Betty Madaling makalimot, ang buong pagkakaalam ko. Pero hindi pala. Sa tuwing magchecheck ako ng social media ay may minsan na iniistalk ko siya. Walang update. Wala ring post. Kumbaga, inactive siya ng ilang months na. Minsan dumapo narin sa isip ko kung kamusta na siya. Pero lagi kong kinokontra ang pag-aalala ko na babaero yun kaya hindi iyon maboboring sa life since marami naman siyang pwedeng pagkaabalahan. Busy rin sa work for sure. Kaya okay na okay siya. "Okay ka lang?" agad kong inangat ang tingin ko sa kaharap kong kumain ngayon. Si Ethan. Tumango at ngumiti ako dito. "Oo naman." sagot ko. Ngumiti rin ito sa akin. Sumubo ako ng hinati kong maliit na piraso ng beef steak na kinakain namin ngayon. Sinecelebrate namin ngayon ang 1 month monthsary namin. Oo. 1 month na kami n

