Prologue
"Psychopath!"
"Baliw!"
"Sira ata tuktok nito eh"
"Abnormal yan! Nananakit ng babae!"
"Sayang gwapo pa naman sana yun na nga lang may sakit ata sa pag iisip!"
Iilan lang yan sa naririnig ko sa tuwing papasok ako sa University.
Jack Miguel Hemsworth
Gwapo. Matangkad. But he is weird. Sabi nila isa raw syang psychopath.
A person who is mentally ill, who does not care about other people, and who usually dangerous and violent.
Wala syang pakealam sa ibang tao, pag pumapasok sya kung di sya magsusuot ng earphone for sure mapapaaway sya dahil sa mga binabato nilang salita sakanya.
Lagi kong nababalitaan na dinadala sa hospital ang mga nakakaaway nya.
I dont know kung bakit ganyan sya I just woke up one day sya na ang lagi kong nakikita pagpasok ko sa university.
I always wanted to be his friend, Im not afraid. Di ako natatakot sakanya dahil alam ko mabait syang tao. Napapansin ko kasi na mailap lahat ng tao sakanya dahil siguro takot ito sakanya.
Its my last year in college but I decide to transfer because of some reason.
At dito nga ako napadpad sa university na puno ng estudyanteng Rich Kid.
I feel like Im not welcome here because Im poor.
"Audrey!"
Napalingon ako dahil sa pagtawag ni Kendra sa pangalan ko.
May one and only friend sa university na to. Tulad ng iba mayaman din sya, pero iba sya sa lahat dahil mabait sya.
"Lets go! JM is in trouble again!" Medyo nagpapanic na sambit nya.
Tulad ko, gusto din maging kaibigan ni Kendra si JM (Jack Miguel)
"Huh?!" Gulat na sagot ko
Di na nya nagawang sumagot hinatak nya ako patayo at dinala kung saan nakiki pag away si Jack.
Maraming nagkukumpulang tao sa Soccer Field.
"Excuse me" sabi ko habang patuloy sa paghatak saakin si Kendra.
"My ghad!" Buladas ni Kendra ng makita nya ang kaaway ni Jack na puno ng dugo sa mukha. Maging ako man nabigla sa aking nakita.
Napatakip nalang ako ng bibig dahil wala akong masabi.
"Kawawa naman sya"
"Oo nga! Wala talagang puso ang lalaking yan!" Rinig kong bulong bulungan ng iba.
Isang tadyak pa sa mukha ng lalaking duguan ang ginawa ni Jack.
"Please stop! Im begging you" pagmamakaawa ng lalaki.
Naghiyawan ang ibang tao ang iba naman ay tulad kong awang awa sa lalaki.
Wala ni isa ang gustong pumagitna sa away nila marahil ay sa takot.
Inalis ko ang pagkakahawak ni Kendra sa kamay ko.
"Where are you going?!" Tila alam na nya ang aking gagawin.
Naglakad ako papunta sa gitna kung saan naroroon si Jack at ang nanghihina na lalaki.
"Baliw ba sya! Bakit nilapitan pa nya si JM!"
"Omygosh! Isang Psychopath din ata yan!"
"What the hell"
Buladas ang ibang tao pagkalapit ko kay Jack na blanko ang expression habang naka tingin saakin.
Nilakas ko ang loob ko kahit konting konti nalang ay mabubuwal na ako dahil sa panginginig ng aking tuhod.
"Stop please" Nanginginig ang labi ko habang pinakikiusapan ko si Jack.
Di ko sya hinintay sumagot lumuhod ako at tinulungan ko ang lalaking puno ng dugo sa mukha.
"Okay ka lang ba?" Nag aalalang tanong ko.
Tinulungan ko syang tumayo.
"S-a-la--ma-t" nahihirapang sagot nito.
Nabigla ako ng hatakin ako ni Jack at kinaladkad palayo sa mga nag kukumpulang tao.
Dahil sa bigla di ko na nagawang magsalita pa. Hinayaan ko lang syang hatakin ako.
Napadpad kami sa parking lot ng university. Binitawan nya ang kamay ko, isinandal nya ako sa sasakyan na nasa likuran ko.
Sobrang dilim ng mukha nya, doon na ako binundol ng kaba sa dibdib.
Ngayon ko lang sya nalapitan ng ganito kalapit.
"Dont help those Idiots again" mahinahon ngunit madiin nyang saad.
"Mali ang ginagawa mo kailan man hindi naging tama ang saktan mo ang kapwa mo Jack!" depensa ko.
Naningkit lalo ang maliit nyang mata. "What did you just call me?" Di maka paniwalang tanong nya saakin.
Jack. Nakalimutan ko na ayaw nya palang tawagin syang ganon. JM yun ang tawag nang lahat sakanya.
Nilakasan ko ang loob ko, humakbang ako papalapit sakanya.
"Jack" ulit kopa
"You're not allowed to call me by my first name I dont even know you"
Ngumiti ako ng matamis sakanya. "I am Eingrid Audrey Lopez" I extend my hand to him.
Dinaanan nya lang ng tingin ang aking kamay.
"I know you" balewalang sagot nito.
"Akala ko ba di mo ako kilala?" Nalilitong tanong ko sakanya.
Inirapan lang ako nito.
Dahil makulit ako hinatak ko ang kamay nya at hinawakan.
"Nice to meet you Jack Miguel" Hinawakan ko iyon ng mahigpit.
Nabigla ako sa susunod nyang ginawa.
Niyakap nya ako ..
Oo niyakap ako ni Jack Miguel Hemsworth. Ang lalaking kinatatakutan ng lahat.
"Nice to meet you Eingrid" bulong nya sa tenga ko.
Ilang segundo din kaming magkayakap ng napag desisyonan kong alisin ang yakap nya.
"Ah-h" nahihiyang tugon ko. Batid ko ang pamumula ang pisngi ko.
"You"re blusing baby" pang aasar nito saakin.
Lalong namula ang pisngi ko dahil sa pagtawag nya saakin ng baby.
May ganitong side pala si Jack
"You have a blood stain" puna nya sa dugo na nasa damit ko. Marahil kaya nabigyan ako nito dahil sa pagtulong ko sa lalaki kanina.
"Okay lang maalis naman to. Pero yung sakit na ibinigay mo dun sa lalaki kanina matagal bago maghilom lahat ng iyon. Di ko alam kung saan mo pinang huhugutan lahat ng ginagawa mo. Pero please lang tumigil kana di kaba nasasaktan kapag sinasabi nilang Psychopath ka?"
Sumeryoso ang mukha nito.
"I dont care what people think about me. Yeah. They are right I am a psychopath. I am sick."
I was caught off guard to what he said. So its true? Di ko alam kung paano ako mag rereact.
"Hindi totoo yan" pagtangi ko pa
Nagkibit balikat ito "So hanggat hindi pa ako ulit sinusumpong ng sakit ko. Get out" malamig na tugon nito.
Tinalikuran nya ako at naglakad papunta sa sasakyan nya.
"Jack! Where are you going?" Sigaw ko dahil papasok na ito sa sasakyan nya.
"Somewhere far away from you" tila may lamang sambit nya bago nya paharurot ang sasakyan nya.
Naiwan akong tulala sa parking lot. Parang kanina niyakap nya palang ako ngayon iniwan nya akong mag isa.
Di ko sya maintindihan pero bakit parang gusto ko pa syang makilala?
"My ghad! Audrey!" Salubong sakin ni Kendra pagkakita namin.
"Are you okey?!" Nag aalalang tanong nito saakin.
Ngumiti ako ng tipid "Okay lang ako ano ba. Di naman nya ako sinaktan" pagtatangol ko kay Jack.
"My ghad! Change your clothes!" Maarteng tugon nito bago ako itulak sa Locker room namin.
Natatawa akong kumuha ng damit. Buti nalang pala ay lagi akong may baon na damit.
"Kumusta na pala yung lalaki kanina?" Tanong ko kay Kendra habang tumitingin ako ng damit sa locker.
"Isunugod na sya sa hospital. Nakakaawa sya. JM is like a monster he do whatever he wants to do. He never think about others. I wish someone will heal his broken heart" Malungkot na pahayag ni Kendra.
"Broken heart?" Nalilitong tanong ko sakanya.
She take a deep breath and hold my hand "You're the only one who make JM like that. I though he will punch your face kanina. But I was surprise dahil hinatak ka lang nya palayo sa mga nag kukumpulang tao. Yeah broken heart. We are Fourth year high school way back then when JM fall in love with a girl name Ishii. Every one admire them dahil sobrang bagay na bagay talaga sila. But one day bigla nalang nawala si Ishii. No one knows kung saan sya pumunta doon na nagsimulang maging ganyan si JM. He became monster a psychopath."
Doon na tuluyang nasagot lahat ng katanungan sa aking isipan. Nasaktan sya kaya naging ganyan sya.
Takot syang mapalapit sa ibang tao dahil ayaw na nyang maiwan.