Delete
"Cine wanna go to hiking tomorrow, same place" sabi niya sa kabilang linya.
"Next time na lang bhie may lakad kami ni mama bukas eh. Sasama ako sa pagpapa check up niya. 'Lam mo na, may baby sa tiyan ni mader"
Nag inform kaming dalawa na nasa CR kami while talking. Nagdala talaga ko ng upuan at nilapag sa CR.
Dahil pagkatapos naming mag usap ni Zenma ay tatae na ako.
"Ilang weeks na nga buntis mama mo?" She asked.
"Hmm mag fo-4 weeks na. Ano kaya gender niya?"
" Sana babae para balanse na, 2 boys and 2 girls"humagikhik pa si Zenma.
"Mag wait nalang ako–"
"Ate Francine kakain na" sigaw ni Claude.
I guess pumunta siya sa kwarto ko but he didn't find me in there kaya he'll choose to shout para marinig ko siya kung na saan man ako.
"Kakain na kami Zen talk you later" binaba ko na ang tawag.
Kuya cooked 8 eggplant omelet, matatakaw kumain ang mga boys eh tapos tatakaw din si mamang kumain dahil dalawa sila sa iisang katawan.
"Ang linis at ang bango ng bahay, sinong pinapunta niyo?" Papa begin asking.
Kuya saw me about to say something but he didn't let me speak. "S-Si Zenma pa, lam mo na crush ko yun so dapat mag pakitang gilas ako." Kuya laugh like santa Claus in Christmas. I just rolled my eyes.
"Totoo ba Claude?" Mama then join the conversation.
"Hala si mama hindi naniniwala sakin"
"Kilala kita Frank, hindi mo malilinis ang bahay na ikaw pang mag-isa." Agad tumingin si mama sa akin tumikhim naman ako.
"Well..." I say
"Ganito kasi yun Ma, kilala mo si Cedric?magdedatesila ngkanyang girlfrienddito kayasinabi kokayFrancine napupuntacrush niya peropagkatapos naminnaglinis nadulas ang dila ko at don't worry hindi na success ang pag dedate nila dito, sorry na ma ,sorry na our only princess. Pagalitan niyo na ako, desurv ko eh" he explain in a difficult way tapos ngumuya na sa pagkain
Buti nalang talaga nasanayan namin ang ganitong explaination ni kuya.
"Okay lang na pupunta ang mga kaibigan niyo rito pero ang makipag date sa bahay na ito? Aba, lagpas na yan sa linya."mom said in a calm way.
"Next time pabayarin mo Frank." Nagtawanan sila papa at Frank.
"Yun na nga pa eh, Ehem, pero don't worry mama hindi na talaga mauulit." Galing sa tawanan ay nagseryoso na si kuya dahil tumalim ang mata ni mama sa dalawa.
Tumikhim din si papa at bumalik sa pagkain.
Matapos kaming kumain ay si kuya ang nag-volunteer mag hugas ng plato, kanya kanya rin kami sa pagpasok sa mga kwarto namin.
I didn't even realize that it's 11PM because I was busy scrolling t****k and I don't have a choice but to sleep. I need to think of some fake scenario para makatulog din ako kaagad.
Pagkagising ko nasa kitchen table na si Claude at antok na antok parin, sila mama naman ay malapit ng matapos sa ginagawa nila araw-araw at maya maya siguro ay tutulak na sila papunta sa kanilang trabaho. Si kuya naman ay nanood ng Teleserye.
"Gising gising Claude, lalamig na yang pagkain mo kung hindi ka pa kakain." I sit in front of him.
"Ate where did you go yesterday, can I join you? Nababagot na ako sa bahay eh" Claude pleaded.
Umiling ako sa kanya " Zenma and I were hiking. as much as I want you to join us but I have a schedule ngayon bunso eh. Sasamahan ko si mama mag pacheck up ngayong hapon." I reasoned out.
I looked up at the clock na nakadikit sa pader, its 10:04 in the morning na pala.
"Do you want to join me?"anyaya ko sa kanya "maglalaba ako pagkatapos kong hugasan ang mga plato.
"Okay, I'll look into my room if meron akong used clothes ate." Nagising ang kanyang katawan at agad kumain.
Pagkatapos naming kumain, Claude help me fetch our plates and put it in the sink para mahugasan ko na.
"Claude I have a favor, pumunta ka kila Aling Bebe at bumili ng ice candy please" sigaw ni kuya on a respect way naman.
I looked at Claude with a smile " Bili ka rin sapon para sa paglaba natin at downy"
Binigay ko sa kanya ang pera at agaran siyang tumakbo. At nagsimulang mag hugas ng plato.
I went to our not so big backyard, okay na para dito kami mag laba sa mga damit namin. Nagreready na ako ng isang balde na tubig.
"Ate ang sabon at powder po." he gave it to me and sit in our mini chair.
Pinabulaanan niya ang palanggana na gagamitin namin habang winawaswasan ko muna ang mga damit para makuha ang mga dumi at inilagay na sa planggana. Agaran ang pag kuskos ni Claude at ito ang sanhi para ngumiti ako.
"Ate about your hiking with ate Zenma. Can you tell me po your journey?"
"Hmmm, we were supposed to looked at somebody but we kinda have a change of mind that time and I suggest your Ate Zenma to hike nalang. May mga nakakasalubong kami na mga hayop but most of it are askals. Kapag medyo nasa tuktok kana ng bundok, you can feel the peace talaga, the wind blowing, the birds are singing and the sound of trees dancing thanks to the wind. Also we met this guy, we call him sibak boy muna kasi nagsisibak siya ng kahoy–" I response him in an excitement tone although it was caught off.
"Guapo ba ate?" Voice with an inevitable tease.
" May itsura siya, ikaw nalang mag judge if makita mo na si Sibak Boy" I then laugh.
"Does he have masculine? Like in the movie."hindi ko na binigyan ng sagot at tumawa nalang.
"Naputol ang pagsisibak niya dahil tinawag siya sa kanyang kapatid na babae. He called her Nieril so we assume that's her name ng ate Zenma mo. At itong si ineng inakusahan pa kaming nilalandi ang kuya niya which we didn't at tinawag pa kaming cheap!" Napairap ako sa alaalang iyon.
"Cine yung phone mo may tumatawag!" Kuya announced in a yell way.
I stood up and wiped my hands in my t-shirt. Kinuha ni kuya ang aking phone at ibinigay sa akin, he eventually went to his place and continue watching the television.
"Hello ma?"
"Cine anak, pina cancel ko muna ang check up ngayong hapon. Marami pa kasi kaming aasikasuhin sa opisina." Mama informed me in a low voice.
"Okay ma but please wag mong pagodin ang sarili mo okay? Meron kang baby na dinadala"
"Ahaa! Don't worry. Goodbye"
Nilingon ko si Claude "Guess What?" Maligaya kong sabi
He tilted his head like his waiting for my information. "Mom just called me and she canceled her appointment this afternoon. Meaning to say we can hike!" Claude jumped happily.
"Yey hiking! yehey sibak boy!"
Yey sibak boy!
Ba't na pa 'sibakboy' ako?
Ehem.. ehem..
"Let me call your Ate Zenma okay?" He nodded and continued doing our laundry.
"Cancel ang appointment , Claude wants to hike with us."
"Ay okay! I'll pack things that we need. Picnic tayo doon!"
"Sige I'll get ready our things too, see you later"
Nakalimutan kong sabihin na naglalaba pa kami ni Claude, e text ko nalang.
Ako:
1pm ka pumunta sa bahay, naglalaba pa kami ni Claude :>
Zenma:
Okii :))
*HIKING*
"Ate hah.. ba't na kaya niyong mag hiking na ganito kalayo? Malapit na ba tayo sa place where we will picnic..hah.."
Kahit humihingal na si Claude ay pinalabas niya parin saloobin niya.
"Para mas malayo tayo sa mga usok galing ng mga cars Baby Claude at ma e-enjoy natin ang view at pagkain. Bonus na sa atin kung makita natin yung sibakboy." I answered.
"At tsaka ba't mo ga gustong makita yun? "
"Kase ate, feel ko lang" he giggles.
"Magkadugo nga kayo Cine, kahit saan ko pa tignan. Blood related nga." Ani ni Zenma.
"Oh!"Zenma shouted and pointed her finger somewhere.
"Ang ganda sa area na yun oh! May puno, to protect us from the sun although malayo pa tayo papunta ron feel ko na talaga doon ang destiny natin." As she finished her sentence she immediately run towards there.
"Wait!"
'Tong babae talaga hindi makapaghintay!
We follow Zenma's whereabouts, tama nga ang hinala ni Zenma. Kahit hindi pa kami kumakain ng mga dala namin for the picnic ay nakakabusog naman ang view.
As I already stated, hiking in the mountains allows us to avoid pollution. I take a deep breath and inhale the air, which is free of harmful gases. I hope to take my family to a mountain soon so they can experience this deep tranquility I'm feeling.
Para ma ibsan rin ang stress na dinadala nila ngayon habang kumakayod araw-araw upang maging maayos ang buhay namin. Especially si mama.
