SB Com. Building....
Nasa harapan ko ngayon ang isang magandang opisina. A color combination of soft pink, gold and white. Some offices can be annoying and depressing. But this one, the ambiance is full of romance. Napaka sweet sexy and romantic ng dating.
Dito ako ngayon sa office ng Seeking.com. Siguro naman hindi ito scam. Sa ganda ba naman ng office. Hindi rin ito ang nakalagay na name ng company. Anyway, itatanong ko na lang.
Ang pangalan ng building na pinasukan ko ay SB Com. Isa lang ang office na ito sa mga iba pang magagandang opisina sa loob. Kaya may kutob ako na isa lang itong part ng nasabing company.
"Good morning! Welcome to Seeking.com. Feel at home and find the comfort while you wait for your appointment."
Wow high tech din pala dito. Wala ng guard or information. Voice operated pala ang tema dito. Cool!
Deretso akong umupo sa bakanting upuan. Buti na lang wala pa akong masyadong work sa Zwift E- Tech kaya nagpaalam muna ako na hindi makakapasok. More on orientation pa lang kasi ako this month. Next month na ang proper.
"Miss Kimberly, you may now proceed to the next door on the left side. The manager is waiting for you." Sabi na naman ng boses sa paligid.
Sinunod ko naman ang instruction. Pumunta ako sa left side na pintuhan, kumatok sandali at binuksan ito. Dahan dahan akong pumasok. Tumambad sa akin ang isamg kwarto na tulad ang interior sa labas. Mas maganda lang 'to ng kunti. At dito may tao. Isang super sexy na babae na nasa mid twenties ang nasa harap ko. Hindi lang ako sure kung tama ang aking hinala sa edad niya. Ang ganda rin niya. Napaka sopistikada.
"Hi po good morning, maam." Tipid ko na bati at nginitian ito. Pormal ang kaniyang mukha. Hindi ito ngumiti at hindi rin naman nagtaray. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.
"Welcome, Miss Kimberly. Seeking.com is looking for more capable woman to be one of our chikas. I have one question for you.
What made you sign up for us online?" Deretsng tanong nito na puno ng kompyensa.
Well, sanay din ako sa mga sagutan. Kung confident lang ang pag-uusapan. Yan lang ang mayroon ako. Siguro kasi alam ko sa sarili ko na maganda at matalino ako.
"Honestly, I got curious. It pup out while I was browsing the net then I signed up immediately. Not knowing what is it. But, an idea came to my mind that it is related to a dating site. I guess, mmh... somewhat like that perhaps?" I confidently said.
"Yes, you got it. But, we are more into that. We are an agency that provide the need of companionship of a man. May it be purely friend, s*x, f**k buddy and whatever. As long as you can be a good companion of someone who wants to escape from their stressful world. They are willing to pay millions at wala lang sa kanila yun.
Honestly the moment I saw you hindi na sana kita tatanggapin. Kasi you lied about your picture. Iba ang built mo sa picture na nasubmit mo sa built mo in person. Pero mukhang madali lang naman gawan ng paraan. Kasi hindi ka naman ganoon kataba. Nagkalaman ka lang, a week if diet and work out will put you in shape.
Actually pinatawag kita agad kasi bigla kung nasama ang picture mo sa loyal customer namin. At agad agad ikaw ang pinili niya, without asking for any information about you He wants you asap kasi may dadaluhan siya na business meeting next week.
So without further ado let me tell you more about our agency.
First, let me introduce myself. I'm Czarina del Valle, the manager and co-founder of seeking.com. This agency standing firmly for about ten years now. Dati hindi ako ang manager. Nagkataon lang na this past few years need ko ng maging hands on for some reason. This is also just a small part of SB Com. A well known business corporation na you know marami ang nagmamay-ari. Kaya siguradong safe ka sa company na 'to. You can call me Cza or Rina, cut the formality next time.
We are seeking beautiful ladies of course. With sexy body built, wit and confidence. Most specially sense of humor. Base sa mga sinabi mo ng nag sign up ka, I find it funny yung mga iba mo'ng sinabi. May sense at the same time may nakakatawa. You entertained me well by just reading your story. About your life and experiences.
Don't worry. Your real identity will be keep hidden from our clients and employees here. Ang makakaalam lang all about sayo ay ako at ang big boss namin.
Mostly mga sugar babies namin ay mga college student that is between 18 years old to 27 years old. Yun kasi ang mga tipo nila. Mga batang bata. Fresh na fresh ang dating.
May marereceive ka sa amin na mga benefits, nandito sa folder na ibibigay ko sayo pwede mong basahin pagkauwi mo. May sahod ka. Aside sa sahod mo babayaran ka rin ng client. Kung magkano ang bigay niya 60% sayo and 40% sa agency. May mga client na sobrang galante. May nabibigyan ng kotse, house and lot and sky is the limit credit card & unli shopping. Basta magustuhan ka nila. Pag nagustuhan ka nila, ipapa X ka nila. Meaning exclusive kana sa isang client lang. Hanggang sa hindi niya ipapatanggal ang X hindi ka namin pwede ioffer sa iba. Kapalit no'n ay ang malaking halaga na babayaran niya sa fee. Every year niyang babayaran yon. So every year may 80% ka doon at 20% naman sa amin.
You have to undergo a monthly thorough check up. As in buong katawan. Dapat clean ka and physically fit. Pag may makuhang sakit ang client sayo. May damages ka na babayaran. Kasi sila rin ay hinihingian namin ng mga medical certificate, including psychiatric exam. Kaya safe ka sa kanila.
Bawal kang abusuhin at bawal ka din mang-aabuso. Fair lang. Hindi mo kailangan magreport dito parati. Kahit more on online transaction na sa mga susunod. Pupunta ka lang once needed. You need to sign the contract kahit hindi pa ngayon if gusto mo pang basahin muna. One year fixed contract. You need to pay a certain amount once you breech the contract. Halimbawa ayaw muna. Just tell me directly.
So now ang una nating gagawin ay make over. Since maganda kana, i-enhance lang natin. Okay na din ang sense of fashion mo, kaya konting details na lang. This time more on sa pagiging feminine side mo. Yun kasi ang mga gusto nila. At need mo pang magpapayat. If you want you can have liposuction para mabilis or tea treatment. Need mo lang itake ng 5 days ang tea. Walang ibang kakainin kundi cereals and salad lang. Wee need a specific vital statistic. But I guess work out everyday will do to you.
Paglabas mo sa office na'to may sasama sayo sa isang salon at doon gagawin lahat ng make over na pwede sayo.
So Miss Kimberly, welcome to our company and I hope you will stay longer and enjoy!"
Sa dami ng sinabi niya hindi ko alam kung natandaan ko lahat. Sige lang may copy naman ako ng contract at mga list ng mga 'to.
Hindi ko alam kung tama ba ang gagawin ko. Bahala na si Lord. I-tatry ko lang isang beses, pag hindi okay then mag stop ako. Pag-iipunan ko na lang ang penalty sa pag breech ng contract.
Sa isang sikat na Salon sa Makati ako pinapunta. Pagpasok ko pa lang halata na mga mayayaman ang mga kliyente.
"Hi ma'am! Do you have an appointment?" Ito agad ang tanong na bumungad sa akin.
"Yes, pinapapunta ako ni Miss Czarina." Sagot ko sa poging bading. Akala mo lalaki sa tindig pero hindi pala.
"Ay oo! Kaw pala. Akala ko kaya new client namin. Para kasing barbie na pumasok. Come here let's start."
Hinawakan niya ako sa elbow and guided me inside a particularly VIP room. May nakasulat kasi na VIP sa labas.
There, tumambad sa akin ang isang kwarto na puno ng kagamitan. Lahat na. From make ups, down to clothes and shoes. A must have wardrobe ika nga.
"Alam mo ang ganda mo, kahit wala kang ayos para kang manika. Ano pa gagawin ko sayo? Siguro try natin i-straight ang buhok mo para maging mature kang tingnan. How old are you?" Tanong nito na ikinalito ko.
Isa sa malaking problema mo. Walang kasiguraduhan kung ilang taon na nga ba ako. I don't know my real age. Since my identity is unknown. Nakiusap lang sina mama na pagawaan ako ng birth certificate dahil sa kakilala nila at binayaran pa.
"mmmh...I-'m 25 years old." I hesitantly said. Nakita kung tumaas ang isang kilay niya.
"Really huh? Bakit parang hindi ka sigurado? Anyway, mukha ka lang naman 18 yrs. old. So don't feel bad about your age and don't be shy. Alam ko na ang mga babae na pinapadala dito ni Czarina.
