Chapter 6

1599 Words
Love Triangle Jay-jay's POV Niloloko ata akong nitong lalaki na to.Nakarating na kami sa school at hindi pa rin natatapos ang kwento nya kung bakit Ci-N ang pangalan nya. Hindi talaga ako nakikinig kaya wala akong naintindihan. Ang haba ng kwento nya. Bigyan ko kaya ng papel,ballpen at sobre to para ipadala nalang nya kay Ate Charo yung istorya nya.Hindi ko namalayan kung nasan na kami dahil sa haba ng kwento nya.Hindi ko nga sure kung may saysay pa yung mga detalye ng kwento nya. "Kaya ayun... Ci-N nalang daw."Pagtatapos nya. Sa wakas! "Wow... Ang galing naman ng kwento mo." Binigyan kO Sya ng plastic nangiti. Sana lang hindi nya maramdaman na sarcastic yung pagkaka-sabi ko nun. Pero mukang hindi naman, ngumiti nanaman kasi sya. Para syang bata kapag ngumingiti. Madaldal din, para'ng hindi nauubusan ng kwento. "Pwede ba kong maghingi sayo ng favor?" Tinignan ko lang sya at hinintay yung sasabihin nya. "Pwede mo ba kong ibili ng pagkain sa cafeteria mamayang lunch?" Ayun! Naalala ko na yung gusto ko itanung kay Kuya Angelo kanina.Buti nalang pala nakasabay ko tong moko'ng na to, sa kanya ko na rin itatanung yun. "Bakit ba hindi kayo makapunta sa cafeteria?" Ngumiti na naman sya sakin. "Wala lang... Tinatamad lang kami." Saksakin ko kaya gilagid nito. Tignan ko kung makangiti pa sya. " Tsk! Bahala ka! Hindi kita ibibili mamaya!" Inis na sabi ko. Binilisan ko yung lakad ko para maiwan sya pero hinabol pa rin ako. "T-teka..." Tinignan ko sya. "...Kapag sinabi ko sayo, wag mo sabihin kila Keifer na sakin ng galing ah?" "Oo.. Promise, hope you die." Sabi ko habang nakataas ang kanang kamay. "Hope To die yon eh.." paglilinaw nya habang nagkakamot ng ulo. May kuto siguro to? "Oo! basta yun." "Hindi naman sa hindi kami makapunta... Pwede naman talaga kaming pumunta, pinaghawalan lang kami ng grupo ni Keifer at Yuri." Taka ko sya'ng tinignan. "Sabi sakin bawal daw kayo don." "Bawal nga! Binawalan nga kami NILA.. " Tinignan ko sya ng masama.Nakakainis din kausap to eh. "Oh bakit kayo binawalan nila Keifer at Yuri?" Tumingin muna sya sa paligid. Malapit na kami sa building namin kaya walang masyadong student. Section E lang ata kasi yung nag r-room sa area na to. Ng masiguro nyang wala ng istudyante sa malapit, dun lang sya nagsalita. "Dahil sa babae... May naging classmate din kasi kaming babae bago ikaw. Mas matagal sya sa Section namin kumpara sa mga nauna. Naging sila ni Keifer, ang tsismis ginamit lang nya si Keifer para makarating sa higher Section kahit lagpas na sya ng periodical exam,'" Parang lalo akong naguluhan. Ang dami nyang kwento ang layo naman sa tinatanung ko. Babae? Hindi kaya yung Ella Dianne yun? "Teka! Kala ko ba teacher ang tutulong sa paglipat sa student?Kaya nga pinapapili ako ni Ma'am Zaragosa ng Section eh." "Kasi... Dipende talaga sa average yun at kung may backer ka, sure ball na!" Ahh.. Hindi maganda yung grades at record ko sa dati kong school. Ibig sabihin, backer ang dahilan kung bakit ako pinapalipat. Pero sino? "Tuloy ang kwento..." Utos ko sakanya. "'Sige... Yun na nga, sya yung reason.Nung nakarating na sya sa higher section, nagbago na ugali nya. Hindi na nya kami pinapansin, ikanahihiya din nya yung Section namin. Tapos one day, nakita ni Keifer na may kahalikan yung babae sa cafeteria.Nagwala na ang Mokong at muntik pa mapatay yung kahalikan ni Girl." Pfftttt.. Girl?! Bading lang? "Tapos nasundan pa yon mga dalawa or tatlong beses pa. Nagalit ang principal ng school kaya i-expel na sana si Keifer pero malakas ang backer nya eh. Kaya ayun binawalan na sya pumunta ng cafeteria or lumapit dun sa babae at lalaki'ng binanatan nya." Ang haba ng explanation nya.Muntik na sumakit ang ulo ko. In the end napa-away lang pala ang luko sa cafeteria. Pero meron pa kong pinag-tataka. Tsaka panu nagamit nung girl si Keifer para makarating sa higher section? Dahil kaya sa backer nya? Tsk! Si Yuri pa pala. "Eh anu yung kay Yuri? Bakit pati sya pinagbawalan kayo?" Hindi sya sumagot. Huminto ako sa paglalakad ng makita ko'ng malapit na kami sa room. Naglakad pa sya ng ilang hakbang palayo sakin bago huminto at harapin ako. Nakangiti lang sya. Nakangiti na naman?! " Yung tanung ko.. " Sabi ko sa kanya. "Chicks din kasi ni Yuri yun...Inupakan din nya yung lalaki sa cafeteria din, maraming beses.Nagalit ang principal at tinangka din syang i-expel pero----." "May backer..." Pag-dugtong ko. Ngumiti na naman sya at nagpatuloy sa paglalakad. Napaka-tinding revelation nito. Love triangle lang ang peg. Sino kaya yung girl at tsaka yung boy na inupakan ni Keifer at Yuri. Ang haba ng hair ni Girl, hindi ko kinaya. Ano kayang gamit nyang shampo0? Pero hindi ko na rin siguro bet na alamin pa. Parang ayaw ko syang makilala, wala naman kasing dahilan pa. +++++++++++++++++++++++++++ Aries's POV Kanina pa tumatawag sakin si Kuya.Alam kong naka-uwi na sya ng bansa at alam ko na rin na may balak syang pabalikin ako sa bahay. Not gonna happen. "Hey Dude!" Bati sakin ni Kiko. "What's up Dude?!" Bati ko naman. Tumabi sya sakin sa pagkaka-upo sa bench. "I saw your cousin." I look at Kiko.".She's pretty, malayo sa sinasabi mo'ng takaw basag-ulo." I chuckled. "Bumabase ka lang ba sa itsura?" He also chuckled. "Minsan... Pero sa pinsan mo? Siguro Oo." I laugh shortly while shaking my head. "Stop it Kiko. Baka mag-sisi ka kapag nalaman mo'ng muntik na sya makapatay." "You're kidding.. right?" I shook my head. He's now looking at me seriously. "H-how?" "Inatake ang Lola ko sa puso ng dahil sa kagagawan nya." Parang nakaginhawa si Kiko na hindi ko maintindihan. Type nya talaga si Jay-jay? No fvcking way! "Kala ko naman with her hand talaga..." He said and walk away. Hindi sa sinisiraan ko si Jay-jay pero yun naman talaga ang totoo. At hindi lang si Lola ang muntik ng mamatay ng dahil sa kanya. Napahawak ako sa ibabang parte ng dibdib ko. The pain,I still remember how it feels like. Ang pagiging bayolente niya ng araw nayon ang bumago ng lahat sa pagitan namin. Sa parehong araw din na yon nakita ko syang lumaban sa mas malaki sakanya. Wala syang takot at parang walang naririnig. Sobrang dami ng dugo sa kamay nya, wala ring buhayang mga mata nya. Simula nun nag-iba na ang tingin ko sa kanya. At hangang ngayon ganun pa rin ang tingin ko sa kanya. +++++++++++++++++++++++++++++ Keifer's POV "Anu balak natin sa kanya?" Bulong sakin ni Felix habang naka tingin sa harap. "Bahala kayo... Wala akong maisip." I whispered back. Nakita kong lumingon si Jay-jay kay Ci-N. May nagsabi din sakin na sabay silang pumasok. Mukang naka-kuha na sya ng kaibigan. Friendly si Ci-N, pero isip bata. Masyado rin syang madaldal. Kahit ganun hindi naging problema yon sa pakikipag-away. Kaya nya labanan ang lima'ng tao kahit mag-isa lang sya. Hindi ko alam kung panu sila nagka-usap pero wala na kong paki-alam dun. ++++++++++++++++++++++++++++++ Jay-jay 's POV Buset! Sa kagustuhan kong makasagap ng kasagutan sa mga tanung ko pumayag akong magpa-uto sa lintik na Ci-N na yun. At ngayon eto ako papasok sa lunggang mga pisti para lang bumili ng pagkain ng hayop na lalaki na yun.Nagbaon nga ako eh para hindi na pumunta dito. Hay! Eto na papasok na ko! Pag tungtong ng dalawang paa ko sa pinto agad akong tinignan ng lahat.Huminto sila para lang tignan ako at maya-maya lang nagbulungan na sila. Bulungan na malakas, may microphone ata sa lalamunan. "Sya yun?" "Sa Section E daw yan..." "Nag-iisang babae dun." "Aalis din sya dun." "Kelan pa?" Lumapit ako kay Ate'ng tindera. Wala kasing nakapila. Sinabi ko sa kanya yung mga bilin ni Ci-N. Inaasikaso na nya yung special order na halatang out of this world---may manga't bagoong kasi, merong puto at dinuguan. "Hi Jay-jay!" Tumabi sakin si Rakki at kumaway. Kumaway din ako pero binalik ko yung tingin ko sa Ate'ng tindera. Hindi ko feel makipag-kwentuhan sayo. Bahalaka dyan! "Kamusta ka pala sa Section E?" "Ayos lang..." Walang gana ko'ng sagot. Tinignan nya ko habang naka-pout. "Galit kaba sakin?" Hindi naman... Medyo lang. "Ha? Hindi naman..." "Ahh.. kala ko--" Hindi na nya natapos ang sasabihin nya. Meron kasing nagpasukan na grupo ng mga istudyante.Nagtatawanan sila at nagkakaingay. Pareho kaming lumingon ni Rakki sa pinto at nakita si Aries. Meron sya'ng kaakbay na babae. Ang ganda nung kasama nya. Mukang koreana, ang haba ng buhok at sobrang puti--gluta?Ang pula din ng labi nya samahan pang mahabang pilikmata. Artistahin lang ang peg. "Ayan na ang Section A." Bulong ni Rakki. Section A pala si Aries. Pati kaya yung kasama nyang babae, A din? Napansin kong didiretso sila sa pwesto namin kaya agad akong humarap ulit kay Ate'ng Tindera. Dinig kong papalakas yung mga boses nila. Palapit na sila. Bakit ba ang tagal ni Ate? "Hi Rakki.." May bumati'ng babae kay Rakki pero hindi ko tinignan. Hangang sa tuluyan na silang naglapitan at nabunggo pa ko nung isa.Hindi man lang nag-sorry! Ayos! "Hey Rakki Babe!" "Fvck off!" Inis na sagot ni Rakki dun sa tumawag sa kanya ng Babe. "Sungit mo tala--- wait! Is that the new girl?" Sambit nung lalaki. Pvtcha! Nananahimik na ko! Lumapit sakin yung lalaki at kinalabit ako. "Hi! Ako pala si Kiko, ikaw si Jay-jay tama?" Wow! Ang bilis ko namang sumikat. Ayoko sana syang harapin kayala'ng nakakahiya. Nagpapakilala yung tao oh! Ang bastos ko naman kung hindi man lang sya babatiin kahit simpleng ngiti lang. Pwede na siguro yung pilit. Humarap ako sa kanya at tinignan sya. Ay! Putik! Kagwapo'ng nilalang nito! Bakit ang gwapo nito? Kaasar!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD