Alas nueve na nakauwi si Zanya dahil sinamantala niyang dumaan sa bahay ng mga magulang para personal ding imbitahan ang mga ito sa anniversary bukas. Nagulat pa siya nang makarinig ng nagtatawanan sa hardin. Kilala niya ang boses ng biyenang si Lala at ni Brandon, pero sino ang isa pa? "Kilalang kilala niyo talaga ako, Ma," wika ng babae na ikinakulo ng dugo niya. "Napakadali mo namang pasayahin, naalala ko nung bago pa lang kayo ni Brandon, masaya ka na kapag napapadalhan kita ng mga na-bake kung cookies," wika ni Lala. "And I make sure I bring those with me when I go out of the country. Nami-miss ko talaga 'yun lalo ngayon." "Nung naging busy ako hindi na rin ako nakakapag-bake. Pero ngayong pinatigil ako ni Brandon na pumunta sa Solace, mukhang mapapasabak ako ulit sa pagbi

