3

3019 Words
DEMARK'S POV "May nalimutan ka pa bang iutos sakin kaya mo ako hinila pabalik dito sa school." Pangungulit ni Sisay sa kanya. Itinulak niya Ito papasok sa kotse niya na nakapark sa labas ng school nila. "Tatay Romy akina ang ipinabili ko sa inyo." Sabi niya ng makapasok na din siya sa loob. "Ito sir." Sabay abot sa kanya ng isang plastic. "Huy....ano yan..bakit mo itinaas ang palda ko?" Nanlalaki ang mga matang sabi nito at Agad na ibinababa iyon. "Hindi mo ba nakikita lalagyan ko ng gamot ang sugat mo!" Paliwanag niya dito at muling itinaas ng bahagya ang palda nito. "Ako na ang maglalagay." Sabay iwas ng tuhod nito ng lalagyan niya ng agua oxinada ang sugat. "Tsk,wag kang malikot!" Inis na saway niya sa kaklase at hinawakan ang hita nito upang huwag makagalaw. "Aray naman!dahan-dahan lang naman.." Daing nito."Bakit Pati sugat ko kasi pinakikialaman mo." Kanina pa niya ito napapansin na nahihirapang lumakad at ng papasakay na siya sa sasakyan niya ay napansin niyang may tiningnan ito sa binti kaya nilapitan niya. "Kung anuman ang mangyari sayo baka lalo mong Hindi matapos ang ipinapagawa ko,kailangan ko na ang mga iyon bukas." Paliwanag niya ng Hindi ito tinitingnan sa mukha dahil abala siya sa paglilinis sa sugat nito. "Malayo iyan sa bituka at saka maliit na sugat lang naman..aray!dahan-dahan,masakit."reklamo nito. "Sugat lang pala,pero kung maka-aray ka wagas!O ayan tapos na." Sabay tulak niya sa binti nito."Iuwi mo na ito,baka wala kayo nito sa bahay ninyo."sabay hagis niya dito ng medicine kit. "Uuwi na ako,kung wala ka ng sasabihin pa." Marahan itong lumabas ng sasakyan niya. "Sumakay ka na ng traysikel!" isiniksik niya ang pera sa bulsa ng bag nito upang Hindi na makatanggi. "Kaya ko namang maglakad."paliwanag nito. " Wag ng matigas ang ulo mo Balansag,sumakay ka na at gawin mo kaagad ang utos ko sayo!tatawagan kita mamaya."at isinara na niya ang pintuan ng kotse. "Wala akong cellphone!" Narinig pa niyang sagot nito. "Umalis na tayo mang Romy." Utos niya sa driver. Bago sila tuluyang makaalis ay natanaw niya ang kaklase na sumakay ng traysikel. "Sir,nakakaawang bata naman ang kaklase mo." Puna ng driver. "Hayaan nyo siya tatay Romy,basta ang mahalaga magawa niya lahat ng ipinapagawa ko." Balewalang sagot niya dito at ipinikit ang mga mata. "May sinasabi pa ba kayo tatay Romy?" Tanong niya ng may naulinigan siyang parang binubulong nito. "Wala sir,baka guni-guni mo lang iyon." Mabilis na sagot nito. Bata pa lang siya ay family driver na nila ito,madalas magkukwento siya dito at walang inililihim.Dapat sana ay sa magulang siya nagkukwento tungkol sa nararamdaman niya pero Hindi dahil abala ang mga ito sa kanya-kanyang trabaho. ______ SISAY'S POV "Ineng wala akong isusukli sa Isang libo mo,syete pesos lang naman ang kailangan ko." At ibinalik ng traysikel drayber ang pera sa kanya. "Kuya wala po talaga eh,limampiso lang po ang barya ko sa bulsa."paliwanag niya. "Pwede na ang limampiso,kesa naman mamoroblema pa ako ng isususkli sa pera mo." Sagot nito. Dinukot niya ang barya sa bulsa niya at iniabot sa drayber. "Kuya pasensya ka na talaga."hinging paumanhin niya bago tuluyang bumaba sa traysikel. " Nakakahiya tuloy sa driver,ito na ba ang barya sa pera ni Demark, isanlibo?Pwede naman Kahit bente lang o sampung piso."bulong niya sa sarili habang naglalakad papasok sa bahay ng tiyahin. "Ate Sisay,nagtext si nanay kanina sa akin,labhan mo daw yung mga kumot nila." Bungad sa kanya ng bunsong anak ng tiyahin niya na si Marnel.Di tulad ni Miles, mabait sa kanya ang pinsan na kasalukuyang nasa grade seven. "Sige,lalabhan ko na Agad,magpapalit lang ako ng damit."dali-dali siyang nagtungo sa kwarto. "La,mano po." Lumapit siya sa matanda na nagtitiklop ng mga damit. "Kaawaan ka ng Diyos apo."tugon nito at muling ipinagpatuloy ang ginagawa. Kahit medyo nanakit pa ang tuhod ay binalewala niya dahil kailangan niyang gawin ang utos ng tiyahin at pagkatapos ay magluluto pa siya ng hapunan. KINAGABIHAN,natapos agad si Lesley na maghugas ng mga pinagkainan ay saka lang niya naalala ang ipinapagawa ng kaklase ng may biglang tumunog sa loob ng mga envelope. Nagmamadaling hinanap niya kung saan nanggagaling ang naririnig.Nagulat siya ng may nakitang iPhone na nasa gitna ng mga papel kaya Hindi mapapansin.Nakita niya ang pangalan ng lalaki ang nakaregister sa screen. "Hello?nakalimutan mo ang cellphone mo dito sa loob ng envelope."mahinang sabi niya dahil baka magising ang Lola niyang matutulog at isa pa magtataka ito kapag nakitang mayroon siyang cellphone. "Para sayo yan,para madali kitang makontak,Tapos ka na ba sa mga ipinapagawa ko?" Sabi sa kabilang linya. "Hi-hindi pa,katatapos ko lang kasi ng mga gawaing bahay." Paliwanag niya. "Its almost eleven in the evening!Hindi mo pa nauumpisahan."bahagya niyang inilayo ang cellphone sa tenga niya dahil sa pagsigaw ng lalaki sa kabilang linya. " Sisay,plantsahin mo ang uniform ko para bukas."narinig niyang tawag ni Miles sa labas ng kwarto nila. "O-oo susunod na,nagpapalit lang ako ng damit." Palusot niyang sagot sa pinsan ng di binubuksan ang pinto,tiyak na isusumbong siya ni Miles sa tiyahin oras na malamang may ginagamit siyang cellphone. "Hello, wag kang mag-alala,gagawin at tatapusin ko lahat yon,sige na may gagawin pa ako." Mahinang sabi niya at pinatay agad ang cellphone. "Tiyak na madaling araw na ako nito makakatulog..hayy...buhay..." Bulong niya habang nagpapalit ng damit na basa ng pawis. __ SISAY'S POV "Sisay ikaw muna ang tumao dito,may aasikasuhin kami ng Tiyo Gardo mo."sabi sa kanya ng tiyahin. " Opo tiya."sagot niya habang itinatali ang buhok. "Hiwain mo itong mga gulay pagkatapos ilagay mo sa plastic ng maibenta." turo nito sa mga gulay na may damage na pero pwede pa ang ibang bahagi. "Opo." maikling sagot niya. "Sisay wag na wag mong susubukang mangupit!alam ko ang magiging benta habang wala ako at isa pa bilang ko ang mga tinda ko ang mga narito." turo pa nito sa mga paninda. ''Hindi ko po magagawa iyon tiya Helen."sagot niya at totoo naman na di niya iyon kayang gawin kahit tipid siya sa baon sa school. "Mabuti,dahil malilintikan ka sa akin oras na mangupit ka!aalis na kami ang bilin ko Sisay ang mga ipinahihiwa kong gulay." ulit pa nito habang papalabas ng tindahan. "Opo." tugon ulit niya. "Ineng pabili ako ng mga narito sa listahan."iniabot sa kanya ng costumer ang isang papel at mabilis ang kilos na inihanda ang mga iyon. Marami pang costumer ang dumating kaya naman hindi na siya magkandaugaga sa pagbebenta,malakas ngayon lalo na kapag araw ng sabado at malamang na hanggang bukas ito. " Sisay,kumusta ngayon lang ulit kita nakitang nagbantay dyan sa pwesto ni Helen."bati sa kanya ng kalapit nilang si aling Cecilia na may puwesto ng mga iba't-ibang uri ng tuyong isda. "Oo nga po,hindi po ako nakapunta noong isang linggo kasi marami po akong nilabhan na maruruming damit."  ipinagpatuloy niya  ang paghihiwa ng mga gulay habang wala hindi pa ulit dumadagsa ang costumer. "Kung naging anak lang kita,hindi ko hahayaan na nasa poder ka ng tiyahin mong katulong ang turing sayo.Mabuti pa ang manilbihan ka sa ibang tao,pasasahurin ka ng tamang halaga." may halong pagkainis na sabi nito,hindi lingid kay aling Cecilia ang pagtrato sa kanya ng mga kamag-anak niya. "Salamat po sa pag-aalala aling Cecilia,pero hindi po ako papayagan ni tiya na umalis sa kanya para magtrabaho sa ibang tao at isa pa po wala ng makakasama si Lola."malungkot na pahayag niya."Napakaswerte ng mga anak ninyo dahil po nagkaroon sila ng magulang na tulad mo." nakangiti ngunit malungkot na dagdag niya. "Si nanay po kasi may bago na daw pamilya sa Davao, malabo na po siguro na kuhanin ako ni nanay dito," "Teka my baon ako ditong nilagang mais,tig-isa tayo." tumayo ito mula sa kinauupuan at iniabot sa kanya ang pagkain. "Salamat po,kanina pa nga po ako nagugutom,wala po akong nadalang pagkain para sa tanghalian." wika niya. "Bakit naman hindi ka nagdala?alam mo naman na mamayang gabi na ang uwi mo."nag-aalalang sabi nito. "Eh,kasi po wala pa pong ulam,nagsaing lang po ako bago umalis kaninang umaga baka po bibili na lang sila Miles ng lutong ulam,nalimutan din po yata ni tiya Helen na iwanan ako ng pambili ng pagkain." sagot niya habang kinakain ang mais na galing dito. "Sadyang hindi ka niya iniwanan ng pambili ng pagkain,naku talaga iyang tiyahin mo masama ang ugali.Kahit dito sa loob ng palengke maraming naiinis sa kanya at kasama na ako doon." kwento nito. Napangiti na lamang siya sa tinuran ng ginang."Sanay na po ako kay tiya Helen at nagpapasalamat din po ako dahil kinupkop niya ako.Di tilad ng nanay ko na hindi ko na alam kung nasaan na basta ang alam ko lang po pareho ma silang may kanya-kanyang pamilya ni tatay."nangingilid ang luhang kwento niya. "Kaya kung ako sayo,umalis ka na dyan sa tiyahin mo,may alam ako na naghahanap ng kasambahay.Tatlo nga ang kakilala ko na nagpapatulong sa akin,noong isang linggo ko pa nakausap." wika nito. "Tulad po ng sinabi kp kanina hindi ako papayagan ni tiya Helen."paalala niya. " Oo,dahil kapag umalis ka sa kanila at kumuha sila ng katulong ay mapipilitan na paswelduhin ng tiyahin mo ng tamang halaga."sagot nito. "Okay lang po yun basta ang mahalaga pinapag-aral niya ako."positibong sagot niya. ______ "Balansag,ibili mo kami ng meryenda ng mga barkada ko." utos sa kanya ni Demark ng lapitan siya nito sa kanyang kinauupuan. Nagtaas siya ng tingin dito,habang nasa likuran nito ang mga barjada na pawang mga kaklase din niya.Huminga siya ng malalim bago kinuha ang limandaan na iniabot nito. "Anong bibilhin ko?"saka tumayo sa upuan. " Guys anong gusto ninyo? my treat."baling nito sa mga kasama. "Softdrinks and sandwich na lang sakin." sagot ni Jake na isa sa mayayabang niyang kaklase. "Ganon na din samin."tugon nina Kenneth at Benedict ang grupo ni Demark ang siga dito sa school nila.Malakas