"Ako lang ba o talagang nakatingin sila sa akin?" Tanong ko kay Melissa. Mula nang pumasok kasi kami sa campus ay hindi na nakaligtas sa akin ang tinginan ng mga kapwa ko estudyante. They are all looking at me as if I did something wrong. "Guni-guni mo lang 'yan. Wag ka masyadong magmaganda porket magpapakasal ka sa kinababaliwan ng lahat ha?" Tumatawang tugon nya saka ako inakay patungo sa aming building. Gusto ko sanang isipin na baka nga guni-guni ko lang ang matatalim nilang tingin. But no, they are really looking at me. Paano ko nasabi? Even those students na nakakasalubong namin are making second glances at me which never happened before. "Mel, they really are looking at me," saad ko. Hindi talaga ako mapakali at hindi ko alam kung kailan kakalma ang kalooban ko. I wanted to ask

