CHAPTER 9
"Jules wake up we'll be late for school!"
"Hmmm..." Ungol pa ulit ni Julie Anne. Kanina pa niya nararamdaman na yinuyugyog siya ni James para gumising pero ayaw niya talaga bumangon.
"James masama pakiramdam ko." Ungol pa ni Julie. She swatted her twin's hands away.
Saka naman niya naramdaman na nakapatong na ang isang palad ng kanyang kambal sa kanyang noo. "You're burning up!"
"Sabi sayo eh." Julie moaned yet again before burying herself inside her blankets. "Okay lang ako pero hindi muna ako makakapasok."
Hindi niya narinig na sumagot si James pero sigurado siya na makikita niya ang kapatid na nakatayo pa din doon.
"Wala pa naman sila mommy at daddy." James said.
Julie peeped from the fort of blankets she had. "James, it's okay. Kaya ko sarili ko. Go."
"No Jules..."
"Hayme, okay lang ako." She smiled at her twin kahit na mugto ang mata niya. Hindi kasi siya nakatulog ng maigi nung kinagabihan.
James sighed. "Fine. I'll tell manang to take care of you."
"Itutulog ko na ito. Sige na." She said. But she really did appreciate how her twin brother cared for her.
Parang ayaw pa talaga sana siya iwan ng kambal niya pero siya na ang pumilit dito. Alam niya kung gaano kaimportante ang grades para sa lalaki at malaking bagay ang attendance sa kanilang class participation.
"I'll text you later. Inom ng tubig ah." Ani James.
Julie playfully smirked at him. "Yes Dr. San Jose."
James smirked back and kissed the top of her head. "Wiseass." He bounded out of the room. Late na late na din kasi talaga ito.
Julie rolled over in bed.
Ang taas talaga ng lagnat niya. Hirap nga siya tumayo pero kailangan eh. Dumeretso siya sa banyo ng kanyang kwarto at nakitang gulo gulo ang buhok niya. Bukod sa mugto ay namumula na ang mata niya sa sobrang init ng pakiramdam.
Nagpuyat kasi siya. Kakakausap kay Elmo sa telepono. Wala naman sila ginawa kundi mag-asaran. Hanggang sa umabot ang madaling araw. Ang mali niya ay nakalimutan niyang isarado ang bintana ng kanyang kwarto.
At hindi iyon maliit na bintana. Hindi tuloy kinaya ng kanyang katawan.
Pinaalala niya ang sarili na kailangan niya ng maraming vitamins.
Muli siyang humiga sa kama. Sobrang init ng bandang mata niya. Gusto niya sana gumalaw pero sobrang bigat din ng pakiramdam niya.
Pati ang mabuksan ang aircon ay tinatamad na siyang gawin.
Humilata na lamang siya sa kama at hinintay na kunin na siya ni Lord. Ganun katindi ang nararamdaman niya.
Ang sunod niya narinig ay ang mahinang pagbukas ng pinto ng kanyang kwarto. Hindi niya alam kung ilang oras na ba ang nakalipas. Kung may oras nang lumipas talaga. Basta hindi bumubuti ang kanyang pakiramdam.
Baka si manang ang pumasok.
She closed her eyes. Wala siyang energy talaga.
"Nooneh." A deep baritone voice echoed.
Biglang napamulat ang mga mata ni Julie. She slowly turned in bed only to see Elmo standing there.
He was still in his school uniform.
"Elmo?" Julie asked, her tone incredulous. "Anong ginagawa mo dito?"
Pero imbis na sagutin siya ay lumapit lamang ang lalaki at pinakiramdaman ang kanyang noo.
"Tsk. You're still hot." At saka siya nito tiningnan. "Uminom ka na ba ng gamot?"
Minsan sa mga pagkakataong ito ay lalaban si Julie. Sasabihin niya na bumalik sa eskwelahan si Elmo pero sa ngayon ay kailangan lang niya ng mag-aalaga sa kanya.
"Nooneh." She groaned.
"Anong masakit?" Kaagad na tanong pa ni Elmo. Dinaluhan siya nito at umupo pa sa tabi niya sa kama.
"Ang init ng mata ko."
"Shh sige wait lang." Alo ni Elmo.
Rinig kasi ang pagod sa tono ni Julie. Umalis saglit ang lalaki at pagkabalik ay may dala na isang maliit na planggana na puno ng malamig na tubig.
"Lie back down." Utos pa ng lalaki.
Julie wasn't one to argue now that she felt like hell was inside her eye lids.
Humiga na siya at narinig niya pa na tumayo saglit si Elmo para buksan ang aircon ng kanyang kwarto.
Saka ito bumalik sa kanyang tabi para alagaan siya.
He placed a cold towel from the basin he had on her forehead.
Nakaramdam kaagad ng ginhawa si Julie. Sobrang nag-init kasi talaga ang mata niya.
"s**t that feels good." Ani pa Julie.
Nakapikit siya pero alam niyang nakaupo sa tabi niya sa kama si Elmo.
"Hindi ka pumasok." She whispered. Bahagyang nakakaramdam na kasi siya ng
ginhawa sa simpleng bimpo na linagay ni Elmo sa kanyang noo.
"Eh may sakit ka daw sabi ni James."
"Aww sweet naman ng Nooneh ko." Ani Julie sa nangaasar ng tono.
Bahagyang natawa si Elmo. He kissed Julie's temple before fixing her position on the bed.
"Dito ka lang." Sabi pa ni Julie nang maramdaman na parang aalis si Elmo.
She heard him sigh but also felt him sit back down on the bed. Pagbibigyan niya ang sarili niya ngayon dahil may sakit siya. "You're so warm." She said before burying her face against his neck yet again.
"Bakit ba kanina mo pa tinatago yang muhka mo." Tawa pa ni Elmo.
Naramdaman niyang hinahalik-halikan nito ang tuktok ng ulo niya.
"Eh ang pangit ko eh." Sabi ni Julie Anne habang mas tinatago pa ang muhka. Wala siya pake na nababasa na ang leeg ni Elmo mula sa bimpo na nakalagay sa kanyang noo. There was silence at napatingin si Julie Anne sa lalaki habang nakasimangot.
"What?" Nakangisi na sabi ni Elmo sa kanya.
Still with a frown on her face, Julie answered; "Bakit wala ka sinasabi?"
"Eh pangit ka naman talaga-aray!"
"Napaka bully mo." Himutok ni Julie Anne.
She heard Elmo laughing his heart out. "At nagpapaniwala ka naman..gusto mo lang marinig na maganda ka eh."
"Di na kailangan no." Julie smirked back. Dumating lang si Elmo nawala na kaagad ang sakit niya. Medyo gumaan na talaga ang pakiramdam niya lalo na nang malagyan ng bimpo ang mata niya. Trinangkaso lang talaga siguro siya. She wanted to tease him a bit. Tutal nandito na din naman siya at lahat. "Ang rami kaya lalaki ang nagpapansin sa akin."
Ayan. Nakita niyang umigting ang panga ni Elmo. She couldn't help but laugh at that.
"Akala ko ba may sakit ka." Pag nguso pa ni Elmo.
Muli ay natawa si Julie Anne. "E bakit ka pikon?"
"Akin ka eh."
"Ganun?"
"Ganun eh." Himutok pa rin na sabi ni Elmo.
Hayaan at di nanaman mapigilan ni Julie ang mapatawa. "Pahingi na lang ng yakapsule." Pangaasar pa rin niya sa lalaki.
Elmo smirked. "Kisspirin ayaw mo?"
"Pwede din." Julie said as she bit her lip.
It was then that Elmo leaned in and captured her lips in a kiss.
"Elmo baka mahawa ka." Biglang alaala ni Julie sa kanyang condisyon.
But Elmo shook his head. "Okay lang."
"Eh Nooneh." Ayaw niya mahawa ang lalako kaya siya na ang nagtulak dito palayo.
Finally Elmo sighed and nodded his head. "O sige sleep ka na. Pag gising kakain ah." He said.
Julie simply nodded her head. She reached in again and gave his lips a soft kiss. Then she quietly lied back down on the bed.
Elmo put the blanket over her before kissing her forehead yet again.
At hayun at naramdaman ni Julie na guminhawa ang pakiramdam niya. "Thank you doctor Magalona." She whispered.
Elmo chuckled as he looked at her before heading down to cook.
=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=
Tanghali na nang magising si Julie Anne. She felt better than what she felt that morning.
Hindi na masyado mainit ang bandang mata niya pero parang pagod pa din ang kanyang katawan.
She felt a little lonely though.
Napatingin siya sa kanyang telepono. There were messages from James and her parents, all checking up on her. She replied to each one, assuring them that she was okay.
Asan kaya si Elmo? It was kind of funny that she was now looking for Elmo when just a few weeks ago she was annoyed with him. Tumayo siya mula sa kama at dumeretso pababa sa ground floor ng kanilang bahay.
"Aba masarap itong bistek mo iho ah."
"Pwede na mag-asawa manang?"
Ayun ang nakita niyang eksena. It was Elmo and manang cooking.
"E kagwapo gwapo mong bata. Pwedeng pwede ka mag-asawa." Sabi pa ni manang sabay pinanggigilan ang muhka ni Elmo.
Mahinang natawa si Julie dahil halos malamog ang muhka ni Elmo sa ginawa ni manang.
Pero sa pagtawa niyang iyon ay napatinign naman sa kanila si manang at si Elmo.
"Oh, you're awake Nooneh." Sabi pa ni Elmo. Hinid na ito naka school uniform. Bagkus ay nagbihis na ng tshirt at shorts. Luampit ito at sinipat pa ang noo niya.
"Okay na ako Nooneh." She chuckled, pulling his hand away from her forehead before she sat down on the stool.
"Sigurado ka? Kapag may lagnat ka pa rin pa check na tayo sa ospital."
Julie rolled her eyes as she brushed her hair to the side. "Wag ka ngang OA, okay lang ako, trangkasong loob lang yon. I'm okay now."
"Sabi ko na nga ba kayong dalawa ang magkakatuluyan." Tila kninkilig na sabi ni manang.
Julie immediately stilled at that while Elmo turned to her as if asking for permission.
Pero kaagad naman niyang sinagot ang sinabi ni manang. "Ah, hindi po kami manang." She gave a small smile. "Binilin lang po ako ni James sa kanya."
"Ah ganun ba. Sayang bagay pa naman kayo. O siya, kain ka na anak at linalagnat ka pa daw." Ngiti naman ni manang sa kanya. At iniwan na sila ng matanda.
"Hindi ka pa pwede nung bistek, ito munang arroz caldo." Ani Elmo at biningyan siya ng isang bowl ng arroz caldo.
Napataas ang kilay ni Julie sa lalaki. "Nakapagluto ka din ng arroz caldo?"
Isang ngisi lamang ang sinagot ni Elmo sa kanya. Para bang proud na proud ito sa ginawa. "Call me the chef doctor." He said. "Akyat na ulit doon sa taas ako na ang magdadala nito, kukunin ko lang din gamot mo nakabili na ako kanina eh."
Tameme na tiningnan ni Julie ang lalaki. Was this all real?
It was. Because Elmo was standing there in front of her. Sinilip niya kung nasaan si manang. At nang masigurado na wala ang matanda ay lumapit sa walang kamay malay na Elmo na masyado buys sa pagayos ng gamot niya, at hinalikan ito sa pisngi.
Elmo stilled before he turned to her. He had a surprised look on his face before he smiled.He leaned down and also planted a kiss on her nose. "SIge na, akyat na."
Julie bit her lip. Kinikilig siya wag kayong ano. Saka siya umakyat para bumalik sa kanyang kwarto.
Nasa labas pa lamang ay narinig niyang tumutunog ang kanyang telepono. Mabilis siyang muling pumasok sa loob at nakita na si Maqui ang tumawag. Ipupusta pa niya ang paborito niyang gitara na nakailang tawag na rin sa kanya ang pinakamatalik niyang kaibigan.
Umupo siya sa kama bago sagutin ito.
"He--"
"Sa wakas! Ano San Jose balak ka ba pagalalahanin talaga ako?" Bungad sa kanya ni Maqui pagkasagot niya ng tawag.
Napangiwi pa nga siya sa lakas ng boses ni Maqui.
"Hi Maq..." She said in a teasing tone.
"Don't tell me tinamad ka lang talaga? Pero hindi naman magsisinungaling si Hayme, yun pa, good boy yun. Ah basta, ano kamusta ka na ba?"
"Okay naman na. Itinulog ko, medyo mabigat pa din yung katawan ko--"
"Nooneh! Kain na!"
Halos mabitawan ni Julie Anne ang telepono nang bigla na lamang pumasok sa loob si Elmo. "Nooneh naman eh." She said, turning to Elmo. "Bibigyan mo ba ako ng sakit sa puso?"
"Inaalagaan nga kita tapos bibigyan kita ng sakit sa puso?" Pang-aasar pa ni Elmo.
He placed the tray on Julie's bed side table.
"Okay ka na ba?" Elmo asked before checking her temperature again. "Mainit ka pa rin."
"Okay na. Wala naman na yung init sa mata ko." Julie explained. Yun talaga yung nagpahina sa kanya eh. Ramdam niya kasi na mas lalo siya nahihilo habang umiinit ang likod ng mga talukap niya.
"O, kain na para makainom ka na ng gamot." Elmo placed the tray to her. Kakain na sana si Julie nang bigla na lamang siya nakawan ng halik ng lalaki.
"Nooneh!" Julie whined as she looked at him.
"Isa pa." Elmo teased before leaning in to repeatedly plant kisses on Julie's lips.
Julie smiled against his lips but answered them with the same fervor. They pulled away as ELmo smiled. "Sabi sayo kisspirin ka lang eh."
"PUTANG INA ANONG GINAGAWA NIYONG DALAWA DYAN!?"
Pakiramdam ni Julie umabot ng Antipolo yung puso niya nang marinig niya ang boses ni Maqui na nagmula sa cellphone niya.
Kahit si Elmo ay nanlaki ang mata. Kung sa kanya sa Antipolo, kay Elmo sa Novaliches na lumipad ang puso.
Nakalimutan niya patayin ang tawag kanina!