SISAY's POV
Nasa may gate pa lamang siya ng campus nila ay naririnig niya ang usapan ng mga kapwa estudyante tungkol sa kanya.
"Siya ba yun?!mukhang maamo ang mukha pero malikot pala ang kamay."
"Oo siya nga,pinsan daw yan ni Miles yung campus crush at player ng bad minton."
"Grabe siya ha..kadugo na pinagnakawan pa!baka may sakit,ano ngang tawag dun"
"Kleptomaniac ata ang tawag sa ganun girl,lahat ng magustuhan kinukuha,kaya dapat mag-ingat ang lahat sa kanya dito sa campus."
Tila sinasadyang iparinig ng mga ito sa kanya dahil habang naglalakad ang mga ito sa likuran ay walang tigil sa pagpaparinig ang tatlong babae at hindi na siya nag-interes na lingunin ang mga ito.Lalo lamang siyang masasaktan,pinabayaan na lamang niya kung ano ang isipin ng mga tao sa paligid niya.Wala na siyang magagawa kung masama ang tingin sa kanya.Minabuti na lamang niyang bilisan sa paglalakad upang makaiwas sa mga parinig ng naglalakad na nasa kanyang likuran.
"Aray..muntik na akong madapa."malakas na reklamo ng babaeng kasunod niya.
Nakita niya ang nagmamadaling si Demark at nilampasan siya.Malamang hindi siya napansin ng kaklase dahil dirediretso ito at mukhang nagmamadali.Mabuti na rin iyon,dahil baka may iuutos na naman sa kanya ang lalaki.
"Ang lawak naman ng daan,pero dito pa talaga sa gitna natin dumaan!muntik na din akong matumba." reklamo pa ng isang babae.
"Tss,hindi pa kayo masanay dun eh naghahari-harian si Demark dito kasama ng mga alipores niya.Sorry na lang tayo guys,alam naman natin na ang pamilya nila ang may-ari nitong school kaya mayabang.Pero maswerte pa rin tayo,alam ninyo kung bakit?''parang kinikilig na sabi ng isang babae.
" Bakit?tayo na ang muntik masubasob sa semento,maswerte pa ba yun?''
"Okay lang at least nadikitan ko siya.....ang bango-bango uhhmm..parang naamoy ko pa ang pabango ni Demark dito sa manggas ng suot kong blouse."parang nakikita niya na inaamoy pa ng kapwa estudyante ang damit nito.
"Ayiiieeee....oo nga pala..sakin dumikit yung balikat niya dito sa likod ko,grabe.. Ramdam ko ang matigas niyang muscle..girl.."
"Shh..tumigil kayo,maraming nakakarinig."
"Huh!pabayaan mo silang mamatay sa inggit!sa dami kasing nagkakandarapa kay Demark,di sila makaporma kasi ba naman napakasuplado."
Napapailing siyang lumiko patungo sa classroom nila habang pinapakinggan kanina ang usapan ng mga babae.Hindi niya alam kung anong level ng mga ito,basta ang alam lang niya ay wala nang maingay na nakasunod sa kanya.
"Bee,kanina pa kita tinatanong."nakasimangot na mukha ni Mona ang nakita niya,nakatayo ito sa may pintuan ng classroom nila na para bang may hinihintay.
"Mabuti naman at magaling ka na.Ano nga ulit iyong tinatanong mo sa akin,hindi ko naintindihan." sagot niya sa kaibigan.
"Ang sabi ko,bakit nakasuot ka ng long sleeve?hindi ka ba naiinitan?at saka bakit hindi mo man lang itupi yang manggas masyadong mahaba para sayo!kay Lola yata yan eh."puna nito sa suot niya."Ako na ang mag-aayos ng suot mo,paano ka makakapagsulat mamaya ng maayos kung ganyang nakatago ang mga kamay mo."
"Wa-wag na okay lang ito,mas gusto ko ang ganitong porma ngayon." sabay iwas ng kanyang kamay sa kaibigan."Halika na sa loob nakaharang tayo dito sa may pintuan."wika niya at nauna ng pumasok sa classroom.
"Alam kong may itinatago ka."at walang sabi-sabing kinuha ng kaibigan ang isa niyang kamay ng nakaupo na sila sa kanya-kanyang upuan."Sinasabi ko nga ba eh,kilala kita Bee sa tatlong taon na nating magkaibigan alam ko kapag nagsisinungaling ka.Siguradong ang bruha mo na namang tiyahin ang may kagagawan nito." galit na pahayag ng kaibigan habang pinagmamasdan ang isang kamay niya."Tao pa ba ang turing nila sayo!yung aso nga namin ni hindi ko magawang sipain dahil nakakaawa.Samantalang ikaw na kamag-anak niya nagawa sayo ito,buong kamay mo nagkulay ube na."habang mataman nitong iniinspeksyon."Patingin pa ako ng isa mo pang kamay."pinabayaan niyang kuhanin ni Mona ang isa pa niyang kamay."Sumosobra na sila Bee sa totoo lang,namamaga ang dalawa mong kamay tapos kulay violet, na parang nangingitim,anong ginawa nila dito?''nababanaag niya ang pangingilid ng mga luha ng kaibigan sa mga mata.
"Pi-pinukpok ni tiya Helen ng mar-tilyo,pinagbintangan niya akong nagnakaw ng pera." parang may nakabara sa lalamunan niya ng sagutin ang kaibigan at isisnalaysay ang mga nangyari.
Nakayuko pa rin si Mona habang hinahaplos ang mga kamay niya."Bee,kung hindi sila naaawa sayo,maawa ka naman sa sarili mo,hindi ka dapat pumapayag na gawin nila ito sayo."naramdaman niya ang mainit na likido sa kamay niya na nagmula sa mga mata ng kaibigan.
"Bee,wala akong magawa,wala akong maisip na ibang paraan,wala akong lakas ng loob na lumaban at lalong wala akong kakayahan na ipagtanggol ang sarili ko kahit alam kong wala akong kasalanan." lumuluha na ding pahayag niya sa kaibigan.
Nagtaas ito ng tingin sa kanya."Bee,iniimagine ko pa lang na nakikita kita habang pinupupok ka ng martilyo,nasasaktan na ako.Ano pa kaya na ikaw mismo ang nakaranas na pukpukin."patuloy ito sa pag-iyak at niyakap siya ng mahigpit."Bee naman,matalino ka at sigurado ako na may maiiisip kang paraan para hindi ka nila saktan ng ganito."
"Hindi ko alam bee,hindi ko alam ang dapat kung gawin.Hindi nga ako nakatulog kagabi dahil kumikirot,pinilit ko lang pumasok ngayon,sayang ang grade na makukuha ko sa quiz mamaya." umiiyak ding sagot niya.
Ipinagpasalamat niya na abala ang mga kaklase nila sa kung anu-anong bagay at walang nakakapansin sa kanilang magkaibigan.
"Balansag ipinapatawag ka ni Demark,may ipapagawa daw siya sayo ngayon din." untag sa kanila ni Jake na nasa kanilang likuran,dahilan upang maghiwalay silang magkaibigan.
Mabilis siyang nagpunas ng mga luha bago hinarap ang kaklase niya."Nasaan siya at saka bakit daw?magsisimula na ang klase natin."
"Hindi ko alam sa kanya,mainit ang ulo at isa pa napag-utusan lang ako,puntahan mo daw siya sa dating computer room,alam mo naman siguro kung saan iyon.''kibit balikat nito sabay tumalikod palabas ng classroom.
"Isa pa yang Demark na iyan!dagdag pahirap sa buhay mo."hindi maitago ang pagkainis ng kaibigan niya sa kanilang kaklase.
"Pu-puntahan ko muna Bee,dito ka lang baka pag-initan ako mahirap na." saka nagmamadaling tumayo upang puntahan si Demark.
"Bee wag ka ng pumunta doon,pabayaan mo siya." narinig niyang sigaw ng kaibigan pero hindi na niya ito nilingon at nagpatuloy sa paglabas ng classroom.
DEMARK's POV
"Why you took so long Balansag?"iritableng tanong niya sa kaklase.
"Sabihin mo na kung anong ipapagawa mo sakin,malapit ma mag-simula ang klase natin."nagmamadaling sabi nito sa kanya na lalo niyang ikinainis.
"Clean this place now." maawtoridad niyang utos.
Napansin niya ang pag-aalinlangan sa mukha ni Balansag.
"I don't take a no for an answer,kailangan pagbalik ko malinis na ang buong pad ko." tumayo na siya at lumabas sa dating computer room na ngayon ay kanyang kwarto.
Hiniling niya ito sa kanyang lolo,madalas ay dito siya nagpapalipas ng oras kapag walang klase o di kaya naman ay dito siya natutulog lalo na kapag nag out of town or country ang kanyang mga magulang.Ligtas naman ang eskwelahan dahil may nakaduty na security kapag gabi,kaya hindi siya natatakot na mag stay doon.
Wala siyang pakialam kung hindi makapasok ang kaklase sa first subject nila,sa tantiya niya ay aabutin ito ng tanghali bago matapos sa paglilinis.
"Hi Demark."nakita na naman niya si Miles kasama ng mga kaibigan nito.
Hindi niya ito pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.Sanay na siya sa mga babaeng bumabati sa kanya at isa na ito.
"Ouch..di ka na naman niya pinansin girl." naulinigan niyang sabi ng kasama nito.
"Shut up!"napipikon na saway nito." Hey,Demark gusto mong kumain tayo ng sabay mamayang lunch doon sa canteen?"habol nito sa kanya.
"No thanks." napilitan siyang sagutin ang pangungulit ng babae na madalas nitong ginagawa mahigit isang buwan na.Madalas itong nasa tapat ng room nila at inaanabangan ang paglabas niya para lang batiin siya ng hi o hello.
"Wait lang Demark,wag mo naman akong pinapahiya palagi,kahit ngayon lang pagbigyan mo ako." hirit pa rin ni Miles na nakasunod sa kanya.
"I'm busy." maikling sagot niya at lalo pang binilisan ang paglalakad.
"Miles kung ako sayo tigilan mo na ang paghabol-habol dyan sa Demark na yan." saway ng kaibigan nito na ikinagalit ni Miles.
"Tse!ikaw ang tumigil dyan! Kung wala kang magandang sasabihin!bumalik na tayo sa room." nakahinga siya ng maluwag ng marinig ang sinabi ni Miles.
________
SISAY's POV
Wala siyang nagawa kundi ang sundin ang ipinag-utos ni Demark.Kahit masakit ang kanyang mga kamay ay pinilit niyang linisin ang kwarto ng kaklase.
"Ibang klase talaga kapag mayaman,lahat ng naisin nakukuha nila.Tulad na lang nitong si Demark kailangan pa ng kwarto dito sa school!" bulong niya habang pinupulot ang nagkalat na pinagkainan ng mga tsitsirya at kung anu-ano pa dito sa sala.
Kapag pinagmamasdan niya ang lugar ay malayo ito sa dating itsura na maraming computer.Para itong maliit na bahay o mas tamang ikumpara niya sa condo na napapanood sa tv.Halatang mamahalin ang mga kagamitan na naroon,mayroon itong sala set,mini kitchen at isang kwarto.Kulay blue at white ang karaniwang kulay ng buong lugar magmula sa puting dingding at kisame.Ang mga kagamitan ay kalimitang kulay asul,na sa unang tingin pa lamang ay malalaman mong lalaki ang nagmamay-ari ng lugar.
Tanghali na pero hindi pa rin siya tapos maglinis dito sa kusina,tapos na niyang linisin ang sala at kwarto pati na rin ang banyo.Kung hindi lang masakit ang kamay niya ay kanina pa siyang tapos sa ginagawa.Ilang beses siyang umiyak kapag di sinasadyang nasasagi ang mga kamay.Habang tumatagal lalong tumitindi ang pagkirot,pakiramdam niya ay lalagnatin siya sa tindi ng sakit.
"Liesly pinapabigay ni Demark." napalingon siya ng may biglang nagsalita sa kanyang likuran.
"Ano to?" nagtatakang tanong niya at tiningnan ang laman ng plastic."Salamat Jake dito sa pagkain."sabi niya ng makita ang isang styrofoam na may lamang pagkain.
"Kumain ka na,sige aalis na ako." tumatangong sabi nito saka siya iniwan.
Saka lamang siya nakaramdam ng gutom ng nakita ang pagkain kaya agad niyang nilantakan iyon.
"Bilisan mong kumain may pupuntahan tayo!" nagtaas siya ng tingin ng marinig ang isang pamilyar na boses.
Hindi lang siya makapagreklamo na hindi niya kayang magmadali sa pagkain dahil masakit ang kamay at wala din itong pakialam basta ang mahalaga sa kaklase ay masunod ang inuutos nito.
"Saan ba tayo pupunta?" tanong niya habang nakasunod sa hulihan ni Demark.
Pero hindi ito umimik sa halip ay lalong binilisan ang paglalakad.Mukha na talaga siyang alalay ng kaklase at sumusunod sa bawat sabihin nito.
"What are you waiting for?" kunot ang noong untag sa kanya ng kaklase na nauna ng sumakay sa sasakyan nito.
Bantulot siyang sumakay sa kotse habang pinagtitinginan ng ibang mga estudyante,karamihan ay masama ang tingin sa kanya.
"Don't mind them!" asik nito sa kanya."tatay Romy pakibilisan na lang ang pagdadrive."
Umayos na lamang siya ng upo at nanatiling walang imik habang nakatingin sa labas ng bintana. Pigil ang sariling huwag sumuka kahiunti-unti na namang hinahalukay ang bituka niya.
"Baka naman sumuka ka pa!pinabuksan ko na ang mga bintana,wala tuloy aircon." narinig pa niya ang pagkainis sa boses nito sa huling sinabi.
"Bilisan mong maglakad Balansag!" nakita niya ang nakasimangot nitong mukha ng lingunin siya.
"Napakabilis mo po kaya maglakad at isa pa anong ginagawa natin dito sa ospital?"di nakatiis na sabi niya.
" Tss,sumunod ka na lang bilisan mo."utos nito at muling nagpatuloy sa paglalakad patungo sa isang pintuan,wala siyang nagawa kundi ang sumunod sa lalaki.
"Uncle Robert ikaw na po ang bahala sa kanya may pupuntahan lang ako sandali."hindi man lang siya tinapunan ng tingin at basta na lamang ito lumabas.
"Please sit down hija,my nephew called me earlier and he told me a detail about your hands." pahayag nito na labis niyang ikinagulat,hindi niya akalain na alam ni Demark ang tungkol sa kanyang kamay.
"Pero kahit alam niya pinaglinis pa din ako,Baka nakonsensya lang kaya ako ipinagamot." sabi niya sa sarili."Paano kaya niya nalaman?"
"Salamat po." walang siyang ibang maisip na iasagot.
Ininspeksyon ng doctor ang mga kamay niya."Kailangang sumailalim sa x-ray ng mga kamay mo para malaman natin kung may nadamage na buto."narinig niyang pahayag nito.
Sinamahan siya ng doctor na tinawag na uncle ni Demark sa laboratory room,mukha naman itong mabait kaya maski papaano ay nakapalagayang loob niya ito kumpara sa pamangkin nito na ubod ng pagkabossy.
"Hija bumalik ka dito next week para sa follow up check up mo at wag mong kakalimutan ang mga gamot na nireseta ko para sayo." nakangiting bilin ng doctor.
"Opo doc at maraming salamat din po." sagot niya."Sige po tutuloy na po ako."
"Sige mag-iingat ka,I'll make a call with my nephew,hindi na siya bumalik." naiiling na wika nito.
"Okay lang po alam ko naman po ang daan palabas ng ospital,sige po aalis na ako salamat po ulit." nakangiting paalam niya.
"Okay,pagpasensyahan mo na ang pamangkin pero mabait si Demark.''hindi na siya sumagot at nakangiting tumango dito.
"Akina yang reseta." sabay hablot sa papel niyang hawak ng makasakay siya sa sasakyan."Tatay Romy dumaan tayo sandali sa pharmacy."utos nito sa driver bago nila nilisan ang lugar na iyon.
Hapon na ng bumalik sila sa school at eksaktong uwian na ng mga kapwa niya estudyante."Sayang hindi na ako nakapagklase buong maghapon."bulong niya habang bumababa ng kotse ni Demark.Kung pinagtitinginan siya ng ilang estudyante kanina bago sila umalis ay lalong dumami ang mga mapanuring mata na nakatingin sa bawat kilos niya.
"Here's your medicine!"nagulat siya ng ibato sa kanya ni Demark ang isang maliit na plastic na may lamang gamot na binili nito kanina sa nadaanan nilang botika."Tatay Romy let's go home." narinig niyang utos nito sa driver bago isinara ang pintuan ng kotse.
"Nakita mo nay ang magaling mong pamangkin!sa halip na pumasok sa school ay nakikipaglandian!" napalingon siya sa pinanggalingan ng nagsalita.
"Manang-mana ka sa ina mong malandi!" sabay hila sa kanyang buhok ng tiyahin.
Loveuall:miss A.
Thanks for reading
Please vote and share
***UNEDITED***