ang loob ng mga ito dahil may mga kaya ang pamilya,perosi Demark ang pinakamayaman idagdag pang pag-aari nila itong school. " Narinig mo Balansag?"tanong nito sa kanya at marahan siyang tumayo."Good....tiglima ng sandwich at soft drinks."dagdag pa nito saka siya mabilis na lumabas ng classroom. "Nice one bro,vow na ako sayo lahat napapasunod mo dito sa campus,congrats pare!" naulingigan niyang sabi ni Jake kay Demark. "Maliit na bagay,dude."mayabang na tugon nito. Buti na lang hindi pumasok si Mona dahil may sakit ito,kung nagkataon maiinis na naman iyon kay Demark.Mag-dadalawang buwan na siyang inuutus-utusan ng kaklase at hindi niya alam kung hanggang kailan ito titigil. "Ito na ang ipinapabili ninyo." isa-isa niyang ibinigay sa magbabarkada na nakatambay sa labas ng classroom nila at nagkukwentuhan. "Kanino ko ibibigay itong sobra?" tanong niya kay Demark. "Kainin mo na lang,Mali ang ipinabili ko dapat pala para sa apat na tao lang." hindi tumitingin na sagot nito at nasa pagkain ang atensyon. "Salamat,ito yung sukli sa pera mo."iaabot na sana niya ang pera sa lalaki ng naglakad ito palayo at hindi siya pinansin. " Guys,lets go gusto kung pumunta sa kabilang building,balita ko may bagong transferee at maganda daw.Bilisan ninyo habang vacant period natin."malakas na sabi nito sa mga kasama. Napabuntong hininga na lamang siya sa mga narinig,kunsabagay nawala na ang paghanga niya sa lalaki dahil sa mga pinapagawa sa kanya, napalitan na ng pagkainis! Kung dati halos masaya na siya sa simpleng sulyap lang ng lalaki buo na ang araw niya. Naglakad siya papasok ng classroom habang tinititigan ang perang hawak.Hindi ito ang unang pagkakataon na hindi na kinukuha sa kanya ni Demark ang pera.Katunayan iniipon niya ang lahat ng pera na galing dito,minsan sasabihin bayad daw sa mga ipinagawa sa kanya.Madalas pabibilhin siya ng kung anu-ano at hindi na kinukuha ang sukli tulad ngayon. _____ "Sisay,pumarito ka ngang bata ka!" humahangos sa galit na sigaw ng tiya niya habang papalabas siya sa gate ng school nila. "Tiya Helen,bakit po?may ipag-uutos po ba kayo?"malalaki ang hakbang na lumapit siya dito at pilit pinaglalabanan ang kabang nararamdaman.Sa itsura pa lamang nito ay mukhang galit ang tiyahin,dahil hindi nito ugali ang puntahan siya sa eskwelahan. " Kabilin-bilinan ko sayo wag  kang mangungupit!matapos kitang palamunin,patirahin sa pamamahay ko,nagawa mo pa akong pagnakawan."at hinila nito ang buhok niya,kinaladkad siya ng tiyahin pasakay ng traysikel na sinakyan nito kanina. "Aray ko po tiya Helen,nasasaktan po ako,yung buhok ko po.Wala po akong ninakaw at lalong hindi ko po magagawa sa inyo ang bagay na iyon."umiiyak na paliwanag niya sa tiyahin habang hawak pa rin siya ng mahigpit sa buhok.Pakiramdam niya matatanggal ang lahat ng buhok niya sa ulo,pero ang pinakamasakit ay masabihan ng magnanakaw. Batid niyang pinagtitinginan na sila ng mga estudyante,dinig niya ang sinasabi ng iba na hindi maganda dahil sa pagbibintang sa kanya ng tiyahin. "Nay,O nagsisinungaling pa!" sabat ni Miles na kasama pala ng tiyahin. "Anong ibig sabihin ng perang ito na nakuha ni Miles sa pinaglalagyan ng mga damit mo?"isinampal sa mukha niya ang wallet na kanyang pinaglagyan."Paano ka magkakapag-ipon ng ganitong halaga?sampung piso lang ang baon na ibinibigay ko sayo at dinadagdagan ko ng sampu kapag may exam kayo!" "Tiya Helen hindi ko po ninakaw ang pera na iyan." umiiyak na paliwanag niya habang hawak pa rin siya ng tiyahin sa buhok sa loob ng traysikel. "Gorio,paandarin mo na ang traysikel ihatid mo kami sa bahay namin."utos nito sa drayber. "Lalo kang malilintikan sa akin kapag di ka umaming bata ka." gigil na sabi nito at lalong hinigpitan ang pagsabunot sa kanya. "Tiya nasasaktan po ako hindi ko po magagawang magnakaw sa inyo." hilam sa luha ang mga mata niya. "Naku nay,saan naman kukuha iyang si Sisay ng pera!tinalo pa ako samantalang isandaan ang baon ko araw-araw!pero hindi ako nakakaipon." sabat ni Miles. "Kahit siguro pukpukin ko ang mga kamay mo hindi ka aamin!halika doon tayo sa bahay magtutuos!"banta nito sa kanya na lalo niyang ikinatakot."Miles bayaran mo si Gorio." Hawak siya sa buhok papasok sa loob ng bahay nila,saka lamang nito binitawan ng nasa sala na sila. "Ngayon Sisay,hindi ka pa rin ba aamin?O gusto mong martilyuhin ko ang mga kamay mo!" sumisigaw na tungayaw nito. "Tiya wala po akong aaminin maniwala po kayo sa akin." pakiusap niya habang magkadaop ang mga palad at nagmakaawa sa tiyahin. "Miles kuhanin mo ang martilyo!madali ka."utos nito sa anak.. " Opo nay."bakas sa boses nito ang excitement ng magtungo sa pinagtataguan ng mga tools. "Tiya parang awa na po ninyo hindi po ako nagnakaw,inipon ko po ang perang iyon galing sa ibinayad ng kaklase ko, sa tuwing nagpapagawa ng mga project namin."ngayon pa lamang ay nanginginig na siya sa takot hindi pa man siya pinupukpok sa kamay. "Naglulubid ka pa ng kwento ngayon!Miles ano ba,bilisan mo." inip na tawag nito sa anak. "Nay ito na."nagmamadaling inabot nito ang martilyo. " Helen anak,diyos ko anong gagawin mo sa apo ko?wag mong itutuloy iyan,maawa ka sa bata."pakiusap ng Lola niya na dumating galing sa kusina. "Nay,wag kayong makialam dito,didisiplinahin ko itong magaling mong apo!" saway nito sa magulang."Pinatira kita sa pamamahay ko!pinalamon!pinag-aaral!tapos ngayon ano?napakabata mo pa lang hudas ka na!"habang pinagmamasadan niya ang tiyahin ay animo halimaw na ang tingin niya dito.''Kamay."utos nito. "Tiya,parang awa na po ninyo hindi ko po ninakaw iyon."pakiusap niya habang patuloy na umiiyak. "KAMAYYY..."malakas na sabi nito ngunit patuloy siyang nakikiusap." Miles hawakan mo ang braso ni Sisay,hindi ito magtatanda kapag pinalampas ko ang kalokohan ng pinsan mo."agad namang hinawakan ng pinsan ang dalawang braso niya saka ipinatong sa sahig. "Tiya,maawa po kayo sa akin,parang awa na po ninyo."walang tigil na pakiusap niya habang umiiyak ng malakas. Ngunit parang wala itong narinig,hinawakan din ng isang kamay nito ang braso niya." Ayusin mo Miles ang paghawak!Ikaw naman Sisay subukan mong magpumiglas kung gusto mong sa ulo kita pukpukin!"pagbabanta nito at alam niyang gagawin iyon ng tiyahin. Ipinikit na lamang niya ng mariin ang mga mata at sa unang paglapat ng martilyo sa palad ay hindi niya mapigilan ang sumigaw ng malakas.Paulit-ulit na pinupukpok ng martilyo ng tiyahin ang kamay niya habang mahigpit na hinahawakan ni Miles ang braso niya.Halos mawalan siya ng ulirat dahil sa sobrang sakit na dulot nito.Tanging iyak at sigaw niya ang maririnig sa buong kabahayan ng tiyahin. "Helen tama na,maawa ka sa pamangkin mo." umiiyak na ring pakiusap ng Lola niya,ngunit hindi nito magawang awatin ang tiyahin dahil takot din ito sa anak. "Kaya uli-uli wag mo akong hinuhudas na bata ka." tungayaw nito habang walang habas sa pagpukpok sa kamay niya."Hindi lang ito ang matitikman mo oras na inulit mo pa ang pagnakawan ako Sisay,ipapadampot na kita sa mga pulis at mabubulok ka sa bilangguan!"namumula ang mukha nito sa galit at humahangos ng magpasyang tigilan ang ginagawa sa kanya. "Nakaw pa more..Sisay."sarkastikong sabi ni Miles ng bitawan ang mga braso niya. Patuloy siyang umiiyak pero pakiramdam niya ay wala ng luha ang lumalabas sa kanyang mga mata. "Apo patawarin mo ako,wala akong kakayahan upang patigilin ang tiya mo,matanda na ako." awang-awa na nilapitan siya ng kanyang Lola at hinaplos ang dalawang kamay niya na nagsisimula ng mamaga at namumula.Nakasisiguro siyang bukas paggising niya ay kulay ube na ito. "Miles ibigay mo sa akin yung ninakaw ni Sisay,kaya pala palaging sipag na sipag sa pagbabantay sa gulayan dahil ninanakawan na ako.Siguro matagal na itong ginagawa ng pinsan mo." wika nito habang binibilang ang laman ng pitaka niya. "Grabe nay,six thousand!tapos may mga barya pa." narinig niyang bulalas ni Miles. "Halika na apo sa kwarto,lalagyan ko ng yelo ang mga kamay mo para mabawasan ang pamamaga."inalalayan siya ng matanda upang makatayo" Alam kong hindi mo magagawa ang ibinibintang nila sayo,apo."mahinang sabi nito habang naglalakad sila patungo sa kwarto. Naging sunod-sunuran siya sa kanyang Lola at walang imik.Ilang taon na siyang nagtitiis sa p*******t ng tiyahin hindi lamang sa pisikal kundi maging sa emosyonal.Minsan naisip na niyang magpakamatay upang matapos na ang kanyang paghihirap kahit alam niyang kasalanan iyon sa Diyos. "La,nahihirapan na po ako,hindi ko na po kaya ang mga ginagawa sa akin ni Tiya Helen.Gusto ko na pong mamatay,sana pinatay na lamang niya ako,para natapos na lahat ng paghihirap ng kalooban ko." mahinang pagtangis niya habang idinadampi ng Lola niya ang yelo na nakabalot sa tela. "Ano ka ba namang bata ka,tumigil ka nga dyan!" saway nito pero patuloy ang pagpatak ng luha sa pisngi. "Ayoko na po,pagod na pagod na po ako Lola,gusto ko ng mamatay..nahihirapan na po ako,kung hindi sana naghiwalay sina nanay at tatay hindi ko mararanasan ang lahat ng ito."patuloy niya at pinagmamasdan ang mga kamay na habang tumatagal ay lalong kumikirot sa sakit,pakiramdam niya ay mayroong nadurog na buto sa kamay, ni hindi niya magawang igalaw ang mga daliri bunga ng matinding pagpukpok ng martilyo. "Apo ko,wag kang mag-isip ng ganyan,halika nga rito."lumapit siya ng husto sa kinauupuan nito at niyakap siya ng mahigpit."Huwag mong kalilimutan apo na mahal ka ng Diyos,hindi ka niya pababayaan." "La,pero bakit,bakit po niya ako hinahayaang magdusa ng ganito,kung talagang mahal ako ng Diyos?Hindi ko po maiwasang magduda sa kakayahan Niya." nawawalan ng pag-asa na patuloy niya. "Sisay apo,magtiwala ka sa Kanya,darating ang panahon na malalampasan mo ang lahat ng ito,magtiwala ka lamang sa Diyos apo."marahang hinahaplos ng Lola niya ang kanyang likod at tulad niya ay patuloy din ito sa pag-iyak. Loveuall;::Miss A. ***UNEDITED***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD