bc

Ang Mutya Nang Section E

book_age16+
696
FOLLOW
4.5K
READ
reincarnation/transmigration
badboy
gxg
serious
addiction
like
intro-logo
Blurb

Masarap mapunta sa Section na May Pagkaka-isa . Meron Mang Hindi pagkakaunawaan , napag usapan Naman

Paano kung mapunta ka sa Section na ikaw lang Ang naiiba .

Kakayanin mo ba ?

© All Right Reserved

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Transfer Sa isang high school, laging merong transfer student na mula sa ibang lugar. Iba-iba ang dahilan ng paglipat nila. Ang pinaka-unang problema nang paglipat sa ibang paaralan ay ang salitang 'pakikisama'. Kailanga'ng makisama ng bagong lipat sa mga kaklase nya. At ganun ang problema ni Jasper Jean O mas kilala'ng Jay-jay sa bago nyang school. Kinakabahan, na e-excite at natatakot yan ang halo-halong nararamdaman nya. "Kaya ko to!" Sambit ni Jay-jay sa sarili nya habang naglalakad papunta sa magiging room nya. Kayanin nga kaya nya kapag nalaman nya na sya lang ang nag-iisang mutyang Section'g mapapasukan nya. ******************** Jay-jay's POV Haaaaaaaa!!!! Nakakaloka! Kinakabahan ako at the same time parang natatae rin. Hehe. Simula kasi sa araw na to dito na ko mag-aaral sa Higher Value International School. Taray ng pangalan! Malapit na ko sa room na itinuro sakin ng registrar office. According to my registration papers last section daw ang E ng 4th year high school. Dito ko napunta kasi hindi naman daw ganun kaganda ang records ko. Hindi ko sila masisisi, pasaway din kasi ako sa dati kong school. Nagpatuloy ako sa paglalakad papunta sa room. Pagdating dun, nakita kong may nakatambay na mga lalaki sa tapat ng pinto. Lima silang lalaki at pare-parehong hindi maayos ang pagkakasuot ng uniform. Medyo nakakatakot sila pero sabi nga 'Don't judge the book by it's cover'. Lumapit ako sa kanila. Pare-pareho silang tumigil sa pagsasalita at hinarap ako. They all glared at me. Okay, medyo nakakatakot! "Uhmmm... M-mga Kuya, d-dito po ba y-yung section E?" Bakit ako nauutal? Anu ba yan nakakahiya! Nagtinginan muna sila bago ibalik ang tingin sakin. Para nila akong ini-scan mula ulo hangang paa. May mali ba sa itsura ko? "Hindi dito... Sa kabilang building yun." Sagot nung lalaking kulay brown ang buhok. "Ha? S-sabi nung registrar, dito---." "Nilipat na! Kaya umalis kana dito!"Sigaw nung lalaking may subong lollipop. Medyo natakot ako sa sigaw nila kaya mabilis akong tumakbo. Grabe naman!Kaylangan talaga sigawan ako?! Kundi lang ako bago dito... yari ka sakin. Tumunog na yung bell, indication na start na ng class. Samantalang ako eto naglalakad parin papunta sa classroom ko. Kainis! Nilakihan ko na yung hakbang ko, medyo malayo pa yung kabilang building. Nakakapag-taka lang yung building na pinang galingan ko nasa dulong part na ng school. Sementado na pero kupas na kupas ang pintura, puro vandalism at nagkalat na lumang silya o mga nasirang gamit. Dalawang floor din yun at merong apat or 6 na room sa kalahataan. Hindi nga lang ako sure kung ginagamit lahat. Hindi kagaya ng kaharap kong building ngayon. Bago'ng bago at maganda ang pintura. Nasa apat na floor at maraming kwarto. May aircon din sa ibang room. Yayamanin!! Agad akong pumasok sa building para hanapin ang room pero parang wala akong makita. Hindi ako bulag hindi kolang talaga mahanap yung room. Hangang sa may nakita akong classroom na may pangalan sa tabing pinto. Section lang yung nakalagay pero may naiwang marka na obvious naman na letter E. Baka ito na yon!! Agad akong pumasok. Napahinto payung mga istudyante ng makita ako. Mga nasa 20 students din sila. Hinanap ko yung teacher pero wala sya. Kaya naman dumiretso na ko sa bakanteng upuan sa likod. Nakasunod pa rin sakin mga mata nila. "May transferee?" "Chicks pre!" "May bago pala tayo." Bulungan nila. Sa totoo lang nahihiya ako o mas tamang sabihing naiirita. Ayoko ng pinag-uusapan ako at halatang ipaparinig sayo na ikaw ang topic nila. Napayuko nalang ako habang nakayakap sa bag ko. "Hi !" May lumapit at bumati sakin. Tinignan ko sya at isang babae ang bumungad sakin. Magandang nilalang.. hehehe.. Anghel kaba?! Maganda kasi sya. Ang haba ng buhok nya at puti-puti nya. Matangkad din sya tignan, mukang mas matangkad pa sakin. "H-hello po..." bati ko. Nahihiya kasi ako. "Wag mo na ko i-po, malamang same age lang tayo." "Ahh... S-sige" "Bago ka lang?" Tanung nya habang bumabatak ng bangko. Umupo sya sa tapat ko. "O-op-- Oo" pala. " Bago lang ako." "Anu name mo?" Magiliw na tanung nya sakin. "Jasper Jean Mariano... Jay-jay for short." Nakangiting sagot ko. Yan! Medyo komportable na ko. "Ako si Rakki... Class President." Inabot nya sakin ang kamay nya at tinanggap ko naman. Ang astig ng pangalan nya! Parang sya... hehehe. "Jay, sure kaba sa section na pinasukan mo?" Biglang tanung nya. Taka kong syang tinignan pero tumango lang ako. "Ang alam ko kasi meron ngang transferee pero sa section E, hindi dito." Hindi dito. Anak ng.. Mukang mali ako ng napasukang section. Shete! "Uhmm... A-anung section ba to?" Pabulong na tanong ko kay Rakki. Nakatingin kasi samin ang buong klase. Nakakahiya kapag narinig nilang mali ako ng section napuntahan. Sobrang nakakahiya!! Lumapit sakin si Rakki at bumulong."Section C." Shit!! Mali nga!! Pakshet!! Bullshit!Lahat na ng s**t! Dahan dahan akong tumayo at naglakad palapit sa pinto. Nakayuko lang ako. Wag nyo na ko tignan.. please. Malapit na ko sa pinto ng bigla akong harangin ni Rakki. "Saan ka pupunta? Malapit na dumating si Ma'am." Labag man sa kalooban ko. Buong lakas akong huminga ng malalim at tinignan sya sa mata. "Rakki.." panimula ko. "..M-mali akong s-section na napasukan." "Pffftt... Sabi na eh!!" Malakas natawa ang sinagot sakin ni Rakki. Maging mga classmate nag-uumpisa naring matawa. Jusme!! Lupa bumuka ka.. at kainin mo sila!! Dahan dahan akong lumabas ng room at kahit medyo nakalayo na ko ay naririnig ko pa rin ang tawanan nila. Nakakahiya! Sobra! Nakakainis! Mabilis akong tumakbo pabalik sa building ng Section E---- yung tunay na Section E! Humanda sakin yung mga lalaking yun! Sila may kasalanan nito. Kundi nila ko tinuro sa building na yon hindi ako mapupunta sa maling section. Nakakainis! Habang buhay nila yung maaalala, yung buong Section C nayun! Nakarating ako sa room at salubong ang kilay kong pumasok sa loob. Yun nga lang... Wrong Move!! May teacher na nagtuturo, napahinto sya at napatingin sakin. Lagot! "Yes?" Tanung nya sakin. Inayos ko ang sarili ko. Kinuha ko agad yung registration papers ko at---wait! Kailangang manigurado! "D-dito po ba ang section E?" Lakas loob kong tanung. Tumango ang teacher at tinignan ako.Agad kong inabot ang registration paper ko. "Ahh.. Ikaw yung transfer student,kanina pa kita hinihintay." Agad nya kong hinatak at pinwesto sa tabi nya sa harap. ".ako nga pala si Mr. Alvin Siongco." Ngumiti ako sa kanya at sinenyasan nya kong magpakilala sa buong klase. Agad kong napansin yung mga lalaking nakausap ko kanina. Mga hudlong tong mga to! Grabe yung ginawa nila sakin. Tinignan ko sila ng masama yung mararamdaman nila ang sidhi ng galit ko. Kaya lang ang mga luko nag ha-gikgikan lang except dun sa lalaking naka-lollilop kanina. "Class! Silents please..." Hinarap ako ulit ni Sir. "...Sige na, pakilala ka na." Huminga muna ko ng malalim. "My name is Jasper Jean Mariano you can call me Jay Jay. I'm from Holy Saints highschool." Nakatingin lang sakin ang buong klase. Karamihan sa kanila boring na tingin lang ang binibigay sakin. Except ulit don sa naka-lollipop kanina, poker face ang luko. "Class president... wala kabang itatanung?" Tanung ni Sir Alvin. Walang sumasagot. Mukang wala yung class president nila. Anu yun? Napaka-huwaran naman... hindi pumasok? "Class President.." medyo nag-iba ung tono ni Sir Alvin. Seryoso nya'ng tinignan yung grupo ng mga lalaki na nakausap ko kanina. "Tss.." sabi nung naka-lollilop kanina.Tumayo sya at bored na tumingin sakin. Wait! Sya yung class president?! Wag nga! "Question..." parang nag-uutos ang boses ni Sir Alvin. Nagbuntong hininga muna sya. "Are you still a virgin?" Nanlaki yung mata ko sa sinabi nya samantalang nagtawanan naman ang buong klase. "Keifer!" Galit na sigaw ni Sir Alvin. Nag-smirk sya. "You said question That is a question." Walang galang! Pati teacher sinasagot nya! Yabang! Tinignan ko sya ng masama. "Sir Alvinis referring for a decent question." Ayan! napa-english na ko! Sana umabot ang baon ko. Agad na nag-'ooohhhhh' ang buong klase. Biglang nag salubong ang kilay ng Class president nila na tinawag ni Sir na Keifer. "You want a decent question? Okay Kilan ka aalis sa section namin?" Muling ng-'ooohhhhh' ang buong klase. Sa totoo lang naiinis ako sa ginagawa nila at mas naiinis ako sa Keifer nato! Saksakan kasi ng yabang! Ano na?! Porke may posisyon ma-angas na dapat? "Ikaw? Kelan ka mawawala sa mundo?" Mataray na sagot ko sakanya habang naka-cross arm. Lalung lumakas ang 'ooohhhhh' ng klase. Kahit si Sir Alvin narinig kong nag-react na rin. "Bakit hindi ka mauna?" Sagot nya sakin then he smirk. "Because i'm the one who"ll make you disappear in this world." "Like you can... "Yes i can..." i said in a matter-of-fact tone. "Okay... Okay.. Both of you need to stop. Keifer sit down and Miss Mariano you can choose any seat that you want." Sir Alvin said. Grabe! Hindi pa ko tapos sa kanya. Masama ang tingin nya sakin pero binalik ko ang attention sa paghahanap ng upuan. Mamaya ka sakin! Hindi problema yun, dahil maraming bakante. Yung nga lang karamihan ng bakante nasa gitna. Kagaya sa Japan ang table and chair nila kahit mga luma. More than 20 pairs of tables and chairs ang meron dito. Pero karamihan ng students nasa likod na part at gilid. Muka silang letter U. Gitna lang ang walang masyadong naka-upo. Kaya dun nalang ako pumwesto. Muka tuloy akong loner sa naging pwesto ko. Ang nakakapag-taka pa sa klase nato bukod sa sitting arrangement nila. Nasa 15 or 16 students lang ang andito at ang isa pa... Wala pa kong nakikitang babae. ***************************** Ang istoryang ito ay kathang-isip lamang ng walang saysay na author. Ang mga pangalan, lugar,pangyayari at petsa ay nabuo dahil sa bulate sa utak nang (author) At ang pagkakapareho nito sa tunay na buhay ay pawang insidente lamang. BABALA: Kung ang hanap mo ay perpektong bida kagaya sa ibang istorya. Sad to say, hindi ganun ang bida dito. Kasalukuyan kong ine-edit ang kwento kaya asahan ang mga typo error, Wrong grammar and wrong person.Hahaha.. PLAGIARISM ISA CRIME! -All Right Reserved -Copy Right (2016)

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Agent Series 18: Black Lipstick ( R-18 SPG)

read
97.7K
bc

Dangerous Spy

read
322.5K
bc

Hiding The Mafia Boss Daughter [TAGLISH]

read
145.9K
bc

THE EVIL STRANGER: MAFIA LORD SERIES 12 (R-18 SPG)

read
104.8K
bc

Angel's Evil Husband

read
269.0K
bc

MY MASTER: MAFIA LORD SERIES 11

read
57.9K
bc

Denver Mondragon

read
72.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook