Betty "Goodmorning." bati ko kina mommy at daddy kinaumagahan pagbaba ko galing ng kwarto. Bihis na ako at handa ng papasok sa trabaho. Sinuot ko rin ang bracelet na kinatago tago ko. Nagmumukha paring bago kasi ito kaya hindi halatang halos may isang dekada na sa akin. Malay naman natin at baka mahanap niya ang lalakeng nagbigay nito sa akin. Sa pagkakaalam ko ay pati iyon ay may ganito ring bracelet. Kinilig ako sa isip sa pwedeng mangyari kapag nagkita kami. "Hindi muna tayo papasok sa trabaho anak ha? Magpapasukat tayo ng gown mo para sa birthday mo." Natigil ako sa sinabi ni mommy. "Mhie. Lagpas 18 na ako. 22 na ako next week." "Hindi ba tayo pwedeng bumawi noong nag 18 ka?" Balik nito sa akin. "Naiintindihan ko naman noon na wala na akong debut dahil nagkaroon ng emergency kay

