Betty
"ANDIYAN NA YUNG MALAKING ALON!!"
Agad akong nagising sa katinuan nang marinig ko ang sigaw ng bata na nakasalbabidang tuwang tuwang tinuturo ang papalapit na malaking along papalapit sa amin.
Lilingunin ko na sana nang bigla akong hilain ni Kyle papalapit sakanya at niyakap ako. Ang isang kamay ay nasa ulo ko at ang isa naman ay nasa likod ko at tinalikuran agad ang along saktong nilaon kami.
Sa lakas ng pagkakatulak sa amin ay pumailalim kami at sa kasamaang palad ay nakainom ako ng tubig dagat. Hindi parin bumitaw sa akin si Kyle. Bumaba ng bahagya ang tubig at pagkaahon ko mula sa ilalim ay halos ubuhin ako sa nainom ko. Pumasok din sa ilong ko. Ramdam kong sakit non.
"Ayos ka lang?" agad na tanong ni Kyle na ngayon ay halos hindi ko maimulat ang mata ko.
Pinunasan ko ang mata ko saka tiningnan siya.
"Sa tingin mo!?" pagsusungit ko. Hindi ba halatang hindi ako okay? Pati sa mata ay ang hapdi din.
Nakayakap parin siya sa bewang ko pero magkatapat lang mukha namin ngayon.
"Ahon na tayo." sambit niya at bahagyang maglalakad mula sa kinaroroonan namin nang tinapik ko siya.
"Bitawan mo muna ako. Nakakailang tsansing ka na sa akin ah!" ayaw kasing bumitaw sa akin. Ano yun? Iaahon niya akong ganito ang istura namin? "Baba mo ako, dali!" utos ko dito.
"Kung ibababa kita ay magsisisi ka lang." banta niya.
"Huwag mo nga akong tinatakot diyan! Baba mo ako!" Inis kong utos dito.
Mabigat itong bumuntong hininga.
"Okay." at agad niya akong binitawan na agad ko namang kinataranta ng hindi ko makapa ang ilalim at hanggang ulo ko pala ang tubig. Agad niya akong hinawakan muli sa bewang na halos maubusan ako ng hangin nang nasa tubig ako.
Hingal akong inihaon niya muli dito.
"Ano? Nagsisisi ka na?" Agad niyang balik sa akin.
Pinunasan ko ang mukha ko saka tiningnan siya ng masama.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin na ang lalim pala!?" Histerya ko. Taas baba parin ang dibdib ko na ngayon ay nag-iipon pa ng hangin.
Nakahawak na ako ngayon sa magkabilang balikat niya. Medyo napapaso pa ang kamay ko dahil first time kong makahawak ng hubad na katawan ng lalaki.
"Binalaan na kita pero hindi ka nakinig sa akin." sagot niya na ngayon ay sa akin nakatingin at bumaba pa ang tingin ng mata niya sa labi ko.
Ang kaba kaninang naramdaman ko ay parang dumoble ngayon. Hindi ko alam pero parang may nag-uudyok din sa aking tingnan ang labi niya and I followed it. I did look at his lips. Wet yet sexy red lips.
I was once tasted this pero hindi ko nabigyan yon ng pansin noon dahil mas lumukob ang gulat sa nararamdaman ko noon. At isa pa, iniingatan ko rin yun para sa mapapangasawa ko but he stole it.
This time, iba na yung nararamdaman ko. I felt his lips before and I admit it. Soft and sweet. Ngayon ay parang may nagtutulak sa aking maranasan ulit yun.
I unconsciously bit my lower lip and I heard him cursed silently. Para akong nagising sa katinuan at napaiwas agad ng tingin. Para kaming nagkahiyaan sa ilang segundo? Minuto? Ilang oras na ba kami nagtititigan? My gosh! Noway!
"MAY ALON ULIT!" sigaw muli ng bata na sumigaw rin kanina.
"Ahon na tayo Kyle!" pagtataranta ko dito.
"Sige." tanging sagot niya at agad itong naglakad pabalik.
Dumating ang alon ng makaahon na kami at tanging nadatnan lang nito ay mga tuhod na namin.
Magpapasalamat na sana ako kay Kyle pero parang may pumigil sa akin. Pumigil sa akin iyong nangyari kanina. My gosh! Para akong nahiya sa sarili.
Tiningnan kong muli siya pero napaiwas ako nang una kong makita ang hubad at malaking katawan nito at nagflex pa ang bicep niya ng parehas nitong inangat para ayusin ang basang buhok nito. Napaiwas na naman ako.
Naglalakad na kami ngayon sa buhanginan at pabalik na sa kinaroroonan ng mga kasama namin. Hindi ko na mahanap si Dindin ngayon. Kasama niya ata si Brent.
Umupo muna ako sa buhanginan habang nakasilong ako sa isang malaking umbrella. Pinakalma ko ang sarili ko sa mga hindi inaasahang nangyari kanina. Hinanap kong muli si Dindin nang mapansin ko si Kyle na ngayon ay naglalakad papunta sa akin at may dalawang water bottled na mineral na hawak.
Para kanino yung isa? Sa akin kaya? Oh no Betty! Huwag kang mag-assume. Hindi kayo friend ng taong yan para offeran ka ng tubig. Magkaaway nga kayo diba?
Ilang minuto pa ay hindi ko parin nararamdaman ang presensiya niya. Kunwaring nilibot ko ang paligid para malaman lang kung nasaan siya pero napabalik din ako sa tinitingnan kanina. Parang umiba ang ihip ng hangin sa akin. Isang beses ko pa siyang sinulyap at malawak ang ngiting nakikipag-usap ngayon sa isang babaeng nakabikini.
Tiningnan ko ang sarili ko. Fitted long sleeve at leggings lang suot ko. Sexy naman ako sa lagay nato pero iyong babaeng kausap niya? Halos wala na atang maitago. Ang masama, parang nag-eenjoy pa itong lalaking nakikipag-usap.
"Ate." Napalingon bigla ako sa isang batang lalakeng may dala dalang tinda ng mga bracelet, keychain at iba pa. Ang ilan dito ay mga shells na ginawa nalang nilang bracelet at kwintas. "Bili po kayo te." umupo ito sa tabi ko at nakisilong nadin.
Sa tirik na tirik ba naman ng araw ay sinong hindi mapapagod sa paglalakad para lang maibenta ang mga tinda niya.
"Magkano ba ang isa dito?" tanong ko at sinimulang tingnan ang mga tinda nito.
Magaganda at naayon talaga ang mga designs sa kung anong sikat na puntahan dito sa lugar nila.
"40 ito ate at 60 naman po dalawa dito. Tapos apat 100 naman po ang dito." turo niya sa mga benta niya.
Pinagmasdan ko ang bata. Halos pawisan ang ulo nito at malalaman mo talaga sa amoy niya. Itim na itim din ang kulay na halatang babad talaga sa araw. Pinagmasdan ko ulit ang mga benta niya.
"Nasaan ang magulang mo?" tanong ko.
"Nasa palengke po ang nanay ko kasama ang babaeng kapatid ko po. Si tatay naman po ay nasa bahay, gumagawa po ng mga ibebenta ko." Kwento niya.
Kumunot ang noo ko. Humarap ako dito.
"Bakit hindi mo kasama ang tatay mo sa pagbebenta?" kuryuso kong tanong.
"Mahina na po si tatay ate para magbenta. Noong nakaraang taong ay kamuntikan na po siyang mamatay. Ang sabi ng doctor ay na mild stroke daw po siya at nadali sakanya ay iyong dila niya. Kaya ngayon ay halos hindi namin marinig si tatay magsalita dahil hindi rin namin naiintidihan. Alam kong sa pagod at paglalakad niya po sa araw ang isang sanhi kung bakit siya nagkasakit at nakuha iyon. Ayaw ko na po siyang magkasakit kaya ako na po ang gumawa. Tsaka gusto ko rin pong makatulong sa pamilya ko."
Bigla akong nanlambot sa mga narinig ko. Kung tutuusin ay napakahirap talaga ng sitwasyon niya. Sa murang edad niya ay kailangan na din niyang kumayod para sa pamilya niya. Gusto niya ring tumulong at para hindi niya nakikitang naghihirap sa pagtratrabaho ang magulang niya.
"Bibili ka ba ate?" tanong niya sa akin.
"Oo. Pwede mo ba akong antayin dito? Kukuha lang ako ng pera." Aniya ko.
"Sige po." sagot niya na kinangiti ko agad.
Tatayo na sana ako ng biglang sumulpot at umupo si Kyle sa tabi ko at tiningnan din ang mg benta ng bata.
"Magkano lahat ito bata?" tanong niya.
Kumunot ang noo ko.
"Hindi ko po alam kuya." sagot nito.
"Anong grade ka na ba?" Dagdag niya at kumuha ng isang bracelet at inusisa ang bawat gamit na palamuti nito.
"Grade 4 po." napatingin ako sa bata.
"Nag-aaral ka pa ba?" tanong ko dito.
"Tumigil po muna ako ngayon ate. Wala po kasi kaming pera. Nag-iipon palang po ako." saad niya.
Para akong binagsakan sa narinig ko mula sakanya. Tiningnan ko si Kyle na sa bata ngayon nakatingin.
"Kailan ba ang pasukan niyo?" Napatingin ang bata kay Kyle.
"Sa susunod na taon pa po." tumango tango si Kyle.
"Isupot mo na lahat ito at kukunin ko lahat." Aniya niya na kinagulat ng bata.
"Talaga po?" hindi makapaniwalang sagot ng bata. Halata ang masayang mukha nito sa narinig at nakikita.
"Oo. Isupot muna." utos nito na mas lalong kinasaya ng bata at maya maya ay nagpupunas na ito ng mata. Umiiyak ngayon siya.
"Salamat po kuya." sambit ng bata habang hindi ito makatingin sa aming umiiyak.
Naluluha nadin ako. Tumingala ako para hindi rin ako maiyak pero hindi na kaya at tumulo parin kaya agad kong pinunasan.
Agad kong hinaplos ang likod ng bata at tiningnan si Kyle na ngayon ay sa akin siya nakatingin. Ang mukha ay kalmado na para bang naghahanap ng sagot sa itsura ko kung tama ang ginawa niya. Ngumiti ako at ngumiti rin siya.
Matapos bayaran ni Kyle at bilhin ang tinda ng bata ay pinasama pa kami sa bahay nila. Hindi naman kalayuan at malapit lang din sa mga rooms pala namin. Pinakilala kami sa tatay niya na ngayon ay gumagawa ng mga bracelet, kwintas at iba pa. Maliit ang bahay at gawa lang sa mga kahoy at yero.
Halos kailangan ding yumuko ng bahagya ni Kyle ang pagpasok dahil narin sa tangkad niya. Ako? Sakto lang naman.
Pagkatapos ng ilang kwentohan ay nagpaalam na kami.
"Salamat pala." sambit ko nang pabalik na kami villas at sa mga room namin.
"Saan sa mga yun nagpapasalamat?" agad akong napatingin sakanya.
"Saan sa mga yun?" pag-uulit kong naguguluhan.
"Nevermind. Magbihis ka na at baka tuyuan ka sa suot mo." sabay tiningnan ang suot ko.
"Kanina pa tuyo ang suot ko." Imporma ko dito.
"Go and take a bath." tulak niya sa akin hanggang sa pintuan ng room namin ni Dindin.
"Eh ikaw?" tanong ko dito. Tiningnan ko siya.
"Babalik narin ako sa room namin siyempre. Uuwi na tayo mamaya kung nakakalimutan mo." paalala niya sa akin.
Nawala nga sa isip ko iyon. Nakatuon lang kasi sa isip ko kung paano rin ako makakatulong sa bata kanina.
"Hindi naman. Pasok na ako." aniya ko at nagpaalam na.
"See you later." huling sambit niya bago ito tumalikod at tumungo sa kabila.
Binuksan ko narin ang pinto at dumeretso sa banyo. Pagkatapos kong mag-ayos ay sakto naman ang pasok ni Dindin. Nakaayos nadin ito.
"Saan ka galing?" bungad sa akin.
"Diyan lang sa tabi tabi." sagot ko.
"With Kyle?" may tudyong tono sa tanong nito na kinatigil ko naman sa ginagawa.
"I-inimbita kasi kami ng bata sa bahay nila." paliwanag ko. Tumayo ako para ayusin na ang mga gamit ko.
"Ahh. Maganda kung ganun." sagot niya habang pinapanood ako sa pag-aayos.
Nakahinga lang ako ng hindi na siya nagtanong pa nang tungkol kay Kyle.
Nasa parkingan na kami ng mga sasakyan ng sabihing si Kyle daw ang makakasama ko sa sasakyan ko at si Dindin naman ang sasakay kay Brent. Magrereklamo sana ako pero hindi ko na nagawa. Nauna na silang umalis dahil maggagas pa daw sila.
Sasakay na sana ako ng may tumawag kay Kyle na babae. Lumingon ako at iyon yung babaeng kausap niya kanina.
"Thank you for helping me a while back Kyle." saad nito ng nasa harapan na siya ni Kyle.
Ngumisi si Kyle.
"It's my pleasure anyway." tumaas ang isang kilay ko narinig. Really?
Namilog ang mata ko sa sumunod na ginawa ng babae ng halikan niya si Kyle sa pisngi na agad kong kinaiwas at pasok agad sa loob ng sasakyan. Hindi ko rin sinasadyang napalakas ko ng sara ang pintuan ng sasakyan ko at siguradong napalingon sila sa gawi ko.
Biglang nag-init ang ulo ko. Nag-iba rin ang timpla ng hangin sa akin. Parang pumangit. Hindi maganda. Lalo na yung babae. Matalim kong tiningnan ang babae sa side mirror ko na ngayon ay kausap pa si Kyle at nakangiti pa. Agad kong binusinaan ang dalawa na mukhang kinagulat ng dalawa.
Maya maya ay bumukas na ang pintuan at pumasok si Kyle. Taka man niya akong tiningnan ay wala akong pakealam. Nagseatbelt na ako at sa bintana na ako tumingin.
"May problema ba?" agad niyang tanong sa akin. Hindi ko siya pinansin.
Narinig ko itong tumawa ng mahina saka pinaandar ang sasakyan.
"Nagagalit ka?" tanong niya.
"Bakit naman ako magagalit? At saan ako magagalit?" Pagsusungit ko.
"Ewan ko sayo. Talo mo pa ang climate na pabago bago." Sinimulan na niyang magmaneho.
"Wala ba akong karapatang magbago bago ng mood? Nakaalis na yung mga kasamahan natin pero andon ka parin nakikipaglandian sa babae mo!?" Naiinis kong saad dito.
"Nakikipaglandian? Nagpasalamat lang siya sa akin. Landi na kaagad?"
Inirapan ko siya.
"Ahh. Sabagay. Wala na pala sayo ang mga bagay na iyon." tukoy ko sa paghalik sakanya ng babae.
"Ang alin?" Naguguluhan niyang tanong.
"Natural nalang pala sayo ang mga bagay na kahit na may physical touch na nangyayari ay normal parin yun. Sanay ka na nga pala sa mga bagay na ganun. Pasensiya na at nakalimutan ko." Sarkastiko kong saad dito.
Tumawa ito.
"Iyong paghalik ba niya ang tinutukoy mong physical touch?" tumawa ulit ito. "Nagagalit ka ba talaga o nagseselos ka lang?"
"Nagseselos? Huh! Bakit naman ako magseselos? Ano ba tayo? Eh ni hindi nga tayo close diba? Hindi rin tayo magkaibigan. Magkasintahan lang ang mga kaibigan natin pero hindi ibig sabihin ay magkaibigan narin tayo!" Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Basta naiinis at naiirita ako. Gusto kong manakit pero kanino? Kay Kyle o sa babae? Ay ewan!
"Eh bakit parang apektado ka? Okay lang tayo kanina tapos ngayon nang-aaway ka? May dalaw ka ba?"
"Hindi ako apektado!?" Balik ko dito.
"Eh bakit galit na galit ka?"
"Hindi ako galit!?"
"Eh ano nga?"
"Wala!? Kailangan pa bang tanungin kung bakit ako ganito!?"
"Ang gulo mo rin minsan. In denial ka din eh noh." Sagot nito.
Taas baba na ang dibdib at kulang nalang ay sasabog na ako sa galit.
"Hindi ako in denial!?" balik ko dito.
"Eh anong tawag mo sa paghihisterya mo ngayon? Sige nga?" Halatang bad trip na din ang reaction ng mukha.
"Hindi ako naghihisterya. Masama bang iexpress sa pagsasalita ko kapag iritado ako?" Paglulusot ko.
"At saan ka naman iritable? Sa halik sa akin ng babae?" Namilog ang mata kong tiningnan siya.
"Ang kapal mo!? Wala akong pakealam sa halik halik na iyan. Magpahalik sa kahit sinong babae diyan na makasalubong mo kung gusto mo o makilala mo. Wala akong pakealam. Kala mo naman kagwapuhan kang hahabulin talaga at hahalikan ng maraming babae diyan? Kamukha mo nga lang yung aso namin eh."
"Ano? Aso niyo?" Tumawa ito ng hindi makapaniwala at medyo nainsulto sa narinig sa akin. "Sa aso mo talaga ako kinompare? Mukhang hayop ba ako sa paningin mo? Huh?" Naiinis nitong tonong tanong sa akin.
"Oo. Isa ka lang asong pakalat kalat at nakikipaglandian kung sino sinong babae diyan." sagot ko dito na kahit ramdam kong parang mali na ata ang mga pinagsasabi ko sakanya.
Sa mga sumunod na segundo, minuto ay hindi ko na siya narinig pang nagsalita. Para tuloy sumikip ang space dito sa loob at hindi ako makahinga. Para narin akong binabagabag ng konsensiya ko. At isa pa, wala rin kaming aso kaya dagdag din sa kasalanan ko iyon.
Kina Dindin nalang ata ako sasakay mamaya. Oo, doon nalang ako.
Makalipas ang ilang oras ay wala na talagang nagsalita sa amin hanggang sa makarating kami sa isang restaurant.
"Ok ka lang?" tanong ni Dindin sa akin na hindi ko namamalayang nakatitig lang pala ako pagkain ko. Tiningnan ko siya.
"Pwede bang sa sasakyan niyo nalang ako sumakay?" pakiusap ko kay Dindin.
"Bakit? Ano bang nangyari sa inyong dalawa?" tanong niya sa akin.
"Hindi naman kami nag-uusap kaya walang nangyari." Paliwanag ni Kyle seryosong nakatingin sa akin.
Tumingin naman ang dalawa sa akin.
"Kaya nga lilipat ako kina Dindin para mafeel ko na may kasama ako." Paliwanag ko at inirapan siya.
Tumingin ulit sila kay Kyle maski ang tatlong kasama rin naming mga lalake.
"Ehh pwede mo naman kasi akong kausapin pero mas pinili mo namang manahimik." Paliwanag niya. Aba! Siya ata tong unang hindi umimik nang icompare ko siya sa imaginary dog. Ngumisi ako.
"Ehh sa ayaw kong kausapin ang taong kamukha ng aso ko." Sarkastikong kong saad.
"Don't compare your dog to me dahil mas hamak na mas gwapo ako sa aso mo!!" asar na sabi ni Kyle sa akin. Ayun! Siya na ngayon ang naasar.
"Stop!!" pigil ni Dindin na kinalingon naming lahat sakanya. "Sa amin ka nalang sasakay kung mas makakabuti sa relasyon ninyo."
Namilog ang mata ko sa sinabi niya.
"WALA KAMING RELASYON!!" Sabay namin ni Kyle na kinaiwas din naming parehas.
"Ang gulo niyo!!" Sambit ni Dindin na mukhang namoblema pa lalo sa amin.
Lalo kaming hindi nag-imikan hanggang sa makabalik kami sa saksakyan ay kina Dindin na ako sumakay.
"Ano ba kasi ang meron sa inyong dalawa." Bungad na tanong ng dalawa sa akin.
Kung pupwede ay ayaw ko rin sanang sabihin. Wala namang meron sa amin. Ayaw ko lang siya dahil sa ginawa niya noon.
"He just stole something and he never say sorry for that." Explain ko habang nakatingin sa left side window ng sasakyan.
"Ano yun?" Usisa ni Dindin. Bumuntong hininga ako.
Kwinento sakanila at halos hindi sila makapaniwala sa ginawa ko. According to Brent ay talagang babaero itong si Kyle. Normal nalang talaga sakanya ang makipaghalikan kaya iyong ginawa niya sa akin ay parang barya lang iyon na hindi sinasayangan and it hurts me a lot.
I promised to cut my connection to him. Kung pupwede ay ayaw ko na siyang makita. Ayaw ko naring magsalubong ang landas namin. Iiwas ako sa paraang alam kong tama para sa akin.
Pagkahatid nila sa akin sa bahay ay kasunod ding tumigil si Kyle na drive ang sasakyan ko. He gave me the key.
"Thanks." Sambit ko at papasok na sana ako sa loob ng sasakyan ko ng hawakan niya ng mahigpit ang kamay ko. Napatingin ako sa kamay namin.
"Pwede ba tayong mag-usap?" He requested.
Sa oras na ito ay pintig ng puso ko ang naririnig ko. Nagdadalawang isip din kong itutuloy ko ba o hindi pero alam kung iyon lang ang sagot para makabalik kami sa dati naming mga buhay.
Tiningnan ko siya at ngumiti.
"Gusto rin kitang kausapin." tinanggal ko ang kamay ko sa kamay niya. "From now on, we will cut all our connections we have. Let's unfollowed each other in social media. Delete and forget everything. Kung ano ang nangyari noong first encounter natin ay kalimutan na natin. Let's move on. Huwag na nating dagdagan. Tapusin nalang natin dito." Pormal kong pakikipag-usap dito.
Nakatitig lang siya sa akin. Walang balak na sagutin ang mga sinabi ko. Well hindi ko rin naman hinihingi ang sagot niya. Ang masabi lang yun ay sapat na.
"Thank you Kyle." huli kong sinabi bago ako pumasok sa loob ng sasakyan at pinasok sa loob ng bahay.
I sighed.
"Move on Betty."