Nilagay na ni Claude ang aming dalang picnic mat sa luntiang mga d**o. I also prepare our foods, junk food precisely. While Zenma's busy taking picture of the view, maypa selfie pa siya.
Umupo na kaming dalawa ni Claude, Kinuha ko ang tupperware full of rice at binuksan ang fish cracker para ito nalang yung ulam ko, masarap to noh!
"Ate give me some rice" Claude open his mouth waiting for me to fed him some rice, so I did. Makukuha din siya ng dalawang piraso ng fish cracker.
"Hoi ano bayang inuulam nyo! Pahingi nga" Zenma took some piece
"Nganga" I demand her.
She opened her mouth then I also fed her some rice.
"Gagsti sana nagdala tayo ng juice" panghihinayang kong sabi
"Duhh, hindi nayun cold pagrating na'tin dito noh!"
A couple of minutes later was consumed by eating our foods, hindi nga lang namin masyadong iniinom ang tubig namin. Dahil para ito kung nauuhaw na kami pababa sa bundok.
Para nato sa pag-uwi.
"Hala ate sino yon" Claude pointed somewhere.
"Bwakinang shet, diba siya yun?"Zenma also pointed her fingers to that guy.
The guy is lifting the chopped wood on his shoulder. I could tell the guy was in his prime based on his broad shoulders and lithe, synchronized movements.
I waved at him, I was shocked by how my hands move on its own accord and I also saw that his uncomfortable by this type of greetings? Or hindi niya lang alam kong paano tumugon.
"Wow naman Francine, may nalalaman ka palang waves ng hindi mo kilala" Zenma bump our shoulder intentionally as she teases.
Si Claude naman ay dumiretsong tumakbo sa kung nasaan ang lalaki.
"Kuya, let me help you! I'm strong" he even revealed his small muscles.
We can hear them dahil sinundan naman si Claude para ilayo sa kanya, char. Nag take advantage lang talaga kami ni Zenma.
"Sorry sa kapatid ko at na istorbo ka la sa ginagawa mo"
"No, it's okay. Patapos na rin naman ako" he gently answer.
"Kuya without name kahit isang piraso lang ng kahoy bigyan niyo po ako!" Pagmamakaawa ni Claude.
Hoi Claude sumosobra na ang acting mo o hindi talaga to acting? Nagpapansin ba'to?
Tipid siyang ngumiti at binigyan si Claude ng isang pirasong kahoy para mapatigil sa pangungulit.
"Hello kuya, pwede po ba picture? Memories lang po. Maganda po kasi ang view dito tapos nandito ka rin po hehe" kamot ulo si Zenma habang nag request.
Nailang na ang lalaki, nangangapa pa siguro ng salitang hindi nakaka offend.
Bago pa siya nakapag salita ay inunahan ko na "I'm sorry on behalf of them po, I can see that you have a business to finish tapos we're getting in your way. Please receive this as an offering.." nangapa ako ng junk food sa bag ko eh alam ko namang wala na dahil inubos na namin. Ba't ba kasi yun ang lumabas sa bibig ko.
I look at him and gave him a awkward smile "Char,naubos na. Pwedeng pangalan ko nalang? Francine's the name" naglahad ako ng aking kamay para makipag shake hands.
Ngi! Ano yun Francine, sinisira mo talaga ang dignidad mo para sa kalandian? Of course.
He accepted my hand and saw his lips into line. "Trent, you can call me Trent."
"I'm sorry if you're uncomfortable having us here. Claude bilisan mong sundan si kuya Trent at uuwi na tayo!" Pagso-sorry kong muli.
"I don't mind. It's been awhile since I entertain people kaya medyo ganito ang asal."
Sumulyap ako sa direksyon ni Zenma at nagselfie talaga siya tapos ang background ay kami ni Trent na nag-uusap.
E share-it mo yan sakin Zenma—este sasabihan ko siyang idelete yun dahil hindi naman kami nakatanggap ng permission kay Trent.
Nilingon kong muli si Trent at ngumiwi. "Sorry ulit sasabihin kong e delete niya iyon"
"It would be great if you'll delete it, I don't want it to be on social media." He calmly said as he walked through the house we saw earlier.
Zenma and I were left in here while the boys were leading to that house.
Agad kong sinampal si Zenma sa ulo ng mahina. " E delete mo yun, ayaw niyang nakikita siya sa picture!" Inip kong sabi sa kanya at nagkamot ng ulo.
"Hala, talaga? Ito na idedelete na. Ikaw ha, ang lupet mo rin eh noh. Nakapag exchange pa talaga kayo ng names."