bc

The Young Bride

book_age16+
137
FOLLOW
1K
READ
possessive
one-night stand
age gap
pregnant
arrogant
manipulative
drama
sweet
Writing Academy
gorgeous
like
intro-logo
Blurb

Kaunting panahon na lamang ay tuluyan nang maaabot ni Landon Harkin ang pinapangarap na posisyon bilang susunod na hari ng Norway.

Ilang taon pa ang gugulin ni Lesley bago tuluyang makaalis sa poder ng tiyahin na labis na nagpapahirap sa kanya. Ang makapagtapos siya ng pag-aaral ang magiging susi upang hindi na magpaalipin sa sariling kamag-anak.

Makamit pa kaya ni Landon ang inaasam na trono kung tulad ni Lesley ay nasira din ang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral, dahil kinailangan nilang pakitunguhan ang bawat isa hanggang umabot sa kasalang hindi nila inakalang aabot sa ganito.

Alin ang mas matimbang para kay Landon ang pansariling hangarin o ang ikabubuti ng kanyang magiging anak na ngayon ay nasa sinapupunan ni Lesley?

chap-preview
Free preview
1
Available po sa aking YouTube channel ang trailer ng The Young Bride, sana po PANOORIN ninyoand please subscribe na din po kayo ASSUMER 21 CHANNEL ----- https://youtu.be/vNBxDHleMgQ "Ito pa,tapusin mo yan,kailangan matuyo lahat ngayong araw yan!" Mataray na sabi sa kanya ng tiya Helen niya at ibinagsak sa harapan niya ang gabundok na labada. "Tiya Helen, may pasok pa po ako sa eskwela ngayong araw at meron din po kami ng exam" Sabi niya sa tiyahin. Nasa poso siya at kasalukuyang naliligo ng dumating ang tiyahin dala ang maraming marumi na damit. "Gusto mong matuktukan na naman Sisay!" Singhal nito na nakapamewang pa sa harapan niya. Dahil sa narinig ay nakaramdam siya ng takot na naman sa tiyahin.Ganito talaga ang turing nito sa kanya,magmula ng tumira siya sa bahay ng mga ito,kasama ang mga pinsan at Lola Mely niya. "Hala,umpisahan mo na yan!wala ng isusuot na uniform ang mga pinsan mo bukas." Sabay tinalikuran siya ng tiyahin at bumalik sa loob ng bahay na umaalog ang mga bilbil sa pagmamadali mataba kasi ito na parang si Ruby Rodriguez kabaligtaran lang dahil maitim ang tiyahin na kahawig ni  Zoraida sa biglang tingin. Lulugo-lugo siyang nag-ipon ng tubig sa batya sa pamamagitan ng mabilis na pagbomba sa lumang poso habang umiiyak.Palagi na lang siyang lumiliban sa klase dahil sa mga ipinapagawa sa kanya ng tiyahin. Pagkagaling niya galing sa eskwela ay ginagawa agad niya ang mga gawaing bahay ng sa ganon ay wala itong masabi.Pero kahit ginagawa na niya ang lahat ay gumagawa ito ng dahilan o naghahanap ng pwedeng ipagawa sa kanya.Parang ayaw makikita ng tiyahin na wala siyang ginagawa,at wala din itong pakialam sa pag-aaral niya. Pero Hindi siya nawalan ng pag-asa,mabilis ang kilos niyang inumpisahan ang paglalaba.Kahit late na ay papasok pa din siya,bakasakaling mapakiusapan niya ang math teacher nila na mabigyan siya ng special exam. Makalipas lang ang isang oras ay nagsasampay na siya ng mga nilabhan.Nakahinga siya ng maluwag dahil sa wakas patapos na siya sa ginagawa. "Sisay,tanghali na,Hindi ka ba papasok sa eskwela?" Tanong sa kanya ng Lola Mely niya nang makita siyang nagsasampay ng damit sa harapan ng bahay nila. "Eh,La,papasok po ako,matatapos na po ako dito."nakangiting sagot niya sa abuela na abala sa pagwawalis ng mga dahon sa harapan nila. Ayaw niyang ipahalata dito na nahihirapan siya sa ginagawa ng pagtrato sa kanya ng tiyahin.Ipinagtatanggol naman siya ng kanyang Lola kapag inaapi siya ng tiyahin at mga pinsan niya.Pero lalo lamang siyang pinag-iinitan ng mga ito.At isa pa, matanda na ang