Chapter 3

1557 Words
"I am so sorry. Something came up sa school kanina." Humahangos na saad ko nang marating ang room na pinareserve nila mommy. Isinandal ko ang aking ulo sa pader saka huminga ng malalim bago tuluyang lumapit sa mga nakatatanda. "Oh my, Cassandra! Are you okay?! Sit down. Sit down." Agad akong inalalayan ni mommy na maupo. Halata ang pag-alala sa bawat galaw nya lalo na nang maglabas sya ng payo't punasan ang pawis ko. Sa ilang sandali ay para nanaman ako iyong batang Cassandra na sobra kung alagaan ni mommy. "I'm fine, mom. I'm sorry. Nagtaxi po kasi ako papunta dito," tugon ko saka napapahiyang tinapunan ng tingin si Ninang. Mabuti na lang talaga at may naligaw na taxi sa tapat ng university, kung hindi ay baka hindi na ako nakaabot pa sa dinner na ito. Agad akong nagpasalamat nang abutan ako ni ninang ng tubig. "Where's your car?" Tanong ni mom saka nilingon ang pinto na aking pinasukan na animo'y sa pamamagitan non ay makikita nya ang kotse ko kung nasa labas nga ba o ano. "Coding, Mom," tugon ko. Ilang segundo ko na yatang nararamdaman ang mga titig ni ninang sa akin at nang hindi ko na iyon makayanan ay nilingon ko sya nang may naiilang na ngiti. She gave me a smile. "You look... Pretty," ani ni Ninang dahilan para mas lalo akong mailang. I know I looked like a mess kaya hindi ko magawang maniwala sa sinasabi nya. "Saan mo ba nakuha ang lahing ganito, Lucy? Kahit pawisin ay napakaganda pa rin." Biglang baling nya kay mommy na nakalapat pa ang palad sa aking pisngi. "Wag mong bolahin ang inaanak mo, Anna. Lalaki nanaman ang ulo nyan." Nakangiwing tugon ni mommy. Agad ko syang nilingon dahil sa sinabing iyon pero isang mahinang pagtapik lamang ang ibinigay nya sa akin. Really? Lalaki ang ulo? Ha. Ha. Funny, mom. E, sya nga yung laging nagsasabi sa akin kung gaano ako kaganda, na mukha akong prinsesa. "Pinag-order na kita. Why aren't you answering your phone? Sinundo na sana kita sa university." "I was a little busy." With Mr. Ashton. Damn it! Hanggang ngayon umiinit pa rin ang ulo ko dahil sa kanya. Me being late is partly his fault. I waited for nothing! Kung sana sinabi nya na bukas na lang kami mag-uusap ay hindi ako malelate at magmumukhang basang sisiw ngayon. Isa pa, pareho lang naman kasi ng way ang dadaanan nya kung nasaan ang hotel na pupuntahan pero hindi pa ako sinabay. Napakadamot! On a second note, he's right. Hindi ko nga naman sya kaibigan. Pero kahit na! Alam nyang mahirap sumakay sa university kapag ganoong oras na. "I can't wait for you to meet my son, inaanak. Bagay na bagay kayo." Biglang untag ni ninang dahilan para lingunin ko sya. "What?!" Bulalas ko na halos lumuwa pa ang mata. Ang nakakaloko nyang mga ngiti at paghagikgik nila ni mommy ang naging dahilan para kumunot ang aking noo at mawala ang pagod na kaninang nararamdaman ko. In an instant, alam ko na may plano talaga ang dalawang ito at hindi maganda ang kutob ko sa kung ano man ang naglalaro sa isip nilang dalawa. "Oh, no, no, no, no. You can't do this to me, Mom," paulit-ulit ang naging pag-iling ko. "I just told you I can't wait for you to meet my son not wait for you to marry him." Bumungisngis si Ninang natapos magsalita. Napapahiya tuloy akong nag-iwas ng tingin. Am I thinking too much? "Nga pala, he's teaching sa university na pinapasukan mo. Hindi mo sinabi sa akin, sana pinasabay na kita sa kanya." Pagkakuwan ay saad ni Ninang. "It's fine, ninang. Sanay naman na po ako magtaxi," salita ko pero sa totoo lang, gusto kong pilosopohin si Ninang at sabihin na sana sinabi nyang doon nagtatrabaho ang anak nya. Hindi sana ako napahiya kay Sir Luke nang maglakas loob akong makiusap na sumabay sa lalaking iyon. Punyemas. Hanggang ngayon ay naiinsulto pa rin ako sa paraan ng pagtanggi nya. Pwede naman syang tumanggi in a polite way, bakit kailangan nya pa akong bastusin?! "Don't worry, next time ipapahatid sundo na kita sa kanya. Driving is not safe for a girl like you," aniya na tila ba kinikilig pa. I gave them my what-the-hot-fudge-look pero bago pa man ako makapagsalita ay agad ko nang napansin ang maliliit na matang nakatingin sa akin. He looks bored and forced to be here. His caramel eyes, read lips and pointed noise is somewhat familiar to me. Hindi ko lang talaga maalala kung saan ko sya nakita o kung saan ko nakita ang kanyang mukha. "Oh this is my son, Luther. Say hi to ate Cassandra." Pagpapakilala ni ninang sa katabing bata. His age? Maybe ten or eleven pero napakagwapo talaga. Kung pwede ko lang sabihin kay Ninang na hihintayin ko ang bunso nya, baka ginawa ko na. "Hi." Nakangiting bati ko pero ang batang nasa tabi ni ninang ay inismiran lamang ako. Gulat ma'y pinanatili ko ang ngiti sa aking labi. Bakit ba napakasungit ng batang 'to? Yung itsura nya, taliwas sa ugali nya. Para syang anghel pero yung ma-attitude, yung tipong stress na sa buhay. Para syang si Sir Luke! Ninang leaned closer to me saka nakangiti akong binulungan. "Pasensya na, medyo masungit. May buwanang dalaw yata 'to." "Mom!" Pagtawag ng bata saka inis na nilingon ang kanyang ina. Nako! Kung ganito ang ginawa ko noon kay mommy, paniguradong may malakas na hampas na ako mula sa kanya. "Kidding aside, hija." Hija? But—oh. Ngayon ko lang napansin ang pinong kilos nya. Maski ang paghihiwa ng steak ay tila ba isang hamon sa kanya. So he is a boy with a girl's heart. That explains the butterfly necklace. I secretly smiled. Hindi ko alam na ganito ka-supportive si ninang. "Nasaan na ba ang—" bago pa man natuloy ni ninang ang sasabihin ay kusa na syang huminto nang may lalaking humila ng silya sa aking tabi. Nanatiling nasa pagkain ang aking atensyon. "Where in the hell have you been?" Striktong tanong ni Ninang. I can feel the tension between her and the man beside me pero hindi iyon ang pinagtuunan ko ng pansin kundi ang pamilyar na amoy ng pabango na aking nalalanghap mula sa lalaking naroon sa aking tabi. "I had to answer a phone call, mom. And it's about work. Don't expect na it will end sooner than you think dahil trabaho iyon." Walang emosyon na saad ng lalaki. Mabilis kong naiangat ang aking mga mukha nang makilala ang tinig at halos lumuwa ang aking mga mata nang makita ang taong nakaupo sa katabi kong silya. Pakiramdam ko ay binuhusan ako ng malamig na tubig habang pinanunuod ang seryoso nyang mukha na nakatitig sa ina. Anak sya ni ninang?! If this is a dream, please wake me up! Pero Ninang's surname is Agoncillo, why the hell is his surname—fvck! Tito Juancho! "You're late and you still bring work here?!" Ramdam ko ang sobrang pagkainis sa tono ng pananalita ni Ninang. "Anna, pabayaan mo na yung bata. Trabaho nya iyan e." Sabat naman ni Mommy habang ako naman ako nananatiling nakatunganga sa lalaking katabi ko. "I already told you the reason of me being late, Mom. Please don't make that a big deal out of it because I needed to discipline my student." Huminga ng malalim saka nauubusan ng pasensya na nagbuga ng malalim na hininga. Discipline? Nababaliw na ba sya? E, pinaghintay nya lang naman kami doon. Anong discipline ang pinagsasabi nito? Gusto ko syang batukan sa mga oras na ito. "Luke, I— Cassandra, are you okay?" Ninang asked nang marinig ang pagkabasag ng champagne glass na hawak ko. Nailapag ko kasi yon nang may pwersa at dahil manipis ang stem nya ay nabasag ito. I made a scene, didn't I?! Stupid, Cassandra! "I—" I don't know why but I am lost for words. Para akong isang bata na hindi natuto magsalita. "Are you okay, anak?" Nag-aalalang tanong ni Mommy saka tinignan ang aking kamay. Aligaga akong tumango sa kanya saka inipon ang ilang piraso ng nabasag na champagne class dahilan para magkaroon ng hindi gaano kalaking hiwa ang aking kamay. "You're bleeding!" Mom automatically panicked. Hindi nya malaman kung ano ang dadamputin. "I am fine, mom." Pilit ang ngiting saad ko saka inagaw ang panyong hawak nya na ibinalot sa aking kamay. "Of course not, hija." Sabat naman ni Ninang na nag-aalala ring lumapit sa akin. "Call an ambulance, hija, tell them na—" "She said she's fine." I heard his strict voice said. Marahan ko syang nilingon pero wala sa akin ang kanyang paningin at naroon sa steak na kinakain. Akala ko ay makakahinga na ako ng maluwag non pero pakiramdam ko ay may sumakal sa puso ko nang ilapag nya ang dinner fork at dinner knife sa lamesa at saka dahan-dahan nag-angat ng tingin sa akin. I can feel my world slowly crushing down as I watch Mr. Ashton plaster a smile on his face. Gustuhin ko man na magtago ay para akong nabato sa kinauupuan. Our eyes met at pakiramdam ko ay iyon na ang pinakamatagal na minutong naranasan ko sa buong buhay ko. "Ms. Hernandez." He called me in a tone na ginamit nya kung paano nya akong pagalitan kanina. He smirked. "It's nice to see you here."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD