Nakatanga lang si Zanya sa kawalan matapos pumayag na hindi muna siya kasama sa meeting ngayong umaga. Idinahilan niyang may mga iche-check siyang inventory reports na na-submit sa kanya galing sa warehouse. Pero ang nasa isip niya ay ang nasaksihan niyang pagkikitang muli ni Brandon kay Monique kaninang umaga. Brandon secured her that Monique has no place in his life anymore. Dati ay natatalo siya ng insekyuridad na hindi niya alam kung bakit. Mahilig siya sa adventure, malakas ang loob niya sa pagsuong sa mga delikadong sports. Pero kapag puso ang pinag-uusapan ay pinanghihinaan siya ng loob. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya kung sakaling siya ang nasa kalagayan ni Monique kanina. Tumunog ang telepono at nakita niyang si Marga ang tumatawag. Marga was one of the

