Chapter 3

1533 Words
Cleaners Jay-jay's POV Nag sipasok na sila sa loob matapos nilang ubusin ang pagkain ko at kami nalang ni Felix ang nasa labas.Pati pala si Keifer kumag andito din pero nasa malayo sya. "Wala na sila... pwede ka ng maglabas ng chibog." Sabi nung Felix. Ginawa ko naman at kinuha ko yung Nova. Kayalang hindi ko pa na bubuksan ng hablutin naman ni Felix yun. Anu ba?! Snatcher lang? "Hoy! Aba namnan!" "Sorry... Favorite ko to eh!" Sabi ni Felix at naglakad palayo habang kumakain. Nag-isa nalang ako. Wala ng kukuhang ilalabas kong pagkain. Hehe!Finally! Nilabas ko na yung cheappy. Kaya lang ang lintik... hawak ko pa lang ang Tear Here may humablot na naman sa kamay ko. Aaarrrgggghhhhh.. Anu ba? Tinignan ko ng masama yung animal na nanguha ng pagkain ko. Si Keifer? "Anu ba?! Hindi ba uso dito manghingi?! Kung nagugutom palakayo magsi-bili kayo!!" Tinignan din nya ko ng masama."Hindi kami makakabili.." Halos pabulong nyang sabi. "Ano?!" Hindi nya ko pinansin. Pumasok lang sya sa room habang kinakain yung chitchirya ko. Kaasar naman! Binalik ko sa dati yung table at chair na kinuha ko Inayos ko na rin ang sariliko. Pagpasok sa loob parang bumaha ng paper balls. Sobrang puno'ng puno yung sahig at sa bawat hakbang ko hindi pwedeng walang masipa or tumalsik. Hindi man lang nila nilinis. Ibang klase! Naupo na ko sa pwesto ko. Kung saan ako ang tuldok sa gitna ng U Gitnang-gitna naman kasi ako. Masyadong tahimik ang paligid masama ang kutob ko kapag ganun.Lumingon ako sa likod para tignan sila. Sa awa ng langit wala namang milagro sa likod ko. Kumakain lang si Felix at Keifer ng chitchirya'ng binili Ko! KAPAL! Paka-namnam pa nila yung bawat subo nila ng pagkain. Ang weird lang dito eh yung mga classmate kong takam na takam sa nakikita nila. Nakasunod ang mga mata nila sakin pagkain nung dalawa. Hindi ba sila pinapakain? Pati ako napatitig sa pagkain nila.Nang-iinggit kasi yung hayop, with sarap-na-sarap expression pa anggunggong. Kapal muks!! Binalik ko ang tingin sa harap. Lalo lang ako naiimbyerna sa ginagawa nila. Akin yun eh! Akin dapat yun! Sa wakas tumunog ang bell at dumating ang teacher namin. Sa itsura ng room namin expected ko na magagalit sya pero parang wala lang sakanya yung mga kalat na nasipa nya. "Ang room nyo bagay na bagay talaga sa inyo." Bored na sambit nung teacher. Mag-uumpisa na sana syang magturong makita nya ko. "Bakit may babae dito?" "T-transferee po." sagot ko. "Ahh.. Yung Jasper Jean Mariano?" Nag-smile naman ako. "Opo." Binigyan nya ko ng ah reaction bago harapin ang libro nya. Kagaya ng mga naunang teacher binigyan din nya kong mga lesson na hindi ko naabutan. Habang nagsusulat ng lecture nilapitan ako ng teacher. Mrs. Zaragosa ang pangalan nya, nasa mid-50's na sya. Syempre may katandaan ang itsura pero hindi sya mukang istrikta. "Kung papipiliin ka, saang section mo gusto?" Tanung nya sakin. Taka ko syang tinignan. "Po?" "Hindi ka kasi pwede dito, nag-isa kang babae." Waaahhhh... Kaya pala. Akala ko absent lang sila. "Seryoso po kayo? Ang sabi po kasi sakin sa registrar dahil daw po sa records ko kaya dito daw po ako napunta." Pakiramdam ko bigla nalang tumahimik. Para bang lahat ng tao sa room pinapakinggan yung usapan namin. "Wala'ng problema dun,pag-tutulungan namin ni Alvin ang pagpapalipat sayo. Yung nauna sayong babae nailipat na namin sa B." "Pag-iisipan ko po..." yung nalang ang isinabi ko . Sa totoo lang malaking bahagi ko ang tumatanggi sa mag palipat. Para kasing hindi ko naman deserving, pero ramdamn ko yung pag-aalala nila. Iisa nga lang naman kasi ako eh. Nag-iisa akong magandang dilag dito. Natapos ang klase kay Mrs. Zaragosa at iba pang sumunod sa kanya. Nasa huling subject na kami para sa araw naito. "Ayokong magturo!" Galit na sigaw ngteacher. Parang mga aso'ng ulol naman na nagwala yung mga classmate ko sa tuwa. Wow! Napayuko nalang ako dahil sa gulat sa kanila. "Maglinis kayo ng room nyo...A-attend muna ko ng meeting." Anu kaya yun? May meeting pala,kuwari pang ayaw magturo. Oh pwede ring may choice sya na wag na pumunta don pero tinatamad lang talaga sya mag-turo dito kagaya ng sinabi nya. "Pagbalik ko dito at ganito pa rin ang classroom nyo Magtu-turo ako Walang tatakas sa inyo o tatadyakan ko kayo isa-isa!" Dagdag nya at umalis na . Ms. Cindy Smith ang pangalan nya.Nasa mid-20's na sya at ang astig nya tignan. Pag-labas nya, laking gulat ko ng biglang magtayuan yung buong klase. Akala ko maglilinis sila pero bigla silang lumabas. "Hoy! Aano kayo?!" Sigaw ko Sinubukan kong sumunod pero pagdating sa pinto bigla nalang nila sinara. Hala! Hala! "Buksan nyo to!" Sigaw ko habang kinakalampag yung pinto. Nakita kong sumilip ang Keifer sa bintana kaya agad akong lumapit dun. "Hoy! Anu na naman bang trip to?!" "Linisin mo yang room.." bored nasagot nya. Aba! "Ayoko nga! Bakit ko gagawin yun?Kayo kaya tong nagkalat dito!" "Tss. Ikaw ang dahilan kaya kami nagkalat. Now you clean it!" "Eh kung ayoko?!" "Then we will not open the door kahit dumating pa si Ma'am sexy." Narinig kong nagsalita yung mga classmate namin. "Linisin mo na!" "Dali na!" "Nakakangawit dito!" Aba! Ang kepel ng meke nenye! "Ang ka-kapal nyo! Matapos nyong lamunin yung binili ko! Uutusan nyo pa kong maglinis!" "Tss. Wag mo nga isumbat saminyan. Bakit nga ba nagdala ka ngpagkain?" Aba talagang!! "Mga punyeta kayo!!" Narinig ko silang nagtawanan. Talagang ginagalit ako ng mga hayop na to! "Just clean the room. Ikaw din,pagna-inip kami magsisi-uwi na kami. Baka wala ng abutan si Ma'am Sexy dito. Nasa amin din ang susi." Shutangina mes!! "Hay!!! MGA PISTI!!" Sigaw ko. Buset yan! Ang kakapal ng mga muka.Mga Patay Guts na nga Kapal Muks pa! Anu pa nga bang gagawin ko? Edi linisin tong pesteng kwarto na to. Naka-cross arm akong nakatingin sa paligid. Karaniwang kwarto lang din kagaya sa iba. Except sa may mga tambak ng plywood, yero at karton sa likod na part. May kabinet din at mukang doon na kalagay yung mga walis. Lumapit ako dun at binuksan.Kayalang parang sampung taon ata'ng hindi nabuksan yung kabinet. Bumulaga sakin yung alikabok at halos hikain ako dahil dun . "Anu ba yan?!" Hinanap ko yung mga walis at dustpan na mukang pamana pa ng ninuno ng school na to dahil sa kalumaan.Maswerte ako at merong roll ng garbage bag. Sa totoo lang maagiw ang kisame at saksakan ng alikabok ang bintana.Pero ang kalat lang sa sahig ang balak kong galawin. Anu sila nakakuha ng katulong?Swerte naman nila. Pwede naman sila magpalinis sa school facilitator bakit ayaw nila ipalinis to. Mabilis kong winalisan ang sahig. Siniksik kong mabuti yung mga basura sa garbage bag. Habang nagwawalis aksidente kong nabunggo yung kumpol ng karton na nakatambak sa likod malapit sa upuan ni Keifer. Hala! Naglaglagan yung mga karton sa sahig. Lumipad sa ere ang makapal naalikabok at bumungad sakin ang.... ricecooker? Inalis ko yung mga karton para makitang maayos. Nakakahon pa yung rice cooker at mukang bago pa. Dun kolang napansin, nakapatong sya sa shoeshelves--parang locker pero walang sarahan. May pangalan ang bawat box or space.Nakita ko yung pangalan ni Keifer. "Mark Keifer Watson." Tinignan ko pa yung iba. Nakita ko din ang kay Felix. "John Felix Collins." Pero merong umagaw ng pansin ko higit sa lahat. Katabi ng pangalan ni Keifer. Merong puso na nakadikit sa divider ng space, at katabi ng space ni Keifer ay isa pang space na may pangalan ng babae. "Ella Dianne Hyun." Eto kaya yung sinasabi ni Ma'am kanina na nauna sakin at nailipat na nila sa kabilang section? Narinig kong nangangalampag na silang pinto at tinatanung kung tapos na ako "Hindi pa!!" Sigaw ko sa kanila. Binalik ko yung mga patong at nakasandal na kahon. Naisipan ko ring silipin yung iba. Yung mga nadadaganan ng yero at plywood. Meron silang electric frying pan yung ginagamit sa korea. Meron din silang water dispenser. Meron din silang maliliit na kasirola. Kusina lang? Speaking of kusina meron silang maliit ng lababo. Meron pa nga'ng bote ng Joyna walang laman. Anu to? Nag-camping sila dito? Binalik ko din yung mga pinag bubuklat ko. Kakaiba tong section na to. Ang daming anik-anik. Kaya pala yung iba mukang gusgusin. Hehe. Natapos ang paglilinis ko at kinalampag ko ng malakas yung pinto. "Tapos na!!" Agad na bumukas ang pinto at nagpasukan ang mga walang hiya pero ang Keifer huminto sa harap ko. "Nasan ang nilinis mo?" "Edi yung mga kalat nyo nilinis ko!"Sabi ko sabay turo sa sahig. Bigla nyang inikot ang paningin nya at agad na kumunot ang noo. "Yan pa kaya yung agiw!" "Anu? Anu ka nakakuha ng katulong? Ayoko nga linisin yan!" Nagsalubong sa inis ang kilay nya."Wag mo nga ako sinisigawan!" "Gusto kitang sigawan!" "Isa pa! Bubusalan ko yang bunganga mo!" "Isa pa, bubusalan ko yang bunganga mo." Pang-gagaya ko sakanya habang humahaba ang nguso at naniningkit ang mata. Nagulat ako ng may biglang tumawa.Pinapanuod pala kami ng buong klase. "Hahaha... You look like husband and wife." Sabi ni Felix at nagkaroon ng malakas na hiyawan. Tinignan ko si Keifer na may pandidiri.Ganun din ang naging reaksyon nya sakin. Mag-asawa talaga? Agad-agad? Hindi ko feel maging asawa tong si Keifer.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD