Apat na araw na ang nakakalipas matapos ang pag-uusap namin ni Apollo tungkol sa plano nila ni Christine. Hindi parin ako sigurado kung tama bang pinayagan ko siya sa gagawin nila o dapat ay pinigilan ko nalang at mag isip ng iba pang paraan? May tiwala naman ako sa mga desisyon ni Apollo--- iyon nga lang ay hindi maalis sa sistema ko ang maaaring mangyari sa panahon na magkasama sila ni Christine. Pakiramdam ko ay lalamunin ako ng matinding selos at pangamba. Hindi rin ako sigurado kung paniniwalaan ko ba lahat ng sinasabi sa akin ni Apollo tungkol sa pagbaliktad ni Christine sa taong itinuring niyang magulang sa loob ng dalawampu't anim na taon at nagpasyang kumampi nalang sa amin ni Apollo. It was very unlikely of her, considering the fact that she likes Apollo for herself and that

