. Ashton ang inuupuan ko para alayayan akong tumayo. "Thank you." Salita ko pero tinaasan lamang nya ako ng kilay.
"I'll pass, mom. Pagod po talaga ako ngayon, e. I'm sorry, ninang." Magalang na tugon ko kay mommy.
I badly wanted to go home para makaligo na at matulog at syempre para makalayo na rin kay Mr. Ashton. His presence is making me crazy. Kahit sa layo namin ngayong dalawa ay amoy na amoy ko ang napakabangong pabango nya.
"It's fine, ano ka ba?! Luke wouldn't mind na ihatid ka," aniya na hinampas pa ang braso ko.
"Ah hindi na po, kaya ko na hong magcommute." Mabilis na pagtanggi ko.
"Gabi na. Mahirap na magcommute ngayon. Ihahatid ka na lang ni Luke. Right, anak?"
Mr. Ashton nodded at saka ako pinakatitigan. Nang hindi ko makayanan ang mga tingin nya ay agad akong nagbawi ng tingi't muling hinarap si ninang.
"It's fine po, ninang. Magtataxi na lang po ako."
"Anak." Mom extended her hand to reach for mine. "Tama ang ninang mo, masyado nang malalim ang gabi para magtaxi ka pauwi mag-isa."
"I can handle myself, mom." I know she knows. I am her strongest princess after all.
"Let's just go home kung hindi ka papayag na magpahatid kay Luke." May halong pagtatampong saad nya. Hinawakan nya ang kamay ko saka hinila patungo sa pinto pero bago nya pa man tuluyang mabuksan iyon ay agad kong binawi ang aking kamay.
"Mom." I can feel the guilt kick in the moment I saw her sadness or yon lang ang inaakala ko. Dahil ang mga sumunod na salita nya ay sapat na para maintindihan ang gusto nyang mangyari.
"I am worried, okay? Let's go. Saka lamang mawawala ang pag-alala ko kapag ako o si Luke na ang maghatid sa'yo."
And there we go. Her motive. Nahilot ko ang aking sintido nang maisip na wala na akong magagawa.
Ayokong putulin ang oras nila ni ninang ngayon pero ayoko na rin naman sumama sa gusto nila. I'd rather read book than to be on those loud places, masyadong masakit sa tainga.
"Fine!"
"Yiee. You wouldn't mind naman, ano Luke?" Baling nya kay Luke na nananatiling nakatayo sa aking likuran.
"It's fine, tita. Please have some fun," aniya saka bahagyang yumuko.
Napasinghap pa ako nang maramdaman ang paghawak ni Mr. Ashton sa baywang ko. "Let's go." Yaya nya saka binuksan ang pinto ng kotse.
"T-thank you."
Nahihiya akong sumunod sa kanya hanggang marating namin ang kotse. At dahil gentleman sya ay hindi nya na ako pinagbuksan pa ng pinto.
Nanatili akong tahimik hanggang marating namin ang tapat ng bahay.
"Do you know?" Tanong nya nang makababa ako. Pinagbuksan nya kasi ako ngayon. Mukhang may oras lang na gentleman sya.
Inayos ko ang aking bag saka nakangiting tiningala sya. "Do I know what, Mr. Ashton?"
"That you and I are going to get married next month." Blanko ang mukha na saad ni Mr. Ashton.
Nanatili akong nakatitig sa kanya. Prinoposeso ang kanyang sinabi at hinahanap ang pagsisinungaling sa kanya ngunit nanatili sya sa ganoong posisyon, nakatayo't nakapamulsa habang nakatingin sa akin. Hindi ko mahanap ang pagsisinungaling sa mga mata nya.
"What?!" My eyes widened nang masigurado ko ang sinabi nya.
Ako?! Ikakasal sa lalaking ito? Na propesor ko? Ayos lang ba sila?! I know I should've call mental! They're out of their minds!
"Late reaction?!"
"Eh sa prinoseso ko pa lahat ng sinabi mo! Malay ko ba kung nagsisinungaling ka!" Sigaw ko dahilan para madiin nyang ipikit ang kanyang mga mata. Mukhang nagtitimpi pa.
"Stop shouting! Nasa harap mo lang ako!"
Kusa akong nahiya matapos nyang sumigaw. Iniyuko ang aking ulo saka pinaglaruan ang mga daliri ko. "S-sorry, sir. Nagulat lang ako. My mom told me na they'll never—"
"Tonight is the formal meeting of our families." He cut me off. Pakiramdam ko nalaglag ang panga ko sa mga rebelasyon na ito. Grabi. Totoo ba? O baka naman panaginip lang ang lahat pero kinurot ko na ang braso ko ay naroon pa rin ang seryoso nyang tingin sa akin.
So totoo nga?
"P-pero —"
"Do you like me that much, Ms. Hernandez?" Hindi ko nagawang sumagot dahil sa tanong na iyon. Para akong tuod na nanatiling nakatingin sa kanya habang unti-unti nitong inilalapit ang mukha sa akin.