Chapter 04

4247 Words
Singapore.... Dati pa pangarap ko na ang makapag travel. At isa ang bansang ito ang gusto kung mapuntahan. Kahit pa ang sabi nila na ito ay one of the most expensive travel na mararanasan mo. Dahil mahal daw pero worth it. Sa isip ko naman ay okay lang. Pag-iipunan ko yan. Matupad lamang. Kaya naman sobrang saya ko na kahit hindi ko pa napag-iipunan ay nakarating na ako sa isa sa mga bansa na nasa bucketlist ko. Actually may ginawa na akong itineray. Hindi naman halata na prepared tayo anoh? Ginawa ko lang naman ang mga ito during may free time. Nag-isip ako ng mga pupuntahan. Kaya naman grabe talaga ang excitement sa puso ko ngayon. Hindi maipagkakaila. Kitang kita sa aking mga mata at very transparent sa aking mukha. "You're really that happy?" Nagulat ako sa tanong ni Mr. Chu sa akin. Masyado ba akong halata? Well, excited lang kaya super happy. "Yah, I wanted to visit Singapore so bad. It's in my bucketlist." Mas lalo pang lumapad ang aking ngiti. Yung feeling na naiihi ka sa saya at sobrang excitement. "You want to explore the whole country?" Seryosong tanong niya sa akin. Tumango ako sa kaniya. "Okay. We will do it tomorrow. But for today you need to rest. I'll be out to attend some business matters. Just wait for me before dinner." Paliwanag nito. Nakasakay kami sa isang magarang sasakyan. A black Bugatti Spartacus SUV. Papunta kami sa hindi ko alam. Akala ko maghohotel kami pero parang hindi. Pumasok kami sa isang malaking gate at sa loob ng gate ay parang isang subdivision na may mga two storey na bahay. May nakalagay sa karatula na Sentosa Cove. The word Sentosa. Familiar! Yung Island na gagamit ng cable car kung pupunta ka. So ang lapit ko na pala dito. Hindi ako mapakali sa aking inuupuan. Napatingin tuloy si Mr. Chu sa akin. "Are you okay?" Nakita ko ang pag-aalala sa kaniyang mukha. Nahiya tuloy ako. Gusto ko sana magtanong pero nahihiya talaga ako. "I'm okay. Naiihi lang. I mean naiihi na naman." Pagsisinungaling ko. "We're almost near. Can you hold it for a while?" "Yes, yes! I can. Don't worry." "Drive fast, Chico! Kimberly needs to go to the bathroom." Narinig kung utos niya sa kaniyang driver. So Chico pala ang name ng bata niyang driver. Chinito rin ito. Bagay ang pangalan niya na Chico. Prutas lang yarn. "Yes, boss!" Nakarating naman kami agad. Sa bahay niya. Tumambad sa aking paningin ang isang two storey bungalow na modern ang architectural design. It's a combination of black, grey and white motiff. Napatunganga talaga ako sa ganda. Very high tech. Ang gate kusang bumubukas at may nagsasalita. May malawak na parking na kasya ang anim na sasakyan. May nakaparada pa na apat na mga mamahalin na mga sports car. Sumisigaw sa yaman ang bahay na'to. Unfair talaga ng mundo. Mr. Chu guided me to go inside the house. Nakapa gentleman niya talaga. Hinawakan lang naman niya ang kamay ko hanggang sa pagpasok namin. Bet na bet ko ang trait niya na'to. Pagkapasok namin sa loob sumalubong sa amin ang mga fur babies niya. Halata naman na sa kaniya. Nag-unahan pa ang mga ito na lumapit. Naglandi agad agad sa amo. "Oh, that's so sweet. How are you Missy? miss you baby." "How about you two. Sampy and Sunny?" "And you cutie Kimmy?" Napantig ang tenga ko do'n ha. So may kapangalan pa ako sa mga fur babies niya. Mas lalo pa akong humanga sa tsekwa na'to. He is a walking green flag. My God! Wala na talaga. Pag-uwi ko nga Pinas broken hearted ako. "Babies, meet Kimberly. She will be here with you guys for a week." Nagwave pa ako sa kanila at isa-isa niya itong pinakilala sa akin. Sinabi rin niya saan ang mga 'to galing. By the way he have four fur babies. Super duper ang kacutan. Si Missy ay isang white tiger cub phantom. A combination of white and grey-streaked ang kaniyang fur. Sampy and Sunny have the same fur, grey-streaked din but they are norweigan forest cat with a floopy tail. Ang taray ng dating. At yong kapangalan ko ay isang white Maltese puppy. Super cute. Napaka flirt. Halik ng halik kay Mr. Chu. Biglang lumantad naman sa may living room ang isang Pinay. Alam ko talaga na Pinay kasi local Pinay siya. Walang halo. Pure pati kulay ay kayumanggi. "Good morning Sir. You are here na pala. Nakapagluto na ako." Masayang sabi nito. Halatang mabait ito kasi maaliwalas ang mukha. Mga nasa mid twenties lang ata siguro ang edad. A typical woman who works abroad to give a better life for his family way back in the Philippines. A breadwinner in the family for that matter. "Okay, Marissa. I will not eat here. I will leave immediately. By the way this is Kimberly. Siya na lang ang kakain dito. Tour her around the house and the neighborhood. But, never outside Sentosa, okay?" "Yes, sir! I will follow everything you just said." "Hi po Ate Marissa. Kim na lang po." Nakangiti kung bati rito. "Marunong kang magtagalog?" Nakangunot ang noo nito at puno ng pagtataka ang kaniyang mukha. "She is a Filipina, Marissa. Ofcourse she knows how to speak your language." "Ah, kaya pala. Mabuti naman. Para less nosebleed. Akala ko talaga foreigner ka. Hitsura mo kasi. Blue eyes kapa. Sino hindi magugulat diba? Anyway, musta kabayan?" Natawa ako. Nakakatuwa pala si Ate Marissa. A typical OFW na uhaw ng balita galing Pinas. "Okay lang po. Ikinagagalak kung makilala po kayo." Nagkadaupang palad kami. At nagulat ako kasi niyakap niya ako. It's just a simple kind of gesture pero na touch ako. Ramdam ko ang pangungulila sa yakap niya. "Ako din. Sana mag enjoy ka dito. Kwentuhan tayo ha. Walang tulugan." Bulong nito sa akin at sabay hagikhik nito. Mabiro pala ito. Mabuti rin para hindi ako mabored at makapagtanong pa ako sa mga lugar na gusto kung puntahan. "Let her rest, Marissa. I didn't bring her here in my house for you to chat. Bawal ang Maritisan, okay?" "Sir naman. Napanis na po ang laway ko dahil walang kausap. Mga alaga mo lang. Natapos ko na lahat ng K-drama at C- drama. Pati Turkish and Thai pinatos ko na po." Kumakamot ito ng ulo habang nagsasalita. "Good, so that you will become a multilanguage translator in the future." "Nako po. Never mind Sir. Maghanda na po ako ng pagkain ni Miss Kim. Punta ka na lang sa dining ha." Kumindat ito sa akin. May pagka pilya pa ito. "Let's go upstairs to our room." Hinawakan na naman niya ang aking kamay at iginiya ako paakyat ng hagdan sa second floor. May dinaanan kami na hallway at sa dulo may isang glass door. Tumapat siya at bigla itong nag scan. May sinabi sa chinese language na hindi ko maintindihan. Natural. Ah... Naka Iris scanner ang pintuan ng kaniyang kwarto. Sosyal. High tech talaga. So hindi ako makakapasok dito pag wala siya. Hihintayin ko talaga ito na umuwi. "Come here. You will stay here with me. You can rest the whole day. I'll be out. Saglit lang. Just ask anything from Marissa. Anything you need. Wait for me, okay?" Nakaupo ito sa dulo ng kama at ako naman nakatayo at nakatunghay sa kaniya. He hold my waist and look up to me while telling me those. "Okay. Can I go out? Like stroll in the nearest mall. Take a look outside? While I'm waiting for you." "It's not safe. Just stay here." Napanguso ako. Kakasad naman. Baka mabored ako. Ayaw kong makipagchismisan kay Ate Marissa. Baka kung anu pa maikwento ko. Naramdaman niya siguro na nalungkot ako kaya naman nagulat ako sa sinabi niya. "Okay fine. Just around Vivo City. It's the nearest mall here in Sentosa. Bring your phone. I'll call you anytime. You start making a list of all the places you want to visit here in Singapore. We will start tomorrow." "OMG! Totoo?!" Sa sobrang saya ko napakandung ako sa kaniya at niyakan siya ng mahigpit. "Totoo. As long as you will behave. Don't tire yourself. You'll get tired tonight." Bulong nito. Yan na ang kapalit. Walang takas. Akala ko travel lang. Travel with pleasure pala 'to. Muntik ko ng makalimutan. "Sure. I'll behave Mr. Chu." I said sexily and wink at him. Nakita ko siyang natigilan. Kaya nagkatitigan kaming dalawa. Hindi ko mabasa ang emosyon na nasa kaniyang mga mata. Nakapa misteryoso talaga niya. Biglang lumapit ang kaniyang mukha sa akin. Isang dangkal na lang ang aming pagitan. Hahalikan niya ako. Para akong first time lang na mahahalikan sa excitement na nararamdaman ko. This is going to be our first kiss kaya dapat talaga i-treasure kahit hindi ko naman first time na mahalikan. Sinimulan niya akong halikan ng dahan dahan. Tinugon ko naman ito. It was so passionate. He slid his tongue and started to explore inside my mouth. Napapaungol na lang ako sa galing niyang humalik. Ang mga kamay naman niya ay nagsimula ng maglakbay sa aking katawan. Hanggang sa pumasok ito sa loob ng aking crop top. It reached my breast. He unclasped the hook of my bra. He cupped both of my mound and started massaging it and played my n****e. Mas lalo pa akong napaungol. Halos mapugutan kami ng hininga sa aming halikan. He is a good kisser. Kaya mas lalo akong ginanahan. I'm started to get wet down there. I won't deny it. He is so hot and good. Sa isang lalaki ko lang siya maikokompara. Sa lalaking nakauna sa akin. Parang same sila kung humalik. Hindinv hindi sa ex ko na walang kwenta. Ang masasabi ko. Walang sinabi ang ex ko sa halik pa lang nito. Makabasa ng panty ang kaniyang halik. Biglang may nag-alarm sa buong kwarto kaya naputol ang aming halikan. Narinig ko si Mr. Chu na nagmura. "f**k!" "What's wrong? May nangyari?" Nagtaka tuloy ako. Parang may sunog lang kung makaalarm ang kung anu man 'yon. "Boss! Sorry to disturb. But we have to go. The client is waiting since this morning." Hindi ako sure kung sino ang nagsalita sa labas. Baka si Chico. Hindi ako sure kasi hindi ko naman nakabisado ang kaniyang boses. "Okay, I'll go down." Nasa gano'n na posisyon pa rin kami ng tiningnan niya ako ulit. Tinitigan ng matagal at hinaplos ang aking mukha. "I have to leave you. Just wait for my call, okay? You behave Kimberly." Pinababa niya ako mula sa kaniyang kandungan at bigla siyang may iniabot na card. It's a black card. Alam ko na ang ibig sabihin no'n. Sky is the limit. Do the shopping girl. "Use this. Buy whatever you want. See you later." Tumayo ito at inayos ang suot bago ibinalik sa akin ang kaniyang tingin. "Lastly, don't call me Mr. Chu. I'm not that old Kimberly." "Ayoko nga. Okay na 'yon. Huwag kanang magreklamo. Go! See you later Mr. Chu!" Malambing kong sabi sa kaniya. Hinalikan ko siya sa labi for the last time. "I'll wait for you." Tinulak ko na siya palabas ng kwarto. Kinabahan ako doon ah. My heart was beating so fast. Buti na lang parang ang bait niya sa akin. Ganda ng kwarto. Very manly. The motiff is a combination of black, white and grey. Ito siguro ang favorite color ni tsekwa. Sarap tulugan ang kama parang pang five star hotel sa lambot. Ilang thread counts kaya to? Alam ko pag mga hotel nasa 300 thread counts ang mga 'yon. Kaya naman hindi ko mapigilan ang mahiga at damhin ang lambot ng kama. Hindi pa ako nakontento at parang bata akong naglundaglundag habang tumatawa. Mababaw na kaligayahan. Gano'n ako. Sa dami ng mga pinagdaanan ko sa buhay simula pagkabata ko mababaw lang ang aking kaligayahan. Isa sa mga ito ay ang ganito. Ngayon lang naman ako makakatulog ng ganito ka lambot na kama. Nagtry naman kaming mag live in ng ex ko kaya nakaranas ako ng maayos na higaan pero hindi ang ganito. Hindi ko pa rin naman nakakasama ang mga kaibigan ko sa pag out of town. Most of the time tambay tambay lang sa mga coffee shops and kainan. Speaking of my friends. One of this days magpaparamdam ako sa kanila. Huwag na muna ngayon. Simula ng naghiwalay kami ng ex ko hindi na ako nagrereply sa group chat namin. Naawa lang kasi ako minsan sa aking sarili. Sa aming apat na magkakaibigan ako ang hindi sinwerte. Si Bella ang pinaka swerte. Sabagay ang bait naman din no'n. Sa dami kung inisip hindi ko namalayan nakaidlip na ako. Nagising ako bago magtanghali. Bumaba ako para sana kumain. Sakto naman at nakita ko si Ate Marissa. "Salamat naman at gising kana. Gisingin sana kita kaso bawal kasi akong lumapit doon sa room ni Sir. Halika kumain ka at baka mapagalitan ako." Oo nga pala. Nakalimutan ko na naka iris scanner pala ang pintuan ng kwarto ni Mr. Chu. Paano kaya ako babalik doon? Nakalimutan ko rin siyang tanungin. Ang bobo ko talaga at naiwan ko pa ang bag ko sa taas. Wala na. Hindi na ata ako makakalis nito. Huwag na nga lang. Lumapit ako sa mesa at nagsimula ng kumain. Buti na lang at typical Filipino food ang mga nakahain. "Ate, kain ka." Aya ko dito. Kakahiya naman kung ako lang ang kumakain. "Nako! Tapos na ako kaya kain ka lang diyan. Ok lang ako. Hintayin lang kitang matapos para mailigpit ko na lahat dito." Binabantayan lang naman niya ako habang kumakain kaya naasiwa tuloy ako. Parang ang tahimik naman. Akala ko pa naman madaldal si Ate at may makakakwentuhan ako. "Matagal ka na ba dito ate?" Hindi ko maiwasan na magtanong. "mmmh maya ha..." Mahina at tipid nitong sagot. Ngumuso ito. May itinuro ito na gamit ang kaniyang matulis na nguso. Ah, nagets ko agad. Sa hardin. Yon ang itinuro niya. Baka doon kami mag-uusap. So bawal pala mag-usap dito sa loob. Binilisan ko ang aking pagkain at ng matapos ako nauna na ako sa hardin. Umupo ako sa may parang duyan na upuan. Sarap naman pag ganito lang ang buhay ng ferson. Plano ko sanang ikotin ang buong bahay kaso tinatamad ako. Gusto ko tuloy lumabas. Doon mas exciting. Kaso wala akong pera at cellphone. Nakita ko si Ate Marissa na papalapit sa akin. Umupo rin siya sa may duyan. Tahimik muna kami na nakatanaw sa may unahan. May fountain kasi. Tapos sa baba nito napapalibutan ng magandang puting bulaklak na hindi ko kilala. First time kung makakita. "Sorry ha. Bawal tayo mag-usap sa loob. Lahat kasi doon may cctv. Malalaman ni Sir lahat ng galaw at mga usapan. Kaya pag may kausap rin ako na mga kamag-anak ko dito ako sa labas. Pero madalang din. Bawal din kasi mahaba ang usapan. Baka pagdudahan ako ni Sir. Sabihin pa na spy ako. Alam mo na parang sa mga pelikula lang." Nakatawa pa niyang paliwanag. Naintindihan ko na man siya kaya tumango ako at ngumiti rito. "Matagal na ako rito kay Sir. Mag sangpong taon na. Ninenteen pa lang ako ng napunta ako rito. Minaltrato kasi ako ng dati kung amo. First time ko kasing umalis ng Pilipinas at nakipagsapalaran dito sa Singapore. Buti na lang nakita ako ni Sir sa daan noong pinalayas ako ng dati kung amo. Simula no'n dito na ako." "Swerte ko kahit paano. Kahit hindi gano'n ang tiwala ni Sir sa akin ay naiintindihan ko. Wala akong problema rito basta sundin ko lang lahat ng mga dapat at hindi dapat. Ang trabaho ko lang naman ay bantayan ang mga alaga niya. Ihatid sa school. Alam mo ba na nag-aaral ang mga 'yon.haha Buti pa ang mga hayop na tulad nila naka international school diba? Nasaan ang hustisya." "Mabait si Sir. Mabait kasi minsan lang nagsasalita. Hindi ko alam kung nagagalit ba siya kasi hindi konpa siya nakitang nagalit. Hindi ko rin alam kung may pamilya siya o may asawa o girlfriend. Honestly, ikaw pa lang ang ibang tao ang dinala niya rito. Mga kaibigan niya yung mga pogi nakita ko na nagstay dito. Pero aside sa kanila wala na. Siyempre bawal akong magtanong. Basta sakto ang sahod ko. Mas madalas nga ang mga bonus. Kaya okay na ako. Trabaho lang tayo." "Yun lang ang maishi-share ko sayo. Pero kanina ko lang si Sir nakita na nakangiti. Siyempre ikaw lang ang dinala niya dito na babae. Ang alam ko may mga babae rin siya. Naririnig ko lang sa mga kaibigan niya pag nandito sila. Mga babae kasi mostly ang pinag-uusapan. Tahimik lang ako na nakikinig sa kaniya. Ayoko kung magtanong kahit sobra ang aking kuryusidad. Wala rin naman akong makukuha na sagot. Gusto ko sana sabihin na ako babae niya. Well in fact. Binayaran na babae niya. Sa akin na lang 'yon. Hindi rin ako dapat magtiwala agad. Mahirap na. Kaya iniba ko na lang ang usapan namin. "Ate, nakalimutan ko yung bag ko sa taas. Ang alam ko kanina naka iris scanner ang pintuan so hindi ko siya mabubuksan. Nagpaalam naman na ako kanina na pupunta sa pinaka malapit na mall. Paano kaya? Gusto ko pumunta doon." "Nako! Paano ba 'yan. Alam ko sa Vivo City ang malapit dito. Magtaxi ka na lang papunta doon. Pahiramin kita ng pera. Pati cellphone nasa taas?" "Oo eh. Nasa loob kasi ng bag ko." Nahihiya kung sabi rito. "Sige may isa akong phone. Ipapadala ko sana sa pinsan ko. Gamitin mo muna. May sim din naman ako na isa. Basta sa Vivo City ka lang ha. Huwag ka talagang lalayo Kim! Patay talaga ako. Baka mawalan ako ng trabaho. Hindi pwede. Nag-aaral pa ang isang kapatid ko." Seryosong sabi nito. "Oo ate. Promise po. Mag-iikot-ikot lang ako doon." Excited na kinakabahan. Ito lang naman ang nararamdaman ko ngayon. Dala ay isang cellphone at pera na 200 SGD. Singaporian dollar kung tawagin ang pera nila. Katulad ng isang normal na Pinoy. Natural icompute ko siya sa peso. Sa ngayon ang hawak ko na pera kung sa peso ay nasa walong libong peso. Ang laki na nito ah. Since bawal ang mga public vehicle sa loob ng subdivision no choice operation alay-lakad. Grabe ang pawis ng makarating sa dulo. Buti na lang naka sneakers ako. Kung ano ang suot ko kanina. Ganoon pa rin ngayon. Inamoy ko naman ang aking sarili. Hindi pa naman ako mabaho. Sakto naman may dumaang taxi kaya pinara ko ito at sinabi ko Vivo City. Alam ko safe ako dito sa Singapore. Hindi tulad sa Pinas. Habang naghihintay ako na makarating sa paroroonan biglang may nakita ako na isang papel na nakatupi, makulay. Binuklat ko ito at ang tumambad sa akin ay ang mapa ng mga tourist distination sa Singapore. Kung paano ito pupuntahan gamit ang bus, mrt and lrt nila. Hulog talaga ng langit. Tiningnan ko nga. Papunta ako ng Vivo City. Ito ay malapit sa HarbourFront MRT Station. Hindi talaga ako mawawala. Like what I have promise to ate Marissa hindi ako lalayo. Nakarating din ako sa Vivo City. Nasa around 12SGD din ang binayad ko sa taxi. Hindi na ako nagconvert. Sasakit lang ang aking heart sa convertion. As per Mr. Google kasi sinearch ko siya. It's one of the largest shopping mall in Singapore. Halata naman. Malaki nga. Pumasok ako at nagsimulang magtingin tingin. Ikot ako ng ikot. Window shopping lang. May mga tao na nakakasalubong ko na napapatingin sa akin. Nagtataka siguro. Gusto ko sana pumasok sa loob ng mga branded na mga boutique kaso wala naman akong pambili. Nakakahiya naman. Nang mapagod ng konti nagpahinga muna ako. Doon sa may garden ako tinuro ng aking napagtanungan. Nagtanong din ako saan ako pwedeng bumili ng tourist pass. Mamaya ako bibili after kung magpahinga. Makikita mula sa Vivo City ang Sentosa. Pwede pa lang dumaan dyan. Nasa may third floor daw dadaan. Bibili ng ticket para sa cable car. Free entrance naman. May free ride rin papuntang Universal Studio. Syempre hindi ako ngayon pupunta. Wala akong pera at walang kasama. "Excuse me? Are you alone?" Bigla akong may narinig na boses na nagsalita sa gilid ko. Tiningna ko ito. Isang lalaki. Bata pa at may hitsura. Nakakatawa naman ang tanong niya. Hindi ba obvious na mag-isa lang ako. May hitsura na sana. Bobo lang. Pero syempre hindi ako umamin. "No, I'm with my friend. May binili lang." Casual na sabi ko rito. "Pinoy ka pala? Akala ko foreigner. Okay sige sorry ha. Akala ko kasi mag-isa ka lang. Wala rin kasi akong kasama." Nahiya pang sabi nito. "Okay po. No worries." Tipid kung sagot at nginitian ko na lang. Style mo bulok. Luma na. Dahil ayoko na magsalita pa ang lalaki tumayo at walang sabi na iniwan ito. Nadaan ko ang isang Food Republic. Naengganyo akong pumasok. Ito pala ang kainan ng mga hawker foods sa Singapore. Kung sa Pinas ay mga street foods. Mga very affordable na pagkain pero masasarap. Dito sa Singapore ay sosyal nasa isang centre sila. Parang sa mga food market ang style. Bumili lang ako ng maiinum. Busog pa naman ako at ayaw kung bawasang pa ang aking pera need ko kasing bumili ng tourist pass at pangtaxi ko pa. Nagtanong tanong ako hanggang sa itinuro ako sa isang parang seven eleven na shop kung saan makakabili ng tourist pass. Buti na lang meron pa. Usually daw ang bilihan ay doon sa may malapit sa MRT station. Pero hindi lahat nv station ha. May designated station lang. Ang Singapore Tourist Pass price is S$12 for one day, $20 for two days and S$30 for three days. You will be required to pay a deposit of S$10 when you purchase. Dalawa na ang kinuha ko just incase gusto ni Mr. Chu na sumama or si Ate Marissa. Pincturan ko pa para remembrance. Iikot pa sana ako sa kung saan pa ng magvibrate ang cellphone na pinahiram sa akin ni Ate Marissa. Nakita ko na may message. Galing kay Ate Marissa. [Girl, nasaan kana? Patay tayo umuwi na si Sir at galit ng malaman na wala ka dito. Akala ko ba nagpaalam ka.huhu] Hala! Nagpaalam naman talaga ako ah. Baka kaya galit dahil wala akong cellphone na dala at hindi niya ako macontact. [Sige ate sorry. Babalik na ako. Dito kang naman ako sa mall nag-ikot.] [Ay, huwag kana bumalik. Sabihin mo na lang sa akin nasaan ka. Ipapasundo kita diyan. Ngayon ko lang nakita si Sir na galit. Kakatakot pala girl.] [Sige po. Sa may garden ako maghihintay. Sa may second floor.] Pati siguro ako award nito. Nakalimutan ko pala 'yon. Nawili na kasi akong mamasyal. Umakyat ako pabalik ng second floor para maghintay sa may garden. Ilang minuto akong naghintay. At yung lalaki kanina lumapit na naman. "Miss. Wala pa rin ba ang kasama mo? Kanina ka pa ah. Bumalik kana na wala pa rin." Kinilabutan ako doon huh. Ano 'to stalker? Hindi ako nagpahalata na kinakabahan na ako. Tipid pa rin ako na ngumiti pero hindi ko siya sinagot. "Samahan na muna kita rito ha. Mahirap kasi ang mag-isa. Nakakalungkot." Ang kulit lang kahit hindi ko na kinakausap. "Okay ka lang, Miss." Tatarayan ko na talaga ang isang 'to. Sasagutin ko na sana siya ng may marinig ako na nagsalita. "Stay the f**k away from her!" Halos dumagondong ang boses niya sa garden na 'yon ng mall. Mabuti na lang ilan lang ang tao. Kinabahan ako bigla sa nakita ko na galit kay Mr. Chu. Hinablot niya ako at kinabig papunta sa kaniya. Hindi na namin hinintay na magsalita ang lalaki dahil hinila na ako nito palabas ng garden. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa aking pulopulsuhan. Kaya medyo nakaramdama ako ng sakit. Pero sa kalaunan habang naglalakad kami at pababa sa hindi ko alam kung saan unti unti itong lumuwang hanggang sa napunta na sa akin kamay ang pagkaka hawak niya. Nakarating kami sa isang parkeng area. Nakita ko agad ang mga body guard niya at may sinabi siya dito sa wikang Chinese. Hindi ko alam kung ano pero sigurado ako pinaalis niya kasi nagsialisan ang mga ito at naiwan kami na dalawa. Nakatalikod siya sa akin at nasa tabi kami ng isang magarang sasakyan. Nakikita ko ang pagtaas baba ng kaniyang balikat. Alam ko galit ito at nagtitimpi lang sa akin. Hindi ko alam ano ang gagawin ko. Lambingin ko na lang kaya siguro naman gagana. Kaya lumapit ako sa kaniya at dahan dahan ko siyang niyakap sa likod. "I'm sorry... Huwag kang magalit please..." Mahinang sabi ko. Sana gumana. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya ng malalim. "Get inside the car and let's go home." Matigas na utos niya. Kaya tumalima naman ako. Sumakay din ito sa may driver seat. Pinaharorot ang sasakyan. Napakapit ako ng mahigpit sa mga handle. Imbis na matakot ngayon parang napahanga pa ako sa hitsura niya. Why so sexy of him when mad? Nakikita ko pa ang pagtiimbagang niya. Yung kanina na 15 minutes drive ko sakay ng taxi halos mag 5 minutes drive lang ngayon. Ganoon kabilis niyang pinasibad ang sasakyan. Kahit galit naman ito nakapa gentleman pa rin dahil ito pa rin ang nagbukas ng pintuan para sa akin. "Go upstairs and wait for me. Don't come down until I say so. Wait for my punishment. You've been a bad girl today." Yon lang ang sinabi niya at iniwan na ako. Nakita ko siyanh pumasok sa isang separate na bungalow. Pinaka office siguro. Pumasok din ang mga body guards niya. Napabuntong hininga na lang ako. Prepare for the punishment. Alam na this. Bukas hindi ako makakatayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD