Betty Kanina pa ako tulala. Nasa balcony ako at nag-iisang umiinom ng juice sa hawak kong baso. Hindi masink in ang mga ganap kanina, mas lalong higit sa sagot kong girlfriend ako ni Kyle. Did I make the right answer? Did I choose the right path for me to escape or did I let myself fall down to his hands. Napaigtad ako nang may humawak sa magkabilang balikat ko at agad akong lumayo at hinarap ito. "Siraulo ka." Singhal ko ng makitang si Kyle ito. Nakahinga naman ako ng maluwag doon. Tumawa ito ng mahina at tinabihan ako. Sinabayan niya akong pagmasdan ang isang malaki at malawak na fountain sa harap namin na kasalukuyang naglalabas ng iba't ibang uri ng kulay dulot ng reflection na ilaw mula dito at ang tubig na tila sumasayaw. "Mabuti at naalala mo ang kasunduan natin kanina at kung

