_____
MAHIHIYA ang sinuman na gisingin ang katulad ni Landon na mahimbing na natutulog, bahagya pa itong humihilik sa tabi ni Lesley. Sa palagay niya ay nakatulog agad ang lalaki paglapat pa lamang ng likod nito sa kama.
Maingat siyang bumangon sa pag-aalalang baka magising si Landon, may mga tao kasi na kahit sobrang himbing ng tulog ay madaling magising sa kaunting kaluskos lang. Matapos buksan ang lampshade sa tabi ay sumilip siya sa bintana, tumambad sa kanya ang liwanag na nagmumula sa mga poste ng ilaw sa labas. Wala siyang ideya kung anong oras ngayon basta ang alam niya ay hapon na sila dumating dito sa bahay ni Landon dahil mababa na ang sikat ng araw.
Muling bumalik sa kama si Lesley kung saan siya nakapuwesto. Wala sa sariling napatitig siya sa natutulog na lalaki. Bakas ang sa guwapong mukha ni Landon ang labis na pagod at puyat. Sa isang linggo niyang pananatili sa ospital madalas nakaharap sa laptop o 'di kaya'y may kausap sa cellphone ang lalaki. Hindi niya nakikitang natutulog ito dahil maaga siyang natutulog sa gabi at paggising naman niya sa umaga ay nakaupo pa rin ito sa couch kung saan ang madalas na puwesto ng lalaki na ganoon pa rin ang ginagawa. Kahit nakatutok ito sa ginagawa ay parang may mata sa likod at tagiliran dahil agad sinisermunan ang nagkakamaling nurse na nakaduty, kaya naman maging siya ay ingat na ingat na huwag magkamali sa ikinikilos. Dumating sa puntong parang ayaw na niyang gumalaw at sa kanyang palagay ay magkakatotoo ang iniisip niya dahil tiyak na matagal pa niyang makakasama ang binata.
Sa tulong ng ilaw na nagmumula sa lampshade ay nababanaag niya ang nangingitim na eyebag ni Landon. Nagtungo siya sa paanang bahagi ng kama saka marahang inalis ang suot na sapatos ng binata saka maingat na inilagay dito ang kumot na ginamit niya kanina. May kung anong nagtutulak sa kanyang gawin iyon kahit na-i-imagine niya ang mga sungay na nagsasanga-sanga sa ulo nito kapag gising at inaapoy ng galit. Mabuti pala kapag ganitong natutulog ang binata wala sa hitsura nito ang pagkakaroon ng negatibong ugali.
Walang sawang nakatitig lamang si Lesley kay Landon na mahimbing pa ring natutulog habang nakahiga ng patagilid paharap sa lalaking kanina pa nahihimbing ng tulog. Hindi niya alam kung gaano na siya katagal sa ganoong posisyon. Pagkatapos niya itong lagyan ng kumot ay nag-ikot-ikot lang siya sa loob ng kuwarto upang usisain ang mga naroon nang magsawa ay nahiga na ulit siya.
Nalilibang siyang titigan ang bawat detalye ng mukha ni Landon, o mas tamang sabihin na hindi siya nagsasawang tingnan ang lalaki. Sa kanyang palagay ay namemorya na niya ang hitsura ng natutulog na binata. Hindi siya magaling kumanta at sumayaw ito yata ang talento niya ang mabilis makamemorya ng bawat bagay kaya naman kapag may exams sila ay napakadali niyang mag-review.
Nang hindi pa nakuntento si Lesley sa ginagawang pagtitig sa mukha ni Landon ay dahan-dahan siyang umisod palapit sa binata. Maingat niyang inilapit ang sariling mukha sa buhok nito saka sininghot ng paulit-ulit ang mabangong buhok ng lalaki.
"Diyos ko, 'wag po muna sanang magising si Landon. Gusto ko pa pong amoy-amoyin ang kanyang buhok. Ang bango-bango..." Isang mahabang pagsinghot ang ginawa ni Lesley, pakiramdam niya ay nakakaadik ang kung anumang brand ng shampoo ang ginamit ni Landon.
Mukhang nakikisama ang pagkakataon sa kanya o marahil ay pinakinggan ang kanyang panalangin na huwag munang magising si Landon. Maingat muli siyang kumilos upang magpantay sila, ng tumapat ang kanyang mukha sa mukha nito ay marahan niyang nilanghap ang bandang leeg ng lalaki. Kung mabango ang buhok nito ay mas mabango pala ang sa gawing ito, para siyang adik sa droga na walang tigil sa pagsinghot na sinabayan pa ng pagpikit ng kanyang mga mata upang damang-dama niya ang napakabangong lalaki. Kasabay ng muling taimtim na dasal na huwag Lang talagang magigising ang Prinsipe.
Pero sa bawat panalangin ay hindi lahat dinidinig ng Panginoon, may dahilan siguro siya kung bakit hindi ibibinigay sa atin ang mga ito.
"What are you fuckin' doing, Little Princess?"
Daig pa niya ang natokhang. Pagakarinig sa baritoning boses na iyon, parang may nagawa na malaking krimen na lumayo si Lesley kay Landon. Hiyang-hiya siya ngunit nangingibabaw ang takot sa lalaki. Samut-saring pakiramdam ang namumuo sa kanyang kalooban kanina napakasaya niya habang sinisinghot-singhot ang amoy ni Landon, kakaiba ang napakabangong amoy nito.
"Kid, answer me!"
Halos mapatalon siya sa gulat nang sumigaw si Landon. Hindi siya makapagsalita, umurong na yata at nanigas ang dila niya pansamantalang nakalimutan ang amoy na kinaaadikan niyang singhutin.
Madilim ang mukha na umisod si Landon palapit sa kanya kaya naman sa takot na baka saktan siya ay unti-unti din siyang kumilos palayo na nanatiling nakahiga mabilis ang kamay na kinuha ang makapal na kumot so aka mahigpit na hinawakan. Pakiramdam niya ay kumot lamang ang kanyang kakampi, wala naman siyang mahihingan ng tulong dito. At isa pa kasalanan niya kung bakit umuusok ang ilong ni Landon dahil sa galit.
"Don't move," nagbabantang wika ni Landon pero hindi sumunod si Lesley sa halip ay patuloy siya sa paglayo.
Natatakot siya, may isa pa siyang kinatatakutan ang muling magkarambol-rambol ang pagtibok ng puso niya bukod sa baka saktan siya ni Landon.
Napasigaw na lamang siya at tanging ipinikit ang mga mata ng maramdamang mahuhulog siya mula sa kama. "Ang baby ko!" Inihanda niya ang sarili sa pagbagsak sa sahig na 'di humihinga at inilagay ang kumot sa tapat ng kanyang tiyan.
"I said, don't... move!" Kasabay nito ang pagpulupot ng matitigas na braso ni Landon sa kanyang bewang upang mapigilan ang pagbagsak niya. "You gonna kill our child dahil sa katigasan ng ulo mo, kid." May galit na dagdag nito ng maingat siyang hilahin papunta sa gitna ng kama kaya naman halos magkadikit na ang mga katawan nila.
Sinamantala niya ang pagkakataon, hindi siya nagmulat ng mga mata sa halip ay pasimpleng inamoy si Landon. Namiss agad niya ang mabangong amoy ng lalaki, bagay na bagay dito kung anumang brand ng pabango nito.
"Open your eyes, your safe-I mean the baby," sunod-sunod siyang umiling sa utos ni Landon, nag-e-enjoypa siya ng husto sa pagsinghot sa lalaki. "Next time you should be careful, kid, I'm gonna kill you if something bad happen to my child, keep that in your mind,"
Nanghihinayang na nagmulat ng mga mata si Lesley nang alisin ni Landon ang mga kamay sa kanyang katawan. Bumangon ito at hindi na siya muling nilingon hanggang makalabas ng kuwarto. Matapos magsermon ng pagkahaba-haba na 'di na niya naunawaan kung ano oa ang iba nitong sinabi. Basta nakapikit lang siya kanina habang kung todo singhot ng palihim, sa hula niya ay nasa tapat ng dibdib nakatapat ang kanyang mukha dahil naririnig niya ang malakas na t***k ng puso ng lalaki. Nagtataka man sa inasal ay kakaibang saya ang nadarama niya, parang gusto niyang pigilan si Landon na huwag umalis sa tabi niya upang mayroon siyang aamoy-amoyin!
"IS there anything wrong with the vegetable salad and grilled salmon?" Napansin ni Landon na hindi halos nagagalaw ni Lesley ang pinaghirapan niyang ihanda. Ito ang Ilan sa mga paborito niyang pagkain.
Nagtaas ng tingin si Lesley habang nakatayo siya sa harapan ng mesang kinauupuan ng babae. Pagkatapos niyang magluto at ipaghain ito ay naligo siya pero makalipas ang kalahating oras ay kapiraso lang ang bawas ng salmon.
"Ha? Ma-masarap nga eh." Humiwa agad si Lesley mula sa isda saka isinubo iyon at sinundan pa ng ilang pirasong gulay.
Naiinsulto siyang kinuha ang tinidor at salad knife sa mga kamay ni Lesley. Alam niyang hindi nagustuhan ng babae ang inihanda niyang pagkain. "Rule number four, kid, don't you ever lie to me. Hindi ka magaling magsinungaling." Hinila niya ang plato mula sa harapan nito.
Sa sobrang inis dahil halata namang ayaw ni Lesley ng pagkain ay naupo siya sa katapat nito saka nilantakan niya iyon. Sunod-sunod niyang isinubo ang mga pagkain na hindi tumitingin sa kaharap.
Kumukulo pa rin ang dugo ni Landon matapos ubusin lahat ng pagkain na para kay Lesley. Hindi na niya maalala kung kailan siya huling nagluto, mula ng maging abala siya sa pagpapayaman ay nakalimutan na niya ang pagluluto. Natuto siyang magluto noong hindi pa niya kayang bumili ng pagkain kahit sa mga mumurahing restaurant dahil nagtitipid siya. Masama ang tingin niya kay Lesley nang tumayo siya upang bumalik sa kuwartong ginawa niyang opisina habang naroon sila.
Nakakailang hakbang pa lang si Landon nang lumingon kay Lesley na nanatiling nakaupo na tila ba naiiyak. Parang bata na inagawan ng pagkain. Nauubusan ng pasensya na binalikan niya ito.
"Look, I know ayaw mo ng pagkain na inihanda ko then magtiis ka ng gutom." Dahil sa sinabi naalala niyang dinadala nga pala ni Lesley ang magiging anak niya. "Fine. Anong gusto mong kainin? Tell me." Sumusukong tanong niya sa babaeng nagyuko ng ulo na nakakabastos sa paningin niya dahil kinakausap ito. Ano pa bang aasahan niya ganito talaga ito palagi.
Unang araw pa lang nila dito sa bagong bahay na binili noong araw na sabihin ni Lesley na ayaw nitong sumama sa pagbalik niya sa Finland. Tapos ngayon ito na naman ang masusunod sa gustong kainin. Sayang ang ginugol niyang oras sa pagluluto pagkatapos ay hindi naman pala nito magugustuhan. Ewan kung bakit pero nasira na naman ang mood niya, maganda na sana ang umaga niya dahil nasabik siya sa pagluluto.
"Tell me!" sigaw ni Landon kasabay ng paghampas ng mga kamay sa mesa. Nakaramdam siya ng guilt ng magulat si Lesley sa ginawa niya. "Anong gusto mong kainin?" sa pagkakataong ito ay malumanay na ang kanyang boses. Napakahirap maging mabait!
"I-ice cream," halos pabulong na sagot ni Lesley na nanatili pa ring nakayuko habang nanginginig ang mga kamay na nakapatong sa mesa at nilalaro ang mga iyon.
Hinawakan niya ang kanang kamay ni Lesley at hinila patayo, nang maalala na baka may mapasama ang baby ay bigla niyang dinahan-dahan ang paghila aa kamay ng babae. Palagi niyang nakakalimutan na dinadala nito ang kanyang anak. Na palagi ding ipinapaalala ng isang bahagi ng utak niya na magkakaroon na siya ng anak na dapat niyang ingatan ang babaeng kasama ngayon. Hindi niya kayang talikuran ang isang responsibilidad kahit hindi niya ito ginustong mangyari. Wala pa sa plano niya ang magkaroon ng anak pero nangyari ito sa maling pagkakataon at maling babae pa ang magiging ina ng anak niya.
"Bakit Mali?" nang-iinsultong tanong ng utak niya.
Maraming dahilan kung bakit mali. Mali, dahil nahahati na ang atensyon niya sa bata at sa pagtuloy niyang pagyaman. Isang linggo pa lamang siya dito sa Pilipinas ay marami ng pera ang nawala sa kanya. Wala siyang tiwala kung kaninuman upang ipagkatiwala ang pakikipagnegotiate sa mga investor. Nasanay siyang hands on sa mga negosyo at pinakaayaw niya sa lahat ay umaasa sa mga tauhan lalo na sa usaping pera. Mali din na ang batang ito ang magiging ina ng anak niya dahil napakabata pa nito. Basta maraming mali.
Dinala ni Landon sa isang malapit na restaurant na nagseserve ng iba't-ibang flavor ng ice cream.
"Bigyan mo siya lahat ng flavor ng ice cream na mayroon dito." Tiningnan niya si Lesley na tahimik lang nakaupo sa katabi niya. "And make it fast." Mabilis namang nagpaalam ang waiter upang kuhain ang order nila.
"ICE CREAM again?" Gilalas na tanong ni Landon kay Lesley. "Mag-iisang linggo na palaging ice cream ang breakfast mo. Anong sustansya ang makukuha ng baby sa ice cream? Baka kapag lumabas ang anak ko ay diabetic na," Hindi siya sigurado sa huling sinabi pero gusto niyang healthy ang mga kinakain ni Lesley. "And now iiyak ka na naman like there's no tomorrow,"
Sa araw-araw na lang ay ganito ang sitwasyon nila lalong-lalo na sa umaga. Magagalit siya dahil walang sustansya ang gustong kainin ni Lesley. Iiyak naman ang babae and at end-
"Bumangon ka na d'yan kamahalan at lalamon ka na ulit ng sangkatutak na ice cream, like there's no tomorrow," Napabuga siya ng malalim habang napipikon na nakatingin kay Lesley.
Bandang huli susundin din niya ang kagustuhan ni Lesley kahit bumuga na yata siya ng apoy dahil sa galit ay iiyakan lang siya nito ng walang anumang sinasabi.
Sinundan ni Landon hanggang sa banyo si Lesley upang ihanda ang susuotin nito, maaga siyang gumising upang mag-ipon ng tubig sa bathtub para ipampaligo ng babae. Naging routine na niya ito sa araw-araw. Kung dati gigising siya para sa sarili lamang upang magtrabaho pero ngayon kailangan muna niyang unahin ang babae bago siya magsimula sa trabaho. Naisaayos na niya ang kanyang schedule patungkol sa mga naiwang negosyo sa Finland at iba pang bahagi ng Europe. Napilitan siyang magtiwala sa kanyang executive assistant pero minomonitor niyang mabuti ang paglabas at pasok ng mga pera sa kumpanya maging ang pagtatrabaho ng mga empleyado niya habang narito siya. Malaking tulong ang teknolohiya upang mapadali ang lahat ng gawain niya. Pero itong magiging ina anak niya ay bukod tanging hindi matutulungan ng technology upang mapatigil sa pagkain ng ice cream. Maaga siyang tatanda sa batang ito!
"S-salamat," iyon lang ang palaging sasabihin ni Lesley, madalang pa sa patak ng ulan na magsalita ito. Ayaw niya sa taong madaldal pero ngayon lang niya napag-alaman na nakakabuwisit pala ang taong bihira kung magsalita, kung 'di pa tanungin ay hindi sasagot. Ang malala kung minsan ay iiling o tatango lang ito.
"Here is your towel and bathrobe." Inilapag din ni Landon ang dress na basta na lang niya kinuha sa built in cabinet kasama ng underwear nito na nakasanayan na niyang hawakan ng hindi naiilang, para pang normal na ito sa kanya. "Dito ka tumapak sa mga towel na inilagay ko kapag umalis ka sa bathtub." Inilatag niya muli ang dalawang towel na puti sa tapat ng bathtub masiguro lamang na huwag madulas si Lesley. Nang masiguro na wala na siyang nakakalimutan ay lumabas agad siya upang ihanda naman ang sasakyan ng sa ganoon ay paalis na agad sila pagkatapos ng babae maligo.
"Uncle Landon..." tili ng isang tinig pagkababa pa lang ni Landon upang pagbuksan si Lesley, kagagaling lang nila sa obgyne matapos nitong mag-almusal ng ice cream sa pinakamalapit na ice cream kung saan kilala na sila sa naturang resto. "Kanina pa ako tumatawag sa 'yo but you didn't answer." Excited na yumakap sa kanya ang pamangkin na si Trixie.
"I have important appointment." Kumalas si Landon mula sa pagkakayakap ng pamangkin at itinuloy ang pagbubukas ng pinto ng kotse sa passenger's seat. "Careful." Inalalayan niya si Lesley sa pagbaba ng kotse. "Lets go inside, Trixie and why are you here? Where is your mom." Hindi tumitingin sa pamangkin na tuloy-tuloy sa paglalakad papasok ng bahay hawak sa isang braso si Lesley.
"Is this for real, uncle? I mean totoo pala ang sinabi ni Demark na kasama mo pala ang babaeng 'yan?!" sa halip na sagutin ang tanong niya ay iyon ang sinabi ni Trixie na hindi makapaniwala.
Naramdaman niya ang kanina pang atubiling si Lesley simula ng dumating si Trixie. Nasanay na siya sa pagiging mailap ng babae pero iba ngayon ang ikinikilos nito. Nilingon niya ang pamangkin na hila-hila ang isang malaking traveling bag na hindi maipinta ang mukha.
"Uncle, palayasin mo ang babaeng iyan dito. She is a w***e. Demark told me about what happened and I am sure the baby is not yours," naghihisterikal na turan ni Trixie na kinasanayan na niyang palaging ganito ang pamangkin kung magsalita, malapit ito sa kanya kaya naman sinasabi lahat ng nasa isipan. "Why you are claiming the baby? You don't have any proof , uncle. I'm sure plan niya ito dahil mayaman ka. She is gold digger, noong una si Demark ang target niya but when she know na mas mayaman ka at milyonaryo ikaw ang pinuntirya niya,"
Napatigil si Landon sa akmang pagbubukas ng pinto dahil sa mga sinabi ni Trixie. Ang mas nakaagaw ng atensyon niya ang panginginig ng mga kamay ni Lesley habang nakatapat ang isang kamay sa bandang tiyan nito.