2

2666 Words
SISAY'S POV "Bee,una na akong umuwi sayo ayan na si tatay." Paalam ng kaibigan pagkatapos ng klase nila. Sa kabilang barangay ang bahay ni Mona at mayroon silang sariling traysikel kaya doon na din ito sumasakay kasabay ng ibang pasahero. "Ingat bee."wika niya sa kaibigan. Pagkaalis ng kaibigan ay nagsimula na siyang naglakad pauwi sa bahay nila. "Sisay,bitbitin mo itong bag ko,mamaya pa ako pauwi sa bahay ikaw na lang ang mag-isip ng paraan ulit kung ano ang sasabihin mo Kay nanay kapag dumating siya at wala pa ako." Sabay hagis sa kanya ng bag ni Miles. Agad umalis sa harapan niya ang pinsan kasama ang mga kaklase nito.Hindi na bago ito sa kanya,siya ang palaging nagtatakip sa mga kalokohan ni Miles. Magkasing edad lang sila ng pinsan pero graduating na ito ngayong taon, samantalang siya ay magdidisiotso na ay nasa level nine pa rin hanggang ngayon. Ilang beses kasi siyang tumigil sa pag-aaral dahil sa kakulangan ng pinansyal, pasalamat pa rin siya kahit masungit ang tiyahin ay nakapag-aaral siya. Tulad ng kanyang tiya ay hindi rin maganda ang trato Sa kanya nito. Wala siyang nagawa kundi ang magpatuloy sa paglalakad,mabigat na ang bag niya dumagdag pa ang sa pinsan niya kaya halos magkandakuba na siya.At sa tuwing mayroong dumadaan ng mga sasakyan ay napapaubo siya dahil sa makapal na alikabok sa Hindi pa nasesementong kalsada. Nagtakip agad siya ng ilong at pumikit ng may narinig na humaharurot na sasakyan sa likuran niya.Pakiramdam niya ay puno na ng alikabok ang buong katawan niya.Ito ang nagpapahirap sa kanya sa tuwing umuuwi siya o pumapasok sa school. Muntik na siyang mabuwal mula sa kinatatayuan dahil pagmulat niya sa mga mata ay may nakatitig sa kanya na halos dumikit na sa mukha. Hinampas niya ang mukha nito ng hawak na folder ng isang kamay niya.Kanina pa siya nanggigigil dito ng kuhanin nito ang baon niya.Hindi naman niya ipagdadamot kung hiningi nito ng maayos dahil malaki ang utang na loob niya Kay Demark. "Ang lakas ng loob mong hampasin ako,Balansag!"pikon na sabi nito sa kanya. Saka niya naalala na makapangyarihan ang pamilya nito dito sa lalawigan nila.Baka ipatanggal pa siya ng lalaki sa eskwelahan na pag-aari ng pamilya nito. " Sorry."nakangiwi at nagpeace sign pa siya. Hindi na niya tinanong ang kaklase kung bakit ito nakatanghod sa kanyang mukha kanina.Tinalikuran na lamang niya ito at nagpatuloy sa paglalakad. Baka kung ano pang masabi niya ay matuluyan pa siyang mapatalsik sa school. "Wala pa akong sinasabi na pwede ka ng umuwi." Sabay hila nito sa bag niya kaya napaatras siya palapit sa lalaki. "Bitiwan mo nga ako,ano bang kailangan mo?" Tanong niya at pilit naglalakad pero di naman siya makaalis sa kinatatayuan. Hindi sumagot ang kaklase sa halip ay itinulak pa siya papasok sa kotse nito na nasa malapit sa kanila. "Tatay Romy let's go, dun sa sinabi ko sa inyo." Utos nito sa driver at agad naman nitong pinaandar ang sasakyan. Namumutla na siya habang nasa loob ng magarang kotse ni Demark,pinaghalong takot at pagkahilo ang nararamdaman niya.Hindi siya sanay sumakay sa mga ganitong sasakyan na may aircon,pakiramdam niya ay babaligtad na ang sikmura niya anumang oras.Dagdagan pa ng pag-aalala kung saan siya dadalhin ng kaklase. "Hoy Balansag,anong nangyayari sayo,namumutla ka." At tinapik siya sa balikat ni Demark. Hindi na siya