Ilang minuto na ako sa loob ng banyo mula nang sumunod sa loob ng unit si Apollo. Hanggang ngayon ay kinakalma ko parin ang aking sarili mula sa pagpupuyos ng damdamin. Sino bang hindi mabubwisit? Lahat ng babae inaasahan na mabigyan kahit isang maganda at desenteng marriage proposal man lang. Iyong makabagbag damdamin at maluluha sa sobrang tuwa. Tulad nung isang lalaki na nilakbay pa ang buong Korea para lang iguhit ang proposal niya sa kanyang girlfriend sa pamamagitan ng GPS. O kaya iyong nag propose sa concert niya mismo tapos kasalan agad pagkatapos. Tapos iyong pinakamatindi ay iyong tumalon mula sa cliff para lang hilahin pababa iyong tarpaulin na may nakasulat na marry me. I sighed. Lecheng Apollo. Ano iyon? The worst proposal above all. Tinalo pa niya iyong gown ni Beyonce

