Betty "Welcome baby boy!" Tuwa ko ng makita ang cute na cute at matabang anak ni Dindin. Namumula pa ang pisngi. Kagigil kagatin. "Bongga. Kamukhang kamukha ng ama." sambit ko na kinasama ng tingin sa akin ng babaita. Narinig ko namang tumikhim si Kuya Henry. "Aalis ka na daw ah." Biglang tanong ni kuya Hen. Tumango ako bilang sagot. "Inantay ko lang manganak ang babaitang ito at makita ko ang unang inaanak ko." saka haplos sa maliit na kamay ni baby Gab. "Kagigil." sambit ko na kinatawa ni Dindin. "Mag-iingat ka doon ah. Balitaan mo nalang ako kapag mag-aasawa ka na para hindi naman ako nahuhuli sa balita sa buhay mo." may halong pagtatampo nito. Nalaman niya kasing nanliligaw na si Ethan sa akin. Pinakilala ko siya noong isang araw ng makita niya kaming magkasama sa Mall. "Ikaw