Nagulat at at parang napahiya sa aking sarili. Mukha naman na nabasa nito ang nasa loob ko kasi nagpaliwanag agad ito.
"Don't get me wrong and be offended okay? It's not what I mean. Mga dekaledad na klase ng babae ang pinapadala niya dito. Ang daming ngang mga artista at modelo." Nagulat ako doon at tumawa ito sa nakitang reaksiyon ko.
"Okay, we will start. Pinapabilisan kasi ni madam dahil benta kana daw. Iba talaga, fresh na fresh ang beauty."
He did everything to make me look good. He straighten my hair. Yung dating natural super curly hair ko pina-straight nya except sa dulo ginawa ng big volume ang pagka curl. And he even change the color into ash blond. Binawasan din niya ng konti. He put on some make up na nagpapa mature sa hitsura ko. Madali lang naman since naglalagay naman ako ng light make up when I'm at work.
Kahit ako nagulat sa hitsura ko. Iba kasi ang aking hitsura pag hindi kulot ang buhok. I know kasi hindi naman ito ang unang beses na inayusan ako. It's just that today iba ang color ng hair ko. Mas lalong na emphasize ang blue color ng aking mata. Kaya wala talagang mag-aakala na pinoy ako. Halata talaga na may halo akong foreign blood.
"Perfect! My god! Ang ganda mo talaga. Dapat nag-artista ka na lang or modelo. Sabagay mga artista nga at modelo ginagawa din 'to." Komento niya na hindi nakaligtas sa akin pandinig kahit mahina ang kaniyang pagkakasabi.
Hindi na lang ako nag explain. I don't think I owe him that one. May rason ako kung bakit ko gagawin 'to. May time pa akong umatras. Titingnan ko lang naman if kaya ko. Kailangan ko lang talaga ng madali at malaking pera nakikitain.
After kung maayusan. Nag-antay ako na may lumapit sa akin. Hanggang sa makareceive ako ng isang text message galing sa hindi kilalang number. Now, I know for sure na galing kay Czarina.
Unknown number:
[A driver will fetch you at ihahatid ka sa temporary condo unit mo. Doon ka susunduin next week para sa pagsama mo sa first client mo. Lahat ng damit sa unit na, pati pagkain mo the whole week. Iinitin mo na lang sa microwave. There's a gym two blocks from your condo. Pinamember na kita. The card is in the drawer and your credit card. FYI, hindi kami nagbibigay ng credit card. You are so damn lucky girl at binigyan ka mismo ng client mo. You can use it. So good luck! Start your diet now. Check on you next week. I expect so many changes. Don't fail me.]
Me:
Thank you! I won't fail you.
I am determined. Hindi lang dahil gusto ko na makita ng ex ko kung gaano ako kawalan sa kaniya. Para sa sarili ko mismo. My focus now is to love myself and to help my family.
May sumundo naman sa akin na driver. Tapos hinatid ako sa isang hindi naman kataas na condominium. Siguro low rise lang siya kasi nasa walong palapag lang. At sa ikawalong palapag ako ayon pa sa instruction ng nasa information ng ibinigay sa akin ang susi.
May gym pala sa condo unit mismo kaso hindi daw complete ang gamit. Doon sa sinasabi ni Czarina ang pinaka malaking gym at pinaka maganda raw. Dahil katapat ito sa isa sa pinaka mahal na condominium sa bansa. Kung saan mga mayayaman tulad ng pulitiko, business owner, artista at iba pa na mga maimpluwensyang tao. Sa laki at taas ng condominium na hanggang 38th floor. Kitang kita ang ganda nito mula sa balcony ng aking unit.
Salamat sa kadaldalan ng babaeng nasa information kanina. Sinabi niya lahat sa akin. Atleast may idea ako.
Tulad nga ng sinabi ni Czarina sa text. Totoong kompleto nga ang gamit ko. Pati bags, shoes at even outfit na pang gym ay naka ready. This is too much. Kinakabahan tuloy ako. Alam ko naman anu ang kapalit nito. Pinasosyal lang na bugaw ata ang tawag sa amin. May pa sugar baby pang nalalaman.
Napabuntong hininga na lang ako. Kahit ayoko sa ganito na klase ng pamumuhay. Nakokonsensya pa rin ako. Pangarap ko naman na makapag-asawa. Kahit hindi mayaman basta mahal at maipaglalaban ako. Hindi ko mapigilan ang maluha. Hindi ko kasi alam kung magpapasalamat ba ako, matutuwa o magagalit. Kasi kahit paano may nagiging solusyon ang problema ko. God really didn't abandoned me at all despite na nakakalimutan ko kahit dumaan man lang ng simbahan. Pero sabi ni mama pinagdadasal naman niya daw ako. Oks na yon! Mas effective daw kasi yon. Yung ibang tao ang nagdadasal para sayo. Kasi alam ni Lord busy kana kakalaban sa buhay. At pag may nagdadasal para sa'yo ibig sabihin ay mabuti kang tao. Dahil kahit paano may hindi nakakalimut na ipagdasal ka.
Biglang nag ring ang aking cellphone. It was Miss Aida from Zwift.
"Hi, Miss Kim! Ipinaalam na kita sa manager na if pwede work from home ka muna since may inaayos ka pa sa dati mong company na iniwan. Nag okay siya kaya I'll send the email na lang sa mga gagawin mo, pwede kang mag report kahit half day then sa house kana afterwards. That's for this month only, by next month need mo na pumasok araw araw. How's that to you?" Paliwanag nito sa kabilang linya.
"Wow! Thank you Miss Aida. That would be a great help. Makakaasa ka. I'll do my best. Salamat talaga as in." Totoo sa loob ko ang aking pasasalamat.
"No, worries. I trust you, unang kita ko pa lang at magaan na ang loob ko kaya I will help you. Tapusin mo muna lahat ng dapat tapusin." Ramdam ko ang gaan ng pakitungo nito sa akin.
"Salamat talaga." Nagpaalam na kami sa isa't isa.
Wooh! That was great. Umaayon talaga ang pagkakataon sa akin. Kaya napangiti ako.
Inayos ko ang aking mga gamit. Pagkatapos ininit ko ang pagkain na due na sa time na kakainin ko. meal plan pala ito. And everything is veges! So vegetarian diet pala ang pig! Huhu Kaya 'to! Para sa pera, tiis ganda.
Tinawagan ko din ang mama ko at sinabi ko na need namin mag stay sa provided na bahay ng bagong trabaho ko. After 2 weeks akong uuwi. Pinakuha ko mga importante ko na gamit at pinagrab ko papunta sa akin.
Nakumbinsi ko naman si mama. Syempre may kapalit na pera para sa panggastos nila. Nagbigay din ako ng pera tulad ng pangako ko sa kapatid ko para sa pampagamot ng aking pamangkin. Halos walang natira sa aking bank account.
Mabuti na lang at may allowance na ako at may credit card. Pero wala akong planong gamitin ang credit card. Pang emergency lang siguro.
After kung kumain. Nag-ayos ako at pumunta sa gym. Everyday ganito ang magiging routine ko. In a week dapat everyday ako mag g-gym. Honestly mabilis lang naman ako pumayat lalo na at pag sinabayan ng religious diet kaya in a week makukuha ko ang gusto nila na vital statistic since hindi naman talaga ako mataba. Nagkalaman lang pero para sa kanila mataba na.
Naglakad lang ako papuntang gym with my outfit. Black leggings at racer back with a windbreaker jacket na pinatong, paired with nike running shoes. May dala ako na nike gym bag also. Lahat ng gamit ko nike! Sponsored ba'to? Naisip ko lang.
Pagpasok ko ng gym as in wow! Sobrang laki at ganda. First time ko actually, it's Anytime Fitness. Yun ang name ng gym. Nilibot ko sa kabuuan nito ang aking paningin. Nagulat ako dahil lahat sila huminto at nakatingin sa akin. Bigla akong nakaramdam ng hiya at napayuko. Tanga lang!
Lumapit ako sa my counter at pinakita ko ang dala kung membership card since it's my first time. May tinatawag ang babae na nasa counter at may lumapit sa akin na instructor. Siya daw ang nakaasign sa akin kaya nagpakilala ito.
"Hi, I'm Rey. I'm your gym instructor starting today." Nakangiti siyang naglahad ng kamay sa akin.
"Hey, It's kim here! I'll be glad to be your student.hihi" Natatawa kung tugon sa kaniya. Kahit medyo kinakabahan ako ay hindi ako nagpahalata. Naramdaman kung pinisil niya ang kamay ko kaya bumitiw ako kaagad at tipid siyang nginitian sa huli.
"Okay, shall we start?" He said and guide me to the gym equipment nearby. Sumunod lang ako sa kaniya na parang aso at hindi alam ang gagawin.
"Let's have some 10 minutes warm up. Iiwan kita then balik ako after 10 mins. You can do some cardio, like trend mill or light jog or biking. But I guess trend mill na lang para mas madali. Set ko lang. You can position now." He commanded.
Iniwan ko ang bag ko sa gilid at pumunta sa may trend mill. Biglang may tumawag sa instructor ko kaya nagpaalam siya saglit at iniwan ako na hindi alam ang gagawin. Omg! Mas lalo akong kinabahan.
Nagpalinga linga ako baka sana may tumulong. Tanga lang. Anu ba'to?! I was feeling hopeless ng biglang may nagsalita na baritonong boses sa likuran ko. Halos nakayakap na siya sa akin at iginiya niya ang mga kamay ko sa hawakan ng trend mill at may pinindot siya na God knows hindi ko alam! Parang sinet up niya ito.
"Listen woman, once I press the start, then just start walking like the normal walk. You can set here to speed it up after a couple of minutes untill you feel like you are almost running.
And next time. Find an instructor na hindi ka basta basta iiwan sa ere na wala pang pinapagawa sayo, lalo na at this is your first time. Dammit!" Bulong nito ngunit may diin ang mga katagang lumalabas.
Shit! But ang hot ng curse niya. Hindi ko tuloy alam kung kikilabutan ako, matatakot or kikiligin. Ang sexy lang. Napalingon tuloy ako sa side ko at halos magdikit na ang mukha namin. Parang ang familiar niya. Those chinky eyes with monolid. Prominent jaw na lalaking lalaki. Napatulala na lang ako. Hanggang sa di ko namalayan na umalis na pala siya.
Ang familiar talaga niya. Parang nakita ko na siya! mmmmh... Napaisip tuloy ako. Tama! The pogi na chinky eyes na nagbusina sa akin sa may Makati Avenue! Siya nga! What a small world. Akalain mo yon, magkikita kami ulit.
Shit! naandar na pala ang trendmill. Anu pa sabi niya? Maglakad lang daw ano at s**t! Hindi ko alam anu ang pipindutin dito. Bahala na! Magbasa Kim! Huwag tatanga tanga. Valedictorian ka no'ng high school!
Bigla naman dumating ang instructor na nawala kanina lang.
"Oh sorry, iniwan kita. Nakaset na pala sige you start by walking first. Then, balikan kita after para i-set to run and to set the speed." Sabi niya at tinanguan ko. Iniwan din niya ako.
More on trendmill and cycling ang ginawa namin since warm up pa lang daw kasi bago pa lang ako. Pinagpawisan din ako, feeling ko tuloy ang payat ko na.haha! Tomorrow na naman ulit.
Hindi mawala sa isipan ko ang lalaki kanina at yung bumusina sa akin sa Makati Avenue.
Habang naglalakad ng dahan dahan. Para akong baliw na ngingiti ngiti sa daan. May mga napapalingon na lang sa gawi ko. Siguro iniisip nila na nababaliw ako. Minsan lang kiligin, pake niu.
Maya maya nakaramdam ako na may naglagay ng jacket sa katawan ko. It was a thermal jacket. Halatang mamahalin ng mapatingin ako. Lalo na sa kamay na nakapatong sa balikat ko kasabay ng paglagay ng jacket.
"Damn, why do you have to show off your body. Cover it!" Galit nitong sabi.
Bigla din akong iniwan agad, at nakita ko siyang sumakay sa isang magarang sasakyan. Pagkatapos pinaharorot. A Tesla to be more specific. I know about cars. Sa Makati ako nagtrabaho kaya sanay akong makakita ng mga sasakyan but that was a Tesla for Christ sake! Konti lang ang nag mamay-ari ng gano'n na sasakyan. Lalo na yung may auto-pilot.
Haist! Pangarap ka na lang ba? Bakit kaya kami nagkikita parati. Stalker ko ba siya? Duh! Huwag felingera girl. Magising sa katotohanan. Makauwi na lang. Ang bango ng jacket. Amoy mayaman talaga. Ang sarap kiligin. Yung pang w*****d na kilig.haha!