Lola niya,nakakalungkot lang dahil ang tiyahin niya ay mismong kapatid ng nanay niya.Pero kung ituring siya nito ay parang di kadugo kundi katulong ang tingin sa kanya. Pagpasok niya sa loob ng bahay,ay wala na ang tiyahin niya malamang ay nasa palengke na ito kasama ang Tiyo niya.Mayroon kasi itong maliit na pwesto ng mga gulay sa palengke,kapag walang pasok ay tumutulong din siya doon.Ang tatlo naman niyang pinsan ay lahat nag-aaral at isang eskwelahan lamang ang pinapasukan nila. Mabilis siyang nagbihis ng uniporme at dali-daling ipinusod ang buhok niyang lampas balikat.Hindi na niya ito sinuklay pa,pabasta na lamang niya itong itinali,kaya halatang di man lang nadaanan ng suklay. " Lola,aalis na po ako."paalam niya sa matanda at nanakbo na siya palabas ng gate na kahoy.Malapit lamang ang school na pinapasukan niya,kaya makalipas ang mahigit sampung minuto ay humahangos siyang nakarating sa malaking tarangkahan ng kanilang school. Naabutan niyang nakasarado na ito kaya kinatok niya ang gate. "Ineng,ilang beses ko ng sinasabi sa iyo at alam mo rin na mahigpit na ipinagbabawal na mahuli sa klase kaya isinasarado na ito kapag mag-uumpisa na ang flag ceremony." Sita sa kanya ng guard. "Kuyang bantay,last na po talaga ito Hindi na mauulit,mayroon lang po talaga kami ng exam." Pakiusap niya habang magkadaop ang mga palad niya. "Pasaway kang bata ka,masisilip ako ng ibang estudyante niyan eh,baka may makapgsumbong pa sa principal." Naiiling na sabi ng bantay at ibinukas ng malaki ang gate upang makapasok siya. "Salamat kuya sige po late na late na talaga ako."nakangiting sabi niya sa guard na nasa mahigit apatnapu na siguro ang edad. Kilala na kasi siya nito dahil sa palagi niyang pagkahuli sa klase.Mabuti na lamang mabait ito at Hindi siya natitiis ng bantay na huwag papasukin. Pambubliko lang ang school na pinapasukan niya,pero mahigpit ang mga ipinapatupad na rules ng bagong principal.Kaya bago siya papasukin ng guard ay sinisiguro muna nitong walang ibang nakakakita.Baka kasi may makapagsumbonh at posibleng matanggal ito sa trabaho. Urong-sulong siya kung tutuloy ba sa room nila ng makarating sa building ng mga nasa level nine.Malayo pa lamang kasi siya ay naririnig na niya ang pagsesermon ng math teacher nila na si Mrs.Olarte.Mabait naman ito,nagkataon lang siguro na mainit ang ulo. Kagat-labi siya habang pasilip-silip sa may bintana ng room nila.Hinihintay niyang tumalikod ito o lumabas basta yung Hindi nito mapapansin ang pagpasok niya. Napapayuko ulit siya kapag alam niyang titingin ito sa may banda niya. "Mam,magbanyo ka muna please, para makapasok na ako." Bulong niya sa sarili. Nadismaya siya pero ng muli itong naupo sa harap ng table nito. "Haisst...." Sabay kamot sa ulo niya,matatapos na kasi ang exam nila sa first subject nila. "Uyy...uyy...ano ba...te-teka..lang..huy..." Nanlalaki ang mga mata niya dahil sa pagkagulat ng may biglang humila sa likuran niya hawak ang bag niya sa likod at di niya makita kung sino ang gumawa noon. Pabagsak siyang napaupo sa upuan na malapit sa may pintuan ng classroom nila.Maang siyang napatingin sa kung sino ang may kagagawan nito sa kanya. Napanganga siya ng makita si Demark  ang humila sa kanya at pabalewala itong naupo sa katabi niya. Sisitahin sana niya ito ng maalala niya na nakaupo pala ang guro nila sa unahan.Mabuti na lang abala ito sa sarili nitong cellphone,pero may isa pa siyang problema wala siyang test paper. Luminga siya sa mga kaklase niya sa likuran na abala sa pagsasagot ng exam.Kapag naman humingi siya ng test paper sa teacher nila,tiyak na malalaman nito na nalate siyang pumasok sa klase.Kung di sana niya naabutan na bad mood ito,bakasakaling pagbigyan siya nito. Napabuntong hininga siya habang nag-iisip kung paano magkakaroon ng test paper.Nang bigla na lamang siyang abutan ng test paper ng classmate na si Demark.Hindi man lang siya nito tiningnan at nagpatuloy na ito sa pagsasagot. Nagtataka man sa mga ikinikilos ng classmate niya ay lihim pa din siyang natuwa.Matagal na kasi niya itong crush at hindi siya nag-iisa madami silang estudyante sa campus ang naghahangad sa lalaki,mapababae man o beki patay na patay sa kaklase niya.Walang nakakaalam na crush niya ito,kahit ang bestfriend at classmate din niya na si Mona ay Hindi niya sinasabi.Mahirap na baka mamaya madulas ang dila ng kaibigan niya,medyo may pagkatsismosa kasi iyon.Pero mabait ang kaibigan at magkasundo sila.Ayaw lang talaga niya na ishare dito na isa din siya sa mga nagpapantasya Kay Demark. Paano ba namang Hindi niya niya ito magugustuhan o ng iba pang mga babae.Napakagwapo nito, may mapupulang labi,matangos na ilong at mga matang kapag lihim niyang tinititigan ay parang laging nangungusap at kapag nasusulyapan siya na alam niyang di naman sinasadya na mapagawi sa may banda niya, kahit isang Segundo lang,halos maglulundag na ang puso niya sa sobrang tuwa.At ngayon nga katabi niya ito sa upuan,kaya malaya niya itong natititigan.Ito rin ang tumulong sa kanya kanina para makapasok siya.Pati ang test paper ay dito din nanggaling,na di niya alam kung paano ito nagkaroon ng extra nito.Nakatulala siya habang nakatitig sa lalaki at Hindi alam kung paano magrereact.Magpapasalamat ba siya?Magagalit ba siya?dahil kung hilahin siya nito kanina,ay wagas.Dahil sa naalala ay napasimangot siya. "Hmp,sa halip na magpasalamat ako sa kanya eh hindi!pwede naman na sabihin niya kanina na " Pumasok ka na Hindu nakatingin si teacher Olarte"ganun dapat di yung basta na lang ako hinila sa likuran haisst..malamang na tampulan ako ng tukso mamaya ng mga kaklase ko,ang lakas pa man din mang-asar ng mga ito."mahabang sabi niya sa sarili. "Last ten minutes." Paalalang sigaw ng guru nila. Doon na siya natauhan,mula sa pagpapakasawa ng pagtitig sa crush niya.Kumuha agad siya ng ballpen sa bag niya at mabilis na itinuon ang atensyon sa exam.Hindi naman siya nahirapan sa pagsasagot sa exam nila dahil nagreview siya kagabi.Kahit na siya ang gumagawa ng lahat ng gawaing bahay sa kanila ay Hindi niya punabayaan ang pag-aaral niya. Nakahinga siya ng maluwag ng makatapos siya sa  tamang oras na ibinigay ng teacher nila. "Thank you lord,Hindi po ninyo ako pinapabayaan." Piping dasal niya ng maipasa niya ang kanyang test paper. Nang makaalis ang teacher sa first subject nila ay agad siyang lumipat sa may hulihan,kung nasaan talaga  ang upuan niya.Hindi na siya muling tumingin Kay Demark at dali-daling umalis sa katabi nito.Mahirap na baka may makahalata na may crush siya dito,tiyak na maraming nagagalit sa kanya.Madalas kasi ang mga babaeng lantarang sinasabi na may gusto sila Kay Demark,ang mga ito din ang nag-aaway-away.At kapag nalaman ng mga ito na may karibal sila,iyon naman ang babalingan nila.At ito ang ayaw niyang maranasan,ang kuyugin siya ng mga baliw na nagkakagusto sa lalaki.Baliw ang lihim niyang tawag sa mga ito,dahil ni Hindi nga sila pinapansin ni Demark ay kung makaasta daig pa ang asawa kung bakuran ang lalaki. "Ano ka ba naman Sisay,late ka ulit,alam mo naman na periodical exam ngayon." Sermon sa