Chapter 7

2429 Words
Betty "OH MY GOSH!!!" Taranta ko ng magising ako kinabukasan. Late na ako! "Shhhiittt!!" Malutong kong mura ko ng makita ko ang oras sa clock wall ko. Agad akong pumasok sa CR at wala pang 3 mins ay tapos na ako. Naghanap ng maisusuot, nagsuklay nalang ng buhok at kaunting orasyon sa mukha then larga na, sabay kuha sa back pack ko at nagsapatos. Agad ko ring inabot ang phone ko at nang tiningnan iyon... "Ang malas naman oh!!" Reklamo ko ng malamang lobat pa pala ito. Sa sobrang pagod ko kagabi sa byahe ay hindi ko na pala ito nacharge. Pagod ba? O kakaisip sa lalakeng iyon? Tama naman yung ginawa ko na lumayo sakanya eh pero parang may mali. Parang hindi ako natuwa at parang nagsisisi pa ako. Umiling ako. "Betty. Masisira lang araw mo kapag iisipin mo siya. Okay?" Pangungumbinsi ko sa sarili ko saka lumabas na ng kwarto. Binisita ko sa saglit ang kusina at kumuha ng water bottle para bauning iinumin sa school ng makita ko sa dining area ang lamesa na may nakahaing mga pagkain na doon. Dahil agad sumagot ang kalamnan ko at gustong tikman ang nangangamoy na ulam ay lumapit ako dito at tumikim. Ang tikim na gagawin ko lang sana ay inupuan ko na at hinarap. Sayang naman kung hindi ko ito kakainin. Magugutom din akong late kung sakali. Nang matapos akong kumain ay agad na akong pumunta sa garahe at naroon na si Mang Rene, nag aantay sa akin. "Alis na tayo iha?" tanong sa akin ng makita ako. "Opo Mang Rene at late na ako." sagot ko at agad nang pumasok sa kabilang pintuan. Nang makarating kami sa school ay binilisan ko ang takbo makarating sa meeting. "Anong nangyari sayo? May hinabol ka?" tanong ni Dindin nang mapansin ang pawisan kong noo. "Akala ko kasi late na ako kaya tumakbo na ako." Hingal kong sagot na halos habol ang hininga ko. "Umupo ka na para naman makapagpahinga kana. Tinawagan mo nalang sana ako para hindi kana tumakbo." Sermon niya. "Yun nga ang problema, nakalimutan kong icharge kagabi sa sobrang pagod." Sabay isinandal ang likod ko upuan. Tumawa ito bigla sa itsura ko. "Okey lang yan, atlist nakaabot ka naman." Sabay tapik sa balikat ko. "Hi Kurt." Narinig namin ang malanding tinig ni Chloe kaya napalingon kami ni Dindin sa kinaroroonan nila. I rolled my eyes. Bigla akong narindi sa malanding tinig ng Chloe na yan. Hanggang ngayon ay kumukulo parin ang dugo ko sakanya. Ewan ko ba kung bakit hindi nawawala. Siguro ay sadyang napunta lang lahat ng ayaw ko sa isang tao sakanya. Nilapit ko ang upuan ko kay Dindin. "Alam na ba niya?" bulong ko sakanya. "Sino?" Tanong niyang kunwaring hindi alam ang tinutukoy ko. Tinaasan ko ito ng isang kilay. "Sino pa nga ba, edi ang magaling kong pinsan!!" Sagot ko saka inirapan. Ang babaeng ito, kinakareer ata pagiging inosente sa lahat ah. "Oo. Kagabi." Namilog ang mata ko sa sagot niya at agad siyang hinarap. "Anong nangyari? Ano ang itsura niya?" excited kong tanong. "Umamin ka nga? May sama ka ba ng loob sa pinsan mo at ganyan ka kaexcited na malaman kung nasaktan siya o hindi?" Pagdududa nito sa akin. Umayos ako ng upo. "Dapat lang sakanya yun noh!! Tinutulak ko siya noon sayo pero hindi nakinig kaya ayun sa iba ka napunta kung saan sisingsisi na siya. Tsss.. " sabay tingin kay Chloe na katabi ngayon ni Kurt. " Sana isama ni Presidente ang mga malalandi na ishoot to kill kapag nahuli. Para naman mabawasan ang sakit sa ulo dito sa lipunan" Gigil na naman ako. Ewan. Nakakataas ng blood pressure itong dalawang nakikita ko. Huminga ako ng malalim. Dapat alisin ang bad spirit sa loob ko, baka kung saan pa mapunta at may masabunot ako ng wala sa oras. Halos antukin ako sa meeting. Tapos ko naman na halos ang mga sinabi nila at excited na ako sa next chapter ng journey ko which is ang OJT ko. "Huwag mo naman masyadong ipahalata." kalabit sa akin ni Dindin ng mapansing hikab ako ng hikab. "Ang bagal bagal naman kasing magsalita, sinong hindi aantukin diyan." reklamo ko. "Tiisin mo lang. Malapit na tayong matapos." Aniya niya na kina bagsak ng balikat ko. Pakiramdam ko gusto ko pang humiga at magpagulong gulong sa kama at matulog ulit. Nang marinig ko ang 'thank you for your listening' sa dulong sinabi ay agad akong umayos. Signal na yun na tapos na at pwede nang lumabas. Nang makalabas kami ni Dindin ay napag-isipan kong pumunta muna ng canteen para kumain. Bigla akong nagutom eh. Kung sa labas pa kasi ko kakain ay baka hindi ko makita yung pagkaing gusto kong kainin. Nagsayang pa ako ng oras at pagod kung sakali. "Punta ka ng restaurant?" tanong ko kay Dindin ng sabay kaming lumabas. "Saan pa nga ba?" ngiti niya. Tiningnan ko ang mukha nito. "halatang inspired ahh. Blooming ka girl!! Sana all!" Tudyo ko saka binigyan ng malokong ngiti. Namula naman ang babae. "Sana all ka diyan. Meron ka na nga!" saad niya na ikinatawa niya din. Kunot noo ko siyang tiningnan. "Sino?" tanong niya na parang hindi gets ang tinutukoy ko. Napag-igtad ako nang kurutin niya ako sa tagiliran. "Nagmamaang maangan ka pa diyan. Edi si Kyle!" bulalas nito na ikinasimangot ko agad ng marinig ang pangalan. Kinakalimutan na nga ang tao, pinaalala pa. "Huwag mo ngang pinapaalala ang pangit na pangalan niya!! Nasisira araw ko!" Sira na talaga. "Bakit naman?" tanong nito habang tinutusok tusok niya ng paulit-ulit ang tagiliran ko. Bigla tuloy akong nainis sa ginagawa niya. "Tumigil ka nga Dindin, umalis ka na at baka maipalit ka pa ni Brent kapag wala ka pa sa restaurant!" Ganti kong pabiro dito na ikinasimangot agad naman niya. "May tiwala ako sakanya noh!!" pagtatanggol nito. "Ipagpatuloy mo yan sizzy ha? Yan na yan dapat ang hindi mawawala sayo kahit na anong mangyari." Bahagyang hindi siy nakapagsalita sa sinabi ko. "Mauna na ako at may iba pa akong gagawin" sabay kindat ko sakanya at iniwan. Tiwala? Sana all napanghahawakan ang salitang tiwala. Ako? Napanghahawakan ko naman kay Ethan. Sadyang nahahaluan lang ng ibang kaisipan at pagdududa. Napatingin ako sa mga ibang studante na halos may partner ang mga ito kung maglakad. Required na ba talagang may partner ka dapat kapag naglalakad? Nang makarating ako sa canteen ay agad akong naghanap ng makakain. Nang makapili ako at dadalhin na sana sa counter ng biglang nabangga ko ang nasa likod ko rason para mahulog ang ilan sa mga kinuha kong pagkain. "Sorry." agad na paumanhin ko at pinulot ang ilang mga nahulog. Nang pupulutin ko ang panghuli ay may biglang naunang pumulot dito, at nang tingilain ko iyon ay biglang nawala at nagbago ang expression ng mukha ko. Medyo lumakas din ng pintig ng puso ko. "A-anong ginagawa mo dito?" tanong ko saka tumingin sa paligid at baka napagtitinginan kami ng iba. Hindi nga ako nagkamali. Ang ilan parang pinag-uusapan na kami. "This is not good for you. I'd rather buy something healthful for you." Agad akong napatingingin at kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Ang kinagulat ko pa ay hindi niya binigay ang pagkaing ibibigay ko na sana sa counter at binalik pa ito sa pinagkuhanan ko. Napaawang ako sa ginawa niya. Anong trip na naman ba to Kyle? Inis akong bumalik sa pila. Nang binigay ko lahat ng binili ko sa counter at babayaran na sana, bigla namang sumulpot si Kyle sa likod ko at binayaran lahat ng binili ko maski ang dalawang sandwich na ready to eat na. Nilingon ko siya sa likod ko at halos mapaatras pa ako sa sobrang lapit nito sa akin. Mas lalong dumoble ang t***k ng puso ko. Amoy ko pa ang hininga nito sa sobrang lapit sa akin. Halos wala naring space sa pagitan namin na lalo kong kinailang. "Ang liit mo." pang-aasar pa nito sa akin ng hanggang dibdib lang niya ako. Sinamaan ko siya ng tingin. Eh ano ngayon kung maliit ako. Natural lang na maliit ako kasi matangkad siya. Ganun yun. "May problema ba kung maliit ako?" sungit ko at agad lumusot sa silong ng braso niya ng abutin nito ang barya niya. Agad kong kinuha ang wallet ko at kumuha ng pera at inantay siyang makalapit sa akin. "Ito ang kainin mo." abot sa akin. Tumaas ang isang kilay ko. Hindi ba niya naalala yung sinabi ko kahapon? "Diba nag-usap na tayo kahapon? Clear naman na sa atin iyon diba." Pagpapaalala ko. "Nag-usap ba tayo kahapon?" Maang niya sanay kagat sa pagkain niya. "Parang ikaw lang ang nagsalita eh." Dagdag niya na kinataas ng isang kilay ko sa sagot niya. "Ito yung bayad ng mga binili ko." abot ko dito pero hindi niya iyon pinansin at kinuha ang isa kong kamay at pinahawak ang isang sandwich. "Sayo na yang barya mo." saad nito saka sumubo ng malaking kagat sa sandwich at nagpaunang naglakad palabas. Bahagya akong nagulat ng hindi niya kinuha ito. Sinundan ko siya at humarang sa harapan niya. "Hindi ko rin naman kasi sinabi na bayaran mo ang mga binili ko. Kaya kunin mo itong bayad ko." Pagpupumilit ko. Kinatitigan niya ako habang ngumunguya ito sa pagkain na parang nag-iisip tungkol sa sinabi ko. "Gusto mo talagang bayaran ang mga yan?" tanong niyang parang naninigurado. "Pero hindi yan ang gusto kong ibayad mo." sagot niya na kinaawang ko. "Hindi ako nakikipagbiruan sayo Kyle."banta ko dito. "Mukha ba akong nagbibiro sa sinabi ko?" seryosong giit niya at sinubo ang huling piraso ng pagkain niya. I gulped but still managed to compose myself. "Pera ang binayad mo dito kaya pera din ang ibabalik ko sayo." Giit ko. Ngumisi ito. "Ayaw mo ng iba?" Lalong kumunot ang noo ko sa lapad ng imahinasyon nito at halos hindi ko mareach ang pinakailaliman ng gusto niyang sabihin. "Sige. Ibalik mo sa akin yung binayad ko at may ibabalik din ako sayo." makahulugan niyang sagot. "Huh! Pinagsasabi mo?" naiirita ko nang sagot. "Once na binalik mo ang bayad ko sa pagkain mo, ibabalik ko narin sayo yung kinuha ko." Lalo akong naguluhan sa sinabi niya. "Anong kinuha? Saan? Sa kotse ko?" lito ko. Mahinang tumawa ito. "Ano, ibabalik mo sa akin yan?" tukoy sa perang hawak ko. "Kasi magsisisi ka lang kapag ginawa mo yun." "Ano nga kasi yung kinuha mo sa akin. Mahalaga ba yun? Mahal ba? Importante ba sa akin?" sunod sunod kong tanong. Curious nadin. "Importante sayo. Mahalaga sayo, at mahal na mahal mo kaya ayaw mong mawala pero nakuha ko." lalong ngumisi ito. Parang nabuksan ang kailaliman ng utak ko ng magets ang sinasabi niya. Namilog ang mata ko at agad nasampal ang mukha nito na kinagulat sa akin at gayun din ako. Bakit ko siya sinampal? "Bakit mo ako sinampal?" takang tanong niya. "Sorry." agad kong paumanhin. "Ikaw kasi, pinaalala mo pa." paninisi ko pa dito. "Pinaalala ang alin?" tanong namang balik sa akin. Maang mangan. "Bahala ka na nga diyan." agad ko siyang tinalikuran at nagmadaling iniwan siya. "Teka, saan