Chapter 35

1917 Words

Bakit hindi ka na lang makipaghiwalay kung ganyang wala ka namang balak na bumalik sa bahay ni Brandon? That way, hindi mo na kailangang magtago," wika ni Trina habang nasa isang coffeeshop sila sa Subic, Zambales. Galing sa isang out of the country trip ang kaibigan at deretso itong nagtungo sa kanya sa isang hotel dito sa Subic. She needed a friend. Sa gitna ng paglalasing ay inilahad niya ang lahat kay Trina mula nung una siyang ipagkasundo ng Daddy niya kay Brandon, at kung paano nahulog ang loob niya at nagtiwalang mahal nga siya ng asawa sa sandaling panahon na nakasal sila. Hindi niya gustong makausap si Brandon matapos niyang madatnan na kahalikan ito ni Monique sa isang madilim na parte ng compound ng Montealegre Distillery Corp. "I just need more time," mahina niyang wika.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD