CHAPTER 8
Hinihingal na naglayo ang dalawa. Akala mo ay tumapos sila ng isang marathon at hindi nagpalitan ng halik.
Elmo was still panting hard as he looked at Julie whose face was flushed but was determined.
"Magkalinawan tayo Elmo..." She said, sweetly fixing his hair but then pulled his collar close. "Ako lang...okay?"
At kagaya ng isang masunuring bata ay napatango ang lalaki. But he smirked. "Sanggano ka pala kapag magselos."
Julie smirked back and leaned in, her lips just a few centimeters away. "Sino itong unang naghila dahil kinausap lang ako? E ikaw hinalikan eh!"
Elmo laughed as he scratched the back of his head. "Aba malay ko ba kasi na gagawin niya iyon."
"Sinasabi ko sayo Elmo kapag hindi ka umayos."
"Aayos promise." Elmo replied as he pushed his face forward and touched his nose with hers.
Saka naman hindi mapigilan ni Julie ang mapangiti.
She pulled away for a minute and placed her hands on his shoulders though.
There was an unsure look in her eyes. "Pero Nooneh, pwede secret lang muna ito?"
Kumunot ang noo ni Elmo sa sinabi ng babae. "Bakit? Kinahihiya mo ba ako? Dahil bad boy ako?"
Julie rolled her eyes. "Arte mo. Bad girl din naman ako ah." She smiled mischievously.
Bahagya pa napasinghap si Elmo sa ginawa ng babae at bahagyang napailing na para bang ginigising ang sarili.
Julie chuckled before explaining. "I just want to enjoy this. Ayoko ng maraming pinagsasabi yung mga tao sa paligid natin. Kayla Maqui pa lang. Wag muna...please? Kung...kung ayaw mo, wala ako magagawa pero mas gusto ko secret muna natin ito."
Elmo looked back at her. She was dead serious.
"Okay."
Julie's face lit up at that. "Thank you!" She said before kissing him on the cheek.
Ngumisi si Elmo sa kanya. "Magmula ngayon Nooneh, lips lang okay? Lalo na kapag dalawa lang tayo."
Bago pa makasagot si Julie ay siyang tulak ni Elmo para ang babae naman ang nakasandal sa pader.
He pressed his lips to hers as she answered back with the same fire and intensity that he had.
"Di tayo babalik sa klase?" Julie asked as she slightly pulled away. Lumayo nga siya para tumigil lumakbay naman ang labi ni Elmo sa pisngi niya.
"Mamaya na." Tila sarap na sarap na sabi nito at sinisimulan na papakin ang kanyang leeg.
"Nooneh." Julie moaned. She was able to muster up her strength and push him slightly. She fixed herself before smiling back at him. Mauuna ako para hindi halata. Sabi pa niya at iniwan si Elmo na nakatayo doon.
=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=
Julie chuckled as she subtly looked at Elmo from afar. Nakatambay kasi silang tropa sa isang bar kung saan magpeperform ulit ang banda ni Iñigo.
Hindi kasi ito mapakali. Nagyoyosi ito sa isang banda at panay din ang sulyap sa kanya.
And she would subtly smile back at him before looking away.
Nakita niyang napapalatak ito at saglit na lumabas.
"Problema ni Elmo?" Tanong ni Maqui sa kanilang lahat.
Umikot ang mata ni Nadine. "Ewan ko ba dyan kanina pa yan eh, baka naasiwa sa halik ni Ashley."
"ANO?!" Biglang sabi ni Maqui. Wala itong alam sa mga pangyayari kanina.
She Julie ay tahimik lang na umiinom mula sa kanyang beer. Nakita niyang nakatingin sa kanya ang pinakamatalik na kaibigan.
"Bes! huta wala ka man lang ginawa?"
"Nagwalk out yan!" Tawa ni Maris. "Nagselos!"
"Hindi ah." Deny pa ni Julie at uminom muli.
"At ano ginawa naman ni Elmo ha? Inenjoy?!" Sabi pa ni Maqui na tila nagh-hysterical. "Hindi pwede sa akin yan lagot siyang hayop siya."