kanya ng kaibigan na si Mona. "Pinaglaba pa kasi ako ni tiya,kaya nalate ako." Sagot niya habang inaayos ang bag sa upuan. Kalapit lang niya ito sa upuan kaya Malaya silang nakakapag-usap lalo na kapag wala pa ang susunod na subject teacher nila. "Kung magkataon lang Bessy na mayaman ako aampunin talaga kita para makaalis ka na sa tiyahin mong impakta...."naiinis n a bulong nito sa kanya. " Tumigil ka nga dyan mamaya may makarinig isumbong pa tayo Kay tiya Helen,lagot ako nito."saway niya sa kaibigan. "Hmp,ewan..parang di ka pamangkin kung ituring!"ayaw paawat na sabi pa  nito." Yan tuloy di ka makakuha ng exam sa first subject. "Dagdag pa ni Mona. Ngumiti siya dito bago siya sumagot."Nakahabol ako kanina,pero muntik na di ako makapag-exam." Sabi niya. "Paano,eh kakarating mo lang ngayon,nag-exam ka habang naglalaba sa inyo..ganern...." Kunot noong sabi ng kaibigan. "Mamaya ko na lang sayo sasabihin nariyan na Mr.Capistrano." pag-iiba niya ng dumating ang teacher nila sa English. Nakaligtas siya sa pangungulit ng kaibigan ng dumating ang guro nila na ipinagpapasalamat niya.Wala pa siya sa mood magkwento dito ngayon,nakapokus kasi ang utak niya sa exam nila at dapat na makapasa siya. __ SISAY's POV "Ate,pabili po ng isang banana cue." Sabi niya sa tindera sa canteen. "Ito pong bayad ko." Sabay abot niya ng bayad. Pero ng kukunin na niya ang binili ay may biglang umagaw ng banana cue sa tindera. "Mona-" Laking Gulat niya ng makita si Demark na kinuha ang pagkain niya.Walang sabi-sabing kinagatan nito ang banana cue. "Hoy,akin yan." Sita niya sa kaklase. Ngumisi ito ng lingunin siya."Bayad mo to sa pagtulong ko sayo kanina."sabay taas sa pagkain at tuluyang umalis sa harapan niya. "Uyy,miss kung di ka bibili umalis ka na diyan,marami pang di nakakabili." At itinuro nito ang mga estudyante na nasa likuran niya. Kakamot-kamot siya sa ulo na umalis sa loob ng canteen. "Anong binili mo bee." Tanong agad sa kanya ni Mona habang hinihintay siya sa labas. Sandwich kasi ang binili ng kaibigan niya kaya magkaiba sila ng pinilahan sa loob ng canteen. "Wala,bigla ako bee nabusog eh."pagdadahilan niya dito." Bumalik na tayo sa room,magrereview ulit ako para sa susunod na subject. " "Samantalang kanina nagrereklamo ka na gutom,tapos ngayon bigla kang nabusog." Pag-uusisa nito habang naglalakad sila sa hall way. Saka na siya magkukwento sa kaibigan niya,wala kasi siya sa mood ngayon.Naiinis siya sa kumuha ng pagkain niya,wala tuloy siyang kakainin ngayong recess.Sampung piso lang ang nakalaan niya sa pangrecess niya ang iba niyang baon ay pambayad niya sa test paper mamaya.At isa pa gutom na gutom na siya dahil Hindi siya nakapag-agahan sa bahay kaninang umaga. "Bee, hati na lang tayo dito sa sandwich ko." Alok sa kanya ng kaibigan ng malapit na sila sa classroom. "Huwag na bee,busog pa ako." Tanggi niya dito. Nakita niyang nakaupo na sa sariling upuan si Demark ng pumasok silang magkaibigan.Hawak pa nito sa kamay ang stick ng banana cue at ngumunguya pa ng bahagya habang nagkakalikot sa cellphone nito. Hindi na lamang niya ito pinansin at dire-diretsong nagtungo sa may hulihan kung saan siya nakapwesto. "Bee,sigurado ka ba na ayaw mo talaga, kakainin ko na ito lahat." Narinig niyang sabi ng kaibigan na nasa tabi niya. "Oo bee,wag mo akong alalahanin busog pa ako." Kaila niya at binuksan ang sariling bag para magreview sandali. Nagtaka siya ng may makitang pagkain sa loob ng bag niya.Wala sa loob na kinuha niya ito at nag-iisip kung saan nanggaling ang sandwich.Impossible naman na ang kanyang Lola ang naglagay nito,wala silang ganitong tinapay.At wala ding tinda ng ganitong klase na sandwich sa canteen nila. "Eh,kaya naman pala bee todo tanggi ka sa inaalok ko sayong pagkain kasi meron ka naman pala." Puna ng kaibigan niya at kinuha pa sa kamay niya ang sandwich. "Wow,bee sosyal naman ng baon mo tuna tapos ano to?lettuce?" Pag-iinspeksyon nito sa pagkain. "Ha,oo gusto mong tikman." Alok niya sa kaibigan. "Sigurado ka!Salamat ha Pero konti lang ang kukunin ko."tuwang-tuwa na turan nito at binawasan ang sandwich. Ibinalik nito ang pagkain sa kanya kaya napilitan siyang kunin ito.Paano ba niya sasabihin sa kaibigan na Hindi sa kanya iyon at Hindi rin niya Alam kung saan nanggaling. " Bakit di mo pa kainin?"tanong nito habang kinakain ang hiningi sa kanya. "Ah,oo nga ito na kakainin ko na." Sabay kagat niya sa sandwich. "Saan mo nga pala binili yan?" Curious na tanong ni Mona. "Ha?ano sa..Hindi ko ito binili,ibinigay sakin ni Miles kanina ayaw kasi niya eh."palusot niya. " Himala,namigay sayo yung pinsan mo,kailan pa kayo naging close?"taas kilay na tanong ng kaibigan na parang Hindi kumbinsido. "Kanina lang este maganda lang ang mood nun kaya ganun,iginawa ni tiya Kanina ng sandwich, ayun inayawan kaya ibinigay sakin." Pagdadahilan niya. "Eh bakit pumila ka pa dun kanina sa canteen,may pagkain ka naman pala." Hirit pa ng kaibigan. "Wow,interview talaga bee,nalimutan ko kasi kaya ganun." Sagot niya dito. "Nakakapagtaka lang talaga,alam ko naman na saksakan ng sama ng ugali yang mga kamag-anak mo." Nakasimangot na sabi ni Mona. "Ano ka ba bee,mabait din naman sila minsan." Pagtatanggol niya sa pinsan. "Hmp,ewan..pero masarap bee yung sandwich." Pag-iiba ng kaibigan. "O-o nga eh,magaling talaga si tiya gumawa ng ganito." Pagsisinungaling niya dito. Naubos niya ang sandwich habang binubuklat ang notebook niya.At totoo ang sinabi ng kaibigan na masarap nga.Hindi naman talaga gumagawa ng ganito ang tiya niya,wala yung hilig sa kusina.Siya pa nga ang tagapagluto ng pagkain nila.Kaya magpahanggang ngayon palaisipan sa kanya kung saan nanggaling ang sandwich na kinain niya. "Baka may lason yun." Naisip niya bigla. Napahawak siya sa bibig dahil sa naisip.Noon lamang niya napansin na nakatingin pala sa gawi niya si Demark.Inirapan niya ito ng makita na nakangisi sa kanya at nag-iwas siya ng tingin dito. Mapera naman ito pero bakit kailangan pang kuhanin ang pagkain niya kanina.Sabagay,buti yun lang ang hiningi nitong kapalit sa pag tulong sa kanya kanina.Ang pamilya ng lalaki ay isa sa pinakamayaman dito sa Cebu pero ang alam lang niya na pag-aari ng mga ito ay ang eskwelahan na pinapasukan niya ngayon.Ang lolo nito ang nagpagawa nito para sa mga mahihirap na tulad niya.Ang ipinagtataka niya ay kung bakit nagtitiyaga dito sa public si Demark dahil kahit saang exclusive school ay kaya itong pag-aralin ng mga magulang nito. Pilit niyang inisantabi muna kung sino ang naglagay ng pagkain sa bag niya,minabuti muna niyang magreview. Loveuall;::: miss A.   ***UNEDITED****

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Paupahang Sinapupunan (R18+)

read
1.0M
bc

THE HOT BACHELORS 1: Gregory Rivas

read
57.9K
bc

Paid By The Billionaire (ZL Lounge Series 03)

read
244.6K
bc

My Nerd Wife Felicie.MATURE CONTENT. (TAGALOG ROMANCE)SPG

read
114.0K
bc

My Secret Marriage

read
129.1K
bc

Mr. Billionaire and Eve(ZL Lounge Series 02)

read
324.2K
bc

Fight for my son's right

read
152.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook