Kaunting panahon na lamang ay tuluyan nang maaabot ni Landon Harkin ang pinapangarap na posisyon bilang susunod na hari ng Norway.
Ilang taon pa ang gugulin ni Lesley bago tuluyang makaalis sa poder ng tiyahin na labis na nagpapahirap sa kanya. Ang makapagtapos siya ng pag-aaral ang magiging susi upang hindi na magpaalipin sa sariling kamag-anak.
Makamit pa kaya ni Landon ang inaasam na trono kung tulad ni Lesley ay nasira din ang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral, dahil kinailangan nilang pakitunguhan ang bawat isa hanggang umabot sa kasalang hindi nila inakalang aabot sa ganito.
Alin ang mas matimbang para kay Landon ang pansariling hangarin o ang ikabubuti ng kanyang magiging anak na ngayon ay nasa sinapupunan ni Lesley?
Desperadang kumuha ng bayarang lalaki si Cassandra sa kagustuhang magbuntis, hindi dahil gusto niyang magkaroon ng anak kung 'di makuha ang lalaking kinahuhumalingan.
Nagtagumpay ang plano niyang magdalang tao but to her surprise hindi niya ang nakuha ang gusto niya! And now she hates the baby at nagpapaalala sa kanya ang lalaking ama ng bata na
palaging nasa tabi niya kahit murahin o laitin ay nanatiling nasa kanyang tabi together with their child.
Bakit ba ganito ang buhay? Ibinibigay sa atin ang hindi natin kailangan samantalang ang bagay na pinaghirapan mo para lang makuha ay napakailap na mapunta sa 'yo.