Betty Malakas ko siyang tinulak na halos nasa pitong hakbang na ang layo sa akin. I was running out of breath dahil sa ginawa niya. Para akong pagod dahil sa lakas at bilis ng pintig ng puso ko. Ilang segundo ko ba siyang hinayang halikan ako? Minuto? My goodness Betty. Huwag kang mahulog sa babaerong ito. Kawawa ka lang. "Don't dare to show up again to me. I hate you!" sigaw ko dito at agad na tumakbong pababa mula sa rooftop. Mariin akong napapikit at umiling iling mabura lang sa isip ang nangyari kanina. Pinunasan ko rin ang labi ko na hanggang ngayon ay ramdam ko parin ang pagdampi ng labi niya. Para itong dumikit na ayaw matanggal kahit ilang punas ang ginagawa ko. I hate him. I even hate him more now. Paano niyang naakim na gawin ulit iyon sa akin? Napakaliit na bang bagay sakany

