“I want everything to be perfect for my wife.” Kalalabas ko lang ng kusina nang magsalita si Luke. Kausap nito ang organizer na kinuha ni Mommy para sa kasal. Hindi ko maiwasang mapangiti nang muling rumehistro sa isip ko ang nangyari kagabi. Iniangat ko ang aking kamay kung nasaan ang singsing na ibinigay nya. Puno iyon ng dyamante at hindi ko inaasahan na sa unang pagkakataon ay magugustuhan ko ang ganoon kaengrangdeng singsing. Dati rati kasi ay iyong mga simple lang ang gusto ko. Masyadong magarbo ang mga ganito at sa tingin ko ay hindi umaakma sa akin pero ngayong sya ang nagbigay, pakiramdam ko ay ito na ang pinakamagandang natanggap ko sa buong buhay ko bukod sa kanya. “Hi.” Pagbati nya nang maramdaman ang presensya ko. Nakangiti nyang inilahad ang kamay sa akin at nang abutin ko

