Nang masigurong ligtas na ang kalagayan ni Lala Montealegre ay nagpaalam na si Monique na uuwi na sa condo nito. "Tristan will contact you about the schedule of La Guardia photoshoot," wika ni Brandon dito. "Okay," sagot naman ni Monique. "But I hope you will find the time to check your brother's job once in a while. Kilala mo naman si Mr. Dela Guardia, metikuloso sa mga inilalabas na ads." Marahan lang tumango si Brandon na iniisip kung paano pamahalaan ang dalawang kumpanya. Hindi niya gustong bumalik ang ina sa pagtatrabaho dahil mas kailangan nito ang relax ang isip at katawan. Tahimik lang na nakatingin si Zanya sa labas ng bintana ng hospital. Lumapit si Brandon sa asawa at kinuha ang dalawang kamay nito at ipinulupot sa baywang niya. "Were you worried about Mama or were

