"I'm so sorry" Apollo's on his bended knees while hugging my waist tightly. Naiiyak na din ako. Kanina ko pa siya pinipigilan. Wala naman kasi talaga siyang kasalanan pero siya itong nahihirapan. Siya itong humihingi ng kapatawaran. Kanina hustong pagpasok namin sa loob ng Apartment ko ay lumuhod na agad siya sa sahig at walang sabi sabing niyakap ang bewang ko. Nagulat ako sa ginawa niya dahil hindi naman karaniwan sakanya ang magmakaawa. Si Apollo kaya to. He used to be so difficult and uptight. At ngayon.. hindi lang talaga ako makapaniwala. My heart's clenching. Ayoko din naman kasi na nagkakaganito siya. "Apollo ko.. tama na. There's nothing to be sorry for. Wala ka namang ginagawang mali" mahinahon at maingat kong sabi. Pilit ko siyang itinatayo habang hinihila ang balikat niya p

