Gusto kong magsisi dahil sa salitang binitawan. Gusto kong ipagpaumanhin ang kung ano mang sinabi pero sa mga puntong iyon, habang paulit-ulit na pinanunuod ko ang lungkot, sakit at pangungulilang bumakas sa kanyang mukha, hindi ko magawang bawiin ang kataga. Galit ako, oo. Mali. Nagalit ako. Kinamuhian ko ang isang Luke Ashton na mas minahal ko pa kaysa sa buhay ko ngunit sa ngayon ay wala akong nararamdaman na kahit katiting man lang para sa taong nasa aking harapan. "Sandra....." He spoke in disbelief. Mababakas ang gulat sa kanyang namimilog na bibig. Ilang ulit syang nagbuga ng hininga, panay ang paroon at parito habang inihihilamos ang palad sa kanyang mukha saka susulyap sa akin na tila ba naghihintay ng salita. I will stood my ground, even if I have to be the bad one. Hindin