Si Maris ay natirang tumatawa bago pa makasalita muli. "Sana nandoon ka Maq, parang teleserye. Edi nagwalk out si ate mong gurl, ano? Edi hinabol ni kyah. Ewan ko kung ano nangyari sa dalawang yan kasi pagbalik nila okay naman sila."
Julie rolled her eyes. "Kumain lang ako saglit okay?" Ng labi ni Elmo.
"At si Elmo?" Tanong pa ulit ni Maqui. Para ito may inaalam tungkol sa sariling kaibigan.
Julie merely shrugged. Kailngan pang FAMAS. "I dunno. Nauna ako bumalik eh. Nakita ko na lang sumunod din sa akin."
"Paka duwag ng lalaking are." Iiling iling na sabi ni Maqui.
It was at that moment that Elmo came back from outside. Muhkang doon tinapos ang pagyoyosi. Pasimpleng umupo ito sa tabi ni Julie at pasimple din na pinalakihan ni Julie ng mata ang lalaki. She told him to stay away for some time pero matigas ang ulo ng lalaki.
"Amoy yosi ka pa." Inis na sabi ni Julie at mahinang tinulak ang dibdib ng lalaki para bahgyang lumayo sa kanya.
Elmo smirked. "Ganun kapag stressed."
"Ganun?"
"Ganun eh." Elmo replied.
"Hay deputa talaga." Iiling iling na sabi ni Maqui.
Elmo smirked as he leaned back on the couch. Pasimpleng linapag niya ang braso sa likod ng sinasabing couch para masalo ang kakaunting hibla ng buhok ni Julie ang mga daliri niya.
Julie visibly tensed but stayed put. Ayaw niya magpahalata.
The lights dimmed more and that was because the band was about to start playing.
Tutok na ang lahat sa stage nang tumapak si Iñigo sa harap at ngumiti sa mga tao na nandoon.
"Hey everyone! Hi din sa tropa ko!" Kaway pa ni Iñigo bago nagsimula. "We are Cleave Wheels, hope you enjoy!"
Nagsimula na kumanta ang lalaki at dumagundong ang mga speakers sa lakas.
If only you could hear me shout your name
If only you could feel my love again
The stars in the sky will never be the same
Nakikisayaw na sila Nadine, Maris at Maqui habang naiwang nakaupo si Elmo at Julie.
Elmo had to lean in close just so Julie could hear him speaking.
"Where's James?"
Julie also leaned in so that they could hear each other more. "Home. He wanted to study."
Elmo smirked.
Sabay sila napatingin sa harap at nakita na nakatalikod naman lahat ng kaibigan nila sa kanila.
"Ikaw? Di ka mag-aaral?" Pangaasar pa ni Elmo sa kanya.
Iba mangasar si Julie. She placed her hand on his lap. Ayun, naramdaman niyang natigilan si Elmo.
"Bakit ikaw di rin nag-aaral?" She whispered in his ear.
"Fuck." Mahinang mura ni Elmo.
Julie laughed before standing up to join Maqui and the other girls to cheer and sing along with Iñigo and his band.
The set finished and they all stayed back until Iñigo reached them.
"Congrats! Alive ka ngayon ah!" Maris said as Iñigo returned to them. Ang mga kabanda nito ay busy kumain sa isang tabi.
"Ano ka be teh siyempre alive yan dahil nandyan ka." Maqui pointed out habang makulit na pinipindot ang bewang ni Maris.
"Yiiiiiii." Pangaasar pa ni Nadine.
"Hindi na kayo babies." Kunwari ay iyak ni Maqui at pinupunasan ang mata. "Tangina ako na single!"
"Hoy single pa din naman ako." Singit pa ni Nadine.
"Ako din." Mari said.
"Ouch bro." Pang iinis pa ni Elmo kay Iñigo.
BUt Iñigo wasn't fazed. He just shrugged his shoulders before turning to Maris. "Pwede naman courting stage pa lang diba?"
"Gasgas na yan!" Galit na sabi ni Maqui. "Mga pwe talaga kayo."
"At least I'm doing something!" Iñigo pointed out. "E ayan si Elmo?"
Hayun at nasa kanila nanaman ang spotlight.
"Me? Bakit?" Elmo said, pointing to himself.
Julie sat there non-chalantly drinking from her bottle.
"Hoy San Jose, kakainom mo at malasing ka dyan paparape talaga kita kay Magalona." Ani Maqui at kinurot pa ang hita ni Julie.
"Kunwari pa kasi kayo." Sali ni Nadine sa usapan. "Hilig hilig niyo mag-away pero lagi din naman magkasama."
"Ganyan magulang ko." Biglang singit pa ni Maqui. "OMG, Elmo and Julie anak niyo ako!"
Napailing si Julie habang tumatawa. Mga baliw talaga mga kaibigan niya kahit kailan.
Natapos din naman ang gabi at buti na lamang ay wala silang pasok kinabukasan dahil Sabado.
=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=
Dahil ngayon lang ulit siya makakatulog ng matiwasay kaya naman sinulit na ni Julie Anne ang Sabado na wala siyang pasok.
Pero naiinis siya sa sarili dahil kahit anong balak niya na tagalan ang tulog ay nagising pa rin siya ng medyo maaga.
Alas syete pa lamang at bumubuka na kaagad ang kanyang mata.
"Aga pa Julie ano ba..." She told herself before standing up from her bed. Naghimalos lang siya at nagmumog para makababa na at kumain ng almusal.
"Hi ma." She greeted her mom who was busy eating breakfast.
"Hey baby." Bati pa ni Aileen sa anak. Ngumiti ito at tumayo para pagsilbihan ang anak.
Julie had to smile. Gusto niya kasi yung pakiramdam na inaalagaan siya ng mama niya.
Her mom poured her juice. Saka nito pinagsandukan siya ng fried rice at naglapag ng longganisa sa kanyang plato.
"Mommy where's James?" Tanong niya sa mama niya.
"Hmm, maagang umalis anak. Mag work out daw sila ni Elmo."
Psimpleng napangiti si Julie. Pagbigyan na kung kinikilig marinig ang pangalan ni Elmo.
"Anak wala ka pa ba boyfriend?" Biglang tanong ng mama niya sa kanya.
Nanlaki ang mata ni Julie sa tinanong ng mama niya. Was she that obvious?! "P-po?"
But Aileen only gave a gentle smile. "Okay lang naman anak kung meron. Pero mas gusto namin focus ka sa studies mo. Alam mo naman papa mo."
Nanahimik si Julie. Wala siya naman kasi binabanggit sa magulang tungkol sa balak niya sa pag-aaral. Pero dahil pareho ngang magaling na doktor ang mga ito, ay expected naman talaga na magiging doktor din siya. "Wala pa po ako boyfriend mommy."
Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ng kanyang ina na nagkaroon na din naman siya ng mga relasyon noon. Pero puros landian lang naman yun. Aminado naman siya tungkol doon.
"O siya. Naalala ko lang." Tawa pa ng mommy niya bago ito tumayo mula sa kinauupuan at hinalikan ang tuktok ng ulo ni Julie Anne.
Naiwan naman siya doon at inubos ang pagkain. Matapos ay hinugasan niya ang pinagkainan at nagdesisyon na tumambay sa kanyang paboritong duyan.
Nakakatulong talaga na nasa ilalim ito ng puno. Sa kadahilanang iyon ay hindi na niya kailangan alalahanin pa ang araw na masyado siya painitan.
Nagcecellphone lang siya at pinapadaan ang oras. She wasn't that active really. Minsan kapag sinipag ay gagalaw siya pero minsan din naman ay hindi.
She was in the middle of playing Wordscapes when she felt a quick kiss on her cheek.
Muntik na siya malaglag sa duyan nang makita na si Elmo pala ito.
He was smiling widely at her as he looked down from his position while standing up.
"What are you doing here?" Julie hissed. "May nakakita ba sayo?"
"Kasama ko si James." Elmo quickly explained.
Julie rolled her eyes. "I meant did anyonw see you kiss me?"
Elmo smirked her way. He was wearing basketball shorts and a black sando.
Walang sabi sabi na umupo ito sa tabi niya.
"Ayan amoy pawis ka nanaman." Pangaasar pa ni Julie sa lalaki.
Pero ang totoo niyan ay okay lang naman sa kanya. She literally didn't mind.
Because Elmo actually smelled really good whether or not he was sweating.
Bahagya siyang natigilan nang maramdaman na iniikot ni Elmo ang braso sa kanyang bewang at hinihila siya palapit.
"Elmo ano ba, baka may makakita sa atin." Kinakabahan na sabi ni Julie Anne.
Napatingin pa siya sa paligid at pinipigilan ang kamay ni Elmo na hilain pa siya ng mas malapit.
"Nooneh."
"Walang tao dito, I checked." Ani pa Elmo at hinila siya palapit.
He started nuzzling her neck and smiled against her skin. Aaminin naman ni Julie na gusto niya ang pakiramdam ng mainit na hininga ng lalaki sa kanyang leeg.
"Harap ka sa akin." Elmo whispered before pulling Julie forward so that he could plant one on her.
And she obliged.
Iba talaga epekto ni Elmo sa kanya.
Bahagya pa napaungol si Julie Anne nang maramdaman na dumadausdos pababa papunta sa gilid ng kanyang dibdib.
"Nooneh, wait lang." Kinakabahan na sabi ni Julie. She pulled away, still out of breath from the kiss they shared. Pero nagnakaw nanaman ng halik sa ilong ang lalaki. "Ay ang kulit eh."
Parang lasing na tiningnan siya ni Elmo. His eyes were really hazy as he stared back at her. And he had this lazy smile on his face as if her really were inebriated.
"I really like it kapag nagsusungit ka."
Dito ay napataas nanaman ang kilay ni Julie Anne.
"Ayan ganyan kapag ganyan." Tawa pa ni Elmo.
"Ayan kaya ka nakakaasar eh." Balik pa ni Julie at mahinang kinurot ang braso ng lalaki.
Napatawa naman si Elmo dahil hindi naman totoong masakit ang ginawang kurot ni Julie Anne. "You like it when I tease you. Aminin mo. That's what's fun about this. When we tease and annoy each other." Elmo pointed out.
"Just...keep it on the down low." Sabi pa ni Julie. Naalala nanaman kasi niya ang mga kaibigan, pati ang nanay niya. She didn't want to ruin anything yet.
Mahinang napabuntong hininga si Elmo. "Hanggang kailan? I can't freely hold you and things like that?"
"Until I figure this out." Mabilis na sabi ni Julie.
"Bakit ano ba tayo?" Parang nanghahamon na tanong ni Elmo.
His eyes were so intense that Julie felt like he was looking at her soul.
"Hey guys!"
"Aray!"
Sa gulat ni Julie ay naitulak niya palayo sa kanya si Elmo dahilan para mapahiga ito sa damuhan.
James weirdly looked at them. "What are you guys doing?"
"What? Wala naman." Sagot ni Julie. "Nadapa lang ito si Elmo."
Elmo quickly stood himself up. Pinagpag nito ang suot na shorts kung saan may kaunting damo na dumikit.
"Okaaaaay." Tila naguguluhan pa rin na sabi ni James. Saka naman ito napatingin kay Elmo at kay Julie. He looked at them suspiciously. "What were you two doing? I last saw Elmo on the ground."
"Lampa nga kasi yan." Tanging nasabi ni Julie. She stood up from the hammock and turned to Elmo. She really wanted to apologize to him or something but didn't know how.
Nakita niyang dismayado pa rin ang muhka ng lalaki.
Napabuntong hininga siya bago maglakad palayo. Sorry Elmo pero hindi pa ako handa...