Everyday going to the gym became my routine. Religious diet became my habit. Hindi ko namalayan na natapos na ang one week.
Natapos ko rin ang mga naemail na trabaho sa akin galing Z-tech. Ayaw ko kasi na may maiwan ako na work lalo na at aalis ako for about a week.
Ang laki ng binawas sa timbang ko. Halos 6kg in one week. Ikaw ba naman na veges salad and cereal lang kinain sa buong linggo. Minsan sinasamahan ko ng mga dried fruits. Pero effective yong tea. Grabe ang pop ko everyday.
Parang feeling ko tuloy ngayon kasalanan ang kumain ng carbo loaded foods at mga sweets like my favorite na ice cream and chocolate.
Ang hirap pag katawan ang kailangan na puhunan. Pwede kayang utak at talent na lang? Mayroon din naman ako no'n. Kaso mas mabilis at malaki ang pera agad pag katawan.
Kaya tiis lang Kim. Makakaraos ka rin! Tiwala lang. Sermon ko sa aking sarili.
Nang okay na ang aking timbang. Bumalik ako sa Seeking.com kay Czarina. Para magreport at para bigyan din ako ng proper instruction sa next step ko na gagawin.
"Oh my god! You look absolutely stunning dear. Sabi ko na eh. Bawas timbang lang ang gagawin and everything is perfect."
Gulat at saya ang nakikita ko sa kaniyang mukha. May halong excitement na rin. Siguro malaking achievement sa kaniya na naging ganito ang aking hitsura in just a matter of one week.
"May mga damit na ipapadala sa condo mo at isang suitcase. Yun ang nga susuutin mo for a week na kasama mo ang client. Bukas ng gabi ang flight niu patungong Singapore para sa isang business conference niya. Ipapasundo ka sa condo. Sa private plane mo na siya makikilala. So good luck? I hope it went well. I trust you Kimberly."
"Sa Singapore lang po ba kami pupunta the whole week Miss Czarina?"
Nacurious lang naman ako kaya kinailangan kung tanungin. Para naman ready ako sa mga mangyayari.
"Hindi ko actually alam. Basta ang sinabi ng client namin papuntang Singapore. He is a Chinese businessman. Be good. Kasi he is one of our loyal customer at magaling magdala ng babae. Ayaw na ayaw lang niya na naiinlove sa kaniya ang isang sugar baby kaya nagpapalit siya parati. Matagal na noong last na kumuha siya. Basta remember the magic work. Don't fall inlove. Just enjoy the moment"
"Okay, well taken Miss Czarina." Tipid ko itong nginitian.
Kinakabahan kasi ako na excited. Ewan ko, halo halo ang mga emosyon na bigla ko lang naramdaman.
Nang umuwi ako ng condo nakita ko nga ang bagong na suit case na mamahalin ang brand, at katabi nito ay mga paper bags ng mga branded na damit, bags and shoes. Inisa isa ko itong buksan.
Galing naman ni Miss Czarina pumili ng mga damit. Kuha niya ang mga gusto ko. Mahilig din naman ako magdamit at mag ayos ng aking sarili kaso hindi ganito kamamahal na mga damit ang aking afford. Pang ukay-ukay lang ang beauty natin.
Inayos ko lahat ng mga gamit at ni-ready na ang aking susuutin para bukas. Para wala na akong iisipin. Magrerelax na lang ako at maghihintay sa client.
Natulog ako ng maaga at kinaumagahan nagtungo pa ako sa gym. Umaasa ako na makikita ko ulit yung pogi na lalaki nakita ko kahapon. Ni anino wala akong nakita kaya ang tamlay ko na umuwi ng bahay at nag-ayos dahil pagpatak ng 2pm may susundo na sa akin para pumunta na ng airport.
Saktong 2pm may kumatok sa unit. Yung sundo ko na pala. Inayos ko ang aking suot. Naka fitted crop top na black paired with black trouser at pinatungan ko ng cardigan na mahaba. Naka white sneakers lang ako. Ang alam ko mainit sa Singapore at mabilis lang naman ang flight. Isang maliit na suit case at tote bag na katamtaman ang laki ang aking mga dala.
Habang nasa loob ng sasakyan hindi ko mapigilan ang mamangha. Di naman masyadong halata na mayaman ang aking client. Sa sasakyan pa lang. At lalo na sa ibabayad sa akin. Sana all nagwawaldas ng pera. Gusto ko sana magtanong sa driver kaso parang napaka formal ng driver. Halos hindi ngumingiti.
Parang ayaw ko naman maging mayaman kung ang mga tauhan ko ganito na pormal.
"Dito na po tayo ma'am. Samahan ko po kayo paakyat ng private plane. Nandoon na po si Sir kanina pa nag-aantay."
Tumaas ang aking isang kilay. Marunong pala itong makipag-usap. Akala ko hindi ako kakausapin. Tinanguan ko ito at sumunod na ako.
Naglakad kami sa rampa ng airport hanggang sa may natanaw ako na isang eroplano at nakalagay ZA Airlines. Yayamanin talaga. May pa private plane pa ang client. Baka matanda 'to na madaling mamatay. Kinilabutan tuloy ako.
Habang papalit ako sa eroplano grabe ang kaba na aking nararamdaman. Hi fi ko alam kung kaba o excited ako. Ang lakas kasi ng t***k ng aking puso. Parang anumang oras gustong lumundag nito palabas sa aking dibdib.
Pagkaakyat ko sa loob ng eroplano may sumalubong agad sa akin na flight attendant.
"Hi ma'am! Welcome aboard to ZA Airline. I will guide you to your seat."
I smiled at her and nodded kahit kinakabahan. Aside sa first time kung sumakay ng eroplano. Hindi ako nagpahalata. Kakahiya naman. Wala sa hitsura at outfit ko.
"This way ma'am. Kanina pa po kayo inaantay ni Sir. If you need anything just ring this bell once. Enjoy!" Kinuha niya ang suitcase ko at nilagay sa compartment.
Umalis na ito at ako naman ay dahan dahan na umupo. Napatingin ako sa katabi. Hindi ko kasi makita ang mukha dahil sa newspaper na hawak niya. Tinitigan ko ng mabuti ang katawan niya. May mali ata.
Ang iniexpect ko ang makakasama ko ay lalaking may malaki ang tiyan. Kulubot ang balat at may puti na ang buhok. Pero ang nasa harapan ko ngayon at isang matipunong lalaki na may alon alon na buhok. Naka black knitted longsleeve ito na hapit sa katawan. Mababakas ang kakisigan nito. Ang buhok niya na parang bagong liko na nilagyan ng gel para style magulo.
Sisilipin ko na sana ang mukha nito sa likod ng newspaper ng maunahan ako nito ng magsalita.
"Are you going to stand there the whole flight? You may sit down."
Shocks! Bakit familiar ang boses niya. Kinilabutan na naman ako sa boses na aking narinig. Napaupo tuloy ako. Hindi ko alam ang gagawin. Mag hi o hello ba ako. Bakit naman kasi walang formal na pagpapakilala sa amin.
"mmmh.... Hi po. Ki- Kkim here."
Halos mautal ako sa kaba. Napapikit ako bigla dahil sa hiya. Parang ayaw kung imulat ang aking mata. Narinig ko kasi na binaba niya ang newspaper. Kaya alam ko kita na ang mukha niya.
"Am I that old Kim? Cut the po here."
Bigla kung binuksan ang aking kanang mata sa planong silipin ito. Sa gulat ko sabay na nanlalaki ang dalawa kung mata.
OMG! Yung lalaki 'to ah. Joke ba'to? Hinahanap ko siya kahapon tapos ito at kaharap ko na. Swerte ba'to or isang panaginip lang.
"We haven't introdue each other. So let me. I'm Kai Seven Chu. You can call me Kai. And I expect Czarina explained to you your role here, ayt?"
Kain Seven Chu. Pangalan pa lang. Tsekwa na. At tunog mayaman na Tsekwa. Minsan lang ako makakita ng pogi na Chinese. Ayoko kasi sa mata nila. Nawawala pag galit at kapag ngumingiti.
Nag-aalangan akong ngumiti sa kaniya. At nagsimula rin na magpakilala sa kaniya.
"I'm Kimberly Marie Nuñez. You can call me Kim, kimmy or Marie." Sabi ko habang hindi inaalis ang titig sa kaniya. Nakatitig din kasi ito sa akin.
"You sit beside me. Come here. Are you hungry or you want something to drink."
Biglang nag-iba ang tononng boses niya. Kung kanina seryoso at pormal. Ngayon naging malambot ito at nakakarelax.
"Okay, anything will do." Pucha! Hindi ba'to marunong magtagalog. English kasi ng english.
Sinunod ko naman ang sinabi niya. Umupo ako sa kaniyang tabi. Akala ko kasi pang-isahan lang anv upuan niya. Mas malaki pala at pwede dalawa ang umupo. Yon nga lang sobrang dikit namin na halos maramdaman ko ang init ng kaniyang katawan.
Naramdaman ko rin ang kamay niya na humawak sa baywang ko at hinapit ako papunta sa kaniya.
"I've heard from Czarina that you really did lose weight that fast, huh? That's why you look pale. You ate a little I guess." He whispered sexily in my ears while he started smelling my hair. Unti unti akong nakikiliti.
Dito na ba kami mag-uumpisa. Grabe ang kaba sa dibdib ko. Hindi ko nga alam kung sa akin o sa kaniya ang naririnig ko na lakas na t***k ng puso.
"I like your scent. Smell like lavander."
Hindi ko pa rin alam ang isasagot ko. Hindi naman ako ganito. I seldom become speechless. But this man made me one.
Naramdaman ko ang mga labi niya na binibigyan ng maliliit na halik ang gilid ng aking leeg. Ito na, wala man lang go signal. Deretsohan agad agad? At dito oa sa eroplano. Magiging first time ko'to pag nagkataon.
"Wala dito ang kiliti mo, huh?" Mahinang sambit niya. Bigla niya akong niyakap patagilid habang ang mukha niya nasa may leeg ko.
Marunong pala magtagalog ang tsekwa. Akala ko naman nosebleed talaga ang datingan namin hanggang matapos ang isang linggo.
"Let's stay like this for a while. I'm so tired and sleepy. I haven't sleep for ages now."
Naawa naman ako sa sinabi niya. Unti unti naging relax ang katawan ko at hinayaan ang posisyon namin na gano'n. Akala ko may mangyayari na sa amin. Mabuti naman at hindi pa.
"Okay... you may sleep for now." Sagot ko sa kawalan ng masabi.
"Finally you talked...mmmh. You know that you are pretty right? So pretty..." Parang lasing na ito ng magsalita. Halatang antok na antok na talaga ito.
Aba at may pahabol pa talagang pambobola ang isang'to. I lift my right hand and suddenly tap his head and comb his hair. Paulit ulit ko yon na ginawa ng marahan hanggang sa nakarinig ako ng muntik hilik. Nakatulog na siya. Hinayaan ko na ito at sinubukan ko rin na umidlip.
" Sleep well Mr. Chu." Mahina kong sambit.
Nakarinig ako ng mahinang boses kaya napamulat ako ng aking mga mata. Yong flight attendant pala nasa harapan namin. Tinatawag niya kami.
"Yes?"
Sinagot ko siya sa mahinang boses at sinenyasan siya na huwag masyadong mag-ingay. Tulog na tulog pa kasi si Mr. Chu. Hindi ko na rin namalayan ang oras. Nakatulog din pala ako sa buong biyahe.
"Passengers be ready for landing."
Umalis ang flight attendant sa harap namin dahil lalapag na ang eroplano sa airport. Nandito na pala kami. Pero ang kasama ko mahimbing pa rin na natutulog. Ilang araw kaya 'to hindi natulog. Kung ano ang posisyon niya kanina gano'n pa rin hanggang ngayon. Parang Koala ang hitsura sa pagkakayakap sa akin.
"We have just landed safely at Changi Airport. Welcome to Singapore."
Narinig ang piloto na nagsalita. Nasa SG na pala kami. Excited ako. First time ko kasi sa Singapore. Pwede kaya ako mag explore na ako lang. Itanong ko mamaya since mabibusy naman siya sa kanyang meeting.
Mayamaya lumapit sa akin ang isa sa mga tauhan niya. Napansin ko may mga body guard siyang kasama. At ang isa dito nasa harapan ko na. Nakatingin lang sa kaniyang amo at minsan sumusulyap sa akin ng bahagya.
"Gi- gigisingin ko na ba?"
Nag-aalangan kong tanong dito. Una hindi ako sure kong nakaintindi ng tagalog, chinito din kasi at maputi. Pangalawa kahit ito parang ayaw gisingin ang amo.
"No, let him be. Ngayon lang siya nakatulog ng mahimbing. Antayin natin hanggang sa magising siya saka tayo baba ng eroplano. Sinabihan ko na rin sila."
Tumango ako rito at nginitian ito. Nangangawit na actually ang leeg ko. Nasa leeg ko kasi ang halos buong mukha ni Mr. Chu. Sabi ko nga parang Koala na nadidi ang peg. Tumahimik na lang ako. Bawal magreklamo. Trabaho lamang 'to.
"Thank you Miss Kim."
Biglang napaangat ang aking mukha sa tauhan niya na nasa harap pa pala namin. Akala ko aalis na ito. Napakunot noo ako na nagtatakang tumingin sa kaniya.
"It's been a long time since he sleep this long. I hope magkasundo kayo. Make him happy. He deserve it."
Gusto ko sanag sabihin na don't worry ito ang trabaho ko ngunit shut up na lang tayo. Tumango ako sa kaniya.
"I hope so..." Tipid ko itong nginitian.
"Chin here. Call me if you need anything." Pakilala niya sa akin.
"Come on Chin! Get lost." Bigla akong nagulat dahil sa boses na narinig ko. Gising na pala ang Koala.
" Gising na ako. I'll be ready in a minute."
Dahan dahang umangat ang tingin nito sa akin at kumalas sa pagkakayakap. Pero nakatitig pa rin.
"Did you sleep too? Sorry for that. I feel much better. Get yourself ready and we will go out of the plane. And you. Go now chin!"
Naiinis nitong taboy sa tauhan. Kaya hindi na ako nakapag react.
"Tse! Nakayakap ka lang ng mahigpit." Narinig kung bulong ng si Chin.
"What?!"
Kita ang inis sa mukha nito. Don't tell me maghaharutan pa ang dalawang 'to sa harapan ko.
"Nothing, I'll go ahead. See you donwstairs."
Umalis na si Chin at kami naman na dalawa ay inayos ang mga sarili namin. He even went to the lavatory. I think he will brush his teeth or whatsoever. Need ko rin pala mag pee and wash ng face. Kahit ganito lang ako need ko pa rin naman maging maganda. Yun lang ang ambag ko sa earth.
Tama nga ako at nag-yos ito. Fresh na ang mukha nito at nakaayos na. Ako naman ang tumayo at akmang aalis na sana ng hinawakan niya ang aking kamay.
"Where are you going?"
Aba't nagtatanong pa. Ano siya lang ang pwedeng maghilamos? At gusto pa talaga niyang magsalita ako. Hindi pa ako nagtotothbrush. Paano kung mabaho ang aking hininga. Ginamitan ko siya ng sign language na punta muna sa lavatory. Feeling ko naman na gets niya kasi binitawan niya ang kamay ko at tumango.
Dali dali akong nagtoothbrush, naghilamos at inayos ang aking sarili. Palabas na sana ako ng marinig ko ang dalawang flight attendant na nag-uusap.
"Ang pogi talaga ni Mr. Chu. Swerte naman ng kasama niyang sugar baby ngayon. Paano kaya mag-apply?"
"Alam ko na kung saan. Nagtry na nga akong magsubmit ng resume girl. I hope mapili ako. Ang higpit pala. Mas mahigpit pa kesa mag apply ka maging FA. No wonder ang ganda ng kasama niya ngayon. Parang living barbie doll ang ganda at katawan. What a lucky girl."
"Ang tagal din niyang hindi nagsama ng sugar baby. Parang ngayon lang ulit. But this one is the youngest. Parang fresh na fresh. Swerte niya kay Mr. Chu napunta.
Nang marinig ko silang umalis na saka ako tuluyang lumabas at binaybay pabalik sa upuan namin. Nakita ko si Mr. Chu na nalatayo at hinihintay na lang ako.
"What took you so long? Are you okay?" Nag-aalala nitong tanong.
"I'm okay. Nag p-pop lang..." Pagsinungaling ko rito.
Nakita ko ang pagsilay ng pinipigilang ngiti sa mga labi niya. Nahiya tuloy ako sa akinh sinabi.
" Okay... Then let's go."
Inilahad niya sa akin ang isang kamay niya at tinanggap ko naman. Pinagsaklob niya ang aming kamay habang iginiya niya ako palabas ng eroplano. Akala ko pag makalabas na kami ay tatanggalin na niya ang pagkahawak sa aking kamay. Mas lalo pa niyang hinigpitan ito. Hindi ako umangal. Mas kinilig pa ako at napangiti ng wala sa sarili.
Ang sweet pala ni Mr. Chu. Hindi ko ini-expect na ganito siya. Parang delikado ako nito. Kung ganito siya parati sa buong isang linggo na magkasama kami. Baka hindi ko mapigilan ang tuluyang mahulog sa kaniya. Which is very dangerous. I can't fall in love with him. Not again.