ka pupunta." habol nito at sinundan ako. "Uuwi na ako kaya huwag ka nang sumunod, pwede ba." pagtataray ko at nagpatuloy sa paglalakad. Narinig ko itong tumawa. "Diba lalabas ka? Doon din naman ako pupunta, makikisabay lang." sagot niya na kinatigil ko ng lakad at humugot ng malalim na hininga bago ko siya hinarap. Kalma lang Betty. Kalmahan mo lang. "Kung ganun mauna ka na o kaya naman sa kabilang side ka lumakad o kaya medyo malayo sa akin. Nag-usap na tayo kahapon. Settled na diba? Puputulin na lahat ng connections natin, huwag nang dagdagan pa at hayaan nating maging tahimik ang mga buhay natin na parang hindi tayo nagkakilala. Okay?" "Pero hindi ako pumayag sa sinabi mo kahapon. You didn't even let me speak yesterday and explain myself, so nasaan ang pag-uusap doon?" paliwanag niya. "Ginagawa mo lang komplikado lahat Kyle." "In what area?" Tumingin ako sa paligid at may mga studante paring naglalakad. "Huwag tayo dito mag-usap." Saad ko. Tumingin din siya sa paligid. "Mas safe sa kotse ko." Suhestiyon niya na kinamilog ng mata ko. "Ayoko." Sagot ko agad at tumungo sa hakdanan papuntang rooftop. Naramdaman ko namang sumunod siya. Sa mga ganitong oras kasi tahimik at walang tao dito. Iilan lang ang pumupunta kapag naghahanap ng tahimik na lugar. "Dito tayo mag-usap." saad ko sa kausap. "Okay." tanging sagot niya at tumayo sa pwesto kung saan tanaw niya ang ibaba at lugar na sakop nito. Huminga ako ng malalim para kumuha ng lakas ng loob. "Kahapon, narinig mo naman siguro diba. I want to cut all our connections-" "Why?" putol agad niya. "Because I want peace." Paliwanag ko. Nang dumating kasi siya ay parang lalong gumulo ang buhay ko. Ang goal ko, lalo na ang nararamdaman ko. Ewan ko. Hindi ko maexplain. "What kind of peace." "Bakit ba ang dami mong tanong." Asar kong sagot. "Para maliwanagan ako. Para alam ko kung anong peace ang hinahanap mo." "Yung peace noong panahon na hindi pa kita nakikilala. Gets?" medyo mabigat pero kailangan para matapos na. "So noong dumating ako, gumulo ang buhay mo? Saan banda?" Napaisip ako. Saan nga ba banda. "Basta!" "Hindi mo maexplain?" "Hindi. Basta!" Iwas ko. "Mahirap bang ipaliwanag kung saan ko nagulo ang buhay mo?" Sa bawat tanong nito ay humahakbang naman itong papalapit sa akin. "Oo, complicated na." sagot ko. Tama ba mga pinagsasagot ko? Humakbang muli itong lumapit sa akin. "Talaga? Pati ba isip mo nagulo ko?" Kumunot ang noo ko dito. "Pati ba nararamdaman mo?" Humakbang muli. Umatras naman ako. "Hindi noh!" Lalong lumalakas ang pintig ng puso ko. Tiningnan niya ako at inexamin ang reaction ng mukha ko. Maya maya ay ngumisi ito. "Sure ka? Hindi ba dahil sa halik na ninakaw ko sayo noon kaya nagulo ang buhay mo?" Napatingin ako sakanya. "Pwede ba!" parang nag-init ang pisngi ko nang sabihin at ipaalala sa akin iyon. Tapos ganitong kalapit pa ang mukha niya sa akin. Ngumisi ito at lalong nilapit ang mukha sa akin. Naramdaman ko ang pader na simento sa likod ko. Tinungkod naman agad niya ang dalawang kamay sa side ko. "Sabi nila, para malaman ang mga kasagutan sa mga gumugulo sayo, gawin mo ang bagay kung saan alam mong doon nagsimula lahat ng iyon." At sa isang iglap ay hindi ako agad nakagalaw sa ginawa niya. I was stunned and shocked. My mind went blank. Para nagkagulo lahat ng sistema at halos hindi ko alam kung ano ang unang gagawin ko ng maramdamang muli ang pangalawang halik galing sa mismong taong nagnakaw ng una kong halik. Si Kyle.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD