Hanggang matapos ang klase ay binulabog ako ni Melissa sa plano ko kuno. May suhestiyon pa sya na komprontahin namin si Milka para tigilan na si Luke which is think is the most stupid idea she could ever think. Bakit namin idadamay ang babaeng wala namang ginawang masama, hindi ba? It was our parent's fault kaya bakit ko sasaktan si Milka gayong sya naman mismo ang pinili ni Luke. "Pwede mo syang sampalin at sabihin na umalis sya sa buhay ni Mr. Ashton dahil ikaw ang legal." Pakiramdam ko ay naririnig ko pa rin sa aking tainga ang boses nya. Nagbuga ako ng malalim na hininga. Kanina pa namin uwian pero mas pinili kong manatili sa room at mag-isip muna. I need to think of a way para hindi matuloy ang kasal. "Sandra." Bahagya akong napatalon sa gulat nang marinig ang boses ni Luke sa a

