Chapter 10

2091 Words
CHAPTER 10 Pakiramdam ni Julie bumalik ang lagnat niya. Ibinaba na niya kaagad ang tawag matapos sabihin ni Maqui na dederetso ito doon pagkatapos ng klase. "Oh my god." "Nooneh calm down." Ani Elmo hanang hinahawakan siya sa magkabilang balikat. "Calm down?! Elmo, Maqui knows!" "Ano ba kasi kung malaman nila?" Ani Elmo habang nakaupo sa kama. "I don't want that." Mabilis na sabi ni Julie. Hindi niya napapansin ang muhka ni Elmo na nakasimangot ngayon. Mas busy kasi siya sa pagisip ng pwedeng sabihin na dahilan kay Maqui. Pero ano pa nga bang excuse ang pwede niya sabihin? E wala na. Narinig na sila nito. "P-pwede ko naman sabihin kay Maqui na TV lang naririnig niya." That sounded stupid but she was out of her mind right now. Narinig pa niyang napabuntong hininga si Elmo bago ito tumayo mula sa kama. "Bahala ka..." Saka lang nakaramdam na ng iba si Julie Anne. She looked up at the young man and saw that he was frowning as he fixed the food on the plate. "Ano problema mo?" She asked. Wala siya sa mood para sa biglaang kasungitan ng lalaki. Lalo na at nahuli na sila ni Maqui. "Bakit kasi di na lang natin sabihin?" Tanong ni Elmo. Medyo kumalma na ang boses niya habang lumalapit ito at tumabi sa kanya sa kama. Julie turned back to him with a small frown on her face. "I don't want to complicate things." "No you just don't want to explain yourself to our friends." Balik pa ni Elmo na medyo tumataas na ang tono. Natagpuan ni Julie ang sarili na hindi makasagot kaya naman si Elmo na ang tumuloy ng sasabihin. "Because we're unconventional. And you believe that they won't believe." "Nangyari na lang kasi Elmo." Balik pa ni Julie. "Ayoko ng maraming drama pa." "Isang malaking drama lang pala ito ganon?" This time ay tumayo na si Elmo mula sa kinauupuan. He frowned at her before shaking his head. "Inumin mo na gamot mo ah." "Elmo where are you going?" She asked him. But Elmo shook his head as he moved away and fixed the food yet again. Lumapit ito at hinalikan siya sa noo bago walang sabi sabi na lumabas ng kanyang kwarto. Naiwang tigagal si Julie habang nakatingin sa pintong sumara. What the f**k was that?! Ganun na lang?!? =•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•= Ilang oras din ata na naglalaro lamang sa telepono niya si Julie. Hindi kasi niya makuha kung ano na lamang ang nangyari sa kanila ni Elmo. And she was really just dreading the fact that Maqui was going to be here any minute. Alas kwatro ang huling klase. Bago pumatak ang oras ng alas singko ay nasa nandoon na yon sa loob. Si James ay mamaya pang alas syete ang uwi. Kaya alam niya na wala muna gagambala sa kanila ni Maqui kung sakali. Hindi pa niya tapos isipin iyon nang bigla bigla na lamang bumukas ang pinto ng kanyang kwarto. Hindi kasi talaga uso kay Maqui ang pagkatok. At dapat ay nasanay na siya. "Explain San Jose." Julie sighed as she sat up in bed. Naka uniform pa si Maqui. Talagang sa bahay niya ito dumeretso. "Hindi mo ba muna ako kakamustahin?" Mahinang ngisi ni Julie. Pero pinanliitan lang siya ng mata ni Maqui. "May kulay ka na. Kahit papaano dahil lagi ka naman maputla. Pero ngayon muhkang okay ka na. Ano...kamusta naman ang KISSPIRIN ha?" Julie closed her eyes at that. Ayun pala talaga ang narinig ni Maqui. Paano ba niya sasabihina ng lahat ng ito. "Julie! Don't tell me napipi ka!" Okay. Huminga muna ng malalim si Julie. She needed to get this over with. "Okay... Elmo and I have a thing." "Anong thing thing ka dyan tingitngin mo muhka mo! Ipaliwanag mo sa akin!" Asik ni Maqui bago tumabi kay Julie sa kama. "Paano nagsimula ang lahat?" Paano nga ba? So Julie started from the beginning. "Ewan, simula ata nung party?" "Nung party lang? E simulannang magkakilala kayo ng lalaki na yan..." Hindi napigilan na sabi ni Maqui. Mabilis na napatingin si Julie sa pinakamatalik na kaibigan. "Anong ibig mo sabihin Maq?" "Tsk." Maqui clicked her tongue and rolled