Betty Halos hindi ko maibuhos ng maayos ang juice sa baso. Sa sobrang kaba at panginginig, samahan mo narin ng pagkabog ng dibdib ko ay halos hindi ako makaconcentrate sa ginagawa ko ngayon. "Relax lang nak. Mukhang kasundo naman ng daddy mo iyang si Kyle." "Iyon na nga ang problema mhie. Ayaw ko silang magkasundo ni daddy." direktang sagot ko. "Mukhang disente at mabait naman iyang Kyle. Tsaka akala ko ba ay okay kayong dalawa?" pagdududa ni mommy. "Okay kami sa ibang bagay mhie. Pero pag sa ganitong bagay naman ay iba nang usapan." "Nagpaalam ba sayong liligawan ka?" tanong ni mommy. "Kahit hindi naman magpaalam yan ay matic na yan sakanya." Nangiti si mommy at biglang natahimik ng ilang sandali. "Bakit mhie?" taka ko. "Wala nak. May biglang naalala lang ako." Sagot niya. "Yung

