Lumipas ang isang linggo mula ng makaalis si Apollo patungong New York at ganon parin ang takbo ng lahat. Walang mintis ang pagtawag niya sa akin gabi-gabi at halos minu-minuto ay natutulili ang tainga ko sa message alert tone ng cellphone ko dahil sa paulit ulit na I love you's at I miss you's niya. Hindi naman ako nagsasawa dahil natutuwa pa nga ako sa kakulitan niya. Ipinanalangin ko pang sana ay hindi na maulit ang nangyari noon. Ganito nanaman kasi ang eksena nung umalis si Apollo patungong France. Nakagawa siya ng pagkakamali at agad din naman akong sumuko, hanggang sa humantong sa sakitan at hiwalayan. Iniisip ko pa lang ang mga naganap noon ay hindi na natatalos ng utak at puso ko. Para akong bumabalik sa panahon na pinipiga ang puso at kaluluwa ko. Kaya sana ay wala ng mangyaring