her eyes. "Halata kaya kayong dalawa te." "Halata? E lagi nga kami nagaaway eh." Laban pa ni Julie. Paninindigan niya iyon. "Buti sana kung away na magpatayan kayo." Dahan dahan na sabi ni Maqui na para bang nageexplain sa bata. "Kaso hindi eh. Iba kaya kayo. May halong...care. Ganun...ganun eh!" Pangaasar pa ni Maqui. Sinimangutan ni Julie Anne ang pinakamatalik na kaibigan at muli ay natawa pa si Maqui. "Isa pa yon! Sinong magkaaway na may tawagan? Weird lang ah." Julie shook her head. Ewan. Naguguluhan na siya. "Teka nga pala nasaan na nga pala ang mokong? Nagtatago ba sa banyo mo? HOY ELMO LABAS!" "Ssh!" Saway pa ni Julie sa kaibigan. "Ano ka ba wala naman siya diyan." Dito napataas ng kilay si Maqui. "O talaga? Bakit naman? Sa usapan niyo e napaka clingy niyong dalawa!" Kung pwede lang sagutin ni Julie ang lahat. Kaso kahit siya ay nalilito sa mga pangyayari. "H-he walked out. Ayaw ko kasi na malaman mo." She held her head low as she played with her fingernails. Nagtatakang kumunot ang noo ni Maqui sa sinabi niya. "E bakit nga ba." Julie turned to her friend. Hindi rin niya alam ang sagot sa mga katanungan ng lahat. "Ikinakahiya mo ba si Elmo?" Balik tanong ni Maqui. "Gaga ka bes dami nagkakandarapa doon tapos ikakahiya mo lang!" "It's not that." Sabi pa muli ni Julie habang tinitingnan ang kaibigan. "Ayaw ko na kasi talaga gawing komplikado pa ang lahat." She further explained kahit na sa totoo lang ay kahit siya hindi na alam kung ano ba ang pinagsasabi niya. Hindi ba pwede na ganun lang sila ni Elmo? That they had their own world or something like that? "Bakit mas kokomplikado ba sitwasyon niyo kapag nalaman ng lahat na kayong dalawa pa lang?" Maqui pointed out. "Nako bes minsan talaga tanga tanga mo!" "Salamat ah." "Totoo naman kasi! Boyfriend mo si Elmo, o ano ngayon..." "H-hindi ko siya boyfriend." Julie pointed out. "Hindi mo siya boyfriend?" Hamon pa ulit ni Maqui. "Hinid kayo magboyfriend pero naglalaplapan kayo, o ano kayo kung ganun?!" =o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o= Pumasok na ulit si Julie sa university nang dumating ang sunod na araw. Totoong hiniling niya kay Maqui na wala muna pagsasabihan. At kahit hindi sang-ayon ay pumayag naman si Maqui. Madaldal ito pero alam nito ang lugar sa pagdaldal. What was bothering Julie was that Elmo hadn't contacted her. Pinigilan din kasi niya ang sarili na huwag muna ito tawagan o i-message. And she was wondering if she needed to be worried or not. Hindi kasi pumasok ang lalaki. At dahil absent ito kahapon dahil sa pag-aalaga sa kanya, edi dalawa na ang absent nito. "Ms. Malihan, Ms. San Jose, okay lang kayo dito?" Napalingon si Julie sa nagsalita at nakitang lumalapit sa kanila si Ms. Chua, ang kanilang Chemistry professor. "Okay lang po." Sagot naman ni Karen, ang lab partner ni Julie sa araw na iyon. Tiningnan lang ni Ms. Chua ang lab work nila bago tumango. "Te okay ka lang?" Tanong ni Karen kay Julie Anne. Napalingon ang huli sa kanyang kaklase at kaibigan. She was literally spacing out. "Ah oo. Sorry ah." Tumawa lang naman si Karen at inayos ang suot na salamin. "Wag mo isipin yon. Mahal ka non." Biro pa nito bago sinimulan ang paghalo ng tubig at kemikal sa beaker. Imbis na hindi mag isip ay mas lalo napaisip si Julie Anne. Napansin naman kaagad ito ni Karen at tumigil sa ginagawa. "Ui. Biro lang yon. Ano ba iniisip mo?" Julie looked around and sighed. Dahil sa ginawa niya ay napaikot na din ang tingin ni Karen sa paligid ng kanilang laboratory. "Ah. Si Elmo ba? Kaya daw yun absent kasi inalagaan ka kahapon ah?" Nanlaki pa ang mata ni Julie sa sinabi ng kaibigan. "Alam na ba ng lahat?" "Di naman. Narinig ko lang sabi ni James. Sweet nga eh. Walang sabi sabi na umuwi kaagad. O edi kayo na may mga love life. Buset." Karen said. "H-hindi ko naman boyfriend yun." Mabilis na sabi pa ni Julie Anne. Tumaas hanggang noo ang kilay ni Karen. "Huwat? Hindi mo boyfriend si Elmo? E talo niyo pa totoong magjowa eh." Muli ay hindi nanaman nakaimik si Julie Anne. Parang pagdating kay Elmo natatameme siya. "Sinisikreto niyo pa e obvious din naman l. Kunwari pa kayo." Natatawa na sabi ni Karen. "Pero hindi nga." Pilit pa ni Julie Anne. Sa pagkakataon na ito ay binaba na ni Karen ang hawak na beaker at hinarap siya. "Ano yun...past time niyo lang maglandian?" Ang harsh magsalita nitong kaibigan niya pero okay lang din naman. At least nasasampal siya. Parang sa kakakausap ng mga kaibigan niya at ng mga tao sa paligid ay naliliwanagan na din siya sa lahat. Naliliwanagan na siya sa mga nararamdaman na hindi dapat. "Class tapusin niyo na worksheets niyo and you may go." "Una na ako Jules, may asikasuhin pa ako eh." Paalam sa kanya ni Karen. She nodded her head and grabbed her back pack. "James tara?" Yaya niya sa kapatid na nakatayo na banda sa pintuan. Kahit si James ay wala pang alam. Si Maqui lang talaga. But James looked uneasy. Nagtatakang tiningnan ni Julie ang kambal. "Bakit?" "Uhm, una ka na Jules. I-I'm waiting for..." Julie smirked. Alam na niya. "O siya. Sige una na ako. Say hi to Nadine for me." James smiled and playfully pinched her arm. Lumabas na si Julie ng school premises nang makaramdam ng gutom. Naglakad siya banda sa likod ng eskwelahan sa food lane doon. Pumasok siya sa isang maliit na medyo parang diner ang itsura. Kumpara sa ibang restaurant na nandoon ay ito ang pinakamalinis tingnan. Open area na medyo muhkang bar and grill. Patapak pa lamang siya nang tumigil ang t***k ng puso niya sa nakita. Elmo was sitting there. Nagyoyosi. Nakauniform pa ito habang naglalabas ulit ng isang stick. Aalis ba siya o hindi? Maglalakad na sana siya pabalik nang sakto ay napalingon sa kanya ang lalaki. So they stared at each other, both surprised and both not knowing what to do. "Hey." Julie was the first one to greet. Elmo simply nodded his head but pushed the chair of the table he was at as if asking her to sit down. So Julie did just that. Linapag niya ang backpack sa may lamesa bago harapin ang lalaki. "Hindi ka pumasok." She said. Elmo shrugged his shoulders. "Nag DOTA kami nila Ronnie." So he cut classes. Julie shook her head. She was no saint. Ginawa na din naman niya yon. Si James lang ang santo sa kanila. Ang bagong bukas na yosi ay inupo na kaagad ni Elmo. Julie looked questioningly at him before he shrugged his shoulders. "Mas nakakamatay ang second hand smoke." "E yung ibang tao nabiktima na dito. Pinatay mo lang nung umupo ako." Julie said. Dahil nga open area ay pwede naman talaga magsmoke. Kaya lang ayun may mga ibang katabi si Elmo na nakasinghot na ng second hand smoke. Elmo looked at her. "Because I care about you not them." Ayan nanaman at bumilis ang t***k ng puso ni Julie Anne. All of what her other friends were saying already got to her. "Elmo...I have no idea what we are. But..." Julie sighed. "Takot ako okay? Takot ako?" This got Elmo's attention. Tutal nandito na silang dalawa, na tila dinala talaga ni tadhana dahil hindi naman planado, nagsalita na si Julie Anne. "I told you I've dated boys before. You're not my first relationship or kiss for that matter. Pero iba kasi kapag ikaw." She sighed. "I'm feeling things that are foreign when it comes to you. Tipong alam ko na malalim na. At...pano kung sa dulo hindi pala tayo? Ayoko nung pakiramdam na masasaktan ako nang dahil nagpakatanga ako." Elmo looked at her for a few minutes before reaching his hand out to touch her face. "I won't hurt you, you know." He said. "At hindi lang ikaw ang naninibago. Because these feelings I have are very real too." He answered, still looking at her. "What if it's the best thing that has happened to us right?" Julie challenged that look he was giving her. "I haven't felt this way before." Julie answered before looking straight at Elmo. "I'm starting to fall for you..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD