Betty "Okay. Done. Isend ko nalang sakanya." saad ko ng matapos ko ang strategic plan ko para sa business ko. Pinicture ko ito at sinend kay Kyle na wala pang isang minuto ay may fredback at comment na ito. Ginawa ko iyon hanggang sa naayos ko ito at nasatisfied ako magiging outcome. Nakaramdam ako ng excitement. Sinunod ko namang icheck ang ipon ko kung aabot sa budget pero kulang pa kaya iyon ang pagtratrabahuan ko ngayon. "Mhie!" tawag ko pagbaba ko mula sa kwarto. Pumunta ako sa kusina pero wala siya doon. Sa likod, sa pool at maski sa garden niya sa side. Last ay pumunta ako sa harap ng bahay at naroon si mommy, nakatayo at may kausap na lalake. Nakaside silang dalawa kaya sa tingin ko ay hindi nila napapansin ang presensiya ko. Matangkad ang lalake at base sa tindig nito ay para

