Kyle "Oo na. Mamaya ka na tumawag Rian." "Kailan ka ba kasi babalik? Ang daming naghahanap sayong mga babae dito. Talagang address ko pa binigay mo gago!" Napakamot akong natatawa sa kilay ko. Ang mga babaeng tinutukoy niya ay ang mga nirereto ng pinsan kong si James. Makulit din kasi iyon. Nang sinabi ko sakanyang nagseseryoso na ako sa isang babae ay doon naman nagpadala ng mga kakilala niyang babae. Mabuti nalang at bago pa niya gawin iyon ay nakalipad na ako dito sa Canada at binigay ko ang address ni Rian. "Kesa naman sa address ni Leo diba? Edi nalintikan ako kay Xandra niyan. Tsaka ayos lang yan ng makahanap ka na ng babaeng titino sayo." Malulutong na mura ang muli kong narinig sakanya na kinahagalpak ko ng tawa. "Umuwi ka na gago. Hindi ko kailangan ng babae ngayon at may h

