Dinungaw ko ang aking cellphone ng ilang ulit itong magvibrate sa ilalim ng unan ko. Madilim na nung magising ako at tanging liwanag nalang ng buwan mula sa bintanang nakabukas ang nagsisilbing ilaw na nasilayan ko. Kinusot ko ang aking mga mata at bumangon. Ilang oras din pala akong nakatulog sa paghihintay kay Apollo, mag aalas nuwebe y medya na at tahimik parin sa lahat ng sulok ng condo. Wala pa siya. Bakit ba siya natatagalan? Binasa ko isa isa ang mga text messages sa cellphone ko na halos karamihan ay galing kay Apollo. Ang ilan naman ay galing kay Petunia at Lance. Petunia: San na kayo? Tawag ka kapag nasa metro na kayo. Kamusta? Bakit di ka nag rereply? Lance: Girl, kita tayo bukas. Tulog ka ba? Kumain ka na? Kasama ko si Liam kanina. Utang na loob magreply ka naman! P

