Chapter 3

2462 Words
CHAPTER 3 "Why are you coming with me again?" Tanong ni James kay Julie Anne. May hawak itong basketball dahil papunta sila sa pinaka court ng kanilang village. "Napakasungit mo Robert James." Ani Julie sa kapatid. "Well why nga?!" Pilit pa ni James habang naglalakad. Inagaw ni Julie sa kanya ang bola at nagsimula magdribble. "Bored na ako sa bahay Hayme, pwede ba." "Punta ka sa mall." Sagot naman ni James pero hinayaan ang kambal na idribble ang bola hanggang sa nakadating na nga sila sa may court ng kanilang village. Siyempre ay napatingin din sa kanila ang ibang kalalakihan na nandoon. Saka naman napasimangot si James at pinalisikan ng mata ang ibang mga kakilala na ngayon ay nakatitig kay Julie Anne. At walang kamalay malay naman ang babae na parang masayang batang idinidiribble lamang ang bola. "Nooneh!" Sa tawag ay napa-angat ng tingin mula sa pagdribol si Julie Anne at nakitang nakangisi sa kanya si Elmo na pinapaikot ang bola sa taas ng daliri. Buset. He was just in his basketball shorts like most of the guys there. Mga pinagpawisan na kasi talaga. Julie smirked and tossed the ball over to Elmo. It came with a thud sound as Elmo caught it. He chuckled and smirked back at her. "Lakas ah." He replied. Lumapit ulit si Julie sa kanya. Nagkipatagisan sila ng tingin sa isa't isa. Nanghahamon na akala mo silang dalawa lang ang nandoon. "Ehem." They stopped though when James cleared his throat. Julie chuckled and looked away, taking the ball from Elmo before making a shot. "Whoaaa." Sabay sabay na sabi ng mga lalaki na nandoon. At dalawang lalaki ang napasimangot. Si Elmo at James. "Hey. Stop it." Mabilis na sabi ni James. Napakamot naman sa likod ng ulo ang mga lalaki at isa isang umiwas na lamang ng tingin o di kaya ay may iba na lang ginagawa. Elmo chased after the ball that Julie just shot which was bouncing along the court. He stood at the three point line before making a perfect shot. "Lusutan, Nooneh?" Elmo smirked. "Hoy! Anong lusutan?!" Biglang asik ni James sa tabi. Julie rolled her eyes as she walked up to Elmo and took the ball from his hands yet again. "Shut it James!" "Lusutan bro, yung kapag nakashoot siya lulusot ako sa kanya?" Elmo explained. "HOY! Hindi!" "Between the legs, James!" Julie explained yet again. Hindi niya alam kung ano ba pinuputok ng butsi nitong kambal niya. "Stop! Stop!" Sigaw pa ni James at tinatakpan ang tainga. Ang ibang lalaki na nandoon ay tumatawa. Ang iba naman ay namumula na din. Julie and Elmo turned to each other. Saka lang nila na gets kung ano ba tumatakbo kasi diyan sa isip ni James. "You idiot!" Asik ni Julie sa kambal at binato dito ang bola. James didn't even flinch when the ball hit him on the arm but scowled at them. "Pwede ba, maglayo kayong dalawa!" "Bro..." Elmo said, his hands in front of him. "Bakit, James, hindi ka pa handa maging kambal-in-law si Elmo?" Pangaasar pa ng kaibigan nilang si Jordan. James glared his way. Si Julie naman ay mabilis na umiling. "Pwede ba. Hindi no. No just no." Sabay tingin pa ng masama kay Elmo. Mahinang natawa naman si Jordan. "Ay hindi ba kayo ni Moe? So pwede manligaw?" "Shut up Jordan." Mabilis na sabi ni Elmo. At nakangisi pa rin sa kanila si Jordan. "O, akala ko ba hindi kayo? Bakit territorial ka?" "Wala! No one will court my twin! Kilala ko kayo!" Sabi ni James. Nagtawanan pa ang mga lalaki doon at si Julie ay napaikot na lang ulit ang mga mata. Sanay naman talaga siya na ganito ang kambal niya. And hey, at least someone was always looking out for her. Umupo siya sa bleachers at nagsimula na maglaro sila James. Bahagya siya nagulat nang makita na naglalakad palapit sa kanya si Elmo. "Hindi ka maglalaro?" She asked as he sat down right beside her on the bench. He shrugged in answer, laying his jersey on his shoulders. "Basang basa ka ng pawis o." Julie pointed out and started wiping the side of his face. At sa sinabi niya ay siya namang tingin sa kanya ni Elmo. "Bakit? Concerned ka?" "Hm." Julie smirked. "Asa. Pulmonyahin ka pa dyan. Ako bahala sa mani saka kape sa burol mo." "Savage." Tawa naman ni Elmo. Julie shrugged. "You know it." Nanahimik silang dalawa at pinanuod na lang ang mga lalaki habang naglalaro. "May masama ka bang ginawa dati at parang ayaw na ayaw ng kambal ko sayo para sa akin?" Natatawa na tanong ni Julie. Paano ay parang timang si James na halos hindi na makalaro dahil binabantayan silang dalawa. Wala naman silang ginagawang masama. Nakaupo lang silang dalawa at naguusap. Elmo chuckled and shook his head. "Wala ah. Ewan ko ba dyan kay James." "Kunwari ka pa." Ani Julie. "Dali na, may linoko ka bang babae dati?" Tanong niya na para bang normal na kwentuhan lang ang lahat at hindi siya nanghihimasok sa mga bagay bagay. "Wala nga. Kulit mo." Tawa ni Elmo. But then he turned serious. "Mahal ka lang nyang kambal mo at ayaw niya makita ka na masaktan." "Bakit, kapag naging tayo ba sasaktan mo ako?" She asked. Elmo turned to her so that they were now staring at each other. Curious lang naman talaga siya. "Masasaktan ka lang naman kung may mararamdaman ka talaga para sa akin." Elmo replied. Ngayon ay seryoso na din ang muhka nito. At dahil magaling si Julie magtago ng emosyon, ay naiwang blangko lamang ang kanyang itsura. "Don't worry I don't feel anything for you." She smirked at him. Saka siya nagayos ng upo at pinanuod na lamang ang laban. Matapos ay napagdesisyunan nilang tumambay muna kayla Elmo. Sabay sabay silang tatlo umuwi. "f**k nandyan na ba si Nadine?" Natigil sa paglalakad sa gitna ng kalsada si James nang mapansin na nandyan ang gamit na kotse lagi ni Nadine. Elmo smirked. "Diba sabi ko sayo?" "I thought that was this afternoon!" Tila nagpapanic na sabi ni James bago mabilis na tumakbo papasok sa loob ng bahay nila. Julie and Elmo looked at each other, clearly weirded out. "Ano naman gagawin non?" Elmo asked. "Magpapagwapo." Julie shrugged her shoulders. "Pero hindi ba alam no James na mas nakakaakit sa babae ang pawisang lalaki?" Sa sinabi niyang ito ay napatingin muli sa kanya si Elmo. "So...naaakit kita?" "Excuse you. Di ka gwapo. Saka ikaw mabaho ka." Asik pa ni Julie. Kahit na sa totoo lang ay alam niyang nagsisinungaling siya. "Ahh!" Napatili siya nang bigla na lang siyang yakapin mula sa likod ni Elmo at talaga namang kinikiskis sa kanya ang braso nito. "Ako mabaho? You know that's not true." "Ahh! Elmo!" Tili pa ni Julie at natatawang sinusubukan makatakas kaso wala siya magawa dahil di hamak na mas malaki sa kanya si Elmo at mas malakas. Napatawa pa siya lalo nang simula siya nitong kilitiin. "Hoy!" They stopped monkeying around though when they heard the voice. Sabay silang napatingala habang nakaikot pa rin ang mga braso ni Elmo sa balikat ni Julie mula sa likod at nakahawak naman dito. Julie smiled though when she saw who it was waving at her from the balcony of the Magalona residence. "Naddie!" Mabilis na bumaba mula sa balkonahe ang babae at tumatakbong sinalubong ng yakap si Julie. "Sayang wala ka sa Halloween party ni Maq!" Sabi pa ni Julie Anne. Nadine sighed. "Oo nga eh. I was supposed to come home earlier kaso kasi nagkaaberya don sa nabiling tickets." "Hey cuz." Bati naman ni Elmo. "Doon muna kayo sa loob maliligo lang ako." At nauna na nga ito sa loob ng sariling bahay habang napili ni Nadine at Julie tumambay sa garden kung saan masarap ang simoy ng hangin. "Kamusta flight mo?" Julie asked. "Ayun okay naman. Dati lagi ako hilo. Sanayan na lang talaga minsan." Nadine replied as she leaned back on the metal chair she was sitting in. Pasimpleng pinagmasdan ni Julie ang kaibigan. Napangiti siyang iniisip na oo nga, bagay ito at ang kambal niya. Kaso parang manhid si Nadine sa nararamdaman ni James. At ayaw naman niyang manghimasok sa kanila. "Teka anong meron sa inyo ng pinsan ko?" Natigil ang pagiisip niya nang bigla na lanang siyang tanungin ng ganun ni Nadine. "Ha?" "Ano yung nakita ko kanina? Touchy niyo ngayon ah." Nadine said. There was this glint to her eye that made Julie feel slightly uneasy. Siya na ngayon ang nasa hot seat hindi ito pwede. "W-wala no." Damn. Why was she stuttering. Bwisit na lalaki kasi. Okay na sana. Sapat na sa kanyang kainisan ang hayop. Why'd he have to save her. Why'd he helped her sleep. And why the hell did he f*****g kiss her. "Anong wala. E bakit ka namumula?" Patuloy na paghuli sa kanya ni Nadine. "Mainit Naddie tigil tigilan mo nga ako." At lalo lang natawa si Nadine. "Jules, do you like Elmo?" She asked. Julie's eyes widened slightly. "What? I hate that guy. Pinagsasabi mo..." But Nadine still wasn't convinced. It was clear from the way she leaned back in her chair. "Did something happen?" Di pa nasasabi ito ni Julie kahit kay Maqui dahil ito naman ang lumipad papuntang ibang bansa. Might as well. "We kissed." Literal na napanganga si Nadine sa sinabi niya. "What?" "It was a spur of the moment thing! He did it to shut me up!" Dahilan pa ni Julie. Kinokontrol lamang ni Nadine ang sarili para hindi sumigaw. "Pwede naman kamay niya!" Uhm. No please he was holding his thingy before he shut me up so no. "Para paraan! Hay nako Elmo Magalona." Hindi makapaniwala na sabi ni Nadine. Julie quickly shook her head. Bakit ba dito sila napunta! "Sabi sayo wala lang yon!" "You don't kiss someone ng wala lang!" Sabi pa ni Nadine. "Saka nakita mo ba yang pinsan ko?! Mas masungit pa yan sa babaeng may regla! Ikaw lang linalapitan nyan. Mygahd he likes you." "I don't think so." Mabilis na sabi ni Julie. "Can't he and I just remain enemies na mahilig magasaran?" Nadine rolled her eyes. "Buti sana kung asaran lang talaga ginagawa niyo. Bakit may kasamang paghalik?" "Wala nga lang kasi iyon. Saka kapag nakita ko si Elmo, parang hindi siya capable ng isang relationship." Julie replied. She kept telling this to herself. Mahirap na e. Pano kung magkaron siya ng totoong feelings para kay Elmo diba? Baka mag-gaguhan lang sila ng lalaki. "What are you two talking about?" Halos kilabutan ang buong katawan ni Julie nang lumapit sa kanya si Elmo na bagong ligo. Nakasando lang ito at shorts. Sarap ng braso shet. "Ha? Wala. Para kang kabute." Inis na sabi ni Julie. Nadine shook her head. Halata namang naaaliw ito sa nakikita. Elmo simply shrugged and sat down beside Julie. "Meron ka ba? Sungit mo. Ay, lagi ka pala ganyan. So menopausal ka na?" "Pakyu." Elmo sneered as Julie said that. "Ganun?" "Ganun eh." "Hay mygahd kung pwede lang uminom sa umaga." Naiiling na sabi ni Nadine. Natigil ang usapan nilang lahat nang marinig nila ang kotse sa labas ng bahay. "That must be mom and dad." Ani Elmo at mabilis na tumayo. Sumunod naman si Nadine at si Julie at nakitang kagagaling lamang sa pag grocery. "Hi kids!" Bati sa kanila ni Monette, ang mama ni Elmo. Isa din itong doctor. Sunod naman na dumating galing sa labas ay si Earl na daddy naman ni Elmo. "O nandito pala kayo." "Good morning po!" Bati ni Julie at nagmano kay Earl. Lumapit naman siya kay Monette at bumeso dito. "Hi Julie Anne! Hindi mo kasama si James?" "Ah. Naliligo lang po." Grabe ah. Mas nauna pa ito naligo kay Elmo pero hanggang ngayon ay wala pa rin. "Wala po si--" "Hello everyone!" Napatingin sila sa nagsalita at nakita si Maxene, ang ate ni Elmo. May dala dala din itong paper bag na kaagad na binigay kay Elmo. "Mosey, binilhan kita ng turtle pellets para kay Kevin, baka mamatay na yang pagong mo sa gutom." "Kawawang Kevin." Pangaasar pa ni Julie. "Nye nye nye." Balik ni Elmo at naglaban pa sila ng asaran. "Panget mo." Asik ni Julie. Elmo smirked. "Ganun?" "Ganun eh." "Hay sana kayong dalawa magkatuluyan." Naiiling na sabi ni Monette. "Right mom?" Balik komento pa ni Maxene. "Cute siguro ng babies niyo. Jules gusto ko girl ah. Tapos baka twins din masi twin ka eh." "Ate!" Saway pa ni Elmo. "What?" After that they all settled for coffee on the lanai. Ang mga kababaihan ang nandoon habang si Elmo ay umakyat para pakainin si Kevin. "Kayo na lang ng anak ko iha." Natatawa pa na sabi ni Monette habang nakabaling ang tingin kay Julie at umiinom ng kape. Mahinang natawa si Julie. "Nako tita. Di po kami talo non." Pero yung totoo po tita nalasahan ko na laway ng anak niyo. "Nonsense. Ang ganda ganda mong bata, matalino, talentado. Ano pa ba hihingiin ng anak ko?" Monette asked. "Just wished he still isn't hung up about Hazel." Biglang sabi ni Maxene. Wait. "Sino po si Hazel?" Tanong ni Julie. Nadine sighed as she was the one who answered Julie's question. "Si Hazel yung anak ng dati namin na mayordoma, bata pa lang kami nila Elmo kami na magkakalaro. Pero mas close silang dalawa. Pero they needed to go back to the province kasi nagkaroon ng sakit iyong asawa ni Manang Elsie." Nadine explained. "It was puppy love." Ani Monette. She waved it off with a hand. "Pero mabait nga yung batang iyon. Balak ko nga sana pag-aralin eh. Sayang may potential pa naman." Sabi na lang ni Monette. "Mahinhin iyong batang iyon ano?" Sabi ni Maxene. "Parang hindi makabasag pinggan. Saka maganda nga muhka." Ngayon lang nalaman ni Julie ang lahat ng ito. Huh. Maybe Elmo was capable of being in a relationship. And Julie got to thinking, the way they talked about Hazel, it seemed like she was perfect. Huh. Nanahimik si Julie. Muhkang hindi nga siya magiging type ni Elmo. Unang una hindi siya anghel. Siya yung tipong literal na nakakabasag ng pinggan. She stood up for what she wanted and wouldn't let anybody say otherwise. "What are you talking about?" Biglang dating ni Elmo mula sa taas. "Wala naman." Sagot ni Maxene sa kapatid. Sa sobrang dami ng iniisip ay nanahimik lang si Julie habang patuloy na naguusap ang lahat. Napansin niyang nakatingin sa kanya si Elmo. "Bakit?" "Okay ka lang?" Biglang tanong ng lalaki. "Huh? Oo naman ano ka ba." She replied. "Eh kasi lalim ng iniisip mo." Julie shrugged in answer. "Ganun eh." She chuckled. At least habang mas maaga mapigilan niya ang mga nararamdaman para kay Elmo na pausbong pa lang. Tama. Whew. Buti na lang hindi pa ito malalim.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD