"Hanggang anong oras ang klase mo mamaya?" Tanong ni Luke. Marahan akong nag-angat ng tingin sa kanya. Bagaman naroon sa pagkain ang kanyang paningin ay hindi ko pa rin maiwasang mamangha sa kagwapuhang taglay nya. Mula sa kaunting pagkakayuko ay kitang-kita ang perpekto nyang mukha. "Cassandra!" Bahagya akong napaigtad nang masalubong ang kanyang mga tingin. Agad na umarko ang labi nya paitaas nang mapansin ang pagkagulat ko. Rinig ko ang mahinang pagtawa nya nang ituon ko ang paningin sa pagkain na animo'y walang nangyari. "You can stare at me all you want but please finish your food," aniya. Hindi ko tuloy maiwasang hindi makaramdam ng hiya. Ganoon na ba ako katagal nakatitig sa kanya? "So hanggang anong oras ang klase mo mamaya?" Muling tanong nya. Gusto ko sanang magpakain na lan

