"Ano'ng problema?" tanong ni Zanya nang makita si Brandon na nasa balkonahe at may hawak na baso ng alak. Kilalang kilala niya na ang asawa kapag may suliranin itong kinakaharap. Isang buwan na silang sa bahay nila umuuwi kaya't nag-aalala siya na baka gusto na nitong umuwi sa bahay ng mga Montealegre. "Nothing I can't handle... Pero gusto kong tumigil ka muna sa pagtatrabaho." "What? No!" Mabilis niyang salungat. "Nangako ako na tutulungan kita sa kumpanya at pumayag ka. Ano'ng problema?" "Kaya kong patakbuhin 'yun. Mas mapapanatag ako kung dito ka lang sa bahay. Nagkausap na kami ng Daddy mo." "Ano nga ang problema? Are you hiding something from me?" "Alexis is in the hospital..." "W-why? At ano ang kinalaman ni Alexis para patigilin mo 'ko sa pagtatrabaho?" "Nalaman

