Betty Napatingin ako sa paligid ng ihinto niya ang sasakyan niya. "May bibilhin lang ako." aniya niya saka tinanggal ang seat belt at lumabas. Hindi na inantay ang sagot ko. Tiningnan ko ang pinuntahan niya at parang jewelry shop ito dahil sa mga alahas na nakikita ko sa loob. Tiningnan ko ang pangalan ng shop. "Eleonor's Jewel" Sambit ko sa pangalan. Dahil sa glass wall nito ay nakikita ko si Kyle sa loob maski ang sales lady na sumalubong at umasikaso sakanya. Ang lawak ng ngiti ni mareng sales lady. Halos hindi matanggal ang mata kay Kyle. Titig na titig na waring alam na alam kung saan banda ang mga alahas na tinatanong ni Kyle sakanya. Ang lalake naman? Dedma lang. Napaiwas lang ako ng tingin ng lumingon banda sa kinaroroonan ko. Ilang minuto lang ang nakalipas ay dumating at su

