Chapter 01

3726 Words
                    *** "I hope you'll think about our offer Miss Nuñez. There are a lot of applicant who wants to work with us and to be chosen by us. You are lucky at napili ka ng boss namin. But given your answer. What made you hesitant to accept the offer? Mind if you tell us?" Nakita ko sa mukha niya ang pagtataka. Gusto ko man sabihin sa kaniya pero nahihiya. Gusto ko munang mag isip ng maayos. Okay naman ang offer nila pero parang hindi ata kaya sa gastusin ni Clea. Hindi ko maiwasan balikan ang mga nangyari kahapon. "Kailangan niyo ng pera para matapos ang cycle ng chemotherapy ni Clea. Pwede kayong humingi ng tulong sa PCSO. Ilang session na ng chemo din niya ang masasagot nila. After chemo here comes radiation therapy. Syempre sa maintenance niya na gamot. Pag okay na lahat mas magandaag ready din kayo for her bone marrow transplant. Nagsagawa kami ng test at isa si Clea ang naka line up to receive bone marrow transplant pero hindi naman gano'n kadali. Maghihintay muna tayo at sa ibang bansa gaganapin ang naturang operation." Naririnig namin ang mahabang paliwanag ng Doctor. Parang pinipiga ang puso ko. Puno ng awa para sa pamangkin ko. At awa na rin para sa aking sarili. Kung naging mayaman lang sana kami. Wala sana kaming proproblemahin. Pero wala na akong magagawa. Ang dapat nalang ay maging malakas kami para makapag-isip ng magandang gagawin para kay Clea. Umalis ako sa Zwift na mabigat ang aking loob. Napaka considerate nila para antayin pa na makapag isip ako. Samantala kung tutuusin kaya nilang maghanap ng iba. Kailangan ko talagang pag-isipan ng maigi. Hanggang sa umuwi ako ng bahay 'yon pa rin ang nasa aking isipan. Nawalan din ako ng ganang kumain dahil sa nangyayari sa amin. Papayat na ako nito. Ako nga pala si Kimberly Marie Nuñez. I'm 25 y.o. Dati akong call center agent pero ngayon jobless na. Kung experience lang ang pagbabasehan marami na akong naging trabaho. Dati akong working student. Nag-aaral sa araw at nagtatrabaho sa gabi. Model pag sabado. Yes, dati akong sumasideline na model noong teenage years ko. Sobrang payat kasi ako noon. Dahil sa sobrang payat ko napagkakamalan ako na manika. Kaya nga ako nagka jowa ng ubod ng seloso. Siya lang ang naging jowa ko. Nagtiis ako para sa aking pamilya. Malaki rin kasi ang naitulong niya. Marami pa ang aking pinasukan na sideline. Kaya nga 23 na noong naka graduate ako ng college. Hindi ako tunay na anak ng aking mga magulang. Iniwan lang daw ako sa gilid ng kalsada at nakita ako ni mama. Ayaw daw akong tanggapin ni papa. Dahil sa apat na ang anak nila at naghihirap na sa buhay, dumagdag pa ako. Kaya ganon na lang ang galit minsan sa akin ni papa na hindi ko na lang pinapansin. Pag lasing kasi siya doon lumalabas lahat ng sama ng loob niya. Lumaki ako na mulat na sa katotohanan na ampon lang ako. Tulad nga ng sabi ko, sanay na ako. Nagtitiis na lang ako dahil kay mama. Mahal naman niya ako. Pati rin ng mga kapatid ko kahit na sa akin sila umaasa lahat. Mga tamad kasi. Ayaw magsipag- aral. Nagsi-asawa lahat ng maaga kaya naiwan akong nag-iisa na dalaga at umaako sa lahat ng responsibilidad. Kung hindi lang ako tumatanaw sa utang na loob ko sa pamilyang ito. Matagal na siguro akong naglayas. Sila lang mayroon ako. Hindi ko alam ang aking pinagmulan. Wala akong matandaan. Hindi ko rin alam kung may naghahanap ba sa akin. Kung may tunay na pamilya pa ba ako. Minsan hinihiling ko na makita ko sila. Naglalaro ako ng mobile legend ng biglang may pumasok sa kwarto. Ang kapatid ko na lalaki. Alam ko na. May kailangan ito sa akin. Sigurado ako pera na naman. "Kim, baka may extra ka pa na pera diyan. Pahingi naman. Pambili lang ng gatas ng pamangkin mo. Mahina kasi ang pasada." mahina nitong pakiusap. Nahihiya pa siya sa lagay na yan. "Nakoo, mga pamangkin ko na lang lahat ang dahilan. Last na 'to Raymund ha. Alam mo naman na tumutulong ako kay ate Caren ngayon. Nag-iipon kami ng sapat na pera." Inabutan ko ito ng dalawang libo. Alam naman nila na hindi ko sila natitiis kahit dada ako ng dada bago magbigay. "Salamat, Kim! Makakaasa ka last na'to." Tinanguan ko ito at umalis na siya sa aking harapan. Mas lalo tuloy sumakit ang aking ulo. Nawalan na ako ng gana na maglaro. Ano kaya kung tanggapin ko na lang muna pansamantala yung trabaho sa Zwift. Habang wala pa akong mahanap na iba. Tinawagan ko si Ms. Aida yung head ng HR kanina. "Good afternoon! This is Aida of Zwift E-Tech. How may I help you?" magiliw nitong bati sa telepono. "Hi Miss Aida! This is Kimberly Marie Nuñez, the applicant from this morning's interview. I have decided to accept the offer to be the assistant to the manager. Is the position still open?" Kinakabahan kung tanong. Patay talaga kung may nakuha na sila. "Oh hi! Yes Miss Kimberly. The position still open. We are happy to have you. You can come kahit bukas na for the orientation and other important matters to discuss with you. I'll be expecting you at 9 a.m tomorrow." Magiliw nitong paliwanag sa akin. "Thank you Miss Aida. I'll be there tomorrow at the given time." Nabuga ako sa hangin. Akala ko wala na ang posisyon. Para talaga sa akin. Ano kaya ang susuotin ko bukas? My God! Hindi ko naitanong. Siguro smart casual na lang susuotin ko. Makabili nga muna sa divisoria. May napili naman ako na tatlong outfit na pwede kung magamit sa Zwift. Lahat pang smart casual lang. Ang alam ko E-gaming company parang sa call center lang din and set up. Pagkakaiba lang lahat sa Zwift are all about games. For sure nandon din ang mga players. Kailangan ko din palang mag visit sa aking OB. One reason bakit ako hindi pumapayat ay dahil sa aking PCOS. I'm suffering from Polycystic Ovarian Syndrome. Polycystic ovary syndrome (PCOS) is a condition in which the ovaries produce an abnormal amount of androgens, male s*x hormones that are usually present in women in small amounts. The name polycystic ovary syndrome describes the numerous small cysts (fluid-filled sacs) that form in the ovaries. Based on what I've read this is common now among us women. Some because of the food we eat and of course to much stress. But the main cause still unknown. Sa lahat ng signs and symptoms ng PCOS weight gain ang natira. Dati I'm having hair loss. So far now wala na. The disease is manageable with appropriate care. One na magiging problema is difficulty of conceiving. Ngayon okay lang. Wala pa naman akong asawa. I was diagnosed with PCOS at the age of 21. Mga four years pa lang naman akong mataba. Kaya iniwan ako ng jowa ko na mayabang dahil tumaba na ako. Nahirapan akong magpapayat. Lalo na kapag stress ako. Gustong gusto ko talagang kumain. Given na rin yung klase ng work na mayroon ako kaya mas lumala. Bukas na lang ako mag follow up check up after ko sa Zwift. Siguro naman hindi pa ata buong maghapon ang workload ko.                *** "Oh Kim! Maaga ka ngayon?" Nagtatakang tanong ng kapatid ko. Sanay kasi sila na gabi ako nagtatrabaho at sa araw ang aking tulog. "First day ng bagong work ko." Tipid ko na sabi sa kaniya. Kumain lang ako ng tinapay ng mabilisan. Ayokong malate. First impression last pa naman. "Wow bago pala work mo. Mas malaki ba sahod? Good luck ha!" Parang mas masaya pa siya compared sa akin. Napakunot na lang ang aking noo. Sakto lang ang dating ko. Maaga ng limang minuto. Nakita agad ako ni Miss Aida. Hinagod niya ako mula ulo hanggang paa. Patay na! Baka hindi okay ang suot ko. Napakagat labi tuloy ako ng wala sa oras. "Nice get up Miss Kimberly. Bagay sayo. Kahit medyo chubby ka. Ang ganda mo at ang sexy. Buti alam mo ang outfit dito?" Puno ng paghanga niyang sabi sa akin. Namula ako sa compliment niya. I was wearing a coordinates. Terno ang blazer ang trouser. Color black parehas. Nagsuot lang ako ng fitted white blouse as inner. Then paired it with white sneakers. Nilugay ko lang ang natural na kulot at grey kung buhok. Hindi pa pala ako nakakapag palit ng kulay. "Thanks Miss Aida. Alam ko lang sa mga E-Games movie and drama na ganito mga suot nila. Tapos usually ito din suot ko sa dati kung work kaya may idea na ako." Tipid kung paliwanag sa kaniya at nginitian ko ito. "Good! Please follow me to my office para basahin ko sayo ang mga dapat at di dapat mong gawin. Kasama na lahat about sa work mo. Mamaya dadating ang manager. Ipapakilala kita sa kaniya. Lalaki 'yon at mahilig sa chix kaya babalaan na lang kita." Tumatawa niyang sabi at sabay kindat sa akin. Tumango lang ako bilang pagsang-ayon. " You will be working as the assistant to the manager. Maybe you are wondering why kailangan ka pa eh may manager naman. The manager of Zwift ay E-gamer at the same time investor din siya sa company na ito. Malapit din siya na kaibigan ng boss. Kaya busy din si Seb. That's why need namin ng assistant niya. Tapos minsan pag babae na ang pinag-uusapan bigla na lang iiwan ang trabaho. Minsan seryoso naman siya. Basta gawin mo na lang ang mga pinag-uutos niya na related sa work at sa company." "Inote mo lahat ng important details sa meetings or suggestion ng mga player. So since gaming company ito, may mga players tayo na nandito sa company. Dito sila palagi nagstay para magtraining at mag - attend ng meetings. Sa kabilang building naman sila nakatira. Two teams ang mayro'n tayo." Pagpapatuloy niya. Nakinig lang ako at nag take ng notes sa mga importanteng bagay. "Everyday may training sila. May match and dapat nag stream din sila. May number of hours silang dapat mameet every week na dapat icomply nila at mag live stream sila during the game. Iyon ang tatandaan mo at ipapaalala sa mga players. Inote mo din ang mga endorsement nila. As we go along masasanay ka na lang hanggang maging routine mo na. Sa una lang medyo mahirap pero sa kalaunan madali na lang. Dalawa lang pala tayo na babae dito sa company. The rest lahat lalaki na. From the Boss, investors and other bosses down to the players and staff. So tayo ang dalawang prinsesa. Huwag kang mag-alala. Sobrang alaga ng mga boys sa atin. Thank God may kakampi na ako." Nakangiti niyang tingin sa akin. Parang naexcite tuloy akong mag-umpisa ng magwork. "By the way mamaya pagdating nganager ipapakilala kita. Sa big boss hindi ko pa alam. Minsan lang kasi 'yon nagpapakita. Nakita ko na siya parang dalawang beses pa lang sa tagal ko na dito sa company. Kaya nga nagtataka ako bakit recommended ka daw by the big boss. Do you know him?" Nagtatakang tanong nito sa akin. Nagulat naman ako sa sagot niya. "Ah, of course not. Hindi ko kilala ang may ari ng Zwift. Nagulat din ako sa sinabi mo. Wala talaga akong idea." Pagpapaliwanag ko rito. "Alam ko naman na maganda ka. Pero ang alam ko lahat ng babae daw ng Big Boss pang model ang mga katawan. Wala naman siyang pinapakilala na girlfriend. Pero flings marami. Minsan kasi ako taga sundo sa baba pag may nagpupunta rito pag nasa taas ang Big Boss. Ang alam ko sa pinaka taas nitong building ay penthouse niya. Hindi ko alam kung doon niya dinadala ang mga babae niya. Hanggang hatid lang kasi ako sa elevator. Iba kasi ang elevator na gamit niya. Bawal ang tulad natin gumamit doon ha. Ituro ko sayo mamaya." Sa dami ng sinabi niya. Hindi ko alam kung matatandaan ko lahat. Ang tumatak sa aking isipan ay about sa Boss. Playboy din pala ang Big Boss. Oh well, sa yaman ba naman niya hindi na bago. Tama nga ako hindi naman ganoon katagal ang orientation. Nalaman ko rin ang exact sahod ko at iba pang compensation. So far, well compensated din pala ang mga employee rito. Mas mataas naman compare sa pagiging call center ko at mataas ang rate ng bonus at the same time may big bonus din daw na binibigay ang Big Boss pag nananalo ang team lalo na during championship. After ko sa Zwift dumeretso ako sa Makati Med. Hindi natuloy ang pagdating ng manager, baka bukas na lang daw. Magpapacheck up na lang muna ako. Covered pa naman ako ng aking health card. Lalo na ngayon same lang ng health card sa company ko. Mas madami lang ang covered ngayon compared dati. Pinuntahan ko ang aking OB. Sa may OPD unit ang clinic ni Dra. Ledesma. Mapapagalitan ako nito sa tagal kung hindi nag follow up. "Good afternoon! Andiyan pa ba si Doc sa loob? Papacheck up lang sana ako." Masigla kung bati sa kaniyang secretary. "Yes ma'am. Nasa loob pa po si Dra. Pasok po kayo. Complete name pala? Para maretrieve ko po ang file niyo." "Kimberly Marie Nuñez po." Nginitian ko ito at kinuhaan muna niya ako ng vital signs bago ako pumasok sa loob ng clinic ni Dra. Once I'm inside. I saw a middle age woman. Maganda at sexy pa rin despite the age. "Good afternoon Doc. Kumusta?" Nakangiti kung bati rito. Pero tinaasan niya ako ng kilay. "mmmh... Bakit ngayon ka lang Miss Kimberly? Alam mo na kailangan natin matreat ang PCOS mo. Hindi ka ba natatakot na hindi magkaanak?" may bahid na galit at pag-aalala ang boses nito. "Sorry Doc. Marami kasing mga nangyari. Kailangan ko lang ngayon sa trabaho. Kailangan ko na rin po kasi pumayat. Kahit hindi naman ako ganon kataba." Hinging paumanhin ko rito sa mababa na boses. "Okay, wala na akong magagawa. Let's work it out this time. Buti hindi ka tumaba ng tumaba. Musta na kayo ng boyfriend mo?" "Wala na kami Doc. Kaya balik alindog program po ako ngayon para makahanap ng much better." Nakita ko na napatigil siya sa dapat isusulat niya at tumingin sa akin. "Good. Buti natauhan ka. He is not good for you. Anyways, let's talk about the treatment. Ipapa ultrasound muna kita ngayon then will talk about the treatment. Baka ipills kita para macorrect ang hormonal imbalances mo. I saw some acne in your face. Regular pa ang menstruation mo?"Biglang tanong nito sa aking monthly period. "Yes Doc, regular naman. Pag super stress lang ako tumitigil siya ng one to two months. Pag okay na ako bumabalik din naman agad." "Okay, pa Ultrasound ka muna then come back to me." Kinuha ko ang request sa kaniya at nagpunta sa Imaging Department para isagawa ang transvaginal ultrasound. Nag matapos lahat ng test at makuha ko ang result bumalik na ako kay Doctor. Tiningnan niya lahat ng result at nag-isip. "So far. Mild na lang ang PCOS mo. I'll put you on pills. Injectable na lang. Then start ka ng low dose ng Metformin. Bigyan din kita ng diet plan for you to loss some weight na rin. The injectable pill is good for three months only. You have to comeback after three months." Tumango ako sa kaniya. Sa araw din mismo na'yon naturukan ako ng pill. Safe na safe pa ako. Jowa lang ang wala. Umuwi ako sa bahay right after ko sa hospital. Nadatnan ko si mama sa kusina na may ginagawa at nakita niya ako. "Oh Kim, bago daw ang trabaho mo. Anong nangyari doon sa call center?" Nag-aalalang tanong ni mama sa akin. Binitawan niya ang ginagawa niya at humarap sa akin. Naghihintay ng aking sagot. "Wala ma. Nagkaroon lang ng konting problema doon. May nainggit kasi sa akin kaya ginawa niya lahat para matanggal ako. Pero okay na rin yon. Nakahanap naman ako ng mas magandang trabaho. Mas malaki ang sweldo." Nakangiti kong kwento sa kaniya. "Salamat naman anak kung ganoon. Pasensya kana ha. Halos ikaw na naman ang gumagastos dito sa bahay. Pagpasensyahan mo na rin ang papa mo. Huwag mo na lang siyang pansinin. Malaki na ang utang na loob ng mga kapatid mo sayo. Kahit anong mangyari ang hinihingi ko lang Kim. Sana huwag mo silang papabayaan ha? Kahit mawala man ako dito sa mundo. Salamat anak at napaka buti mo. Mahal kita alam mo yan. Tandaan mo na proud na proud ako sayo. Sana pag makaluwag na tayo. Sana makahanap kana ng lalaking magmamahal sayo. Ipagdarasal ko yan anak. Iyan na lang ang mabibigay ko sayo. Tamang dasal para sa'yo." Hindi ko namalayan lumuluha na pala ako. Kumirot ng bongga ang puso ko sa mga sinabi ni mama. Hindi ako nagsalita o sumagot sa kaniya. Ngunit sa isip ko nagpapasalamat pa rin ako na sa kaniya ako napunta. Siya ang nakakita sa akin sa daan. Kaya kahit gaano kahirap kakayanin ko masuklian ko lamang ang mga ginawa niya para sa akin. Pati na ang pagbibigay ng totoong pagmamahal na kahit kailan hindi ko na siguro mararanasan sa totoo kung pamilya. "Salamat ma. Mahal din kita." Yumakap ako sa kaniya. Naramdaman ko na lang ang pagyakap din niya sa akin ng mahigpit.                  *** Kinabukasan sa Zwift maaga akong dumating. Inayos ko pa kasi ang aking table. Habang busy ako sa pag-aayos biglang may tumikhim sa aking likuran na ikinagulat ko. "Ay butiki!" Biglang sigaw ko. May narinig ako na tumawa ng malakas. "Woooh! What was that? Hi Kim! Can I call you that?" Natulala ako. Isa na namang swerte na nilalang. Blessed na blessed sa kagwapuhan. "Earth to Kim!" Napabalik ako sa kasalukuyan. "Yes sir! Kim will do." Mahina kung sabi sa kaniya na ikinataas ng kaniyang kilay. "Okay. By the way I'm Sebastian Cabral. Thirty Three years old and I'm the manager of Zwift E-Tech Company. It's nice to meet you georgeous Kim!" Biglang lahad ng kamay niya na tinanggap ko naman. "Nice to meet you too Sir Sebastian." Sabay bigay ng pinaka magandang ngiti ko rito. "It's Seb for short. You can call me Seb. No sir nor boss. Just simply Seb. I love your blue eyes Kim. Are you a foreigner? Where did you get that eyes? Are they for real? Kasi if ibabase natin sa apelyido mo parang hindi. Pinoy na pinoy ang apleyido mo, it's Nuñez right?" Tumango ako rito bilang pag sang-ayon. Hindi ko alam paano siya sasagutin. Wala rin naman akong idea kung sino ba talaga ako. Nakita ko nag-iba ang expression ng kaniyang mga mata. Nag-aantay ito ng kasagutan mula sa akin. Sasagot na sana ako ng biglang naging maingay ang loob ng aking opisina. Biglang may nahulog na mga confetti at may mga balloons din. "Welcome to Zwift Miss Kimberly!" Biglang sigaw nilang lahat. Lahat ng nakikita ko ay lalaki. Si Miss Aida at ako lang talaga ang babae. "Ang ganda pala ng AM natin. Dito na ako magbabad simula ngayon." Narinig kung sabi ng isang lalaking may katangkaran at gwapo. Gusto kong maiyak. Grabe feel na feel ko talaga ang pag welcome nila sa akin. Isa- isang nagpakilala ang lahat. Nalaman ko na sila pala ang mga players. Wow! Yung isa sa mga pangarap ko ay andito na. Hindi man ako naging tulad nila. Ako naman ang nasa likod nila. "Salamat talaga. Hindi ko inaasahan 'to. But everything is much appreciated." Pumiyok ang aking boses at napaluha ako. Nagsigawan na naman sila. May dala silang cake and champaigne. Sabay sabay kaming nag toast for a drink and kumain ng cake. Ang saya ng feeling na welcome na welcome ka. "Diba masaya rito? Simula pa lang yan. Lalo na ikaw kasi maganda. Nako! Ipapampered ka ng mga boys. Mahilig yan sila magbigay ng mga regalo. Tanggapin mo lang. Mayayaman na ang mga yan." Napangiti na lang ako. Pagkatapos ng aking unang araw sa trabaho ay masaya ako. Umuwi ako ng bahay at nadatnan ko si Ate Caren na naghihintay sa sakin sa loob. "Kim, need na daw natin magbayad sa hospital. Malaki na daw ang bill." Nanghina naman ako sa balita niya. Agad agad kung binuksan ang online app ko sa bank. May pera pa naman ako na konti pero kulang 'yon na pambayad. Nang buksan ko ang app nakita ko na may pera. Konti na lang kulang at aabot na sa 300k laman ng account ko. "Sige ate, hingin mo ang bank account ng hospital. Magsend ako bukas ng bayad. magpapahinga lang ako ngayon. Kumusta si Clea? Nakita ko na nasiyahan ang aking ate ng sabihin ko na bukas magbabayad kami. Pero nalungkot din agad pagkarinig about kay Clea. "Nandon nanghihina. Hinahanap ka nga niya. Sabi ko busy kanh maghanap ng pera para pampagamot niya kaya tumitigil na sa paghahanap sayo." "Sige lang ate. Pag mag off ako dalawin ko kayo doon. Kung may problema tawagan niyo agad ako ha." Tumango si ate at iniwan ako pagkatapos magpasalamat. Naiwan akong nag-iisip sa kwarto after kung magbihis. Hindi kakayanin ng pera ko sa bank ang mga gastusin at pagpapa gamot ni Clea. Sana makasahod na ako. May loan kaya sa company? Napaisip tuloy ako. Kabago bago ko utang agad ang nasa aking isipan. Habang patuloy na nalulunod ang aking pag-iisip bigla naman akong nakareceive ng email. Binuksan ko ito at nagulat ako sa nakasulat. Hi Kimberly! Congratulation! Seeking.com approved your application and your are now qualified to become one of our Sugar Baby. You may come our office to to further assist you with your concerns and questions. Also we will assess your physical well being. from: Seeking.com Management. Gosh! Ano yon? Pagiging sugar baby pala ang ibig sabihin doon sa site. My God! Hindi ko alam ang tamang iisipin ko. Think think Kim! Ano kaya kung igrab ko? May idea naman ako about sugar baby. Pero ang alam ko magaganda sila. Kaso ang taba ko pa. Gusto pa naman ng mga mayayaman na payat. Pag-isipan ko muna. Baka kasi scam. Madami pa naman ngayon ang mga scammmer. Another means of having money. But this time. Kailangan mo talagang suriin muna ng mabuti kung kaya ko ba. Kakayanin ko siguro. Alam ko malaki ang kitaan sa pagiging sugar baby. Mga galante daw talaga ang mga clients. Baka mas madali kaming makaipon nina ate para sa operasyon ni Clea. Bahala na. Itry ko lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD