Betty
I received a call from the VF Hotel. Pinapatawag na kami ni Dindin. Kakatawag ko lang kanina sakanya at mukhang hindi siya ganoong kasaya. Ikaw ba naman kasi ang hindi paramdaman ng mahal mo ng ilang linggo? And that's what Brent exactly done to her. Pero at the end of the day ay makakabawi naman ito.
Everything was planned pero unexpected ang pagtanggap namin sa araw na ito sa hotel. Kaya imbes na sa bahay nila si Dindin ko susunduin ay sabay nalang kami pupunta sa place kung saan yung surprise ni Brent. Naroon na sila ngayon panigurado kung saan ko idadala si Dindin para matupad ang plano nila.
Nasa VF Hotel na kami at nakausap narin kami ng head manager at inasist kami sa lahat. Masasabi kong hangang hanga ako sa hotel na ito. Ang ganda! Wala akong masabi.
Halos mapasigaw din kami sa saya ni Dindin pagdating namin sa gamit kong sasakyan.
Pumunta kami ng Mall pagkatapos para maisagawa ang plano. Siyempre humingi ako ng panggastos sa mga bibilhin ko kay Dindin lalo na sa damit and unexpectedly ay meron daw talaga. We bought new dresses at agad kong binili iyon. Taka man siya ay hindi ko na pinansin.
Alam kong hindi siya masyadong mahilig sa mga dresses pero siyempre babaguhin natin siya ngayon. Dapat maging maganda siya sa araw na ito.
Binigay ko sakanya ang apat na dresses. Mamimili nalang siya at hinila agad sa dressing room.
"Bakit ito Betty?" tanong niya ng nasa loob ng dressing room ito.
"Treat ko yan sa pagsama mo sa kin na pumasok sa VF Hotel and Restaurant. Isuot mo na para makita kung bagay sayo, biliiiisss" sabi ko na may halong excitement sa boses ko.
"Okey. " tanging sagot niya na kahit medyo labag sa loob niya.
After a few minutes ay lumabas na siya suot ang isang dress na nakasimangot.
"Wow, you look elegant princess, kulang nalang talaga ang prince mo." Asar ko. Inirapan ba naman ako.
Kinuha ko pa ang isang dress mula sa paper bag.
"Isuot mo pa yung iba. Bilis!" saad ko at tinulak muli siya.
After ng Modeling session na pinagawa ko sakanya ay binigay ko na sa counter ang bayad. Walang nasayang sa binigay sa akin ni Kyle. Napunta lahat kay Dindin at siyempre ang iba ay sa akin. Ayaw ko namang magmukhang alalay niya noh. Dapat same parin kami.
Bumili lang kami ng vegetarian burger at drinks sa isang Angela's Vegetarian Restaurant since health conscious ang babaita.. alam kong kulang pa sakanya iyan pero iyan nalang natira sa perang binigay eh.
"May pupuntahan tayo kaya pwede ka munang matulog diyan." Aniya ko dito habang nagdradrive ako at sa daan ang tingin ko.
"Saan ba tayo pupunta? Parang ang layo na natin ng Manila ahh" taka niya. Nakahalata ata.
"Matulog kana, comfortable ka namang matulog na suot ang bago mong dress diba?" Aniya ko after glancing her new wear dress.
Inirapan niya ulit ako at napatawa sa reaction niya.
"Ano bang meron at ganito ang suot natin?" Curious niya.
Simpleng sleaveless at balloon sa baba na hanggang tuhod lang ang suot niya. Same kami with flat sandals na suot namin ngayon.
"Malalaman mo mamaya Sizzy. Just sleep and relax" sabay ngiting nakakaloko ko dito.
Sa buong byahe namin ay tawag naman ng tawag itong si Kyle na agad ko namang pinapatay. No cellphone while driving at medyo kabisado ko rin ang daan kaya makakarating kami doon ng safe at on time.
Nakatulog din siya sa byahe. Pagkaraan ng ilang oras ay natatanaw ko na ang isang malawak na karagatan. Nang makita ko na isang sinage ay nagstop na ako.
Agad nagising at napamulat si Dindin ng huminto ako at nilingon ang lugar kung nasaan kami.
"Gising kana pala. Ang bilis mong makiramdam ahh" biro ko habang tinatanggal ang seatbelt.
"Nasaan tayo?" tanong niya.
Pagkatanong niya iyon ay agad ko namang lumabas ang name ni Kyle sa phone ko. Tiningnan ko siyang salubong ang kilay ko sa tingin niya sa akin.
"Don't look at me like that na parang sasabunutan mo ako any time. You will thank me later" sabay tapik ko sa balikat niya at lumabas ng kotse.
Agad din itong lumabas kasunod ko galing sa sasakayan at napatigil siya sa gulat ng makita niya ang isang sinage.
Agad kong kinuha ang phone ko para tawagan si Kyle pero hindi na ito sumasagot.
"Anong ginagawa natin dito?" tanong niyang gulat sa akin. Nilibot niya ang buong paligid na may pagkamangha at gulat.
"Malalaman mo mamaya, okey?" Sagot ko na medyo nakukulitan na.
"Clue!" Sagot nito na kinalingon ko sakanya.
"Beach!" sagot ko.
"Another clue!" pangungulit niya.
Aba!
"Resort" natatawa kong sagot.
"Niloloko mo ako eh.. I mean yung gagawin natin dito. Magbigay ka ng clue!" pagpupumilit lalo pa niya.
"Obvious ba! Beach resort to, ano ba ang gagawin natin sa beach resort? Maghahiking? Heller?" sabay pakumpaskumpas sa kamay ko sa hangin. Tumunog ang phone ko agad na agad kong iniangat para makita ang message.
Kyle:
-idiretso mo nalang dito si Dindin. Ang hirap mong kontakin.
Naningkit ang mata ko sa text niya. Umirap ako sa hangin at agad nilagay ang phone sa bag ko.
"Whatever!!" Singhal ko. Tiningnan ko si Dindin. Nilabas ko ang panyo ko. "Din, tatakpan natin ng panyo ang mata mo ha?" Paalam ko.
"Bakit?" tanong na naman niya.
Parang uminit bigla ang ulo ko at hindi na maganda ang tanggap sa akin ng mga naririnig ko, isabay mo pa si Dindin na tanong ng tanong. Hindi ba pwedeng sumunod nalang siya? Ako lang naman to noh.
"Ang dami mong tanong. Makicooperate ka na nga lang para matapos na." Irita kong sagot.
Medyo nakonsensya pa ako pagkatapos kong nasabi yun. Sana lang at hindi siya magtanim ng sama ng loob sa akin. Idadala ko pa man din siya sa prince charming niya.
Piniringan ko siya at inalalayan sa paglalakad. Sa hindi kalayuan ay natatanaw ko na ang lugar na inihanda ni Brent. Napangiti ako. Ang swerte naman ng babaeng ito at nakahanap ng Brent na sobrang mag-eefort at halos ayaw siyang pakawalan. Kung ganyan lang din si Ethan sa akin ay siguro ako na ang pinakamasayang babae sa mundo. Pero wala eh, kabaliktaran. Maski chat at tawag nga lang di pa nag-eeffort ang taong iyon.
"Were here." Bulong ko. Agad kong tinanggal ang pagkakapiring ko sakanya.
Her reaction was priceless. Para mas masaya pa ako sa bestfriend ko ngayon. Panatag na talaga ako kapag masaya siya sa taong alam kong mamahalin at makakapagpasaya sakanya.
Lumingon siya sa akin na may malawak na ngiti at ganun din ako sakanya.
"Enjoy girl." Saad ko ditong nakangiti at tumungo sa isang madilim na parte sa side para iwan siya doon. Halos hindi ko makita ang daan ko. Naramdaman ko nalang na may humawak sa braso ko. Malamig ang kamay niya.
Tiningala ko ito at doon nagbago ang ihip ng hangin sa akin.
"Pwede mo na akong bitawan." Malamig kong utos dito.
He tilted his head na kahit na parang anino nalang ang nakikita ko ay naiimagine ko parin ang reaction nito sa inasta ko.
"Mag-iingat ka at baka sa lagi mong pagsusungit sa akin ay mahulog ka." Banta niya na may halong pagbibiro.
"In your dreams. I won't fall to someone like you." bitaw kong mga salita.
"Kakainin mo lahat yan." Bulong niya sa akin saka ako iniwan.
Lalong nag-init ang ulo ko. Ewan. Kumukulo lagi ang dugo ko sa taong ito. Siguro sa kahanginan niya narin.
Maya maya ay may narinig na akong music na ang gamit ay guitara. Sinilip ko iyon at iyong isang kasama nila ang ngayong nagtutugtog. Si Bry.
Napalingon ako kina Dindin at Brent ngayon na magkaharap. Lumambot ang mukha ko ng makita ang reaction ni Dindin. Halos nangingiyak na ito sa surpresa sakanya ni Brent. Kahit sino naman. Mag ooverwhelm ka talaga kung klase ni Brent ang mahahanap mo pero wala eh. Kikiligin nalang talaga tayo sa relasyon ng iba.
"Geraldin Faye Aljeandro, will you be my girlfriend?"
"Sana all." bulong ko sa sarili habang pinapanood ko sila. Naiinggit na talaga ako. Gusto ko rin yan.
"Yes Brent. I'm yours now."
"Wala na talagang pag-asa." bulong ko ulit sa sarili. "Talagang sa lovestory lang talaga nila ako magiging masaya." panghihinayang ko sa sarili kong lovestory.
Naasar na masaya ako ngayon. Hindi ko alam at hindi ko rin masyadong maexpress kung anong nararamdaman ko ngayon. Naiinis ako at hindi ganyan si Ethan sa akin. Masaya ako kasi sa wakas sila na at masaya din ang bestfriend ko. Magkahalo at magkasalungat din. Basta! Kayo na ang humusga.
Sunod sunod lumabas ang tatlo para sa pag-aasikaso sa couples namin. Wala akong ginawa kundi umupo at panoorin sila. Binigyan din ako ni Rian ng desert para kainin habang nanonood sa mga susunod na chapter ng couples.
Minsan ay sinusulyapan ko rin si Kyle na ngayon ay hindi na ako pinapansin. Okay lang. Baka mabwisit lang ako sa presensiya kung lalapit at kukulitin ako.
"It's time." Sambit ni Rian na nakatingin sa relo niya.
"Let's go the sea side." Narinig ko aya ni Brent kay Dindin kaya kaming nasa gilid ay sumama naman sa dalawa. Parang mga tagabantay kumabaga ang dating namin.
Naglakad na sila at kami naman ay nasa likuran lang nila. Hindi nila nararamdaman ang presensiya namin. Umupo sila sa wood chair na nakahanda rin pala doon na nakaharap sa dagat.
"Anong gagawin natin dito?" tanong ni Dindin.
Tiningnan ko ang kalangitan. Sa harap, gilid at lilingon pa sana ako sa likod ng masulyapan kong nasa akin ang mata ni Kyle kaya agad akong napabalik sa harap.
"10, 9, 8, 7, 6" kumunot ang noo ko nang marinig kong nagbibilang si Brent.
"Anong meron?" tanong ko sa katabi kong matangkad. Si Kuya Leo.
"Just watch." sagot lang sa akin pero nakangiti itong malawak.
"5, 4, 3, 2, 1" halos napaatras at napahawak ako sa dibdib ng marinig ang sunod sunod na putok ng fireworks.
Napanganga ako sa gulat! Sa ganda at iba't ibang kulay na dulot nito. Ano pang pasabog ang susunod na gagawin ni Brent para kay Dindin.
"Nice one Brent." narinig kong sambit ni Kyle sa likod ko na agad kong kinalingon sa couples.
Napatakip ako sa bunganga ng makita ang sumunod na nangyari. Agad kong tinakpan ang mata ko. Oo, dala ko parin ang mairita kapag may nakikitang naghahalikan pero ang ganitong harapharapan na? Respeto naman sana!
"Huwag kang assuming na hindi mo pa naranasan yan." bulong ni Kyle sa tenga ko.
Agad kong tinanggal ang kamay ko sa mata at tiningnan siya ng masama. Nangangati na ang kamay ko at gustong manampal ng tao pero napipigilan ko pa naman.
Nilingon ko sila Dindin na hindi parin bumibitaw sa isa't isa. Umalis ako sa pwesto namin at tumakbong pumunta kina Dindin na agad namang kinasunod din ng mga kasama ko sa akin.
Hinila ako ni Kyle na agad ko namang tinanggal ang kamay niya sa kamay ko. Napansin iyon ni Rian at ni Kuya Leo pero wala akong pakielam.
"Tumigil nga kayo diyan. Since na andito na tayo, icongrats nalang natin sila." Saad ni Kuya Leo kaya kahit na inis na inis ako dito sa kasama nila ay sumunod nalang ako.
"CONGRATULATIONS COUPLE!!!" Sabay sabay at sigaw naming lima sa likod. Nauna akong lumapit at iniba ang reaction ng mukha ko.
Niyakap ko agad si Dindin na masayang masaya ang mukha.
"I'm happy for you Sizzy!! Pasasalamatan mo na ba ako?" biro ko na ikinatawa niya.
"Congrats sa inyo bro and cutie.. pasensiya na at naistorbo naming kayo sa moment ninyo kanina." Pag amin ni kuya Leo na napakamot pa sa ulo.
"Tss... Buti alam niyo." Bulong ni Brent.
"Kung hindi ba naman kasi tumakbo yang isa diyan edi hindi sana nasira ang plano!!" sarkastikong sabi ni Kyle habang sa akin ang tingin.
"Kasalanan ko bang mas excited pa ako sa iyo na batiin ang best friend ko???" sagot ko naman.
"Hey, you two!!" turo ni Bry kay Kyle at sa akin "Sinisira niyo moment nila." Awat niya sa amin. Umirap ako na napansin naman ni Dindin.
"Oo nga! Parang gusto niyo pa ata silang palitan sa pag momomoment nila.." natatawang sabi ni Rian na agad naman binatukan ni Kyle "Aray naman! Nagreact ka kaya ibig sabihin totoo!" habang humahakbang na paatras
"Anong sabi mo!?" Asar na tanong ni Kyle.
"Ooppss, sure kang uulitin kong sabihin??" pang inis na sabi ni Rian habang tuwang tuwa na inaasar si Kyle.
"Tumigil na nga kayo diyan" pag awat ni Leo sa dalawa "Let's make the most of the time while were here. You can continue what you're doing a while back and you two" turo niya sa amin ni Kyle "may pag asa pa kayo kaya magshare moments nadin kayo" napataas ang isa kong kilay sa sinabi niya. Umakbay ito kay Rian at Bry "let's catch some fish" at nagpatuloy nang umalis ang tatlo.
"Do you want to go for a walk first?" Tanong ni Brent kay Dindin na kinalingon ko agad sa kaibigan ko.
"Hmmm" umayos ka Dindin. Alam kong moments mo to pero huwag mo akong iiwan sa taong ito."I think so." Sagot niya na kinaawang ko at ngiti pa sa akin.
"Let's go" aya ni Brent sakanya at umalis ito sa harapan ko.
Kyle POV
Daig ko pa ang nanunuyo sa may jowa ah. Ano ba kasi problema ng babaeng ito na parang ang laki ng kasalanan ko. Dumaan ito sa harap ko na parang hindi ako nakita.
"Betty!" tawag ko.
Hinabol ko siya. Hinarangan ko at salubong ang kilay at kunot ang noo ang sinalubong na mukha niya sa akin.
"Ano bang problema mo? Naiinggit ka ba don sa dalawa? Gusto mo bang gawin ko rin sayo?" Tanong ko pero siyempre biro lang.
"ANG KAPAL MO PARA SABIHIN YAN NOHH!! SAYO NALANG ANG KISS MO!!!" sigaw niya at nilagpasan nanaman ako. Iwasan mo pa ako at baka talagang gagawin ko ang sinabi ko.
"Ano ba kasi ang kinakagalit mo at kanina ka pa umiiwas. Pwede naman kasi tayong maging magkaibigan at kalimutan nalang kung ano ang nangyari non." Suhestiyon ko. Hindi naman kasi big deal ang paghalik kasi sa mga panahon ngayon ay normal nalang talaga yun.
Biglang umupo siya sa harapan ko at niyuko ang ulo sa tuhod. Napatingin agad ko sa paligid. Baka pagkamalan pa akong inaaway at pinapaiyak itong babaeng to. Umupo rin ako sa harap niya.
"Hoy, tumigil ka nga diyan. Baka sabihin nilang pinapaiyak kita." Sabi ko na ikinatingin niya ng masama sa akin habang umiiyak. Natigil ako ng makita ko ang luhaang mata niya.
Sh*t! Hindi ko gawain ang magpaiyak pero bakit parang maling mali ako sa nakikita ko ngayon.
"YOU JUST STOLE MY FIRST KISS AND YOU NEVER SAY SORRY!! HINDI BA BIG DEAL YUN??? NAKARESERVE YUN PARA SA TAONG MAPAPANGASAWA KO TAPOS NINAKAW MO LAAAAAANG????" sigaw niya ulit sa akin. I was stunned. Loading sa isip ko ang sinabi niya. First kiss niya yun??
"I-I didn't know."
"NAKAKAINIS KA ALAM MO BA YUNNN??? SINIRA MO FUTURE KOOOO!!!" sigaw niya ulit.
Kumunot ang noo ko. Future?
"Future? Willing naman akong maging future mo ah." biro ko na kinahampas niya sa akin.
"I HATE YOU!" sigaw niya sa akin saka tumayo at nilagpasan na ako.
Napakamot ako sa ulo. Maya maya ay napangiti ako ng wala sa oras.
Tiningnan ko siyang pumasok sa isang room.
Nakaramdam ako ng kakibang pakiramdam. Ewan. Naiiling nalang akong natatawa habang ang mga kamay ko ay nakapamulsa. Siguro ay hahanapin ko nalang ang mga tatlong ugok na nangisda daw. Ewan ko lang kung saan.
Betty
"Good morning Sizzy, what time kayong nakabalik dito kagabi?" Paos kong tanong dito habang nakayakap ako sa likod niya.
"Ahm, mga past 9 ata?" hindi sigurado sagot niya.
"Sorry kagabi ha at nasira ko moment niyo." Paumanhin ko "Tinuloy niyo ba?" Sunod ko na ikinamula niya.
"H-ha?? Hindi noh!!" Nahihiyang sagot niya.
"Talaga ba??" Panghuhuli ko.
"Oo at saka hanggang sa noo lang ang halik after non." Paliwanag niya.
"Ahhh.. okey" sagot ko at tumayo na mula sa kama at pumunta na ng CR.
After kaming makapaglinis sa katawan ay lumabas kami at naabutan namin ang boys na nasa isang cottage sa harapan ng mga rooms at nag iihaw ng mga isda.
"Ang bango!!" Komento ni Dindin sa amoy na bumungad sa amin.
"Kumakain kaba ng isda?" tanong ni Bry kay Dindin.
"Oo naman, lalo na pag sinigang na bangus!" proud na sagot niya.
"Sakto, may niluto si Brent na sinigang na bangus doon. Ayaw nga niyang ipatikim sa amin at dapat ikaw daw ang unang titikim don " sabi ni Rian.
"Talaga??" manghang sagot niya "Asan siya?" masayang tanong nito.
Nilibot ko rin ang paligid para hanapin si Brent habang kumakain ng saging. Kaswerte talaga ng kaibigan ko oh.
"Andun sa kabilang tindahan. Kausap yung magandang dalaga." Tawang sabi ni Kyle.
Parang nasira ang umaga ko ng marinig ang boses ni Kyle. Tumingin din sa akin ito pagkatapos niyang sabihin iyon pero umiwas ako at sa ibang view ko nilibot ang mata ko.
"You're awake my princess, Good morning!" napalingon kami sa boses ni Brent pero hindi sumagot si Dindin at umupo ito agad.
"What's wrong?" tanong niya habang lumalapit siya sa princess niya. Kumuha pa ako ng saging.
"Tanong mo si Kyle kung ano ang sinabi kay Cutie" tawang sabi ni Rian.
Kunot noong tumingin siya kay Kyle. Lampasuhin mo nga Brent nang magtino.
"H-ha?? A-aahh, sabi ko lang naman na... na nasa kabilang tindahan ka, kausap yung magandang dalaga doon. May masama ba sa sinabi ko?" Kinakabahang paliwanag niya.
"Talagang nilagyan pa ng adjective na MAGANDA" diin ni Dindin.
Ngumisi ako at excited sa susunod na mangyayari sa Kyle na ito habang inuubos ko ang pagkain kong saging.
"Don't worry my princess. You alone are the most beautiful in my eyes"
Nabilaukan ako ng marinig ko iyon. Walang nakapansin sa akin maliban kay Kyle na sa akin parin nakatingin.
Umiwas ako at tiningnan si Dindin.
"Dindin!! Pwede ka naman sigurong kumurap noh?" panirang komento ko.
Tumuwid ng tayo si Brent sa harap niya "I just bought sili para sa sinigang, wanna taste it later my princess?" tanong niyang nakangiti na nakapagpabago nanaman sa mood ni Dindin. Hay naku.
"I'm glad you're smiling now." sabi niya dito at agad siyang tumungo sa pinaglulutuan niya saka binatukan pa si Kyle na ikanagulat niya.
One point! Bulong ko sa sarili.
Narinig ko ang tawa ni Rian at agad naman siyang binato ng repolyo ni Kyle na agad naman niyang nasalo at bumelat pa ito na mas lalong kinaasar ni Kyle.
Natapos ang maingay na kainan ay nagyaya ang lahat na bisitahin daw isang tourist spot na dinadayo pa ng ibang tao sa lugar na ito.
Enjoy na enjoy ako pati sa pagseselfie at ganun din sa papipicture sa ibang mga view dito.
Asaran at payabangan lang mga ginagawa ng mga kasama namin at parehas kong single. Paramihan ba naman ng babaeng makipicture sakanila? May nakikipicture rin kay Kyle pero tinatanggihan niya.
Naligo kami sa dagat na hindi ko naman tinanggihan. Minsan lang ito mangyari kaya todo lagay ako ng sunscreen sa mukha at katawan para alagang kutis parin. Nakita kong todong balot din si Dindin sa katawan. Natawa ako. Fitted at leggings din akin pero sakto lang.
Pumunta ako sa dagat para lumangoy na. Maya maya ay may lumapit sa aking lalaki. Medyo lumayo ako pero parang sinusundan ako. Sa bawat alon din na nasasalubong namin ay dinadala ako sa lalaking yun kaya agad akong lumalayo. Bigla akong kinabahan. Aahon nalang ata ako.
Nang maramdaman kong lalapit ito sa akin ay tumalikod na ako na agad ko naman kinatigil. Papalapit sa akin si Kyle. With his bare body, it screamed how hot he is. Salubong ang kilay nitong nakatingin sa lalake. Ang alon ay walang nagagawa rin sa kahit na anong tulak ay parang batong hindi napapaatras ito.
"Don't dare to touch my girl. Or else you'll regret." He stared and warned the person behind me.
Napalingon ako sa lalaking sinabihan niya na ngayon ay nasa likod ko.
Dahan dahan itong umalis at pumunta sa mga kasamahan niya.
Binalik ko ang mata ko kay Kyle na ngayon ay seryoso ang mukha at salubong parin ang kilay.
Hindi ko alam kung paanong napaangat ng hindi ko namamalayan ang daliri ko at umabot ito sa kilay niya at waring pinaghihiwalay ito.
Nahuli niya ang daliri ko at hinawakan ng buo ang kamay ko.
"I could break a bone just to make sure your safe." sambit niya.
Ramdam ko ang sinsero sa mga salita niya. Pero mas ramdam ko ang t***k ng puso ko ngayon dahil sa presensiya niya at titig niya sa akin.