makapagsalita dahil pakiramdam niya ay nasa lalamunan na niya ang isusuka.Pinaghahampas niya ang bintana ng kotse upang buksan iyon. "Tatay Romy stop the car!" Sigaw ni Demark. Nagtatakbo siya palabas ng kotse at inilabas ang kanina pa nag-uumalpas sa sikmura niya. "Balansag,bilisan mo dyan." Tawag sa kanya ng kaklase na nasa loob ng sasakyan. Muli siyang bumalik sa loob ng kotse Hindi upang muling sumakay kundi ang kunin ang mga gamit niya. "Hindi ka pwedeng umalis,sakay." Utos sa kanya nito. "Sabihin mo na ngayon pa lang kung anong sadya mo sakin at maglalakad na lang ako pauwi." Sabi niya na halos naiiyak na."Kita mo ng halos mamatay na ako sa pagkahilo sa sasakyan mo."sumbat niya. Bumaba ito ng kotse at pinatigil ang traysikel na paparating. "Siguro naman Hindi ka na mahihilo dito,bano-nsag!" Nakangising wika nito at inagaw ang dala niya. "Sakay na."tinulak siya nito at inihagis sa loob ng traysikel ang mga gamit niya. Naging sunud-sunuran siya sa lalaki at wala silang pansinan habang magkatabi na nakaupo sa loob ng traysikel. Napansin niyang tumigil ang sinasakyan nila sa tapat ng isang pizza house dito sa bayan. "Sheila,dalawa ng paborito ko ."utos nito sa crew at agad naman itong sumunod. Hindi naman nakapagtataka kung kilala na ang lalaki dito,malamang palagi itong kumakain dito.Sa tuwing pumupunta siya sa palengke kung saan may pwesto ang tiyahin,ay palagi lang siyang napapalingon dito. Napapalunok siya ng palihim ng dumating ang inorder ng kasama na umuusok pa at nanunuot sa ilong niya ang mabangong amoy nito.Sa totoo lang Hindi pa siya nakakain ng pizza,kapag bumibili ang tiya niya ay para lamang sa mga anak nito. " Kumain muna tayo,bago ko sabihin ang ipapagawa ko sayo."utos ni Demark sa kanya at Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa, kumuha agad ng isang slice ng Hawaiian Pizza.Pero hinay-hinay lamang siya sa pagkain,upang di mahalata na ngayon lang siya nakakain ng pizza. __ "Ha!kaya lang ano eh." Nabitiwan niya ang kinakain dahil sa narinig. Kaya lang ng tingnan niya ang mukha ni Demark ay parang Hindi ito tatanggp ng salitang HINDI. "May karapatan ba ako tumanggi?" Sabay buntong hininga. Ngayon pa lang naiisip na niya ang mabigat na obligasyon sa kaklase. "Good to hear that,Balansag.Ubusin mo na yan at uuwi na tayo." "Busog na ako." Kahit ang totoo Hindi pa niya nakakaubos ng isang slice,bigla siyang nawalan ng gana sa mga nalaman kaya pala siya dinala dito ng lalaki. "Ano sa palagay mo inaya ka niya dito para magdate?!" Saway ng utak niya. "Shiela,pakibalot mo itong natira namin." Dalawang slice lang ang nabawas sa pizza pero nawalan na talaga siya ng ganang kumain. " Let's go,dalhin mo ito."utos sa kanya at umuna na itong lumabas. Paglabas nila ay naroon pa din yung traysikel na sinakyan nilang kanina. "Kuya ihatid mo siya sa kanila,ito ang bayad." At Nakita niyang may inabot na ilang papel na tig-one hundred. Iba talaga kapag mayaman,samantalang isandaan lang ay sapat ng bayad sa traysikel kapag inarkila.Iniwan siya ni Demark ng di na siya muling kinausap, sumakay na ito sa kanyang sasakyan na nasa may di kalayuan,sumunod pala sa kanila ang driver nito. Saka lamang niya napansin ang hawak na dalawang box pizza ng malapit na sila sa bahay ng tiyahin. "Patay anong sasabihin ko nito Kay tiya kapag nakita ito,magtataka iyon kung saan ito nanggaling." Problemadong sabi niya. "Kuya dyan na lang po sa tabi." Bago bumaba ay inalis niya ang laman ng kanyang bag at pilit na pinagkasya doon ang isang box ng pizza dahil pinagsama na niya ito sa isang lagayan.Pagkababa ay itinapon sa may damuhan ang isang kahon at nagmamadaling naglakad pauwi sa bahay. "Bakit ngayon ka lang?" Halos mapatalon siya sa labis na pagkagulat Kay Miles na nakaupo sa sala,na nauna pang nakauwi. "Ano,may nalimutan kasi ako sa room tapos may iniutos pa sa akin yung adviser ko." Palusot niya. Ibinigay niya ang bag nito at nagtungo sa kwarto nilang ng kanyang Lola.May kanya-kanyang kwarto ang mga pinsan niya at silang dalawa ng kanyang Lola ay magkasama sa iisang tulugan. "Bakit ngayon ka lang apo?" Tanong nito ng nagmano siya. "May ginawa pa po ako sa school Lola." Pagsisinungaling niya at ngayon lamang niya ito ginawa.Natatakot siya na mapagalitan nito pero nakokonsensya naman siya. "Haist,bahala na nga sorry na lang po Lola dahil nagsinungaling ako sa iyo." "Lola,may pasalubong po ako sa inyo." Inilabas niya ang pizza sa bag. "Saan ito galing apo?" Gulat na tanong nito at sandaling itinigil ang panonood ng tv. "Wag po kayong maingay Lola,baka po marinig tayo."mahinang sabi niya." Ibinigay po sa akin ng guro ko Kanina,inutusan po kasi niya ako dahil po sa sobrang tuwa ay pumunta po kami sa bayan at ibinigay itong natira namin."pangalawang pagsisinungaling niya. "Napakabait naman pala ng guro mo apo,sabihin mo salamat ."kumuha ito ng isang slice at sinimulang kainin. "Sige po lola,magmeryenda na po kayo magbibihis lang po ako ng damit."wika niya. Sigurado siyang Hindi magkukwento ang Lola niya kahit na kanino.Maging ito kasi ay madalas na pinagdadamutan ng pagkain ng sarili nitong anak na si tiya Helen.Hindi sila kasabay kumain ng mga ito,makakakain lamang sila kung tapos na ang mag-anak.At kung among matirang pagkain ay iyon ang pagsasaluhan nilang dalawa.At kapag minalas pa ay nagtitiyaga silang toyo at langis ang inuulam.Ang palaging ipinapamukha sa kanilang maglola ng kanyang tiyahin dapat nga daw ay magpasalamat pa sa kanya dahil may natutuluyan at kinakain sila. " Lola,yung matitira po itabi nyo na lang po muna,lalabas po ako para magluto ng hapunan."Mamaya na siya kakain dahil malapit ng dumilim,masesermunan siya kapag walang pagkain sa mesa oras na dumating ang tiyahin at tiyuhin. ____ Nakahinga siya ng maluwag dahil walang ipinag-utos na kung anu-ano ang tiyahin,kaya nakapasok siya ng maaga sa school. "Himala,wala yatang topak ang tiya mo." Puna ni Mona na nakasabay niya sa pagpasok sa gate. "Oo nga eh,kaya di na ako malelate ngayon." Masayang sagot niya. "May ilang minuto pa bago mag-time,samahan mo muna ako bee sa canteen nagugutom ako." "Hindi ka ba nag-agahan sa inyo?" Alam niyang Hindi ito pinapabayaan ng nanay nito ,kaya naiinggit siya sa kaibigan. Dahil mayroon itong magulang na mapagmahal at maalalahanin. "Kaya lang konti eh." Kaya Hindi nakapagtataka na nagugutom ang kaibigan dahil mataba ito,tampulan din sila ng tukso ng mga kaklase nila na number ten,isang mataba at payatot. "Ate isang oder ng spaghetti at-" "Bee ikaw anong gusto mo ililibre kita." Baling ng kaibigan sa kanya. "Wag na bee,marami akong kinain Kanina,magrereview na lang ako habang kumakain ka." Tanggi niya,palagi siyang inililibre ng kaibigan kaya lang busog talaga siya ngayon. "Sigurado ka?" "Oo,maghahanap na ako ng mesa na pupuwestuhan natin."Nagtungo siya sa may sulok,kakaunti lang ang mga kumakain kaya nakapili siya ng lugar kung saan tahimik. Habang hinihintay ang kaibigan ay nagsimula na siyang magreview ulit.Ganito siya palagi kapag may exam,kahit nakapag-aral na siya sa bahay ay inuulit niya. "Kailangan ko ang LAHAT ng ito bukas ng umaga." Nagtaas siya ng tingin ng may nagpatong sa mesa ng dalawang plastic envelope na may lamang mga papel at kung anu-ano pa. "Anong Ibig mong sabihin?Lahat Ito gagawin ko?Hanggang bukas lang?" Nanlalaki ang mga matang tanong niya habng nakatingin sa dalawang envelope na punong-puno ng laman. Ito na nga ba ang sinasabi niya dapat hindi siya pumayag na maging tagagawa ng mga school works ni Demark, baka mapabayaan niya ang pag-aaral pero nanghihinayang siya sa ibabayad ng kaklase. "May ANGAL ka BALANSAG?"yumuko pa si Demark upang magkatapat sila ng mukha. "Sabi ko nga Hanggang bukas ng umaga." Sabay layo ng Mukha niya dito. "Good.." Nakangising wika nito habang nakalagay ang dalawang kamay sa bulsa ng suot nitong pants. Hindi na siya nagulat nang napag-alaman kay Mona, ayon dito ay nagpalipat-lipat at tumigil sa paaralan sa Maynila si Demark dahil daw sa barkada. Baka maunahan pa niya itong makaalis sa sa grade nine, mas matanda pa ito ng isang taon sa kanya. Kung titingnan niya Ito sa panlabas na anyo masasabi niyang binatang-binata na Ito kumpara sa iba nilang kaklase, kung sabagay nineteen na ang lalaki. Matangkad si Demark,mahahalata sa suot nitong uniform ang muscle, mga matang itim na itim na kung tumingin "hayy.,..sekretong kinikilig si ako pero pinipigilan ko ang sarili ko,kasi imposible na magkaroon siya ng pagtingin sakin.Yung lips niya grave mas mapula pa ata kesa sakin." "Bee,bee..hello..?" Naputol ang pag-iimagine niya Kay Demark ng Nakita ang kaibigan na nakatayo sa harap niya at ikinakaway ang Isang kamay. "Uh,diyan ka na pala bilisan mo kumain malelate na tayo."pagmamadali niya sa kaibigan. "Ano to bee?" Sabay halungkat sa laman ng Isang envelope. Huminga siya ng malalim bago nagsalita."Pinapagawa sakin ni Demark, kabayaran dun sa pagtulong niya sakin kahapon ng umaga, babayaran pa daw niya ako bilang karagdagan," "Wait,naguguluhan ako bee,anong tinulungan ka,Pwede isa-isa lang." Aniya bago nag-umpisang isubo ang pagkain. "Kahapon diba inutusan pa ako ni tiya na maglaba kaya nalate ako tapos siya ang tumulong sakin na makapasok ng di napansin ng adviser natin at binigyan nya pa ako ng test paper." Mabilisang kwento niya. "Tinulungan ka niya pero Ito ang kapalit,utusan ka!eh utusan ka na nga sa inyo Hanggang dito ba naman bee..Maawa ka naman sa sarili mo." Inis na sabi ng kaibigan. "Alam ko naman yun bee,kaya lang wala akong magawa,Kahit napapagod at nahihirapan wala akong magawa bee,para bang Hindi ako Pwede magreklamo o tumanggi." Naluluhang wika niya. "Hayaan mo bee,palagi kang kasama sa mga prayers ko araw-araw." Hinimas nito ang kanyang likod,ng yakapin siya ni Mona. "Salamat,kaibigan talaga kita." Nakangiting wika niya."Change topic na nga tayo bee,sana lang makayanan mo iyan at kung kailangan mo ng tulong ko narito lang me..,bee." "Sige na tapusin mo na ang kinakain mo,malelate na talaga tayo." Natatawang utos niya sa kaibigan. Nang matapos ang kaibigan ay Nagtungo na sila sa classroom bitbit ang dalawang plastic envelope. Sa pagmamadali niya ay Hindi niya napansin ang paa na humarang sa nilalakaran niya Kaya naman nawalan siya ng balanse at nadapa.Narinig niya ang tawanan sa paligid niya,lalo na ang pinsan nilang si Miles kasama ang barkada nito. "Ops..sorry my dear cazenn...dapat tumingin ka sa dinadaanan mo." Pang-uuyam pa nito. "Girl..nakawala siguro yung hinuhuli niya..Hahaha." Sabi ng Isang kasama ni Miles. "Bee,halika tutulungan na kitang makatayo."inalalayan siya ng kaibigan. " Napakasama mo naman Miles,bakit mo iyon ginawa?pinsan mo si Sisay diba?"galit sa siya ni Mona dito. "wag ka ng makisali taba!baka gusto mong ipalitson kita!" At lalong nagtawanan ang mga Ito. Pinilit niya ang nabitawan na envelope at inaya na ang kaibigan. "Bee,huwag na nating pansinin,tiyak na mamaya pagdating sa bahay pag-iinitan pa ako niyan Kapag pinagtanggol mo ako."bulong niya at Hindi na nilingon ang pinsan ng hilahin niya ang kaibigan. Kahit malayo na sila ay naririnig pa din nila ang tawanan ng mga Ito. _____ " Bee,sigurado ka kaya mong maglakad pauwi?"nag-aalalang tanong ng kaibigan. "Oo naman bee,maliit na sugat lang Ito." Tukoy niya sa Isang tuhod na nasugatan bunga ng pagkakadapa Kaninang umaga. "Gusto mo sabihin ko kay tatay na ihatid ka namin Kapag dumating siya."sabi pa nito habang hinihintay ang sundo. " Naku bee,nakakahiya,huwag na,kaya ko pa naman maglakad pauwi."tanggi niya pero ang totoo pinipilit lang niya na maglakad ng maayos kapag kasama ang kaibigan,ayaw nilang mag-alala pa Ito ng husto. "Sure ka?" Nagdududang tanong nito. Mabilis siyang tumango at ngumiti. "Sige,nariyan na si tatay,ingat ka bee sa pag-uwi." At marahan siyang tinapik sa balikat ng kaibigan. Kinawayan pa niya Ito Hanggang sa mawala sa paningin niya. Saka lamang siya naglakad ng paika-ika ng makaalis ang kaibigan,na kanina pa niya tinitiis ang sakit.Tumigil siya sandali sa paglalakad at bahagyang itinaas ang kanyang suot na palda upang tingnan ang sugat.Gasgas lang naman pero sa humahakbang siya ay sumasakit dahil sa mismong tuhod pa Ito nagkagasgas. Pinagpasalamat niya ng lihim Dahil wala ang pinsan niya,kung nagkataon sa kanya na naman ipadadala ang bag nito. "Bakit na naman ba?wag mong sabihin kaya mo ako sinusundan may idaragdag ka pa sa mga ipagagawa mo." Naiiritang wika niya ng makitang naglalakad itong nakasunod sa kanya. "Wag talaga siyang paloko-loko bagay ganitong paika-ika na akong maglakad kaya ko pa itong ipangsipa sa kanya." Sabi niya sa sarili. "Bitiwan mo ang kamay ko." Utos niya ng kaladkarin siya nito pabalik sa school nila.Pero di Ito nagsalita at mahigpit na hinawakan siya sa Isang kamay. "Juice colored,parang awa nyo na po nahihirapan na talaga ako lumakad." Piping dasal niya habang napipilitang maglakad,halos kaladkarin na kasi siya ni Demark sa pagmamadali. "Akala ko inspiration kita sa pag-aaral ko dahil ikaw ang secret crush ko iyon pala,dumating ka sa buhay ko para mapadagdag sa mga nagpapahirap sakin." Galit na sabi niya sa sarili at masamang tiningnan ang likod ng kaklase na patuloy sa ginagawang paghila sa kanya. Loveuall;:: miss A. ****UNEDITED**** _________ Sorry bunso now lang ako nakapag-updateour DUST PRINCESS... LOVE U BUNSO...lalong magsipag sa pag-aaral
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD