Chapter 2

1581 Words
Hanggang sa makalipat kami ng room at magsimula ang panibagong prof namin ay naging lutang ako. This is going to be the first time na maipapatawag ako sa faculty hindi dahil sa pag-eexcel ko sa klase kundi dahil sa katangahan ko. Stupid, Cassandra! "Cass, sorry talaga. Kung hindi dahil sa akin, hindi ka sana—" "It's fine, Mel." I gave her a fake smile. Pakiramdam ko ay wala akong gana ngayong araw. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, sana hindi na lang pala ako pumasok at nananatili na lang na kapiling ang kama ko! "Let's go." Mabilis kong hinila si Melissa nang magpaalam ang huling professor namin para pumunta sa opisina ni Sir Luke. "Girl, slow down. Kaunti na lang at susubsob na ako sa floor. Kanina pa kumakaway sa akin ang sahig at hinihintay ang paglaglag ko." Hinila ni Melissa ang kanyang kamay saka mas mabagal na tumakbo pero muli ko lang ulit iyong kinuha at kinaladkad sya. "We need to hurry, Mel. Seven ay kailangan nasa restaurant na ako kundi hindi ako papayagan ni Mommy na lumabas s mga susuot na araw," saad ko at sa isang iglap ay mas nauna pa itong naglakad sa akin. “Ano ba, Cass? Bilisan mo na dyan! Napakabagal mo naman maglakad,” aniya at sya na mismo ang humila sa akin. Iiling-iling naman ako habang hinahayaan ang sarili na magpatangay sa kanya. Kapag patungkol talaga sa gala ay napakabilis nya. Tss. Nang marating namin ang faculty ay tatlong maiingat na katok ang iginawad ko sa pinto. Isang halos kaedaran lang namin ang nakangiting nagbukas sa amin ng silid. "Hi. Anong kailangan nyo?" Nakangiting tanong nya. Hindi ko alam kung bakit nalulunod ako sa mga ngiti ng babaeng ito. She's like an angel na bumaba sa lupa and I can't do anything to stop staring at her. She’s just to pretty not to admire. "Cass." Pagtabig sa akin ni Mel. Mabilis akong humingi ng tawad sa kanya but to my surprise, she just gave me another reason to stare at her. She's smiling like an angel smiled at me. Pakiramdam ko ay dinadala nya ako sa ibang mundo at hindi ko man gustuhin na maramdaman, humahanga ako sa mga ngiti nyang totoo. "Do you need anything?" Pagkakuwan ay tanong nya. "Sorry. Mr. Ashton told us to meet him after class." Puno ng respetong saad ko. "Ah wala pa sya, e. Nasa klase pa. You can wait inside if you want.” Maganda ang pagkakangiting saad nya at tuluyang binuksan ang pinto dahilan para tumambad sa amin ang ubod ng linis na opisina ni Mr. Ashton. Pareho kaming namangha ni Melissa nang makapasok kami. Everything is organized. Mula sa mga folders at papers na nandoon hanggang sa mga maliliit na papel na nakadikit sa corkboard ay nasa ayos. Magkakasama ang magkakakakulay at magkakasunod ang pagkakalaki-laki ng mga iyon. Aakalain mong hindi lalaki ang may-ari ng opisinang ito sa unang tingin. "Mauuna na ako sa inyo ha? May dinala lang kaya nandito ako— " "Oh. Okay." Nakangiting putol ni Melissa sa sasabihin nya. Agad ko syang siniko saka pinandilatan ng mata. Baka mamaya professor din iyon at bata lang talaga ang itsura, e. Pareho talaga kaming malilintikan kapag nagkataon. Nang tuluyang makalabas ang babae ay agad na tumayo si Melissa. Ilang ulit ko syang pinayuhan na maupo na lang pero napakatigas ng ulo nya. “Ang gwapo talaga ni Sir, ano?” Salita nya habang hawak ang isang litrato na naroon sa cabinet. “Siguro ito ang Mommy nya,” dagdag nya pa saka muling iniangat ang isa pang frame. "Kaya naman pala ganoon kagwapo si Sir Luke, napakaganda ng Mommy nya." Namamanghang saad nya. "Kapag ikinasal kaming dalawa ni Sir, tatanungin ko talaga kung saang derma nagpapaayos si Tita." "Tita? Seriously, Melissa? Umaasa ka na mapapansin ka ni Sir?" Nakangiwing tanong ko. Nakakaloko lang naman itong ngumiti sa akin saka malakas na hinawi ang buhok nya bago muling dumampot ng isa pang picture frame na naroon. "Hindi mo sure. Baka sa susunod na paggising mo ay mabalitaan mong nakasuot na ako ng isang trahe de boda at nakatayo sa harap ng altar at sa tabi ko ay si Sir Luke." Iiling-iling na pinanuod ko syang yakapin ang sarili habang nagdeday dream. "Tignan mo 'to," aniya ilang segundo ang nakalilipas saka iniaabot sa akin ang isang picture frame. “Maupo ka na nga lang dito at tigilan mo na yang mga pantasya mo! Mamaya mapagalitan tayo lalo, e,” saad ko na hindi pinansin ang litratong ipinapakita nya. "Girl, late ka na. Paano ka nyan?" Tanong ng kaibigan ko matapos ang paglilibot. Doon ko lang napansin na ala-sais na pala. Halos isang oras na rin kaming naghihintay pero wala pa rin si Mr. Ashton. Fvck! Talagang mapapagalitan ako nito ni Mom. Pinaka-ayaw nya pa naman ay pinaghihintay ang mga kaibigan nya. "Fudge!" Gulat na bulalas ko nang marinig ang pagriring ng aking cellphone. Nang makita ko na si Mommy ang tumatawag ay agad ko iyong isinilid sa aking bulsa. "Bakit hindi mo sagutin?" Tanong ni Mel. Nang mag-angat ako ng tingin sa kanya ay inginuso nya ang aking cellphone. "It's my mom," tugon ko at muling tumingin sa orasan. "Gusto mo mauna ka na lang. Ako na lang magsasabi kay Sir na may importante kang lakad." "Talaga?" I sound hopeful. Nakangiting tumango si Melissa sa akin. Hindi na ako nagsayang pa ng oras at agad na isinukbit ang bag sa aking balikat at nagtungo sa pinto. "Thank you, Mel!" Pero wala yatang pakialaman ang tadhana sa akin ngayon. Dahil hindi ko pa man naaabot ang seradura ng pinto ay agad na itong pumihit at bumukas nang tuluyan ang kahoy na nasa aking harapan. Hindi ko malaman kung paanong magrereact nang makita si Mr. Ashton na nakatayo sa aking harapan. Hawak nya ang mga libro sa isang kamay habang ang isa naman ay may hawak na inumin. Sa gulat ay hindi nya siguro inaasahan na matatabig ng kamay ko ang kanyang kamay dahilan para tuluyang mabuhos ang inumin nyang dala doon mismo sa librong hawak nya. "S-sir." Nanlalaki ang mga matang pagtawag ko. Kusa akong napa-atras papasok ng opisina nya nang magsimula syang humakbang. "S-sorry po." Paghingi ko ng paumanhin. Tinangka kong punasan ang uniporme nyang natalsikan pero mabilis nitong tinabig ang kamay ko. "Are you leaving, Ms. Hernandez?" Tanong nya. Wala akong ibang nagawa kundi umiling. Mommy would be pissed kapag nalate ko but he could give me a failed grade kapag umalis na lang ako bigla ngayon sa harapan nya. My eyes tear up dahil sa inis. My phone is ringing like there's no tomorrow and I don't know if makakaabot pa ako sa dinner na iyon. "Sit down." Dagdag nya saka itinuro ang upuan na naroon sa harap ng kanyang lamesa. "You may leave, Ms. Garcia." Literal na nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang sinabi nya. Gulat na nagkatinginan kami ni Mel. Sya ang maghahatid sa akin sa restaurant! Kapag naghintay pa ako ng taxi ay baka abutin ako ng alas-otso! Pero pareho kaming walang nagawa nang tapikin ni Sir ang lamesa at senyasan si Melissa na umalis na. "T-thank you, sir," aniya saka yumuko at tuluyan nang lumabas ng opisina na iyon. She mouthed sorry bago isara ang pinto. "Okay. Let's— excuse me." Kusa syang napatigil sa pagsasalita nang tumunog ang kanyang cellphone at mas lalong nangunot ang noo nya nang makita ang pangalan ng tumatawag. Isang beses nya pa muna akong tinignan as if he's asking for permission and when I nodded, he quickly stood up and answer the call. "Mom." I heard him said. In an instant he turned into a sweet child. Noon ko lang din nakita ang ngiti nya, matipid ngunit ramdam kong totoo. I was left amused. "Yeah. I'll be there, of course. Just give me a few minutes and I'll be ther, may inaayos lang—" bahagya nyang inilayo ang cellphone sa kanyang tainga. Mukhang napapataas yata ng boses ang kausap nya. Tatlong malalalim na hininga ang kanyang pinakawalan saka pumikit. Nang magdilat ng mata ay naroon na sa akin ang kanyang paningin kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin. "Okay. Okay. I'm coming now," salita nys saka tuluyang tinapos ang tawag. Sa isip ay nagpapasalamat ako na mukhang nagmamadali rin sya ngayong araw at mas lalong nagdiwang ang puso ko nang muli syang magsalita. "Let's talk about it tomorrow, Ms. Hernandez. I have an urgent meeting with an important person today." Of course. His mom is important. Hindi na mapakali ang mga paa ko. Nang hindi ko na makayanan ay tumayo na ako saka yumuko. "T-thank you, Sir." Tanging pagtango lamang ang tugon nya kaya naman tinalikuran ko na sya pero agad din akong bumalik sa kaninang pwesto nang may maisip. "Uhm. C-can I ask for a favor po?" I was hopeful for a moment. Sa pagkakaaalala ko kasi ay sa South sya nakatira—how do I know? Of course! I have a crush on Mr. Ashton kaya lahat inalam talaga namin ni Melissa. Back to what I was saying. I wouldn't be a burden naman siguro kung makikisabay ako papunta sa restaurant na madadaanan nya lang. "Can I—" "Do I look like your friend?" He cut me off. Naroon nanaman ang masungit nyang pananalita kaya wala akong ibang nagawa kundi magpalamon sa pagkakapahiya. "N-no, sir." Nakayukong salita ko. "Then the answer is no," tugon nya saka ako iniwan mag-isa sa loob ng kanyang opisina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD